logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

⸙⸙⸙ PABALIK V: “A Smile In A Gossamer” ⸙⸙⸙

“Aso si Boyet?” Agad kong inayos ang sarili at inalok sila ng mauupuan. Lumundag ang aso mula kay Manilyn patungo sa akin at ako’y pinag-aamoy-amoy. Isang St. Bernard. Ang buntot nito'y mabilis na nagwawagayway at nilalabas-labas ang dila sa pagitan ng kaniyang mga tahol. Lumundag-lundag ito sa ‘king paanan, ang kaniyang mata'y nakikiusap.
“You tricked me,” bulong ko kay Trisha atsaka dinampot ang pantaas kong damit.
Kinuha niya ang aso at ngumiti sa ‘kin. “Hindi kaya.”
“I named him Boyet kasi bigay siya sa ‘kin ni Boyet,” paliwanag ni Manilyn.
"Ganito ‘yon, Granger. Si Boyet na tao, manliligaw siya ni Manilay. Tapos si Boyet ay bigay lang ng aso ni Boyet na manliligaw.” Tumigil si Trisha sa pagsasalita at inisip ang kaniyang paliwanag. Kumunot ang noo nito at tumawa. “Basta, basta may Boyet!” tinodo niya pa ang pagtawa.
Sinuot ko na ang damit ko at umungot-ungot ng mga tanong na kanilang ipinagtaka. “Sorry, ang sabi ko, akala ko kasal na si Manilyn. Trisha gave me details yesterday.” Lumakad ako tungong kusina para ilagay ang paksiw at kanin at naghanap ng tubig na maiinom sa mga pinamili. Narinig ko silang nag-aaway... ulit. Gutom na talaga ako no’n, bahala na sila. Tinikman ko ang paksiw, napakasarap ng asim ng balimbing.
“Naku, Granger ha? Don't believe Trisha. Naiinggit lang ‘yan kasi walang manliligaw-ay teka lang... Fiancé ka ba talaga nito?” Simple ko siyang sinagot ng hindi at nabuhay ang isang ngisi sa kaniyang labi. “Liar ka talaga bitch. Gusto mo lang bakuran ‘tong si Granger e!”
“Luh? Tadyakan kita d’yan. Kainin mo ‘yang Granger mo nang buo. Lunukin mo.”
“Kainin daw kita Granger hihi. And what? Wala pa nga akong anak jusmiyo. Storyteller ka talaga. Baka apat na aso, my four babies and I am a fur momma.”
Kumakain lang ako habang silang dalawa'y nagtatalo at maya-maya pa’y nagtawanan na naman. Pinag-usapan nilang muli ang mga Koreano. Kay hirap unawain ng mga babae, totoo, nahirapan na akong intindihin si Trisha, dumagdag pa ang matalik niyang kaibigan.
Mataimtim akong nagpatuloy sa paglilinis. Tutulungan ako ni Trisha, pangako niya pero nando’n lang silang dalawala sa sofa, parang inaatake ng altapresyon. Nairita ako no'n sa mga Koreano nila at sa pangungulit ng aso ni Manilyn. Gusto siguro makipaglaro. Balak ko sanang sabihan ang amo nito na kunin dahil nagsisimula na akong mainis.
“Hey, Boyet guy, ‘wag mong kagatin maong ko.” Binuhat ko siya at sana pala’y ‘di na lang.
“Aackk! Ang cute mo Granger while talking to Boyet! Oh my gosh ka! Manilyn! Naalala mo si Lee Jung Suk nung nilalaro niya ang aso niya? Sa Two Worlds!” Sabay silang nagkatinginan at impit na kinilig sa kanilang naiisip. Nilapag ko na ang aso at nagpatuloy sa ginagawa.
“Ay nga pala. Mga alas tres may lakad ako so ‘pag naka-alis na ako, dun lang daw tutulong si Trisha.” Humakop siya ng maraming tsitsirya at nilunok lahat. Nasamid dahil kinakausap ang matalik na kaibigan. Sa halip na tubig ang ibigay ni Trisha, inalokan niya pa ng maraming mani. Ako na lang ang bumigay ng tubig. “Bruha ka talaga! Hindi ka maasahan. Alis na nga ako! Malapit na mag-alas tres. Bye, Granger!”
“Mabangga ka sana sa daan!” Namuo ang katahimikan sa paglisan ni Manilyn. Tumigil si Trisha sa kaniyang pinapanood at nagsimulang tumulong sa pagwawalis. Ang kawalang kibo namin sa bawat isa’y nagbunga ng kaasiwaan sa hangin. “Masakit pa kamay mo?” Hindi siya nakatingin sa ‘kin. Marahil, para mabasag ang saliwa kaya nagtanong.
“Pa’no mo nalaman?”
“Kita ko lang kanina na ayun, baka nabigla mga muscles mo sa kamay.” Nagkaroon ako ng opurtunidad na makalapit sa kaniya. Binuksan ko ang basurahan pinapahayag na ibuhos niya ang mga basura.
“Swelling a little but they’re fine.” Hinulog niya ang mga basura ngunit ramdam kong hindi siya nakatingin sa basurahan.
“Paano ba naman hindi e mahirap ‘yon ta’s lima pa tinugtog mo. Nung college, sinayaw ko '‚yung dalawang tinugtog mo sa modern dance recitation namin. Sa sobrang bilis, nagkamali ako ng paghakbang at nabalian. Akala ko talaga that time e ‘di na ako makakapagsayaw forever, the healing process, ay grabe talaga ang tagal-tagal!” Ibinaba niya ang walis at dust pan. Pinulot ko naman ang basurang ‘di napasok.
Nagulat ako sa ginawa niya ngunit pinatay ko ang pagkahalata. “Trish.” Ang gaan sa pakiramdam habang sinusuri niyang mabuti ang dalawa kong kamay. “Pwede pakilagay nito sa labas?”
“No worries.” Ngumiti siya.
“Salamat.” Ngumiti siya ulit at lumabas na ng bahay.
Bente singko anyos ako no’n at naramdaman ang kilig ng isang nagbibinata. Tinitigan ko ang likod niya habang dinadama ang pitik ng aking puso. Tangina...
Ang hapon ay nasa karurukan na nang ako'y magdesisyong tapos na kami sa paglilinis. Pinaalahanan ko siyang ‘wag nang mag-abala kinabukasan sakaling siya'y nagbabalak na tumulong ulit. Bilang pasasalamat sa pinadala ni tita Jasmin, sinabayan ko na si Trisha sa pag-uwi niya. Ako na rin ang bumitbit ng kaserola't pinggan. Alas cinco dies, palabas sa aming bahay, sa mga puno ng madre cacao, may mga paru-parung lumilipad at mga sapot na lumulutang sa hangin. Sa aking pagsulyap sa kaniyang mukha, siya’y manghang-mangha sa anumang natuklasan.
“Gossamer.”
“Huh?”
“Mga sapot na lumulutang sa kalmadong panahon. This always seen in autmun however our country doesn’t have a season of autumn so assume it’s almost seen in September to October yet it’s Januray now. Baka ganito lang talaga sa mga probinsiya dahil magubat at tropikal talaga.”
“Ang dami mo talagang alam ampochi. Ano ba trabaho mo, Granger? Let me guess... umm... teacher ka rin ano? Pero sa anong subject? Music? Geography?”
“I’m... I’m not even a graduate. Pero kumuha ako ng BA Filipino... noon.” May hiya sa ‘king pag-amin. Kung hindi ko siya gusto; sa tuwing tinatanong ako kung ano ang trabaho ko; sa aking pagsagot sa ibang tao, walang bahid ng kahihiyan. Marahil nais ko lang na magpabilib sa kaniya nang hindi siya madismaya. Ang nais kong sabihin, doon lang ako umamin ng may hiya.
“Luh? Bakit? I mean, why? Ay tanga ko. Gusto mo i-open up ang topic na ‘yan?” giit niya na parang katulad ni inay. Sa tono niya, walang bakas ng panghuhusga. ”Uy, pero seriously ha? Ang talino mo talaga since then pa naman kaya ayaw talaga kitang kausap dati kasi ‘di kita ma-gets. Kung si Manilyn naman ang kausap ko—hays, bobita talaga ‘yun kaya ayoko rin sa kaniya kaya. Pareho na kaming mangmang. Psst, Granger, may aaminin ako sa 'yo. Isang malupit na malupit na sekreto. 'Yang Manilay na ‘yan? Feel ko talaga nandaya ‘yan sa LET exam, feel ko talaga inakit niya ang proctor.”
“Best friend ba talaga kayong dalawa?”
“Oo naman! Mahal ko ‘yun kasi libre na ang sakay papunta at pauwi sa school e libre pa ako sa lunch. Anyway, so ‘yown na nga, kaya kay kuya mo ako palagi sumasama kasi kahit matalino siya, na-fe-feel kong nag-a-adjust siya sa ‘kin. Maybe doon nagsimula ang crush thingy ko sa kaniya.”
“Hindi ako nakapag-graduate dahil sa bisyo. And another reason... nakulong ako while mum was... yeah. That's it. But I’m restarting my life.” Binigyan ko siya ng isang ngiti. Sa kaniya ko lang naik'wento ang isang maselang parte ng buhay ko-exception na siguro si Trisha nang ‘di ko alam.
Pumalakpak siya nang may pagkamamgha sa mga mata. “That’s the first genuine smile I received from you since yesterday. I feel honored. Shems, English ‘yun ha?” biro niya. Gano’n din ako no’n. It also felt like an honor to share a faction of my life with her.
“Granger, kunan mo ako ng pic. Ang ganda ng sunset ‘tsaka 'yong gossamer na sinasabi mo. Bilis!” Binigay niya sa ‘kin ang cellphone niya’t kaagad na pum'westo. “Gandahan mo ha? Pang profile picture ko ‘yan. Kakabugin ko si Manilay.”
“Sige.” Kung ano-anong pose ang ginawa niya ngunit hindi pa rin siya nakontento.
“Luh? Bakit ampanget ko diyan? Pati ‘yan? Delete natin ‘to. Naku, isang kuha na lang. Bilis!” Binaba ko ang cellphone at siya namang pagtaka niya.
“Relax and just smile.”
“Ganito ba?”
“Trish, mahal pa rin kita.” Lumawak ang kaniyang ngiti. Alam kong tatawanan niya ako at doon ko siya kinuhanan ng retrato. Nang tinignan ko ang kuha sa gallery, napakaganda niya. Dramatiko ang paligid taliwas sa buhay na buhay niyang ekspresyon. Ang ganda niya. Palagi...

Comentário do Livro (47)

  • avatar
    SapalNhora

    ❤️❤️❤️❤️❤️

    24d

      0
  • avatar
    Jemel Ariola

    maganda ang story

    18/07

      0
  • avatar
    BuendiaJolly

    rival in love

    17/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes