logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

⸙⸙⸙ PABALIK IV: Tugtugin ng Lumang Kaibigan ⸙⸙⸙

ALAS nuebe y trenta naka-alis kami sa bahay nila Trisha at sampung minuto ang makalipas simula nang kami’y makasakay sa kotse ni Manilyn. Nakita siya ni Trisha palabas ng kanilang gate at hinarangan kaagad saka pilit na sumakay, subalit ayaw ni Manilyn pero nang makita ako, binuksan kaagad ang pintuan ng kotse dahilan nang pagkatumba ni Trisha. Habang nasa biyahe, abala sila sa harapan sa pagkuk’wentuhan at huli kong narinig ay ang bagong student teacher sa kanilang paaralan—naging isang guro rin pala si Manilyn sa DNHS, Technical Livelihood Education naman ito: hair and make up—gwapo raw ang student teacher at mukhang natitipuhan nilang dalawa. Nakapagtataka dahil kasal na si Manilyn pero... Ito pa pala ang gusto kong klaruhin sa kaniya pero tinatamad akong mang-usisa. Nakaka-antok ang pagtingin sa labas ng bintana kaya tumingin ako sa harap at bahagyang nagulat dahil nakatingin na sa akin si Trisha.
Inalis niya ang earphones sa dalawa kong tenga. “Kanina pa ako sumisigaw!”
“Don’t shout at him! Kita mo naman na naka-earphones ang tao ‘di ba?”
“Luh? Kaya nga kailangan niyang sigawan para marinig niya ako kasi nga naka-earphone siya, duh!”
“Pero ‘wag mo siyang sigawan! Hindi niya naman kasalanan ang mag-earphones.” Kung hindi ko sila kilala, aakalahin kong nag-aaway talaga sila sa tono ng pananalita at pagrorolyo ng mga mata.
“Ano ba ‘yon?” Tumigil sila.
“Actually, wala naman talaga,” humalakhak siya. “Go! Balik ka na sa ginagawa mo. Ito earphones mo oh, sa ‘yo na ‘yan ulit.” Siya na mismo ang nagbalik nito sa ‘king mga tenga.
“Seriously, Trish?”
Bumalik na sila sa pag-uusap, tungkol naman sa mga pangalan ng mga Koreanong aktor. Lee Mingho? Park Soju? Sandali, soju ‘yon bang inuming alak? Ang sumunod na mga pangyayari ay pinagsisipa na ni Trisha ang kambya ng kotse ni Manilyn at hinahampas-hampas din ang bintana atsaka may aalisin niya ang seatbelt sa sobrang kilig.
“Shuta ka Trisha, ‘wag mong sirain kotse ko kinuha ko lang 'to last month.” Walang kabuhay-buhay ang pag-sermon nito kay Trisha na mas lalo lang nilakasan ang pag-uga sa inuupuan.
“Shet talaga Manilay! Ang pogi ni Lee Jung Suk! Kyaahh!”
“Punyeta ka talaga kung kiligin Trisha! Mababangga tayo hindi pa ako master sa pagmamaneho!”
“Hoy, Granger! Nakita mo na ba si Ji Chang Wook? Ang hot nun! Kyaahh!” Binuksan niya ang cellphone atsaka pinakita sa ‘kin ang litrato ng Ji Chang Wook. “Ito naman si Kim Woo Bin! Asawa ko rin ‘yan! Kyaahh!”
“Sige.”
“Ito pa, isa pa! Si Kang Ha Neul! Ang hot niyan sa personal! Rawr! Oh my gosh, Granger! ‘Wag kang gagalaw! Stay still!” Katulad ng sinabi niya, hindi nga talaga ako no’n gumalaw. Ang ekspresyon sa mukha niya ay parang nakakita ng kung ano. Hinawakan niya ang dalawa kong pisngi. "Namamalik-mata lang ba ako ngayon? Hindi e! Kyaahh! Ka-look alike mo si Gong Yoo, Granger—” Nakakailang... “Sorry. Pero kamukha mo siya.”
Hindi ko alam kung nailang din ba siya sa sitwasyon namin noon. Nagpasalamat ako kay Manilyn sa aking isipan. Umatras na si Trisha nang hindi makatingin sa ‘kin at hinampas ang katabi dahil sa ginawang pagpreno nang walang pasabi—biglaan na siyang nagdulot upang magkahalikan kami. Sa sandaling ‚yon, hindi ko sadyang mahawakan ang kaniyang dibdib, balak ko lang naman siyang pigilan.
“Sorry besh, you know newbie pa lang tayo sa pagmamaneho and... we are here!” Hinayaan ko silang lumabas; nagpalipas muna ako ng ilang sandali. Malambot lang ang halik; tinigasan naman ako. Lumabas lang ako nang humupa na ang naramdaman. Ang daming tao at may dumarating pa. Tama nga si Trisha.
Inabot kami ng isang oras sa opisina ng ILECO at isa pang oras sa bayan. Bukas na sila mag-i-install ng tubig at kuryente kaya naman napagdesisyunan kong bumili ng mga kakailanganin sa loob ng bahay. Hindi kakasya sa compartment ng kotse ni Manilyn ang dami ng aking nabili, napa-arkila ako ng dalawang padyak. Hindi na kami nagkasama ni Trisha pauwi matapos niya akong tulungan sa pagpili ng mga appliances. Mula sa Pagdugue hanggang sa downtown, hindi kami nagkaroon ng normal na pag-uusap.
Lulan ng trisikad, pinagmasdan ko ang tahimik na bayan ng Dumangas. Perkpekto para sa pagkakalas ko sa dating pamumuhay—sa dating buhay. Desidido na akong manatili at magsimulang muli. “Manong, doon po malapit sa puno ng acacia... pwede pong ihatid sa loob? Hindi ko po kayang buhatin lahat.” Ngumiti silang dalawa bilang pagtugon sa aking pakiusap.
“Ikaw ba ang may ari ng bahay na ‘yan, iho?"
“Opo, kakarating lang kahapon galing Maynila... Salamat po.” Binigyan ko sila ng tig-iisang daan at nagpasalamat ulit. Ang araw na ‘yon ay magiging mahaba, alam ko. Malaki ang bahay, malapad naman ang bakuran. Inuna ko ang sala at dahil wala pang tubig, hindi ako nakapaglampaso ng sahig. Kinuha ko ang mga telang nakatabon sa mga muwebles. Sa unang pagkuha, sumabog ang alikabok sa ‘king paligid kaya minabuti kong dahan-dahanin ang mga natitira. Sampung taon, sampung taon wala sa bahay at wala man lang may nagtangkang manloob para nakawin ang mga mamahaling gamit. Ang mga muwebles na naroon sa sala'y nagkakahalaga ng libo-libo kung ibebenta. Aabot ng singkwenta mil kung ibebenta katulad na lang sa dragon sofa set ni mama. Yari ito sa puno ng narra at molave na may detalyadong disenyo kuha sa kasaysayan ng mga Pilipino sa kapanahunan ng mga Intsik. Marami... maraming gagawin.
Ala una ng hapon, nagpahinga ako, kahit papa’no’y kumintab naman ang sala. Hindi ko na kinaya ang init dahil maalinsangan, hinubad ko na lang ang pantaas. Umupo ako pahiga at nakita ang aranya; mga batong garing at kulay puti. Iniwasan ko na lang ang pagtingin sa ranya dahil may bumabalik na isang masalimuot na ala-ala. Lumipas ang mga minuto, hindi na ako naka-alis. Pinilit ko na lang ang sarili kong tumayo at sa pagtayo, naagaw ng isang malaking bagay ang aking atensyon. Ang pakiramdam habang nilalapitan ko siya, nakakalungkot. Dumausdos ang tela nang akin siyang hawakan at nagpakita ang napaka-engrandeng piyano. “Pacco...” Ang kaniyang sopistikadong itim ay kumikintab sa silak ng ala-unang araw. “Kumusta, Pacco?” Pumindot-pindot ako ng iilang tiklado hanggang sa nakagawa ako ng isang himig. Gano’n pa rin ang tunog niya. Hindi na ako magaling. Naupo ako, binuksan ang makapal na musical sheet at unang lumabas ang Flight of The Bumblebee. Isang mabilis na piyesa na parang huni talaga ng lumilipad na bubuyog. Noon, hinabol kaming magkakaibigan ng mga bubuyog dahil hindi sadyang matamaan ng lata ng sardinas ang kanilang pulo’t-pukyutan. Nakatatak na ang ala-alang iyon dahil malapit na kaming kagatin kaya napatalon na lang sa punong. Natawa na lang kami dahil mas inalala pa ang lata ng sardinas dahil wala na kaming gagamitin sa tumbang preso. Nasaan na kaya sila? Sunod kong tinugtog ang piyesa ni Chopin, Waterfall. Isa na namang mabilis at nakaka-engganyong piyesa na nagpalitaw ng ala-ala kong kasamang naliligo ang pamilya karatig bayan. Napakasaya sa pakiramdam na maligo kasama ang mga kaibigan at pamilya sa agos ng rumaragasang talon. Sobrang saya at iyon din ang kauna-unahang pagkakataon na sumama sina nanay at tatay sa ‘min ni kuya. Hindi sila nakikipag-ugnayan palagi sa mga ka-baranggay, doon ko rin nakitang tumatawa sila, tumatawang tunay. Sunod na inalala ang isang kahapon sa tugtuging napakabigat. Mga napakabigat na agos ng problema na tumama at sumira sa aking pamilya. Gaya sa titulo, Torrent, dinaanan kami ng unos at ‘di na nakabangon. Napakapait pero parang gusto kong balikan nang maibago ang kasalukuyan. Matamis na mapait... Mas bumilis ang tugtugin at maraming teklado ang kailangang maabot at mapindot na kung si inay ang tumutugtog at kami ang mga teklado, hindi siya magkakamali sapagka’t pipindutin niya lahat ng mga puti’t itim para lang maayos ang takbo ng aming tugtugin. Gagawin niya ang lahat para mabuo ang tugtugin, hindi niya kailanman lalaktawan ni isang nota. Pipilitin niyang matiwasay ang tunog nito para sa mga tengang nasa labas ng bahay. Para presentable kami. Napakabigat sa puso. Inay... para akong nilulunod.
Sunod na piyesa, ‘Dance of The Sugar Plum Fairy’. Ito na marahil ang paborito ko. Sa ritmo staccato nitong panimula, sino’ng hindi mapapagalaw? Napapangiti ako sa mga ala-alang bumabalik kasabay ng pagdaloy ng himig na may galak at misteryo. Parang may isang makulit na diwata ang sumasayaw sa ‘king ulo. Palibot-libot at ang tumatagas niyang buhangin ay nagbibigay ng kakaibang saya. Trisha, ‘di ko malimutan noong sinayaw niya ito sa sekondarya. Ako ang kaniyang piyanista, piyanistang nagkamali. Pinagalitan niya ako dahil ‘di siya ang nanalo sa talent at si Manilyn ang umuwi ng kabuuang titulo. Mas nagalit pa siya sa 'kin dahil wala akong sinasabi habang umiiyak siya sa pagkatalo. Sa huli, siya pa rin ang unang lumapit at unang pumansin. Doon na nagsimula ang lahat. Huling bar lines at matatapos na ang piyesa.... at natapos na nga. Hinabol ko ang aking hininga at uminit ang aking mga kamay, isang dekadang 'di ako nakalaro ng piyano. Ang sakit, nabigla yata mga kamay ko. Puta sakit.
“Bra...vo...” may lumalakas na pagpalakpak sa aking likuran at nung nilingon ko, si Trisha, nakangiti siya. “That was fantabulous syems ka Granger mas lalo kang gumaling kang kupal ka!”
Tumayo ako. “So you’re there for so long. Ano ‘yang dala mo?” Yumuko siya para kunin ang kaserola at binuksan.
“Tentenenen! Paksiw na bangus sa balimbing! And here’s more! Tentenenen! Mainit na kanin! Alam ko kasing hindi ka luluto ewan alam ko lang. So yeah, late lunch ka na. Kasama ko pala si Manilyn at si Boyet. Nauna lang ako—oh, ayan na ata silang dalawa. Hawakan mo na lunch mo."
“Masakit kamay ko.”
“Hoy, gaga ka talaga Trisha.”
“Bobita ka naman Manilay. Pasok sa bahay ng fiancé ko.”
“Ay hello, Granger. Wow, ambango ng paksiw, anyway, si Boyet pala, aso ko.”
“Boyet is a dog?”

Comentário do Livro (47)

  • avatar
    SapalNhora

    ❤️❤️❤️❤️❤️

    24d

      0
  • avatar
    Jemel Ariola

    maganda ang story

    18/07

      0
  • avatar
    BuendiaJolly

    rival in love

    17/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes