logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

⸙⸙⸙ PABALIK III: Gabi, Ulan, at Gasera ⸙⸙⸙

MAYROONG katahimikan sa bumubuhos na ulan na tumitindi pa sa lumalalim na gabi. Ang hangin ay kay ginaw sa ihip ng amihan; natutunaw na ba ang yelo at nyebe sa lupain ng Siberia? Enero at kay lamig. Malapit nang malusaw ang mga kandila, mabuti at may natagpuan kaming gasera sa kusina. Hindi pa rin nakakauwi si Trisha, naroon siya sa study table naglalaro sa kaniyang cellphone, nagpapalipas. Napagod na ako kaka-bantay sa oras kaya minabuti ko na lang ang magpahinga. Sa paghiga, agad na bumigat ang mga talukap at kasu-kasuan. Pinilit kong pagkasiyahin ang aking tangkad sa kamang noo’y malapad na para sa ‘kin. Napaisip ako sa pag-amin niya dahilan para ako’y mapamulat. “Alam kong ikaw ‘yon, salamat sa paghahanap at pagbuhat sa akin, Granger.” Ang kulay ng ilaw mula sa gasera ay nagbibigay ng kakaibang epekto sa kaniyang mukha. Latinang-Latina sa balat nitong oliba, bilogang matang kay itim at ang mahaba’t maalong buhok-ang ganda niya. Ang nagpapatingkad sa kaniyang kagandahan ay ang kaniyang ngiti, ugali, at naaliw ako sa kaniyang katangkaran. Humikab siya nang todo unat ‘di alintana kung ano ang kaniyang magiging mukha. Walang pag-aalinlangan.
“Hindi ka pa rin nagbabago na para bang huminto ang panahon at ako lang ang naapektohan.”
Ngumuso siya, huminga ng malalim. “Taray neto... Events could change people. Wala pa namang trahedya o ano ang nangyari sa akin kaya I stayed the same. No remarkable change contrast to you—noong mawalan ka—ako hindi nawalan. I believe, that’s a great factor to your personality's sudden change.”
“So, you’ve felt that I'm a new person?”
“Kanina nung nagkita tayo ulit, aside from your physical appearance, ‘yung mga titig mo parang hindi na gaya ng dati. Before kasi chubby-chubby mo, napaka-bubbly and friendly mo-basta iba na given the fact na hindi tayo nagkita for a decade.” Lumapit siya sa akin dala ang silya, naintriga. “Perfect timing ‘to for us to catch up, 'di ba?” Pinilit niya akong paupuin pero tinatamad na akong bumangon.
Hinila ko na lang siya pahiga, “We can talk while laying.”
“Uncomfortable.”
“Wala namang malisya, we’re childhood friends, anyway.” Napangisi siya sa tugon ko.
Dahan-dahan na siyang humiga hanggang sa pakiramdam ko’y kumportable na siya. “Gaya ng dati, magkatabing matulog pero ang pinagkaiba lang ngayon, sumusobra na mga paa ng iyaking Granger sa kama.” Matapos ang tawanan ay sinundan ng maikling katahimikan sa aming pagitan. Siya na ang bumasag. “Kumusta ka na, Granger? Na-miss kita, k’wentuhan mo naman ako o. Ano ba naging buhay mo sa loob ng sampung taong ‘di natin pagkikita. Mga gano’ng bagay.” Ang mga katagang kaniyang binitawan ang siyang nagpatibok nang kay bilis sa aking puso. Nabuhayan ako ng loob, ang pagod at ang antok ay nalusaw sa mga titig niyang nagpapahiwatig ng isang saloobin. Bakit, bakit kay sarap sa pakiramdam na may taong may paki-alam pa pala sa ‘yo? Ang kagustuhan sa kaniyang tono at ngiti na malaman ang aking kuwento’y nakakabighani.
“Marami ang nangyari. Kain, tulog, tunganga, trabaho at trabaho ulit.” Ngumisi ako, totoo naman.
“Mabuti naman at marunong ka nang magsalita ng Tagalog pero nasanay ako na lagi kang nagsasalita ng English or conyo-conyo.”
“Pero hindi pa rin ako marunong mag-Hiligaynon. Natuto ako magsalita ng Tagalog pero ‘yong makalumang Tagalog naman. Dad and mum wanted me to become fluent in both dialects for the future purposes. Gusto nila maging isa akong pulitiko paglaki doon sa Maynila dahil mag do-doktor si kuya at ako ang tatahak sa pulitika.”
“Naalala ko na, nag-hire sila ng Filipino tutor mo, si ma'am lola pa nga tawag natin, tapos nagrerebelde ka sa kanila dahil hindi ka makasali sa laro namin kada weekend.”
“Hindi lang naman kasi Filipino subject ang tinuturo, sunod-sunod na.”
“Well, ‘di ka rin naman namin sinasali dahil pikon ka. Anyway, if ‘di nangyari ang nangyari sa pamilya mo, baka isa ka na ngang pulitiko sa Maynila.”
“And he’s a doctor by now, probably your boyfriend or even your fiancé.”
“P’wedeng husband na lang?” Humagikhik siya. “Well, maganda naman ako, hindi matalino tulad ninyong magkapatid pero ayos na, plus! Magaling ako sumayaw. Hays, nakaka-miss ang dati.” Nang masabi niya ang dati, natahimik ako na kaniyang napansin. “You can share your problem... Granger, si tita Mercedez, bakit siya umm... bakit siya namatay?”
Tumigil ako sandali, paano niya nalaman? Nawalan na kami ng komunikasyon sa kanila. “Pa’no mo nalaman?” Gumuhit ang awa sa kaniyang mukha. Nakita kong napalunok siya, marahil natakot sa reaksiyon ko.
“Sinubukan namin na contact-in kayo five years ago at na-contact nga namin si tita Mercedez through your mum’s friend sa munisipyo sa bayan. Noong mga oras na ‘yun, she sounded ill at sinabi niya sa 'min na may sakit nga siya at ungkol sa’yo—”
“Please stop.”
Pilit siyang ngumiti. “Pasensya na, na-curious lang ako ta’s nag-aalala sa ‘yo. I'm over the line, I guess?”
“Dito ka na magpalipas ng gabi. Mukhang hindi huhupa ang ulan.” Tumagilid na ako para hindi siya makita.
“Sabi ko magca-catch up tayo sa isa’t isa e, bukas na lang siguro. Oo nga, mukhang hindi titigil ang ulan. So, have a good sleep, good night!” Sa pag-uga ng kama, alam kong tumalikod na rin siya. Kay bagal ng paglipas ng oras, hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Ang gulo ng takbo ng utak ko dahil sa mga bagay na iniisip. Mga bagay na wala namang patutunguhan; endless thoughts need to be combed straight line, huh? Five years ago? Bente anyos ako kung gano'n at 'yon ang mga panahong nagsimula akong matuto sa mga bisyo, barkada-away, babae, at droga. Napapailing na lang ako sa mga pinanggagawa ko dati, nakakamangha pala but at the same time, regretting. Isa sa mga pinakamasakit na pakiramdam-ang manghinayang sa mga nangyari na. May mga natutunan pa rin ako mula sa nakalipas. Bakit kailangan kasi maranasan muna bago magtanda?
Tumagal ang pagmumuni ko hanggang sa narinig ko ang paghilik ni Trisha. Lumingon ako sa kaniya at binulong ang aking pasasalamat. “Goodnight and sleep well.” Tulog na tulog siya, tulog-mantika pa rin. Noong gabing ‘yun, tinanong ko ang sarili ko sa biglaang ginawa. “Walang kumot. Bukas ka na lang magalit sa ‘kin.”
⸛⸞⸛⸞⸛⸞⸛⸞⸛⸞⸛⸞⸛⸞⸛⸞⸛⸞⸛⸞⸛⸞⸛⸞⸛
Sa init ng araw, sa matinding ulan ng gabing 'yon, nakagawa ito ng isang hindi pangkaraniwang pangyayari, isang ‘petrichor’—ang amoy ng mundo matapos umulan at maarawan ang kalupaan. Katangi-tangi at kaaya-aya sa ilong lalo na dito sa probinsiya na kung saan ang lupa ay malusog at maraming pananim. Itong halimuyak ang siyang nagpabukas sa aking mga mata at unang natanaw ang mukha ng babaeng nakamulat na. Sa wari ko’y saglit siyang nauna sa paggising dahil bakas ang pagkalito sa kaniyang kariktan. Sinundan ko ang unti-unting pagbaba ng kaniyang paningin at doon ko namalayang yakap-yakap ko siya. Ang pagtugon ng aking katawan sa yakap ay iba—tawag ng laman. Kusa na akong bumitaw at bumangon, nag-unat ng katawan lalo na sa binti.
“Good morning?” Lumapit ako sa maleta para kumuha ng sipilyo’t toothpaste at iba pa para sa umaga. “Sandali lang, ihahatid kita mamaya sa inyo.”
Umunat-unat din siya saka tumingin sa cellphone. “Alas otso na pala... kaya pala, kaya pala hindi malamig kagabi. Ikaw ha?”
“Sorry.”
“Tsk! Wait, penge mouthwash! Atsaka saan ka kukuha ng tubig?”
“Bakit?”
“Walang supply ng tubig sa bahay niyo. Ten years na kaya, duh? Doon na tayo sa bahay, come on dude, lezzgo.”
“Saan pwede mag-apply? Pati na kuryente.”
“Kung tubig, sa NAWASA dun sa downtown, kung kuryente naman, sa office ng ILECO dun sa baranggay Pagdugue. Malayo ‘yun, tapos-anong petsa na ba ngayon?”
“January 7.”
“Hala, January 7? Maraming tao ngayon dun, payment and speaking of payment, pupunta pala ako dun para magbayad ng bill so sumama ka na lang sa ‘kin. Tara na sa bahay?” Matapos niyang sabihin ‘yon, binuksan niya ang mouthwash. Masigla na siya ulit. Nauna na siyang bumaba at sinigaw ang aking pangalan nang hindi pa ako nakaka-alis sa k’warto.
“Granger, bilisan mo! Promise, mas dadami ang tao ‘pag tinanghali tayo!” Ang tinis ng boses niya. Siguro, doon na lang ako maliligo sa kanila pero kinailangan kong palitan ang aking suot na pajama. Nagmumukha akong bata. Naririnig ko ang mabibilis niyang yapak paakyat ng k’warto at iniluwa siya ng pinto. “Aba, Ganda naman ng katawan! Haha, naku ba’t ka pa bibihis e ang cute mo kaya sa Ben 10!” Akala ko sisigaw siya o tatalikod sa kaniyang nadatnan. Iba siguro ang takbo ng utak niya, kakaiba siya.
“Ayaw kong maglakad nang tinatawanan.”
“Edi wow! Bilisan mo na lang diyan pero ang cute mo talaga sa pajama.”
“I will, sandali lang.”
Nang nasa labas na kami, napangiwi siya nang makita ang tarangkahan.
“Never again.” Sumama ang tingin niya sa ‘kin.
“Doon ako maliligo sa inyo.”
“Gusto mo sabay pa tayo.” Napataas ako ng kilay pero hindi ko siya nilingon. “Like in the good old days. Come on, wala namang malisya.”
“Not a good joke.” At doon siya tumawa.
“Loko-loko! Anong tumatakbo sa utak mo, ha? I mean, maliligo sa poso! Naku ka Granger.” Hindi ko na lang siya pinansin at binilisan ang paglalakad. “Hoy, hintay! Hala ka? Hoy, ba’t ka nag jo-jogging?”
“Naglalakad lang ako. Maliit lang talaga mga binti mo.”
“Wow ha, gaano ka ba katangkad? 5'11? Teka, parang 6’1—Hoy! Nakakahingal naman!”
Huminto ako at hinarap siya, “Dancer ka na mabilis hingalin?”
“Hindi lang ako prepared, ano.” Kumuha siya ng isang malalim na paghinga. “Granger, tumalikod ka bilis!” Hindi ko siya sinunod kaya napilitan siyang pumunta sa likuran ko.
“Ano bang gagawin mo?”
“Piggy ride back! Takbo na!”
“We ain’t kids ‘nymore, Trish. And it’s piggy back ride.” Kinurot niya ang dalawa kong pisngi at hindi ko naitago ang sakit.
“Literal! Twenty five na tayo grr! Na-miss ko ang chubby cheeks mo, anong ginawa mo sa kanila, Granger? Nasa'n na sila?”
“Exactly, we’re twenty and stop it. Masakit. Bumaba ka na.”
Tumawa lang siya ng malakas. “Doon mo na lang ako ibaba sa kalsada. Para kang si others.” Tinamad na akong makipagtaltalan at sumunod na lang.
Sa pathway palabas, hindi man lang ako nakadama ng pagkakailang. Marahil dahil sa pagtrato niya sa akin na parang hindi kami nagkahiwalay ng isang dekada. Gusto kong magpasalamat sa kaniya, sa ganoong pagtatrato niya sa akin.
Ang amoy ng lupa, umuusbong... “You know this distinctive scent?”
Napaisip siya nang matagal. “Oo, pero ano’ng tawag diyan? Nakaka-adik ang amoy ha. Parang pabango mo. Ano pabango mo? Ang bango ampochi.”
“It”s called... petrichor."
"Ano pabango mo hoy!”
“Petrichor.”
“Ano nga sabi.”
“Petrichor nga.”
“Bibili ako niyan ang bango, ayaw ko na sa Victoria Secret. Ano nga ulit?”
“Trish...”

Comentário do Livro (47)

  • avatar
    SapalNhora

    ❤️❤️❤️❤️❤️

    24d

      0
  • avatar
    Jemel Ariola

    maganda ang story

    18/07

      0
  • avatar
    BuendiaJolly

    rival in love

    17/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes