logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

⸙⸙⸙ PABALIK II: Ang Bahay na Pinaglumaan ng Panahon ⸙⸙⸙

MAY pag-aalala kay tita habang nililinis ang aming pinagkainan. “Doon ka matutulog ngayong gabi?” Sinubukan kong tumulong pero ‘di niya ako pinayagan, bisita raw ako at nakakahiya naman para sa kanila. “Sampung taon na ring hindi ‘yon nalilinisan atsaka maglilinis ka pa e kakauwi mo pa nga lang?”
“P’wedeng-p’wede ka naman matulog dito, iho," sambit ni mang Bebot sabay abot sa tabletang gamot, “kung gusto mo e tabi pa kayo ni Trisha ‘yong kagaya ng dati ninyong ginagawa.” May halong kindat ang huling katagang kaniyang diniinan.
“Dati pa po ‘yon, mang Bebot. Mga panahong inosente pa kami. Tita, ayos lang, mabilisan lang naman ang gagawin kong paglilinis. Ang tama lang po para makatulog ako.”
“Ma, pa, tutulungan ko na lang si Granger, tutal ihahatid ko naman ‘yan mamaya tapos ko ‘tong hugasan. Ora mismo.”
“H’wag na. Baka may mga gawain ka pang naka-toka sa eskwelahan.”
“Sabado naman bukas, choosy ka pa boy. Ito na, tapos na ‘ko dito, let’s go!” Wala na akong nagawa dahil gano’n silang magpamilya. Pinabaunan ni tita Min ng kapote ang anak bago kami pinatahak. Sa daan, may mangilan-ilan ang bumabati kay Trisha. Nagtataka, nagbubulong-bulungan na sa wari ko’y patungkol sa ‘kin.
“Yes po mga kapit-bahay, ka-sitio at mga ka-baranggay. Yes po, opo hindi kayo nagkakamali sa mga haka-haka ninyo. Ang kasama ko tonight is no other than my fiancé, he is Granger de Haya!” Lumaki ang mga mata ko sa ginawa ni Trisha, sa pagpapakilala niya sa ‘kin. Walang pasaring at kung ‘di ko siya kilala, maniniwala ako. Posible pa lang hindi magbago ang ugali ng isang tao?
“Oh my god! Is that you, Granger?!” Isang maarteng boses ang mas nangibabaw sa kaartehan ng boses ni Trisha. “And what are you wearing, Trisha? Kapote? Mukha kang-kakanin ka gurl?”
“Shut up, Manilyn. Let’s go, babe.” Tama nga ang hinala ko, siya si Manilyn. Nagkakulay na ang kaniyang balat ‘di tulad noon na sobrang putla. Kinuwento ni Trisha na may anak na siya at apat pa. Kung pag-iisipan nang mabuti, bente singko pa lang kami no’n kaya paano niya pinagsunod-sunod ang apat? Iyon ba ang tinutukoy niyang masipag silang mag-asawa? Dumako ang tingin ko sa ‘king katabi, nahuli ko pa ang pangingisay ng makulit niyang mata.
“Maldita ka talaga forever, Trisha, I don't believe it. You, being his fiancée? Wala ka namang engagement ring, liar!”
“Bobita ka talaga, Manilyn. Sinangla ko muna sa Palawan kasi nga nabundol si papa and it’s  fine naman kay Granger. ‘Di ba loves?”
“Ows, ‘di nga?”
“Ipulupot ko pa ‘tong kapote ko sa ‘yo e.”
“Kumusta, Manilyn?” inistorbo ko na ang namumuong bangayan sa kanilang dalawa. Iyon rin ang ginagawa ko noon, referee, taga-awat. “Gumanda ka lalo, kumusta buhay?”
“Oh my god! Ikaw nga ‘yan Granger! Waahh! I miss y”—Sinupalpal ni Trisha ang mukha niya nang magtangkang yayakap sa ‘kin. “Aray ko!”
“Landi mo, fiancé ko na nga ‘yan, ‘di ba? Alis!” doon nagsitawanan ang mga nanonood, pawang sanay sa nasaksihan.
“Mukhang wrong timing ang pagkikita natin, Manilyn. May pupuntahan pa kami ni Trisha. Baka bukas, we could catch up together with the rest. It’s nice meeting you again.” Ako na ang lumapit sa kaniya at yumakap, dama kong iniinsulto niya si Trisha mula sa ‘king balikat. “Wala pa rin kayong pinagbagong dalawa.”
“Aba, meron!” sabay nilang tutol, nagkatinginan at nagtawanan.
“Mas maganda ako sa kaniya, ‘wag nang umangal bruhilda ka Manilyn.”
“Shuta ka girl? Sa’n banda? Mukha kang suman!”
“Mukha kang panis na lugaw!”
“Girls, stop it.” Natawa ako, “Trisha, tayo na. Bukas na lang Manilyn.”
“Okay, Granger!”
“Pabebe ka! ‘Okay Granger!’ Duh! Let’s go na nga aking irog. Atin pang dadamhin ang pagmamahal ng bawat isa.” Humalakhak siya. “Bye besh.” Mariin akong pumikit at napigilan ang pagtawa.
Malapit na kami sa bahay, nasabi ko sa sarili nang makita ang matayog na puno ng acacia. Parang nagiging pamilyar ulit ang daan sa kabila ng mga bagong tayong tahanan. Ilan na kaya ang populasyon ng aming baranggay?
“Ano ba naman kasi, bakit doon pa talaga ang bahay niyo? Napakalayo talaga, kaya dati e tinatamad akong bumisita sa inyo LALO na kapag gabi. Except na lang kapag may handaan kayo. Tsibugan ‘yun e...” Iyon ang una niyang salita matapos ang bangayan nila ni Manilyn. Nakatutuwa siyang pagmasdan sa suot niyang kapote habang nilulundag-lundag ang sirang pathway. “Don’t look at me like that enebe! ‘Kaw Granger, ha? Baka seryosohin mo ‘yong kanina?”
“Bilisan mo na lang d’yan.”
“Excited ka nang matulog?” Ako na ang nauna sa paglalakad. Hindi ko alam, ewan, may kakaibang galak akong naramdaman simula no’ng makita ko ang puno ng acacia. “Aba’y excited nga.” Ang mga madre cacao na sadyang tinanim ng yumaong lolo nang patuwid sa dalawang linya. Sila’y pawang nakayukong mga tauhan, parang naghintay nang kay tagal sa isang pagbabalik. Wala na ang araw, isang oras na nang lumubog at tanging ilaw sa aming mga cellphone ang gumagabay. Kaunting lakad na lang, malapit na... ang bahay... tanaw ko na ang bahay namin. “Nakakatakot talaga ang bahay niyo kahit kelan.” Dala ng kalumaan at istilo, nagmistulang pugad ng mga hindi matahimik na kaluluwa. Dalawang palapag na gawa sa mamahaling kahoy, kumuha pa ng arkitekto si papa noon para sa panlooob at panlabas na disenyo. Tipikal na bahay ng isang pamilyang may kaya. Doktor si tatay at si nanay nama'y isang sekretarya sa munisipyo. Kastilang-kastila ngunit hinaluan ng istilong Amerikano—post-war Filipino architecture ang pagka-alala ko—bahay na kadalasang matatagpuan sa mga alta sociedad... dati ‘yon sapagka’t sa na lamang itong pinaglipasan ng panahon. Bahagi ng nakaraan na ayaw kong balikan ngunit natagpuan ang sariling mga paa na kay tulin sa paglalakad. “Uy Granger, pa'no ‘to? May kandado ang estokada?”
“D.G.”
“Huh? Anong D.G. ka d’yan?”
Umunat-unat muna ako bago siya sinagot, “Dating gawi.” Tinapon ko sa loob ang maleta na siyang ikinagalit niya, baka raw may masira. Umatras ako para sa isang b’welo, tumakbo at isang mataas na talon; sermon naman siya nang sermon.
“Mabalian ka ng buto wala akong alam sa first aid!” histirikal ang kaniyang boses. Gusto ko sanang sabihin na may pagk-akyat-bahay ako, naimpluwensiyahan lang ng mga naging ka-tropa sa Maynila. Para akong pusa na hindi nakagawa ng ingay pagkaapak sa lupa. Nakapasok na ako pero paano—“Paano naman ako?” sabi niya at iyon ang aming problema.
“Sandali lang... umakyat ka na lang?” Bumilog ang mga mata niya at siya’y namewang.
“Duh!” Doon ko naalalang may trauma ito sa mga akyat-akyat. Siya rin naman ang may kasalanan kung bakit. Dati, sumabit ang tsinelas niya sa puno ng Kanggog at nagpumilit na siya talaga ang aakyat, nagpakitang gilas sa mga kalaro at sa kay kuya. “Ba’t kasi nilakasan mo dati ang pagsipa? Slipper game lang naman ‘yon ‘kala mo teakwondo olympics.” Gano’n din ang ginagawa ko katulad ng pagpapakitang gilas niya kay kuya. Sinusubukan kong kunin ang kaniyang aten’yon.
“Trish, lumalakas na ang ambon, ikaw lang ang may kapote, akyat na.” Siniyasat ko ang estokada kahit gawa ito sa bakal baka bumigay. “Matibay naman, susuportahan kita. Bilis na.” Wala akong alam kung ayos lang ba na pilitin siya, masama ba ito sikolohikal o hindi. Pero kumalma ang mga balikat niya’t binigay sa ‘kin ang cellphone.
“Subukan mo lang, ‘pag ako nahulog na ‘di mo nasalo, naku Granger! Mabubugbog ka ng mga kanto boys ko sa proper, tandaan mo ‘yan.”
“I will.” Dahan-dahan na siyang tumuntong sa bakal at siya namang paglakas ng ulan. “Sandali lang, mababasa maleta ko’t cellphone natin. Lagay ko muna sa bungalow.”
“Hoy! Granger! Bumalik ka ditong kupal ka! ‘Pag di ka bumalik mamamatay ako dito!” Binilisan ko na lang ang pag-akyat sa ikalawang palapag. Babalikan ko naman siya, ‘di ko alam, tumigil ako at binuksan ang kamera. Kinuhanan ko muna siya ng litrato, para siyang baguhang miyembro ng akyat-bahay gang. Parang no’ng unang sabak ko lang kasama ang mga tropa.
“Sorry.” Mabilisan ko siyang hinawakan sa baywang at inalalayan pababa.
“Sorry mo mukha mo! Papatayin mo ‘ko sa nerbyos!”
“Bitawan mo na.”
“Ayoko nga, wala na akong tiwala sa ‘yo. Alam mo naman ang history ko ginawa mo pa rin ‘yun? Ba’t ka pa bumalik sa Iloilo? Para patayin ako sa nerbyos?”
“Dali na, Trish, nababasa na ako ng ulan. Hindi naman mataas, ako naman babagsakan mo.”
“Duh, kumbinsihin mo muna ako.”
Napakamot na lang ako sa batok, “Ibang klase ka talaga.” Binitawan ko siya, sisigaw pa sana pero nang makita ang pagbukas ng mga kamay ko para sa isang pagsalo, huminto siya’t ngumiti. “Ayos na ba ‘to?”
“Ayie, ayan na. Na-convinced mo na ako. Don’t worry, magaan lang naman ako, dancer kaya slim body. Atsaka, wala na akong trauma, na-overcome ko na ‘yun matagal na.”
Napabuntong-hininga ako. “Bilis. Talon.”
“Psh! Okay! Saluhin mo ako, Granger! Darna!” Hindi nga siya mabigat. Ang tibok ng puso niya, ramdam ko ang kakaibang pagtibok. Yumuyugyog ang katawan dahil sa kaniyang pagtawa. Tinakot ko nga siya nang husto.
“Ngayon lang kita nayakap nang gan'to kahigpit.” Hindi siya sumagot, nagtaka ako ngunit hindi ko pa rin siya no’n binibitawan.
“H’wag mo nang uulitin ‘yon ha, siyempre hindi na ‘yon mangyayari pa pero salamat. Ngayon, ikaw naman ang bumitaw. Chancing ka.” Ngumiti siya, isang ngiti sa malakas na pag-ulan. ”Basa ka na, tara na sa loob. Iyaking Granger.”
Nauna na siya sa pag-akyat at namewang nang makita ang pinto. “Jusko namarn. May kandado ulit. Pa’no 'yan? Uy, sa’n ka na naman pupunta, Granger?” Sumenyas akong may kukunin sa baba. Naghanap ako ng batong p'wedeng pangsira sa kandado. “Gagana kaya ‘yan? Hays, basa ka na talaga.”
“Ilawan mo. Luma naman ang kandado siguro naman masisira. Trish, atras ka muna.” Sobra sampung hampas bago tuluyang nasira pati ang knob saka eskutyun.
“Sanay na sanay a?” tapik niya sa ‘king balikat at siya na mismo ang nagbukas ng pinto.
“Luma lang talaga.”
“Uy, Granger! Sa’n ka na naman ba pupunta? Takot kaya ako sa dilim.” Sumunod na lang siya nang hindi ko sinagot. Hinanap ko ang mga kandila ni mama sa kusina at bawat hakbang ay nagsasanhi ng langitngit sanhi ng paghawak niya sa laylayan ng aking damit.
“Trisha, bakit ka nga ulit takot sa dilim?” Naghintay ako ng sagot at wala akong narinig. “Sabi ko naman kanina ‘di ba? Ba’t ka pa sumama?” Muli, wala akong narinig na sagot, nilingon ko na siya. Sa ilaw ng cellphone, napagmasdan ko kaniyang mukha. Mariing pikit na natatakot. Tanga lang siguro ako dahil alam ko naman kung bakit siya nagkakagano’n sa dilim. Dati kasi:
“We’ll hunt fireflies, sumama ka, kuya is coming with us.”
“Talaga? Oh my! Sige!”
.
.
.
“Nasa’n na kuya mo, Granger? Wait, pakana mo ‘to ano? Sabing 'di kita crush, kuya mo ang crush ko!”
.
.
.
“Magandang gabi, Mercedez, Alonzo, pasensya na kayo sa abala e ito kasing si Trisha e hindi pa umuuwi. Nag-aalala na kami ni Bebot.”
“Tita, magkasama kami kanina ni Trisha sa kagubatan. That was seven pm. We were supposed to catch fireflies.”
.
.
.
“Tita Jasmin, nandito si Trisha sa balete tree! She is sleeping.”
Ako ang bumuhat sa kaniya noon, talagang nagpresinta ako kay mang Bebot at tita Jasmin. Nilagnat siya ng pitong araw at sa makalawa nun, kinuwento niya ang nangyari. Noong pauwi na siya matapos magalit sa'kin, isang pulutong ng alitaptap ang nagpatigil sa kaniya. Sinubukan niyang hulihin pero kahit isa ay wala. Nagsimulang umalulong ang mga aso hanggang sa natakot na siya sa kadiliman ng gubat. Pinasalamatan niya si kuya, hanggang ngayon, hindi niya alam na ako ang nakakita't bumuhat sa kaniya pauwi.
“It’s okay, Trish. Nandito naman ako. Tara sa kwarto.” Hinawakan ko na ang kamay niya at nilapit sa ‘kin. Akala ko ay kailangan ko na naman ulit sirain ang pinto, salamat at hindi ito nakakandado. Ramdam ko ang mga sapot sa ‘king mukha. Mukhang wala siyang balak na bitawan ang kamay ko. “Kukuha lang ako ng lighter sa bulsa.”
“Wala akong tiwala,” Kinapa niya ang bulsa ko at kinuha ang lighter. “Sindihan mo na, bilis Granger.” Natagalan bago umapoy dahil nabasa rin; sinindihan ko ang limang kandila.
“P’wede mo nang bitawan ang kamay ko. I'm going to change some clothes.” Mahinahon kong pagkumbinse subalit hindi naniwala. Mas hinigpitan pa niya ang hawak sa aking kamay. “So you want to take off my clothes as well?”
“P’wede rin, wala namang malisya. We’re childhood friends anyway.”
“Trish, I’m not going anywhere. I'm still... Trish, lalaki pa rin ako.” Naghintay akong maintindihan niya kung ano ang ibig kong sabihin; naghiwalay ang aming mga titig. “Nilalamig na ‘ko, bilisan mo na Trish.” Tahimik akong nagulat nang kaswal niyang inalsa ang aking pantaas. “Fine.” Itinaas ko na lang ang dalawa kong kamay.
“Ilan na ba ang naikama mo, Granger?” Unpredictable. “Alam kong marami ka ng GF at... gano’n sa Maynila?”
“Hindi lahat at hindi maganda ang topikong ito... I’m going to change my jeans. Turn around. No reasons or but’s.”
“Alas otso na mamaya pero hindi pa rin tumitigil ang ulan. Uy, hatid mo ‘ko sa bahay ha? P’wede na bang tumingin?”
“Not yet,” binilisan ko ang pagsusuot ng pajama at iniwan siya para kumuha ng panglinis. Dinahan-dahan ko ang paglalakad para hindi niya malaman. Nagsasalita siya, marahil nagkukuwento ng kung ano-anong bagay para ilihis ang takot. Kahit malaki o matanda na ang isang tao, may mga bagay pa rin talagang kinakatakutan. Umakyat na ako nang makita ang walis Baguio. Pagbalik ko, nadatnan ko siyang nagkukuwento pa rin nang nakatalikod.
“At ayun na nga, blue na ang favorite color ko. Ano sa ‘yo?”
“Maroon. Pwede ka nang lumingon. You can sit down, ako na lang ang maglilinis.”
“Okay... by the way, ang cute mo sa pajama. Ben 10.” Parang humupa na ang takot niya. Nagsimula na akong maglinis at napahinto sa mga sunod niyang binanggit.
“You knew all along?”

Comentário do Livro (47)

  • avatar
    SapalNhora

    ❤️❤️❤️❤️❤️

    25d

      0
  • avatar
    Jemel Ariola

    maganda ang story

    18/07

      0
  • avatar
    BuendiaJolly

    rival in love

    17/07

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes