logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

CHAPTER THREE

HINDI na bago para kay Kahlil ang ginagawa niyang paghatid at sundo kay Faye dahil buhat nang nagkaroon siya ng lisensiya ay madalas na niya itong pinasasakay sa kotse para makalibre sa pamasahe. Tanging si Faye lamang ang pinapayagan niyang babae na sasakay sa kotse niya sa kadahilanang hindi nito ipararamdam sa kanya na aabusuhin nito ang privilege na ibinibigay niya. Kadalasan pa nga ay tumatanggi ito dahil nahihiya ito sa kanya. Napapasakay lang niya ito kapag sinasabi niyang traffic at walang jeep na dadaan sa direksyon ng bahay nito.
“Anong oras ang tapos ng webinar mo mamaya?” tanong ni Kahlil sa isang kaswal na tinig.
“Depende sa trainer namin, kadalasan kasi ay overtime kami hanggang five thirty pm kapag mahaba ang itinuturo sa amin,” sagot naman ni Faye.
Nangunot na lamang ang noo ni Kahlil dahil kahit na alam niyang may kinalaman sa trabaho ni Faye ang sinasabi nitong webinar ay nahihilo pa rin siya kapag sinasabi nitong may kinalaman sa paggawa ng lesson plan at assessments ang seminars na pinupuntahan nito. Para kasi sa kanya ay pare-pareho lamang lagi ang activities na ginagawa ng mga teachers kapag sila ay nasa loob na ng isang actual classroom setup.
“Seryoso, hindi ka pa ba nahihilo sa webinar ninyo?” tanong ni Kahlil sa dalaga. “Para kasing magkakamukha sila eh.”
“Magkakamukha sila pero since nasa online classes naman kami ngayon pero may adjustments na rin kasing ginagawa para maging suitable sa lahat ang mga klase namin,” paliwanag ni Faye. “I mean, hindi naman kasi lahat ay kaya ang gastos sa online class kaya gumagawa rin kami ng modules para sa mga offline students namin.”
Napatango na lamang si Kahlil sa sinabi ni Faye kahit na obvious naman sa mukha niyang hindi pa rin niya naiintindihan ang ginagawa ng dalaga. Para kasi sa kanya ay mas nadagdagan lamang ang trabaho ng dalaga ngayong naging online ang mga klase nila. Pakiramdam nga niya ay mas nadagdagan pa ang stress ng kaibigan niya dahil naging doble o triple pa ang gawain nito para sa iisang lesson lamang. Kunsabagay, ano ba naman ang alam niya sa trabaho ng kaibigan niya eh magkaiba sila ng trabaho.
Nagulat na lamang si Kahlil nang tinapik siya ng dalaga sa balikat kahit na malayo pa sila sa pupuntahan nilang paaralan. Kumunot pa ang noo niya dahil sinabihan siya nitong ibaba na lamang sa pinakamalapit na kanto.
“Bakit hindi ka pa magpababa sa tapat na mismo ng school para hindi ka na maglakad pa?” tanong ni Kahlil sa dalaga. “Minuto rin ang itatagal ng paglalakad mo ah.”
“Okay lang iyan, hindi naman ako uubos ng thirty minutes sa paglalakad,” sagot ni Faye. “Isa pa, late ka na rin sa trabaho mo. Paano na lang kung empleyado ka lang din tulad ko? Baka nasabon ka na ng boss mo.”
Isang mahinang tawa na lamang ang pinakawalan ni Kahlil nang sandaling iyon dahil sa sinabi ni Faye, “Para namang mangyayari iyon eh ako nga ang boss. Hayaan mo na akong ihatid ka para hindi ka na maglakad pa.”
“I appreciate that offer pero hanggang diyan na lang talaga sa kanto,” giit ni Faye. “Napapalayo ka nang masyado.”
Wala nang nagawa si Kahlil kundi ang pagbigyan na lamang si Faye sa gusto nito. Hindi rin naman niya kasi magagawang pilitin ang dalaga kung ayaw naman talaga nitong magpahatid sa kanya hanggang sa tapat ng pinapasukan nitong paaralan.
“Salamat sa ride ah, bawi ako sa iyo kapag natapos na ang webinar namin,” sambit ni Faye sa binata bago pa man siya nagpaalam sa binata para pumasok na sa paaralan.
ISANG malalim na hininga na lamang ang pinakawalan ni Faye nang nakarating na siya sa tapat ng gate ng pinapasukan niyang paaralan. Ideal na para sa kanya ang offer ng binata na ihahatid siya nito. Iyon nga lang, tinamaan na siya ng hiya sa katawan dahil alam niyang iikot pa ang binata para lang makabalik sa tamang way nito papuntang opisina. Kung sakali mang nagpahatid siya hanggang sa tapat ng paaralan ay siguradong makikita sila ng principal at hahatakin nito si Kahlil para lamang ireto sa kasamahan niyang si Monika na matagal nang patay na patay sa bakla niyang kaibigan. At iyon na siguro ang dapat niyang iwasang mangyari dahil luhaan na naman silang mag-uusap ni Monika kapag napagsalitaan ito ni Kahlil nang hindi maganda.
“Ang akala ko ay hindi ka na papasok,” sabi ni Monika nang nakapasok na si Faye. “7:40 na kasi tapos wala ka pa.”
“Pasensiya naman na, nalate na ako ng gising dahil ginagawa ko na ang output na kailangan para sa workshop,” sagot ni Faye.
Isang hindi naniniwalang tingin na lamang ang ibinigay ni Monika sa kasamahan nang oras na iyon. Hindi niya alam kung paniniwalaan ba niya ang sinabi ni Faye o hindi dahil hindi naman niya nakikita ang eyebags nito. Para ngang maganda pa ang gising nito.
“Huwag mo na akong paghinalaan pa, concealer lang ang katapat niyan,” sabi ni Faye sa dalaga.
Kahit na sabihin pang late na si Kahlil ay hindi naman iyon nangangahulugang may nasira na sa schedule niya. Sa katunayan ay may isang oras pa siyang uubusin bago simulan ang monthly board meeting nila. Pagkapasok na pagkapasok niya sa loob ng opisina ay tinawagan niya agad ang branch kung saan niya ipinadala si Marlon upang i-check ang kalagayan nito.
“Nandito na po ang bagong manager na ipinadala ninyo , Sir,” sabi ng isa sa mga tauhan kay Kahlil. “Hindi po niya kayo ipinapahiya dahil alam po niya ang mga bagay na dapat po niyang gawin.”
Isang malalim na hininga na lamang ang pinakawalan ni Kahlil nang sandaling iyon, “That is good to hear. Bantayan ninyo lagi ang kilos niya para malaman ko kung hanggang sa umpisa lang ba ang ipinapakita niyang galing o talagang magaling siya.”
“Yes, Sir.”
Napasandal na lamang si Kahlil sa inuupuan niya. Palaisipan pa sa kanya kung bakit hindi nagpahatid si Faye sa kanya sa school. Sa pagkakatanda niya ay komportable naman ito noon kapag hinahatid at sinusundo niya ito.
“Wala naman sigurong masama kung mamaya ay susulpot ako doon para sunduin si Faye. I mean, pareho naman kaming single.”
SECOND day of webinar proves to be an arduous task for Faye dahil literal na walang pumapasok na impormasyon sa utak niya. Ang daming inputs na ibinigay ng trainer niya pero nawalan na siya ng pagkakataon na mapagpraktisan ang mga napag-aralan nila dahil lagi silang overtime. Kung sina Monika ay nagbreak na, siya ay nakikinig pa rin sa trainer nila. Ni hindi na nga rin siya nabigyan pa ng pagkakataon na muling makausap ang mga kasama niya sa workshop dahil dire-diretso sila sa discussion. Thankfully, gumawa si Sir Warren Espinosa, isa sa mga kasama niya sa webinar ng isang group chat para doon sila magkausap-usap tungkol sa mga tasks na kailangan nilang tapusin.
“Seryoso, wala talaga akong naintindihan kanina,” chat ni Sir Warren sa group chat. “Tiyan ko na kumakalam lang ang narinig ko.”
“Paano kaya tayo niyan bukas?” tanong ni Faye. “Mukhang malaking sakripisyo ang gagawin natin bukas para lang makatapos.”
“Bahala na si Batman bukas,” sagot ni Warren. “Ang mahalaga ay may maipresent tayo.”
Napahilot na lamang si Faye sa kanyang likod nang siya ay muling nag-lag at inilabas ng zoom sa webinar. Hindi na siya nagtangka pang bumalik dahil patapos na rin naman ang session nila. Nakapag-attendance na rin naman siya kaya wala nang problema kung hindi siya bumalik.
“Faye, tapos na ba kayo?” tanong ng principal ni Faye. “Nasa baba na si Kahlil, hinihintay ka na yata.”
Nagulat na lamang si Faye sa sinabi ng kanyang principal, “Po? Nandiyan po siya?”
“Oo, bumaba ka na at hinaharot na ni Monika ang kaibigan mo,” sabi ng principal in a warm tone.
“Sige po, Ma’am,” magalang na sabi ni Faye sa principal. “Ayusin ko lang po ang gamit ko.”
Tulad nang inaasahan ni Faye, isang disgusted look ang nakapaskil sa mukha ni Kahlil habang kinakausap ito ni Monika. Napailing na lamang siya dahil alam niyang hindi talaga komportable ang bakla lalo na at majority ng aksyon ni Monika ay may kasamang flirting. Well, hindi rin naman niya masisisi si Monika lalo na at matagal na rin naman niyang alam na may gusto ito sa kaibigan niya sa kabila ng katotohanang bakla ito. Isang mahinang ehem na lamang ang pinakawalan niya para maipaalam sa dalawa na nakalabas na siya.
“Buti naman at nakalabas ka na, let’s go,” masungit na sabi ni Kahlil sa dalaga. “Ihahatid na kita sa inyo.”
“Uuwi na kayo? Pwedeng makisabay?” tanong ni Monika.
Bago pa man makatanggi si Kahlil ay naramdaman na lamang niya na tinapakan siya ni Faye sa paa. Kahit na sabihing maliit na babae si Faye ay ramdam na ramdam naman niya ang bigat ng paa nito. Isang masamang tingin na lamang ang ibinigay nito sa kanya nang nagsalubong ang mata nila. Mukhang wala na naman siyang magagawa kundi sundin ang kagustuhan ng kaibigan.
“Sige, sumakay ka na,” sabi ni Kahlil kay Monika. “Ihahatid ka na namin.”
Isang matamis na ngiti na lamang ang pinakawalan ni Faye nang muling nagsalubong ang tingin nilang dalawa. Napailing na lamang siya dahil kahit na kilala niyang masungit si Bakla ay hindi naman nito nagagawang hindian ang mga gusto niya.

Comentário do Livro (44)

  • avatar
    POLIQUITCATH

    love it.

    11/07

      0
  • avatar

    sangat kesunduan

    30/05

      0
  • avatar
    TibayElvira

    the story it's so nice recommended this.

    24/05

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes