logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Kabanata 6

Kabanata 6
NASA library si Lisa habang lunch break dahil nahihiya siya kay Analyn. Alam niya na kapag nalaman nitong hindi na naman siya kakain ng lunch, magpiprisinta na naman itong ilibre siya. Ang dami niya nang utang sa kaibigan at ayaw niya naman itong abusuhin.
She felt her stomach growled but she just decided to drink more water. Nang kahit paano ay napawi ang sakit ng kanyang tiyan, bumalik siya sa pag-aaral para sa kanilang lesson mamaya.
Mayamaya ay nag-vibrate ang kanyang de keypad na cellphone. Nang makitang si Khalil ang nag-text ay kaagad niyang binuksan ang mensahe.
Khalil: I tried searching for your account on social media. I really can't find you, Khallisa.
She pursed her lips together and prevented her smile as she replied to Khalil. 
Khallisa: Wala naman kasi talaga dahil hindi ko iyon hilig, Khalil. Tsaka de-keypad lang naman ang cellphone ko kaya walang apps.
Ibababa na sana niya ang phone nang muli itong tumunog dahil sa mabilis na reply ni Khalil.
Khalil: Those keypads surely hurt your fingers, baby.
Kumabog nang husto ang kanyang puso dahil sa endearment na ginamit nito. Hindi tuloy siya nakagalaw at natulala lamang sa kanyang cellphone na may scotchtape para hindi makalas ang casing. 
Nang siguro ay nainip na si Khalil dahil hindi siya kaagad nakasagot, muli itong nag-text sa kanya.
Khalil: Hindi ako nag-lo-load ng para sa pang-text, Khallisa. I don't even know if one thousand load balance is enough for us to talk thru the ancient way. Naka-plan ang account ko. 
Khalil: Damn it. Hindi pa ako makapag-text nang mahaba unlike messaging apps. Let's try to fix this, shall we? Naka-postpaid plan ako at wala talaga ang texting sa plan ng account ko since I don't text anyone.
Napangiti siya sandali sa haba ng mensahe nitong hinati sa dalawang text. Nang magtitipa na sana siya ng reply, muli na namang nag-vibrate ang kanynag phone.
Khalil: Nasaan ka?
Khallisa: Nasa library.
Khalil: But it's lunch time.
Khallisa: maaga akong kumain.
Khalil: Liar.
Iyon lang ang reply nito. Ilang minuto ang lumipas, sumulpot na nang tuluyan si Khalil sa library. Nanlaki tuloy ang kanyang mga mata dahil nakasuot pa ito ng training uniform ng football at halatang bagong ligo kaya napakasarap amuyin. Even his deo smells so good. Hindi gaya ng sa iba na ang tapang ng amoy.
Khalil's obsidian eyes stared into her as he rested his arm on the backrest of her chair. Siya pa itong nahiya nang pagtinginan sila ng ibang mga estudyanteng naroroon dahil baka mamaya ay kung ano ang isipin ng mga ito sa kanila.
"Khalil, anong ginagawa mo rito? Baka kung anong isipin nila," halos pabulong niyang ani habang pinapasadahan ng tingin ang mga estudyanteng nagsimula nang magbulung-bulungan.
Khalil boredly sighed before he closed her book. "Tara."
Nagsalubong ang kanyang mga kilay. "Saan?"
"Let's eat lunch before we solve our problem."
Lalo lang nalukot ang noo niya. "Problema? Anong problema?"
He pouted his sexy lips then picked up her cellphone. Nagsalubong pa ang masungit nitong mga kilay nang makita ang scotch tape na inilagay niya. "How is this even working? It looks like it survived a crash a hundred times."
Mahina siyang natawa saka inagaw ang phone niya kay Khalil. "Matibay kaya 'to? Cellphone pa 'to ni tatay noon. Gumagana pa naman."
Tila frustrated na pinasadahan ni Khalil ng mga daliri ang buhok nito habang nakasara ang mga mata. Nang muling nagmulat, bumuntong hininga ito saka pinisil ang kanyang pisngi. "Ang tipid-tipid mo. You could've at least bought a decent phone with the money."
"Hindi na. Gumagana naman 'to hindi ko pa kailangan ng bago."
Khalil groaned. "Pero sumasakit na ang ulo ko, Lisa. Do you have any idea how long I tried to search for my text messaging app on my phone? Halos kalahating araw. Maawa ka naman sa'kin. I can't even use emojis because your phone wouldn't recognize it."
Nagpigil siya ng tawa. He's so cute when he's this frustrated about silly stuff. Parang nakalimutan tuloy niyang nasa library sila at pinagpipyestahan ng ibang mga estudyante. "Gano'n talaga, Khalil ang pera dapat ginagamit sa tama."
"Yeah, and getting you a new phone will save me from this misery."
She raised her brows and shook her head. "Naka-budget na po ako, Mr. Ducani at hindi po kasama doon ang bagong phone. Kung ayaw mo talaga sa text, sa personal na lang tayo mag-uusap."
Sumimangot ito saka bumuntong hininga. "Sino bang nagsabing ibawas mo sa budget mo?"
Napakunot siya ng noo. "Anong ibig mong sabihin?"
He made a sound with his tongue. "Wala. I forgot. Tatanggi ka rin pala. Let's go. I'm reeally hungry at siguradong bugbugan na naman ang training mamaya."
Tumayo na ito at pinagdadampot ang kanyang mga gamit saka nito kinuha ang kanyang kamay at hinatak siya patayo. Halos mamula tuloy na parang kamatis ang kanyang mukha nang magkahawak ng kamay silang lumabas ni Khalil ng library.
Halos iyuko niya nang todo ang kanyang ulo habang palabas sila ng building at todo rin ang kanyang panalangin na sana, hindi maging issue iyon kung hindi ay baka hindi siya matahimik buong sem sa rami ng nagkakagusto kay Khalil.
"SINA TITA YOLIE muna ang magbabantay kay tatay hanggang sa matapos ako sa trabaho ko, Analyn. Pasensya ka na ha hindi kita masasamahan. Kailangan ko talaga rumaket, eh," ani Khallisa sa kaibigang nanlibre sa kanya ng fishball sa labas lang ng university. 
"Saan ka ba rumaraket, friend?" tanong nito kahit may fishball pa sa bibig.
Nginuya niya sandali ang pagkain sa bibig niya saka siya sumagot. "Nangangatulong lang ako diyan." She smiled. Ayaw niyang sabihin kay Analyn na kay Khalil dahil sigurado magpipilit itong sumama. Baka mamaya ay mapagalitan siya ni Khalil at hindi na papasukin sa trabaho.
"Mahirap ba? Gusto mo tulungan kita?" alok nito.
Ngumisi siya. "Hindi ka marunong ng gawaing bahay, Analyn magdadaldalan lang tayo doon baka wala akong matapos sa kakatawa ko sayo."
Nagkibit-balikat ito. "Kung sabagay."
Tinignan niya ang kanyang cellphone na de-keypad, at nang makita ang oras, inubos niya ang natitirang dalawang fishball saka tinapik si Analyn. "Salamat, Ana mauuna na ako. Anong oras na pala."
"Oh, kunin mo na 'tong bente pang-jeep mo." Ipinagduldulan nito sa kanya ang bente pesos na sukli kanina sa fishball ngunit tumanggi siya. "Hindi na, Ana meron pa ako dito. Salamat na lang ha? Itabi mo na muna. Sa susunod ako naman ang manlilibre sayo kapag sumahod ako."
Napakunot ito ng noo. "Sigurado ka baka naman maglakad ka?"
Umiling-iling siya upang kumbinsihin ito. Nahihiya na rin siya rito dahil ito na lang lagi ang taya sa kanilang dalawa. "Ayos lang, Ana may pamasahe ako dahil hindi naman ako nakapag-lunch kanina. Sige ha?"
Tuluyan silang nagpaalam sa isa't isa at naghiwalay ng daan. Si Ana ay nagtungo sa kalye patungo sa boarding house na tinutuluyan nito habang siya naman ay naglakad patungo sa apartment ni Khalil. Hindi naman iyon malayo para sa kanya kaya madalas ay nilalakad na lang din niya, ngunit nang patawid na sana siya sa pedestrian lane, huminto ang isang sasakyan at lumabas ang isang babaeng nakasuot pa ng nursing uniform.
The girl scanned her from head to toe before taking in a heavy breath. Mayamaya ay peke siya nitong nginitian. "Are you Khallisa Baltazar?"
Kunot ang noo niyang tinango ang kanyang ulo. "A--Ako nga."
"I'm Shannon. Khalil's girlfriend," malamig nitong sabi habang natitig sa kanya.
Nagtaka naman si Khallisa dahil sa pagkakatanda niya, hindi ito ang babaeng kaakbay ni Khalil noong magkabanggaan sila sa hallway noon. Iba na naman ba ito? Pero wala namang iniuuwi si Khalil na babae kaya hindi niya alam tsaka wala naman siyang pakialam doon dahil katulong lang siya ni Khalil.
"Uhm, o--okay?" tangi niyang nasabi dahil hindi niya alam ang isasagot. Nang maalala niya ang eksena sa library, napaawang ang kanyang mga labi. "Oh, akala mo ba may relasyon kami? Naku, wala-wala. Ginagawa ko lang ang assignments niya kasi kailangan ko ng pera."
Umismid ito at makahulugan siyang pinasadahan ulit ng tingin. "Halata naman."
Her brows furrowed. Why did it sound like an insult? Ano bang pinupunto nito?
Shannon took in a deep breath then sighed. "Listen, girl. Hindi ko ugaling makipag-away. Alam ko namang sa akin lang talaga si Khalil at ako ang pinakamatagal niyang naging girlfriend. Isa pa, you're not really the type na papatusin niya so I believe you." Peke na naman itong ngumiti. "I'm here to invite you. Alam mo na ba na paparating na ang birthday celebration ni Khalil?"
Umiling-iling siya. "Wala naman siyang sinasabi."
"My friends and I will be holding an advance birthday party for Khalil. Attend ka. Masaya 'yon tutal mukhang friends naman kayo ni Khalil. I'm sure matutuwa rin siya na kasama ka naming mag-celebrate." May dinukot itong card sa pouch bag saka ibinigay sa kanya. "Nandiyan ang details at surprise 'yan kaya huwag mong sasabihin sa kanya para hindi tayo mabuko. Wear black since 'yon ang theme, okay?"
Lumunok siya at tumango-tango na lamang. Nagpaalam naman na ito at muling sumakay ng kotse. Pinanood pa niya ang sasakyang umalis bago niya tinignan ang card. Naroroon ang mga detalye tungkol sa birthday celebration ni Khalil. Sa susunod na linggo na pala iyon. Mukhang kailangan niyang maghanda ng regalo para rito nang kahit paano ay makabawi  naman siya sa lahat ng naitulong nito sa kanya.
She smiled and put the card inside her bag before she continued walking towards Khalil's apartment, ngunit nang makarating siya sa labas, sandali  siyang natigilan nang makarinig ng tila nagtatalong mga tinig. Napahinto siya at naestatwa sa kanyang kinatatayuan. 
Ang isa sa mga tinig, sigurado siya, kay Khalil ang tinig na iyon... at minura nito ang kausap na tinawag nitong daddy.
Nagwala ang dibdib niya nang makarinig ng tila nabasag na mga gamit. Nang maramdamang palabas na ang isang bulto, nagtago si Lisa sandali hanggang sa makaalis ang lalakeng tila matandang bersyon ni Khalil. 
The moment the car drove off, Lisa stormed in and checked up on Khalil, ngunit nang makita niya itong nasa sahig at dumudugo ang ibabang labi, natataranta siyang napadaluhong dito at hindi niya na napansin ang bubog na nagmula sa nabasag na bote ng alak. Pagkaluhod niya ay bumaon sa binti niya ang bubog kaya halos mataranta rin si Khalil nang dumaing siya.
He pulled himself up and carried her to sit on the couch before he kneeled in front of her so he could check her wound. Nakita niyang natulala ito sandali sa kanyang sugat habang nakaigting ang panga. Mayamaya ay pumikit ito saka humugot ng malalim na hininga.
Ganoon na lang ang gulat niya nang yakapin siya nito bigla nang mahigpit. "I'm sorry..." he uttered in almost a whisper.
"Okay lang ako, Khalil maliit lang naman--Khalil?"
Sinubukan niyang kumalas nang madamang tila nanginig ang mga balikat nito ngunit hinigpitan lang ni Khalil ang pagkakayakap sa kanya na tila ayaw nitong ipakita ang pag-iyak sa kanya.
Khallisa took in a deep breath then gently patted his back. "Okay lang 'yan, Khalil. Ilabas mo lang."
Hindi ito kumibo ngunit narinig niyang suminghot. Napalunok siya sa awa kay Khalil, ngunit sa mga sandaling iyon na hindi ito kumikibo at nakayakap lang nang mahigpit sa kanya, pakiramdam ni Khallisa ay nakilala niya ang bahagi ni Khalil na pilit nitong pinagtatakpan.
She breathed in deeply again and rubbed his back. "Nandito lang ako, Khalil. Ayos lang na umiyak. Hindi kita huhusgahan."
Khalil sniffed and kissed her shoulder blade. "Thank you, Lisa. Please don't leave yet. I badly need a hug right now..."
Mapakla siyang napangiti saka niya hinaplos ang batok nito saka siya sumandal sa couch at hinayaan itong umiyak sa kanyang dibdib habang nakayakap naman ito sa kanyang baywang na tila bata. At sa mga sandaling nakikita niya ang bahaging iyon ni Khalil, mas nagkaroon siya ng dahilan upang isiping mabuti talaga itong tao, sadyang dinudurog lamang ito ng mundo...

Comentário do Livro (5)

  • avatar
    Miguela

    update nmn pls

    07/06/2023

      0
  • avatar
    GabrielleJhairy

    Love it.. 😘

    20/04/2022

      0
  • avatar
    Hea_Archiviste

    MINE KHALIL!! NICE MS. A

    15/04/2022

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes