logo text
Adicionar à Biblioteca
logo
logo-text

Baixe este livro dentro do aplicativo

Kabanata 5

Kabanata 5
NAGISING si Khalil sa mabangong niluluto ni Khallisa. Kahit na may hangover pa siya, napabangon siya matapos maamoy ang adobong isa rin sa mga na-miss niyang pagkain.
He pulled himself up, brushed his teeth, and made sure he looks fine. Not that he wanted to impress his maid or something. It's just that...
He sighed. Yes, he wanted to impress his maid who's still not paying much attention to him. May mga pagkakataon mang parang kinikilig ito, pero mas marami pa rin ang pagkakataong parang wala lang siya rito.
Lumabas siya ng silid at dumiretso sa kusina ngunit isang sulyap lang ang ginawa ni Khallisa bago siya nito pinaghanda ng pagkain. Nalilito na siya, ha! Kinikilig ba talaga ito minsan o sadyang nahihiya lang? God, this is so frustrating on his end!
Tumikhim siya sandali. "Oy, toyo. Umupo ka rin dito nang may kasabay naman ako. Iniiwasan mo yata ako eh dahil crush mo ko."
Nilingon siya nito na parang gulat o nagtaka ito sa sinabi niya. "Hindi naman kita crush ah?"
Tinaasan niya na ito nang tuluyan ng kilay. "Then why are you blushing sometimes?"
Khallisa sighed. "Bossing, kinakabahan lang ako minsan. May pagka-assuming pala kayo." She flashed a cute, but insulting, but still cute smile. "Gutom lang 'yan. Kain ka na lang, Khalil. Huwag kasi puro alak masama kaya 'yon sa katawan? Tapos ang kalat-kalat mo pa."
He groaned. "Ang aga mo na namang manermon."
She sighed then made him his coffee. "Hindi na pala. Baka tanggalin mo nga pala ako." She shyly giggled. "Good morning nga pala..."
Puta...
Namula ang mukha niya!
He looked away immediately then stood up and stormed fast towards the powder room. Bakit ganoon? Bakit nagwala ang dibdib niya nang marinig ang lambing ng pagbati nito?
Gosh, he almost slapped himself. Hindi na talaga maganda ito. Nagkakaroon na siya ng side effect dahil sa kaharutan niya noon.
He sighed. Mukhang si Khallisa Baltazar pa yata ang magiging karma niya...
KHALIL and his friends were on their usual spot in the campus. Nag-uusap-usap ang kanyang mga tropa tungkol sa susunod na karerang sasalihan ng mga ito. Inaalok na rin siya na sumali ngunit ewan ba niya. He rarely hangs out with his friends in the past few days. Maaga rin siyang umuuwi sa kanyang apartment para makasama si Khallisa, at sa totoo lang, hindi niya maintindihan kung bakit niya iyon ginagawa. 
There's really something about Khallisa that got his attention. Maybe because she isn't like other girls who will undress in front of him immediately. She wouldn't even talk about anything but his assignments. Minsan nga ay nasisermunan pa siya nito kapag nagkakalat siya masyado. Paano na raw kung wala na ito para ipaglinis siya? Baka magmukha raw bahay ng sawa ang kanyang apartment. 
He would laugh about it, but a part of him feels sad whenever she mentions about her stopping from coming to his apartment. Tila kahit ilang araw pa lamang niya itong nakakasama, nakita niya na ang matinding kaibahan ni Khallisa sa mga babaeng nakasalo niya sa kama.
Ibinato niya sa ere ang soccer ball habang malalim na nag-iisip, ngunit nang matanaw si Khallisa kasama ang kaibigan nito, napatigil siya at tumitig lamang kay Khallisa. She's only wearing a pair of faded jeans and white t-shirt yet she's already stunning even without any make up on. Anong mahika ba ang mayroon ang babaeng ito at tila nakikwestyon niya ang preferences niya pagdating sa mga babae?
Nang mapansin ni Jigo ang pananahimik niya habang nakasunod ng tingin kay Lisa, umismid ito saka siya inakbayan. "Ano? Talo na ba sa pustahan? Matatapos na ang isang linggo, brad."
He sighed. "Saka mo na ako singilin. Ibang klase ang isang 'to. Kapag tinotoyo grabe manermon."
Tumawa ito nang mahina saka mahinang sinuntok ang balikat niya. "Huwag mong sabihing tinamaan ka sa isang 'yan? Pambihira."
Tinamaan? Wala sa bokabularyo niya ang magseryoso ng babae, pero may kakaiba kay Khallisa. Parang nakukunsensya siyang paglaruan ito gaya ng ginagawa niya noon sa ibang mga babae kaya lang ay paano rin ang pride niya? Hindi pwedeng malaman ng mga tropa niyang nagiging curious na siya kay Khallisa kung hindi ay pagtatawanan siya ng mga ito.
Tinuwid niya ang kanyang likod saka binalingan ang mga kaibigan. "Nag-eenjoy pa ako. Besides, ang linis ng bahay ko tsaka masarap magluto." Ngumisi siya. "I'm still benefiting from our bet."
Makahulugang nagtinginan si Lee at Jigo. "Baka mamaya iba na 'yan," biro ni Lee.
Umismid siya. "Madadala ko rin 'yan sa kama at sa huli, siya rin ang maghahabol kapag nanawa na ako," aniya, ngunit sa totoo lang, may bahagi ng kanyang puso na ayaw na iyong paniwalaan.
Jigo stood up and looked at Lisa. "Pero alam mo, pare balita ko scholar lang 'yan dito. Gumagawa raw ng assignments ng ibang kaklase niya para may pambili ng mga kailangan. Baka naman masira buhay niyan dahil sayo? Naaksidente pa raw 'yong tatay niyan tapos hindi pa nakasama sa huling batch ng scholars para sa free tuition."
Natigilan siya at tumingin kay Jigo. "Saan mo nalaman?"
"Kay Cornelia. Kasama namin sila kagabi. Napagkwentuhan 'yong tungkol sa pustahan eh si Cornelia pala ang nag-alok diyan na pasukin 'yong website kung saan namin siya na-book. Mukhang para yata sa tatay at tuition 'yong pera." Tinapik nito ang balikat niya. "Hindi naman tayo gano'n kasama para pagtripan pa 'yang mga ganyan, brad."
Hindi siya nakakibo at tumitig lamang sa nakangiting mukha ni Khallisa na kausap ang kaibigan nitong kumakain ng fishball. He doesn't know why, but somehow, he felt proud that Khallisa can still manage to smile despite of what's going on with her life.
Humugot siya ng malalim na hininga saka binalingan ang dalawa. "Ibalato niyo na sa akin 'to..."
MAAGANG nagtungo si Khallisa sa apartment ni Khalil dahil after lunch pa ang klase niya sa araw na iyon. Gusto niyang bumawi sa pagpapatulog nito sa kanya ng ilang araw para naman makabawi ang katawan niyang palagi na lamang kulang sa tulog. Since Khalil gave her his spare key, she didn't have to wake him anymore.
Dumaan siya kanina sa palengke upang bumili ng mga rekado para sa kare-kare na pinakapaborito rin ng kanyang ama. Habang nagluluto, nakinig pa siya ng kanta at kahit paano ay sumabay sa ilang lyrics. 
Masyado siyang na-focus sa kanyang ginagawa kaya nang madama niyang may palad na lumapat sa likod niya ay halos mabitiwan niya ang sandok sa sobrang gulat. Nang makitang ang inaantok pang si Khalil. Jesus, he looks so handsome when his hair is still messy. His sleepy eyes were looking at him as if he's puzzled. Inalis niya naman ang kanyang headset at nginitian ito.
"Magandang umaga, Khalil."
Hindi niya alam kung bakit tila natulala ito sa kanya. Nang bigla nitong hawakan ang likod ng kanyang ulo saka siya hinalikan, nanlaki ang kanyang mga mata at halos bumigay ang kanyang mga tuhod matapos bumugso ang kakaibang pakiramdam sa buong katawan niya. What's going on? Why is she liking it? Hindi ba dapat ay magalit siya?
Naestatwa siya nang tuluyan itong humiwalay. His eyes were still shut and his lips were parted as if he savored the kiss they just shared, at nang imulat nito nang unti-unti ang mga mata, nagwala ang dibdib niya nang ngumisi si Khalil. "Just checking if I'm dreaming."
Napakurap siya at pinamulahan ng mukha. "H--Hindi naman halik ang pang-check." 
Umismid ito saka inagaw ang sandok mula sa kanya. "What time did you come here?" tanong nito habang kumukuha ng malapot na sabaw ng kare-kare.
"Uh, mga six thirty." 
Tumingin ito sa wall clock na nasa sala. "Ang aga mong pumunta. Hindi ka na naman ba natulog?"
Napalunok siya sandali. "Natulog. Sa ospital ako nagpahinga kagabi."
Napahinto ito mula sa dapat na pagtikim sa kanyang niluto saka siya kunot ang noong binalingan. "Ospital? What are you doing there?"
"Iyong... tatay ko, naaksidente kaya nasa ospital."
Gumuhit ang awa sa mga mata ni Khalil. Naibaba nito ang sandok saka ito malalim na humugot ng hininga. "Is that why you're on that site? Is that why you said you badly needed money?"
Nahihiya siyang umiwas ng tingin saka mahinang tumango. "Kami na lang ang... magkasama sa buhay." Her eyes felt hot but she fought the urge to cry in front of him before she forced a smile. "Pero maswerte pa rin ako kasi ikaw ang nakapag-book sa akin. Natakot talaga ako na baka mamaya ay masamang tao ang makakuha sa akin tapos pwersahin akong gawin ang mga bagay na hindi ko gusto."
He looked away as he clenched his jaw. "What if... I wasn't the one who picked you? Paano kung napunta ka sa taong walang kunsensya? Will you let him take away your innocence just for money?"
Sandali siyang nag-isip bago hiyang-hiyang iniyuko ang ulo. "Kung... para sa tatay ko baka... oo."
Narinig niya itong bumuntong hininga. Hindi na ito kumibo pang muli at nagtungo na lamang sa coffee brewer. The atmosphere suddenly felt heavy after she answered his question, and somehow, it made her feel bad. Wala naman siyang balak sirain ang umaga nito. Gusto niya lamang maging honest dahil sa totoo lang, kung sa ganoon din humantong ang una nilang pagkikita, baka iyon din ang desisyong ginawa niya.
He let out another heavy sigh before he took two cups from the cupboard. Nagsalin ito ng kape saka inilagay sa mesa bago siya hinatak na maupo. "Mag-usap tayo, Khallisa."
Napalunok siya nang mahimigan ang pinalidad sa tinig ni Khalil. Nang paupuin siya nito ay halos gumapang ang kaba sa kanyang puso. Anong pag-uusapan nila? Paaalisin na ba siya ni Khalil dahil tapos na ang isang linggong kontrata nila? Tapos na ba ang pagtatrabaho niya para rito?
She took in a sharp breath when Khalil pulled the seat next to her. Umupo ito paharap sa kanya saka nito pinatong ang isang braso sa sandalan ng kanyang upuan bago ito seryosong tumingin sa kanya. 
"If I will ask you to stop working for me, what will you do to earn money?" he asked with a serious expression written on his handsome face.
She pursed her lips for a moment then held her cold hands together. "Sa... mga fastfood. Kukuha ako ng trabaho roon tsaka... maglalabada ulit ako gaya ng ginagawa ko kapag walang pasok o pagtapos ng klase." Nahihiya niyang sinalubong ulit ang tingin ni Khalil. "Hindi ako papasok ng bar, Khalil maniwala ka."
His eyes soften with her response. Mayamaya ay kinuha nito ang kanyang kamay saka ibinuka ang kanyang palad. His adam's apple moved when he saw the scars on her hands. "Saan mo nakuha 'to?"
"Sa paglalaba tsaka, pagtulong kay tatay kapag nagkakarpintero siya..."
Nakita niya ang pag-igting ng panga ni Khalil at ang pagdilim ng ekpsresyong nakapinta sa mga mata nito. "You do construction?"
Napalunok siya habang nakatitig dito. "M--Minsan lang naman. Sayang ang... labor fee."
"But Khallisa, you're a girl." Pinasadahan siya nito ng tingin. "And look at you? You're what? Five one? Baka nga wala ka pang fifty kilos."
Pilit siyang ngumiti kay Khalil. "Kaya ko naman tsaka gano'n talaga, Khalil kailangan namin magtulungan ni tatay. Nagagalit siya kapag nagpipilit ako kaso kailangan ko talagang tumulong para mas malaki ang kitain namin."
Bumuntong hininga ito. "Magkano ang tuition at miscellaneous mo sa school?"
"Uh, nasa sixty thousand."
"Ngayong nasa ospital ang tatay mo, paano mo mababayaran 'yon kung wala ka na rin sa scholarship program? Maliit lang din ang sahod sa mga fastfood."
"Magbebenta ako ng mga kung ano-ano. Basta gagawa ako ng paraan, Khalil."
His lips pursed together before he sighed. "You know what? Keep working here. Ipinupusta ko lang sa kung ano-ano ang sixty thousand. Ibabayad ko na lang sayo kaysa kung ano pang gawin mo para lang sa pera."
Nanlaki ang kanyang mga mata. "Nakakahiya."
He sighed and pushed the cup of coffee in front of her. "I will just have one very strict condition for you while you're working for me."
Napakunot siya ng noo. "Ano?"
His serious eyes stared into hers. "Don't date anyone..." 

Comentário do Livro (5)

  • avatar
    Miguela

    update nmn pls

    07/06/2023

      0
  • avatar
    GabrielleJhairy

    Love it.. 😘

    20/04/2022

      0
  • avatar
    Hea_Archiviste

    MINE KHALIL!! NICE MS. A

    15/04/2022

      0
  • Ver Todos

Capítulos Relacionados

Capítulos Mais Recentes