logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 5

“ANO?” pasigaw na tanong ni Georgie sa kaklase niyang lumapit sa kaniya. Mukhang iba yata ang narinig niya at napakasakit niyon sa tainga. Tila isang hampas sa drum na basag kaya halos hindi niya maintindihan. Napatayo pa siya sa kaniyang upuan at pabagsak na hinampas ang kaniyang mesa.
Ito ang unang beses na may lumapit sa kaniya na kaklase niya sa education pero hindi niya kaklase sa major. Ito ang unang beses na may kumausap sa kaniya. Para kasing hindi siya nag-e-exist lalo na noong nalaman ng mga kaklase niyang nililigawan siya ni Jude.
Sa klase kasi niya sa education ay iba-iba ang mga kaklase niya. Iba-ibang estudyante na iba-iba rin ang ugali kaya sobrang hirap makibagay. Pero sa pagdaan din naman ng panahon ay nakakaya rin ni Georgie na harapin ang mundong dapat niyang galawan.
Hindi talaga siya palakaibigan kapag hindi niya talaga palaging kasama. At isa na roon ang mga kaklase niya lang sa education na tuwing minor subjects lang niya kasama. Nagtataka nga siya kung bakit siya tinawag ng kaklase niya kanina. Pero nakakaganda pala ng araw dahil kahit papa’no ay alam pala ng mga ito ang pangalan niya.
Kung iisipin ang tagal na rin na kasama niya ang mga ‘to pero kunti pa lang ang nakakausap niya. Gano’n talaga kapag average lang ang utak mo parang hirap ang mga ito na kausapin ka. Hindi naman talaga siya average lang, may ibubuga rin siya pero parang hindi pa yata ito ang panahon na ibuga niya iyon.
Napapatanong nga rin siya. Kung hindi ito ang panahon, eh kailan?
Pero ang araw niya na sumaya lang saglit ay biglang napawi dahil sa sinabi nito sa kaniya. Halos lumuwa ang mata niya dahil hindi siya lubusang makapaniwala. Kahit sa panaginip niya ay ayaw niyang maranasan.
“Axel daw ang pangalan niya. Hinihintay ka,” pag-ulit nito. Akala talaga siguro hindi niya narinig.
“Pakisabi, hindi ko siya kilala,” sabi niya at muling umupo at ipinagpatuloy ang pagsusulat. Hindi ito ang panahon para makipag-usap sa hudyong iyon.
Hirap nga siyang ibalik ang mood niya tapos mangugulo na naman itong si Axel. Wala sa sariling napaikot niya ang mga mata.
Wala siya sa mood makipag-away na naman sa Axel na ‘yon. Gusto ba talaga nitong sirain na naman ang araw niya? Pinagpahinga lang siya nito ng isang araw tapos aarangkada na naman.
“Kilala mo raw siya, ‘yon ang sabi eh.”
“Sinabi nang hindi nga eh!” sigaw niya dala ng irita.
“Shh!”
Nagpawala siya ng malakas na hininga nang sawayin siya ng librarian nila. Wala siyang nagawa kun’di labasin na lang ang Axel na tinutukoy nito.
Totoo naman eh, hindi naman talaga niya kilala si Axel. Ito lang naman ang kung makaasta ay parang matagal na silang magkakilala.
Siguro ganiyan lang talaga kung umasta ang mga lalaking may basbas na ng mga magulang. Siguro proud lang talaga si Axel dahil payag ang mga magulang niya sa gusto nitong mangyari.
Napailing siya. Ayaw niyang maging masama dahil lang sa Axel na ‘yon. Bahala ito sa mga gusto nito basta ayaw niyang makasal dito! Hindi talaga siya papayag na pangunahan siya sa bagay na iyon.
Nasaan ang freedom niya kung ganoon? Ano ‘yon? Dahil lang sa gusto ng mga ito na pangunahan siya ay mawawala na ang pinaghirapan ng mga bayani sa bansa?
Ayaw niyang mangyari iyon. Gusto niyang hawakan niyang maiigi ang kaniyang kalayaan!
“Akala ko sasayangin mo na naman ang oras ko, Georgie Salcedo.”
Awtomatik na napalingon si Georgie sa gilid niya nang marinig niya ang pangungusap na iyon. Nakita niya si Axel na naka de-kuwatro pa at pinapaypayan ang sarili gamit ang maliit na logbook ng security guard nila.
“Ikaw na pala ang bagong security guard ng library. Kailan ka pa nag-apply?” tumatawang tanong niya sa binata na hindi man lang nito pinatulan. Tumikhim siya bago muling nagsalita, “Ayaw mong masayang ang oras mo pero oras ko naman ang sinasayang mo. How ironic, isn’t it?”
“Mahalaga kasi ang oras ko,” tugon nito habang patuloy pa rin sa pagpaypay. “Sabihan mo nga ang chancellor niyo na lagyan ng aircon itong labas ng library niyo.”
“At ang oras ko hindi mahalaga, gano’n ba?”
“Mahalaga ka sa’kin.”
Tila naputol ang kaniyang dila at hindi kayang bumuka ang kaniyang bibig. Anong pinagsasabi ng hudyong ito at kung ano na lang ang lumalabas sa bibig.
Umiwas siya ng tingin nang hindi niya maintindihan kung bakit bigla yatang yanigin ang kaniyang dibdib. Ni hindi nga makagalaw ang kaniyang mga paa upang humakbang palayo sa kinatatayuan niya.
“Anong pinagsasabi mo? Ngayon lang tayo nagkakakilala, umayos ka nga,” saad niya kay Axel. Mabuti naman at nahanap na niya ang kaniyang boses.
Umiling pa siya at hindi na muling liningon pa ang binata.
Ngunit nakailang hakbang pa lang siya nang biglang pigilan siya ni Axel. Hinawakan nito ang kaniyang pulso upang patigilin siya sa paghakbang.
Sa paghawak pa lang nito ay tila tumigil ang lahat. Napatigil siya sa paghinga at bumilis ang kaniyang pulso. Hindi pa rin niya ito nilingon. Pilit niyang maging kalmado pero nilulukob siya ng ginaw kahit ang init naman sana.
“Bitawan mo ‘ko,” matigas niyang saad. “I don’t know you well, so please, stay away from me!”
“Then let me introduce myself.”
“No need. Ang gusto kong malaman ay kung bakit pinipilit ni Daddy na pakasalan kita.” Doon na siya lumingon sa lalaki. “Twenty years old palang ako. Ang bata ko pa para pumasok sa ganiyan. Naiintindihan mo ba ‘ko?”
“I got your point, sweetie. Makahihintay naman ako kung kailan ka na handa.”
Iniwas niya ang kamay niya pero mahigpit ang pagkakahawak nito. Tiningnan niya si Axel sa mata. Wala siyang mabasa na kung anong emosiyon sa mukha nito. Kalmado lang itong pagmasdan at nakatikom lang ang mapula nitong labi na parang hindi man lang nadapuan ng kung anong bisyo.
“Pero ayokong paghintayin ka sa wala. Ayokong magpakasal sa lalaking hindi ko mahal.”
“Then, I will teach you how to love me.”
“Hindi gano’n ‘yon, Axel.” Humakbang siya palayo rito pero nanatili pa rin ang paghawak nito sa kamay niya. “I don’t understand you. Bakit gusto mo ‘kong pakasalan?”
“Kasi mahal kita.”
“What?” nauutal niyang tanong rito. “Mahal mo ‘ko? Paano? Ngayon lang tayo nagkita.”
“Hindi ito ang una nating pagkikita. Hindi mo talaga ako natatandaan?” malumanay nitong tanong sa kaniya at tila may kumikislap pa sa mga mata nito habang tinitingnan siya.
Paano niya sasabihin dito na hindi nga niya ito kilala para maniwala ito agad? Hindi nga siya kayang tumingin dito ng diretso dahil sa gigil pa rin siya noong ninakawan siya nito halik!
Wala naman siyang maramdaman na takot ngayon hindi tulad noong sila lang dalawa sa boarding house. Hindi rin siya makaramdam ng pangamba tulad nang inaasahan niya kapag sila lang ang mag-uusap.
“Hindi kita.” Tumikhim siya. “Hindi kita natatandaan. Hindi ko alam iyang pinagsasabi mo. Hindi kita kilala.” Hinila niya muli ang kamay niya. “Please, let me go.”
Dahan-dahan siya nitong binitawan pero nakaramdam din siya ng panghinayang.
Ano ba, Georgie! Umayos ka nga! Siya ang lalaking ninakawan ka ng halik no’ng nakaraan! Pangangaral niya sa sarili.
“I’m sorry.”
“Bakit?” tanong niya rito. Hahakbang na sana siya pero bigla itong nagsalita.
“Kasi hinalikan kita. Pero hindi ako nagsisisi na ginawa ko ‘yon. Alam mo kung bakit? Dahil matagal ko ng gusto na halikan ka.”
Hinarap siya nitong muli at tinitigan. “Babalik ako. Hanggang sa pumayag ka na.”
*****
NAGMAMADALI ang bawat hakbang na ginagawa ni Georgie pabalik sa loob ng library, wala siyang sinayang na segundo dahil sa pag-aalala niya na baka sundan siya ni Axel sa loob. Akala niya hindi na siya bibitawan ni Axel dahil kung makahawak ito sa kamay niya ay parang… Ewan ba, hindi niya kayang maipaliwanag kung anong tamang tawag doon o kung ano man ang tamang tawag sa nararamdaman niya noong kausap niya ang binata.
Akala nga niya ay magiging katulad lang ang pag-uusap na namagitan sa kanila ni Axel ay parang normal lang na pag-uusap pero nang magtagpo ang kanilang mga mata ay parang hindi lang basta kung sino ang kaharap niya. Akala niya ay siya ang mananalo sa pag-uusap na iyon pero parang mas lumala lang ang lahat. Mas nahihirapan siyang magdesisyon.
Parang bawat tingin na binibigay nito sa kaniya ay may nakatagong kahulugan ang lahat. Ang mga tingin nito ay nagbibigay ng hindi maintindihan na kab sa kaniya, mas lalo siyang nalilito.
Mas gumulo lang ang utak niya dahil sa mga sinabi sa kaniya ni Axel. Bakit kung makipag-usap ito sa kaniya ay parang matagal na silang magkakilala? Bakit parang totoo ang sinasabi nito na hindi ito ang una nilang pagkikita? Posible kaya na matagal na niya itong kilala? Pero bakit wala siyang matandaan?
“Akala ko kung nasaan ka na? Kanina pa kita hinahanap, wala namang nakakita sa’yo na lum—” Natigil sa pagsasalita si Foina nang hindi man lang niya ito tiningnan. Basta na lamang siyang umupo sa inupuan niya kanina at tiningnan ang hawak na cellphone pero hindi naman nakabukas. Gulong-gulo ang utak niya.
Umalis sa upuan si Foina at nilapitan siya upang harapin. Iniwagayway pa nito ang kamay sa harap ng kaniyang mukha pero nang hindi pa rin niya ito pinansin ay hinawakan na nito ang pisngi niya.
“Ano ba!” sigaw niya. “Ano bang problema mo?”
“Kingina ka. Ikaw? Anong problema mo?” balik tanong nito na ikinataka niya.
May problema ba siya?
Oo, malaki!
Malapit na ang Friday at hindi pa rin niya alam kung anong ibibigay na sagot niya sa kaniyang Daddy. Ni hindi na nga muling nagpakita pa ang mabait niyang nobyo mula pa no'ng isang araw na siya ring huling pag-uusap nila. Hindi na tuloy niya alam kung may aasahan pa ba siya kay Jude o wala. Hindi rin niya alam kung sila pa ba o hiwalay na sila.
Ang hirap hulaan ni Jude. Akala niya ay tama ang pasya niya na ito ang sagutin sa halip na si Francisco. Sana pala talaga ay nakinig na lang siya sa mga sabi-sabi ng mga kaklase niya. Sana si Francisco na lang ang sinagot niya. Mukhang ito ang mas magandang choice. Pero huli na ang lahat.
“Hindi pa ba kayo lalabas? Magsasara na ang library.”
Lukot ang noong napatingin silang dalawa ni Foina sa kaklase nilang kalalapit lang sa puwesto nila. May dala itong mga libro na halatang galing lang din sa library dahil nakaipit pa roon ang library card nito.
Sabay silang tumawa ni Foina.
“Alam mo pala ang salitang library?” tanong ni Foina sa kaklase nila. “Ano nga ulit ang pangalan mo?”
“Grabe ka!” Hinampas nito si Foina sa balikat sabay upo sa bakante nilang upuan. “Library lang ang inaasahan ko ngayon. Iba ang schedule namin no'ng beshywap ko. Baka balik second year ako nito.”
“Hay nako, Liza Mae! Uso rin ang magsunog ng kilay,” sabi niya at hinampas ang sariling noo.
“Kingina! Nakakatakot naman ‘yan!” hiyaw nito pero agad din namang tumigil si Foina nang sawayin ito ng librarian. Lumapit ito sa kaniya at inilapit ang palad sa bibig nito sabay bulong, “Sunugin talaga? Hindi ba nakakatakot ‘yon?”
Napatakip siya sa bibig ng wala sa oras. Bakit ba naging kaibigan niya ito?
*****
“OKAY, you can choose your partner now,” malumanay na sabi ng instructor nila at umupo na. “Or baka gusto niyo na ako na lang ang pumili para—”
“Huwag na, Ma’am. Okay na okay na po kami,” singit agad ni Foina kaya napatigil ang instructor nila.
“Okay.”
Mukhang alam na niya kung sino ang magiging partner niya. Walang iba kun’di ang babae na naglakas-loob na pigilan ang instructor nila. Bakit pa kasi nag-suggest na sila ang pipili?
Halos mapaigtad siya nang biglang may humawak sa balikat niya. Hindi muna siya lumingon kasi base sa paglaki ng mata ni Foina ay may hinala na siya kung sino.
“Sorry, pero off-limits na po si Georgie eh. Ako na po ang partner niya,” matamis pa na ngumiti si Foina habang sinasabi iyon. “Kami po talaga ang partner mula pa noon.”
“Ako ang boyfriend niya. Kaya sa akin siya,” matigas nitong sabi at pilit siyang pinalingon. “Doon ka sa puwesto ko, simulan natin ang plano.”
“Nakakarinig ka naman siguro, diba? May partner na ‘ko.” Pinaikot pa niya ang mata. Akala siguro ng mokong na ‘to, nakalimot na siya.
Dalawang araw siya nitong hindi pinansin. Kahit may mga subjects na kaklase niya ito pero parang wala lang rito ang presensiya niya. Ni kahit ‘hi or hello’ ay hindi man lang ito nag-abala. Tapos ngayon kung makasabi na girlfriend siya nito ay parang wala lang nangyari.
“May dapat tayong pag-usapan.” Umigting ang panga nito at hinawakan ang kamay niya upang hilahin papunta sa upuan nito.
“Ano ba!” sigaw niya sabay hila sa kaniyang kamay. Sinong nagsabi na madadala siya sa pag-igting ng panga?
“What’s happening here, Ms. Salcedo?”
Sabay silang napalingon ni Jude. Nakalapit na pala ang instructor nila pero hindi man lang niya napansin.
Umiling siya. “Nothing, Ma’am. May isa lang po riyan na pinipilit ang sarili kahit ayaw ko naman.”
Kusang bumitaw si Jude sa kaniya. Doon pa siya humakbang palayo rito at bumalik sa puwesto niya.
Totoo naman. Pinipilit nito ang sarili kahit ayaw niyang ka-partner ito sa reporting. Para ano? Para siya lang ang gumawa tapos buhay prinsipe ito? Ni wala pa ngang isang buwan ang relasiyon nila pero ang ganda na ng buhay nito.
Tuwing gumagawa siya ng assignment ay isinasama na niya ang assignment ng nobyo. Tapos may gana pa itong manloko.
Hindi naman siya sigurado na nagloko ito kasi baka siya talaga ang pangalawa. Dati pa namang loko ang lalaki pero pinili niya pa rin. Marami pa naman sana siyang choices.
“Continue your work. We will start next meeting. The first reporter, must prepare.”
Sabay-sabay na nagsitayuan ang mga kaklase niya maliban sa kaniya. Inayos niya muna ang mga gamit bago nagpasiyang tumayo. Halos iilan na lang ang natira sa mga kasama niya. Kahit si Foina ay nauna nang lumabas.
“We need to talk, Georgie.” Natigilan siya nang biglang lumapit sa kaniya si Jude.
“At anong pag-uusapan natin? Tungkol kung ilan kaming pinagsabay-sabay mo?”

Komentar Buku (56)

  • avatar
    AbuhanAzil

    Congrats li'l sis for your new masterpiece! Keep it up! For me you are an inspiration, keep inspiring others by your wonderful stories.

    27/04/2022

      0
  • avatar
    DimasangkayHalim

    yes

    11d

      0
  • avatar
    Jess Zer Jagorin

    nice

    17d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru