logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 7 Emotions

Matapos ang araw na sumayaw si Hero at Jane ay palagi ng dumadaan ang binata sa labas ng room nila Jane para lang ngitian siya, minsan nginingitian niya rin ito pabalik ngunit minsan ay hinahayaan nalang niya ito sa takot na bak may makakita sa kanila.
Uwian na at balak ni Jane at Mira na tumambay sa mall ng tumunog ang cellphone ni Jane hudyat na may nag text sa kanya at agad naman niya iyong kinuha sa bag at tinignan kung sino ang nag text.
“Can we talk?” Ang nakalagay sa text na si Hero pala. Nag dalawang isip si Jane kung ano ba ang dapat niyang ireply sa binate lalo na at may pupuntahan siya kasama ang kaibigan.
“Where are you?” Reply niya sa binate.
“Library.” Simpling sagot nito.
“Please, Baby. I miss you.” Mas lalo lang nalito si Jane sa isa pang text ni Hero, tinignan niya si Amira na nakikipag daldalan sa isang estudyanteng dumaan malapit sa kanila. Dahil ssiguro sa tingin niya sa kaibigan ay lumingon ito sa kanya na nagtatanong ang mga tingin.
“Bakit? Trip mo sa buhay, Jane? Tara na at umalis gusto ko ng kumain.” Parang naiinip nitong pag-aaya kay Jane habang hinihipo pa nito ang kanyang tiyan. Napangiwi naman si Jane at nag-iisip na kung paano makakalusot sa kaibigan.
“Ahm, ano kasi may meeting daw kami sa SSG.” Kinakabahang sagot ni Jane. Bigla naman sumimangot si Amira at onti-onting lumapit sa kanya habang nagtatanong ng,
“Talaga? Nagtext sayo?” Tanong nito kay Jane at nakatingin pa sa hawak niyang cellphone. Tumango-tango naman si Jane sa kaibigan sabay sabing,
“Oo, emergency daw eh…okay lang ba sayo mag-isa?” Mas lalo lang kinabahan si Jane ng sumama ang mukha ng kaibigan at mas lalong lumapit sa kaniya.
“Syempre hindi, boring kaya mag-isa.” Walang emosyon nitong sagot kay Jane, akala ni Jane ay galit na ito sa kanya pero nagulat siya ng may hilain itong kung sino sa may likuran niya.
“Hoy, Angelina, samahan mo nga ako at may meeting ngayon si Jane…” Malakas na saad ni Amira sa kaklase nila.
“Hoy, bakla ka! Ano ako substitute?” Parang naiimbyernang sagot ng kaklase nilang binabae.
“Oo.” Prangkang sagot ni Amira.
“Ang kapal mo, Legazpi. Mahal ang labor fee ko ah.”
“Okay… bibilhin ko lahat ng gusto mo, samahan mo lang akong panuorin yung bagong palabas sa sinehan ngayon.” Walang pag aalinlangan na sagot ni Amira. Lumiwanag naman ang mukha ni Angelina at pinagahhampas ang balikat ni Jane.
“Nako! Salamat bakla at hindi ka makakasama ngayon, makakabili na ako ng bagong sapatos at bag.” Tuwang-tuwa na pagpapasalamat nito kay Jane na nginitian lang niya.
“Alis na kami, bessy. Goodluck sa meeting.” Nakangiting pgpapaalam ni Amira kay Jane bago hinila si Angelina, narinig pa nga ni Jane ang request nito kay Amira.
“Bakla, ipag grocery mo narin ako ha… alam mo namang hampas lupa ako.”
“Bilhin mo na nga lahat ng gusto mo…minsan lang to.”
“Aba eh hindi ko na tatanggihan yan.” Masayang tili ni Angelina, natuwa naman si Jane sa kabaitan ng kaibigan niya. Nanlaki ang mata niya ng maalalang pupunta ng apala siya sa library para kitain si Hero. Dali-dali siyang naglakad papunta sa library at Nakita doon ang binata na nakaupo at hinihintay siya sa pinaka dulong table sa library.
Nang makita siya ng binata tumayo ito at ngumiti ito sa kanya sinuklian naman niya iyon ng simpleng ngiti bago dumiretso sa kaharap na upuan na inuupuan nito at ddon siya umupo.
“I’m glad that you’re here.” Nakangiting saad ng binata.
“Ahm…yeah.” Yun lang ang tanging nagging sagot ni Jane kay Hero dahil ayaw naman niya na sabihin sa binata na nagsinungaling siya sa kaibigan para lang makipag kita sa kanya.
“Let’s have a date?” Masiglang pag-aaya ni Hero kay Jane.
“Hindi kasi ako pwedeng makita sa labas…” Nahihiyang sagot ni Jane, dahil sa isiping baka may makakita sa kaniyang kakilala at makarating pa iyon sa mommy niya.
“Sa bahay ko nalang if hindi ka pwede sa labas…let’s have an indoor date.” Nagbabakasakaling sagot ni Hero habang ipinagdadasal na pumayag si Jane na makipag date sa kanya.
“Okay.” Pagpayag ni Jane na ikinagalak naman ng puso ni Hero.
Habang papunta sa parking lot hindi maiwasan ni Jane na di makaramdam ng kaonting kilig dahil ng paalis na sila sa library ay si Hero ang nagdala ng kanyang mga gamit, nasa may gilid lang siya ng binata hanggang sa makarating sila kung nasaan ang kotse nito. Inalalayan pa siya ni Hero sa pag sakay at ito rin ang nagsuot ng seatbelt sa kanya.
Hindi naman ganoon kalayo ang bahay ng binata kaya mabilis lang silang nakarating, pinapasok siya nito at pinaupo sa mahabang sofa sa sala kahaap ang napaka laki nitong flatscreen TV. Nakaupo lang si Jane habang naghihintay kay Hero na magbibihis daw at kukuha ng makakin nila.
Nakaupo lang siya ng diretso sa sofa habang ang dalawang kamay ay nakapatong sa kanyang tuhod…maya-maya lang ay dumating rin si Hero na nakapang bahay na at may dalang mga chips, cake at mga inumin. Nagtataka pa si Jane ng palapit ito dahil tumatawa ito ng mahina.
“Bata ka ba?” Tanong nito sa kanya.
“Huh? Why?” Nagtataka niyang tanong.
“Mukha ka kasing desiplinadong bata na hindi manlang gumagalaw dahil nasa ibang bahay ka.” Tumatawa paring sagot ni Hero sa kanya.
“Ah, ahm… My mom told me not to touch anything kapag hindi ko naman bahay.” Seryosong sagot ni Jane at si Hero naman ay ipinagsawalang bahala nalang iyon dahil baka ganoon lang talga ito pnalaki ng ina.
Five feet apart ang napiling panuorin ni Hero dahil kahit naman lalaki siya ay mahilig din naman siya sa mga ganoong klase ng palabas.
“I finally got you speechless. You know, people are always saying if you love something you have to learn to let go.”
“I thought that was such bullshit. Till I watched you almost die. In that moment, Sttella. Nothing mattered to me. Except you.”
“I’m sorry. I don’t wanna go. All I want is to be with you. I can’t. I need you to be safe. From me.”
Sumisinghot-singhot na si Hero sa kakaiyak dahil sa sinabi ni, Will, ang bidang lalaki sa palabas. Nang mataos ang palabas na pinapanuod nila ay nilingon ni Hero si Jane dahil kahit tapos na ang palabas ay wala itong nagging reaksyon.
“Hindi ka manlang ba nalungkot?” Tanong niya sa dalaga.
“Nalungkot…” Seryoso nitong sagot sa kanya,
“Then, why didn’t you cry?
“Ah…Eh…Crying is a sign of weakness.” Mahinang sagot ni Jane sa binate.
“Huh?” Nagtataang tanong ni Hero.
“That’s what my mom said, crying is a sign of weakness. So, I’m not allowed to cry kahit sa mga pelikula lang.” Sagot ni Jane habang tipid na ngumiti kay Hero, iniisip na baka iniisip na ng binate na weird siya.
“Ah, is that so? Kaya ba matipid k akung magbigay ng reaksyon?”
“Yeah.”
“But, Jane…I’m not your mom.” Malumanay na sagot ni Hero kay Jane, nakatingin naman si Jane ng seryoso kay Hero at naghihintay ng mga susunod nitong sasabihin.
“Kapag ako ang kasama mo, it’s okay to cry, to be mad, to smile and to laugh… hindi mo kailangan na limitahan ang sarili mo. Hindi naman kita pinagbabawalan na huwag magpakita ng emosyon, at isa hindi naman natin kasama ang mommy mo.” Nakangiting sagot ni Hero, napalunok naman si Jane habang parang tumigil ang mundo niya dahil bukod sa kaibigan niyang si Amira ay si Hero lang ang taong nagsabi sa kanya na pwede niyang ipakita ang mga emosyong nararamdaman niya. Muntik pa siyang maiyak dahil sa klase ng ngiti ni Hero na parang cinocomfort siya.
Nagpatuloy naman sila sa panunuod at puro comedy naman ang bapili nila, napuno ng tawanan ang sala ni Hero habang nanunuod silang dalawa ni Jane. Masayang-masaya siya na dahil sa mga sinabi niya ay hindi na siya tinitipid ng dalaga sa emmosyon nito.
Pagkataos ng indoor date ni Jane at Hero ay inihatid na siya ng binate malapit sa may village nila, pagka uwi ni Jane ay diretso lang siya sa kwarto niya dahil hindi pa naman dumadating ang mommy niya. Naglinis siya ng sarili niya at nakangiti siyang natulog.

Komentar Buku (3)

  • avatar
    RusseLl Cano

    dapat mag linis

    08/04/2023

      0
  • avatar
    Alexandra Mae O Loque

    cutie </3

    01/03/2022

      1
  • avatar
    MaeIce

    this is great.

    05/02/2022

      1
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru