logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 3- The Welcome Party

"Coincidences mean you're on the right path."
― Simon Van Booy, Love Begins in Winter: Five Stories
Desiree’s POV
Lalo nang nalaglag ang panga ko sa matinding paghanga sa interior design ng bahay. Tila tumalon ako sa ibang panahon e. Panahon ng mga Espanyol. Maliwanag na maliwanag ang mga naglalakihang crystal chandeliers sa malawak na living room. Antique ang mga nagkikintabang muwebles. Sa puno ng hagdan ay pagkalaki-laki ng makulay at kukuti-kutitap na Christmas tree. Sinundan ng mga mata ko ang matayog na hagdan patungo sa second floor. Wow! Singlaki ko yata ang mga portraits sa wall.
"Randall, nariyan ka na pala. Nasaan ang Kuya Edrick mo?" tanong ng papalapit na babae sa'min. Sa tingin ko ay nasa mga late forties ito.
"Hindi ko alam, Ma. Nandyan lang iyon sa tabi-tabi. Desiree siya ang pinakamagandang mama sa buong mundo, ang Mama ko. Ma, siya naman si Desiree," pakilala ni Randall sa'kin.
"It's nice to meet you po," bati ko rito. Kakamayan ko sana ito ngunit sa halip na abutin ang kamay ko ay hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at saka bineso-beso.
"It's nice to meet you, too, hija. Call me Tita Suzanne," anitong nakangiti. "Pagpapasensiyahan mo na itong si Randall ha, Desiree, at talaga lang may pagkabolero. Wala nang ginawa kundi bolahin ang kanyang ina."
"Totoo naman po ang sinasabi niya, Tita." Nakatawang saad ko sa Mama ni Randall.
"Aba, at malakas ding makahawa. Pati ikaw nahawa na. O siya, baka gusto nang kumain ni Desiree. Randall, dalhin mo na siya sa buffet table. D'yan muna kayo at aasikasuhin ko lang itong mga dumarating na bisita at hahanapin ko na rin ang Kuya Edrick mo,"ani Tita Suzanne bago tumalikod sa’min.
Kanina ko pa naririnig ang pangalang Edrick o Kuya Edrick ni Randall kaya naman hindi na ako nakatiis na itanong kung sino ito.
"Si Kuya Edrick ay ang pinsan kong dumating. Ang dahilan kung bakit may welcome party ngayon. He stayed in America for quite a while upang asikasuhin ang negosyo doon ng pamilya at mag-aral na rin ng Master's Degree sa Harvard University in Business Ad. He is also the future CEO of Andrada&Sons," paliwanag ni Randall nang tanungin ko ito.
"Wow! Bigatin pala ang Kuya Edrick mo." Halos mapalatak ako sa matinding paghanga sa Kuya Edrick nito.
"Oo. Matalino naman kasi talaga iyon. Halika, kumuha tayo ng maiinom. Ano ba ang gusto mo?" Hinawakan ni Randall ang kamay ko at bahagyang hinila patungo sa dining area. Lumapit kami sa buffet table kung saan may mangilan-ngilang taong kumukuha ng pagkain. "O baka gusto mo nang kumain?"
"No,no, drinks na lang muna. Mamaya na tayo kumain," mabilis kong tanggi. Kadarating lang namin at nakakahiya naman kung pagkain agad ang harapin namin. At saka hindi pa naman ako masyadong gutom. Gusto ko munang tumingin-tingin sa paligid.
"So, anong gusto mo? Tubig, juice, softdrinks o alak?"
"Juice lang.” Agad niya akong inabutan ng kopitang may lamang juice.
"Thanks,"sabi ko pagkaabot dito.
"Randall, pre." Magkasabay pa kaming napalingon sa tumawag kay Randall.
"Arnie, pre. Kamusta?" baling ni Randall sa lumapit na cute ding lalaking mga kasing edad niya.
"Ikaw ang dapat kong kumustahin. Ang tagal mong hindi nagpakita."
"Oo nga e. Alam mo na ...busy." Nagkibit-balikat ito. ipinakilala nama niya ako sa lalaki.
"Ikaw talaga, pre. Pagdating sa girls, iba ka." Iiling-iling habang nakangiti ang tinawag nitong Arnie. Nagkulay mansanas tuloy ang pisngi ni Randall. Medyo napahiya. Kaya umakto naman akong hindi pansin ang usapan nila at kunwari ay sobrang busy ang mga mata ko sa pamamasyal sa paligid.
"Desiree, puwede bang iwan kita sandali?" Kulay mansanas pa rin ang pisngi ni Randall. Hindi ko siya masisisi kung naging awkward siya. Kung makapang-asar naman kasi itong friend niya. Ipinarinig pa talaga sa’kin.
"Sure. I'll be alright,"agad kong sabi rito bago pa pati ako mahawa sa ka-awkward-an ng mga ito.
Mga batang ito, oo! Haha!
***
Inabala ko naman ang aking sarili sa paglakad-lakad at pagtingin-tingin sa paligid ng loob ng mansyon. Bumalik ako sa salang tila bulwagan sa luwang habang hawak sa isang kamay ang kopita ng lemon juice yata ito. Medyo maingay na ang paligid sapagkat unti-unti nang dumarami ang mga tao. Kanya-kanyang chika ang bawat grupo. Muling nakuha ang buong pansin ko ng mga portraits na naka-hang nang sunod-sunod at papataas sa wall ng hagdan papuntang second floor ng mansyon.
Ang unang portrait mula sa itaas at pinakamalaki sa lahat ay larawan ng may-edad na lalaki at babae. Ang mga iyon marahil ang abuwelo ni Randall. Sinundan iyon ng apat pang portraits. Ang kahuli-hulihan sa apat ang hindi maiwan ng aking mga mata. Parang nag-aanyaya ang portrait na iyon na lapitan ko nang husto kaya naman tumayo ako sa harap nito.
Portrait iyon ng dalawang naggagandahan at sa palagay ko ay kambal na batang babae because it seemed I couldn't tell who is who and which is which. Naka-gown ng pink ang mga ito na tila mga mumunting prinsesa at nakasalampak sa sahig sa harap ng antique na lamesita habang nakangiti sa tatlong lalaki sa kabila naman nito. Agad kong natukoy si Randall sa portrait. Halos hindi naman kasi nagbago ang mukha niya.
Sa ibabaw ng antique na lamesita, nakahilera ang maliliit na piyesa ng chess. They were playing chess. Bakas sa mga mukha ng bawat isa ang kasiyahan. Nang magawi ang mga mata ko sa mukha ng isa pang lalaki ay kunot ang noong napatitig ako nang husto rito. Side view lamang ang kuha dito ngunit napakapamilyar sa'kin. I wasn't sure when and how but I know I’ve seen him before.
Kunsabagay baka naman naging customer lang sa TheDesire? Hmm. Could be. I spent another few minutes staring at the man's profile. O, baka naman dahil guwapo lang ang lalaki kaya hindi maalis-alis ang tingin ko rito. Secretly laughing at myself, I suddenly turned around. Napa-ay ako nang malakas sapagkat may nabangga akong tao sa likuran ko. Isang lalaki pala. Mabilis naman niya akong nahawakan sa magkabilang braso upang pigilang mabuwal.
"I'm so sorry," kaagad na saad ko.
"No. It's me who should say sorry," sambit ng lalaking nabangga ko. Ang bait naman niya. Ako kasi talaga ang nakabangga sa kanya. Kaya naman nakahanda na sa mga labi ko ang isang matamis na ngiti pagtingin ko sa mukha niya.
Kaso lang na-freeze ang ngiti ko. Nanlaki ang mga mata ko nang matitigan ang mukha ng lalaki. Hindi dahil sa guwapo siya no!
Kala n’yo naman mahilig ako sa guwapo. Hindi no!
Ilang minuto yata ang lumipas na nakatitig lang ako sa mukha niya. Buti na lang hindi ako napanganga.
"James?" bulong kong biglang nanuyo ang lalamunan.
Si James ba talaga ang nasa harapan ko? Baka naman kamukha lang. Kausap ko sa sarili ko. Pero hindi ako maaaring magkamali e. Si James talaga ang lalaki na ngayon ay titig na titig din sa'kin. His face had matured a bit. His chin darker due to newly-grown stubble. Bagay na lalo lamang nagpalakas sa sex appeal nito.
Agad kong naalala ang portrait. Awtomatikong napalingon ako doon. Sure thing, si James nga ang nasa portrait kaya pala napakapamilyar sa'kin. Mas batang James. At lalo kong natiyak na si James nga ang nasa harap ko nang gumuhit ang ngiti sa mga labi nito.
"Yes, that's me. I was eighteen. Mga pinsan ko ang mga naggagandahang girls na 'yan at ang dalawa pang lalaki na sina Randall at Carlos," anito.
I raked my mind for something to say but couldn't seem to find the right words. Parang tinatambol ang dibdib ko. Hindi ako makapaniwalang nasa harap ko siya after how many years? Eight? Seven?
"Well, well, Desiree," he started. With hands in his slacks' pockets, humakbang ito upang higit na mapalapit sa'kin.
Wag masyadong malapit pwede? Kinakapos ako ng hininga e.
"Hindi ko akalain na isa ka pala sa mga magwe-welcome sa akin. You should say ‘welcome home, James?’nanunuksong wika nito.
"A...anong ginagawa mo rito?" tanong ko nang sa wakas ay natagpuan ko ang tinig ko.
Sobrang nakakagulat talagang makita ang lalaking ito pagkaraan ng mahaba-habang panahon. Muntik pang manginig ang boses ko.
"Shouldn't I be the one to ask you that or are you really here to welcome me?"
"I...ikaw ang pinsan ni Randall na kadarating lamang?"
Para namang narinig ni Randall ang pagbanggit ko sa pangalan niya. Agad na lang lumitaw sa tabi ko.
"Kuya Edrick, kilala mo si Desiree?" nagtatakang tanong nito.
Ilang sandali ring nakatitig lang si James sa'kin bago sinagot ang tanong na iyon ni Randall.
"Yes, I've met her..." anitong hindi inaalis ang tingin sa'kin. "A long time ago..."
Tinapunan ko siya nang matalim na tingin. Lalo namang lumuwang ang ngiti nito.
"You mean, dati na kayong magkakilala?" muling tanong ni Randall.
Hindi kumibo si James. Hindi rin naman ako sumagot. Mistulang nagpakiramdaman kami tapos
ay nag-antayan kung sino ang sasagot kay Randall.
"Ahm, oo. We had the same set of friends," napipilitang sagot ko. Tila kasi wala namang balak sumagot ang magaling na lalaki.
"Ah..." ani Randall sabay tango. "Well, since magkakilala naman pala kayo, Kuya Edrick, ikaw na muna ang bahala kay Desiree. Pumunta na kayo sa dining room at naka-ready na ang pagkain. Baka nagugutom na si Desiree. Tatawagin ko lang si Jaq."
"Same set of friends?" arko ang mga kilay na ulit ni James pagkaalis ni Randall. Nakakaloko ang ngiti nito. Naiiritang sinimangutan ko ito. Ano ba ang gusto nitong sabihin ko? Na nagkaroon kami ng fling?
"Kuya Edrick?" taas din ang mga kilay na usisa ko. Hindi ko maisip kung bakit kanina pa Edrick nang Edrick si Randall sa kanya samantalang James ang pangalan niya.
"That’s may name.”
“Your name is James. James Nicolas.”
“That’s my name,too.”
Naniningkit ang mga matang tinitigan ko ito. Niloloko ba ‘ko ng mokong na ‘to?
“Ang ibig mong sabihin ay hindi mo alam na ang tunay kong pangalan ay James Edrick Nicolas Andrada?"
Di nga?
Hindi ko nga talaga alam na James Edrick Nicolas Andrada ang tunay niyang pangalan. Basta si James Nicolas siya para sa'kin. Kaya nga hindi man lang sumagi sa isip ko na related siya sa Andrada&Sons. Hindi ko tuloy malaman kung aaminin ko na hindi ko nga alam o mag-pe-pretend na lang na nakalimutan ko.
But then, do you ever forget your first love's name?
Kasi naman, Desiree, you used to be so madly in love with love itself. Ang cheap mo kaya. Sandaling ligaw sinagot mo agad. No wonder naloko ka.
Sisipain ko na ‘tong maliit na tinig na ‘to sa utak ko e.
"Hindi. Hindi ko alam," sagot ko sabay iling.
"Tsk, tsk. Hindi ka nakaka-flatter. Samantalang ako, alam na alam kong nag-e-e-stammer ka kapag ninenerbiyos. Naniningkit ang mga mata mo kapag naiinis ka. Tapos nanghahaba ang labi mo kapag nagagalit ka tulad ngayon."
"Sino’ng galit?"
"Ikaw."
"Bakit ako magagalit?"
"I don't know. Why don't you tell me."
"Hindi ako nagagalit 'no. Ganito lang talaga ako,"mabilis kong depensa. Nang maalala ko na may hawak nga pala akong kopita ng juice ay lumagok ako mula rito. Kahit papaano naibsan ng juice ang tensiyong nararamdaman ko.
"No. Hindi ka dating ganyan. You used to be so sweet, cheerful and just always happy."
Yes, I used to be those things pero hindi na ngayon. At iyon ay kasalanan mo.
"People do change, you know," mahinang sagot ko.
"Hmn, you're right. Tulad mo. You've changed a lot. More beautiful than the last time I saw you."
Nag-iinit ang mukhang napabaling sa ibang direksiyon ang tingin ko. Ano bang pinagsasasabi ng walanyang lalaking ito? May asawa na, nagpi-flirt pa sa ibang babae. Tadyakan ko ‘to e.
"Thanks," naiiritang sabi ko na lang. Luminga-linga ako upang hanapin si Randall. Gusto ko nang umuwi. Siguradong hindi na ako mag-e-enjoy pa. Sira na ang gabi ko. Nagkamali nga yata ako e. Dapat talaga ay hindi ako pumayag na sumama kami ni Jaq dito. Kung bakit naman hindi ko makita si Randall sa paligid. At pati na naman ang assistant ko ay hindi rin mahagilap ng mata ko. Nasaan na ba sila?
Rescue me, please.
"Wanna start eating? Tara sa buffet table," anyaya ni James sa'kin. Muli akong napatingin dito. Sobrang tamis yata ng ngiti nito.
"No. Thanks. Hihintayin ko na lang si Randall at ang assistant ko. Sabay- sabay na kami," tanggi ko. I will not eat with him. Baka hindi pa’ ko matunawan. Yes, affected pa rin ako. Kahit ba matagal na iyon eh at irrelevant na dahil may asawa na siya. What I really wanted was to be a thousand miles away from him.
"Come on. Ang mga hinahanap mo ay kumakain na. Hayun sila."
Sinundan ko naman ng tingin ang direksiyong itinuro nito. At naroon nga sa isang mesa sina Randall at Jaq. Masayang nagkukuwentuhan habang kumakain. Nangunot na nang husto ang noo ko. Kinalimutan na yata ako ng dalawang iyon. Ipinagkatiwala na talaga ako ni Randall sa pinsan niya. Kaasar lang.
"Let's go. I'm starving." Iginiya ako ni James sa buffet table. Wala akong nagawa kundi sumunod dito. Kunsabagay ay nagugutom na nga din ako. Mabuti na rin sigurong makakain muna ako bago umalis. Sayang naman ang effort ko sa pagpunta rito kung uuwi akong gutom, di ba?
Broken-hearted na nga gutom pa.
*****

Komentar Buku (29)

  • avatar
    QuintosKyla

    sobrang gandaaa.

    15/12

      0
  • avatar
    AcobaKenneth

    oky

    09/06/2023

      0
  • avatar
    Retchan Capangpangan

    ❤️❤️❤️

    28/05/2023

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru