AMARIS JEL'S POINT OF VIEW May nahulog na sobre pagbukas ko sa pintuan ng dorm room ko. Ano 'to? Sobre nga, tanga naman Aris. Kulay red ito. Red Envelope. Nag tataka akong pumasok sa loob habang bit-bit ang pulang sobre. Inikot- ikot ko pa ito kung may nakasulat sa likod pero wala. Para sa'kin ba talaga 'to? Malamang! Ako lang naman ang mag isang natutulog dito eh, alangan namang nilagay lang nila kasi trip lang nila ilagay tapos kukunin din agad. Ano ba 'yan, bakit nagiging slow na ako? Ibinaba ko muna ito sa maliit na lamesa kasama ng bag ko sa couch. Pumunta muna ako sa kusina para kumuha ng malamig na tubig. Pagkatapos ay bumalik ako sa sofa at umupo. Uminom muna ako sa tubig bago binuksan ang sobre. Sa loob ng sobre ay may puting papel. Kinuha ko iyon at binasa ang nakasulat. Dear Miss Valdez, Good Evening! Gusto ko sanang ipabatid sayo na may magaganap na isang kasiyahan. Isang welcome party para sayo. Kung hindi mo sana mamasamain ay hihintayin ka namin sa isang abandonadong building sa likod ng paaralan. Huwag ka sanang mag-isip ng kung ano. Isa lamang itong mainit na pagtanggap sa isang estudyante na kalilipat pa lamang. Magkita tayo ng 8:30 ng gabi sa Sabado. Thank you. The king, -TV- May pa welcome party talaga para sa'kin? Talaga lang ah? At bakit sa isang abandonadong building pa? 8:30 pa ng gabi! Hmmm. Wala naman sigurong gagawin na masama ang lalaking 'to no? Ano ba ngayon? Thursday? Ah. Nevermind na nga. Red Envelope? Ang ibig sabihin lang nito... Bloody... **** Friday ngayon kaya may PE kaming subject. Ang gagawin daw ngayon ay Archery. Ang makakalaban ko ay si Crystal. Isa sa TMARO Head. 'Yung rank 4? 'Yung masungit na babae na may maikling buhok! Kami na ang sunod na sasalang sa laro. Sa pagkaka-alam ko, itong si Crystal ay magaling sa mga pana. Kahit gaano daw kalayo ay matatamaan n'ya. Yabang ah. At gaya ng sinabi ko, siya 'yung maliit na buhok na sinungitan ako dahil hindi ko daw alam gumalang sa harap ng hari nila. Akala mo naman kung sino. "Valdez and Lee," tawag ng teacher namin. Nag lakad na kami papunta sa harap. Nasa auditorium kasi kami para sa PE na 'to. Hindi naman sa pagiging tamad ah, pero ang bored naman! "Okay, kung sino ang pinaka malapit sa red dot ay siya ang makakakuha ng mataas na marka. Miss Lee ikaw ang una." Tumango naman 'tong si Crystal at kinuha ang pana sa harap naming mesa. Dalawang metro ang layo namin sa target. Tinantsa ni Crystal ang pana n'ya. Mga 30 seconds n'ya siguro tinantsa at ng sakto na ay agad na n'yang binitawan 'yung arrow. At ayun, bullseye. "Very good Miss Lee. Mismong sa red dot ang iyong arrow. Very good!" Nag palakpakan naman lahat kasama na ako. Syempre ang galing niya! 'Yung ibang TMARO Head ay nakangiti lang dahil siguro inaasahan na nilang makukuha ni Crystal 'yung perfect score. "Miss Valdez, ikaw na." Ngumiti naman ako sa teacher at kinuha ang pana sa mesa. Iniangat ko ito sa ere at pinikit ang isang mata, tinantsa ko at binitawan na ang arrow. Lahat napasinghap sa resulta. Bullseye! "Wow! Miss Valdez, hindi ko inaasahan na magaling ka pala sa pana," papuri ng teacher. "Thank you po." Tiningnan naman ako ng masama ni Crystal. Hala! Anong ginawa ko sa kan'ya? Pumana lang naman ako ah? Gusto niya ba siya ang panain ko? "Miss Valdez and Miss Lee—." "'Cher! Tie sila kaya dapat ulitin!" Putol ng isa kong kaklase. Tinatamad na kaya ako. Kayo na lang kaya ang mag laro? "Oo nga 'cher!" "Dapat isa lang 'yung perfect!" "Chamba lang naman 'yun ni Valdez!" Ano? Chamba? Eh kung ipukpok ko sa kan'ya 'tong hawak kong pana? Tumingin sa amin si teacher at para bang nag tatanong ang mga mata n'ya na 'ayos-lang-ba-look'. Tumango naman si Crystal. "It's okay to me," sabi ni Crystal. Tumingin naman siya sa akin at hinihintay ang sagot ko. "Naduwag na siya!" "Ang lakas kasing mag mayabang!" "Duwag!" "Sure naman po!" sabi ko at tumango pa. "Okay—." Pinutol ni Crystal ang sasabihin ni teacher. Ano na naman ba? "'Cher, mas maganda kung may twist," suggest ni Crystal. Ano namang twist? "Anong twist?" Ganiyan din tanong ko 'cher. Hindi n'ya pinansin ang tanong ni teacher at lumapit siya sa kapwa n'yang Head na ang pangalan 'ata, ay Richard. Kakagatin na sana ni Richard 'yung apple kaya lang kinuha ni Crystal at dinala ito sa harap. "Anong gagawin n'ya jaan?" "Para saan 'yan?" "'Cher, pwedeng humingi ng pabor?" tanong n'ya. "Sure. Ano ba iyon Miss Lee?" Lumapit siya kay teacher at dinala sa harap ng target. Inilagay n'ya ang apple sa ulo ni teacher at bumalik sa tabi ko. "Tatamaan ko ang red dot pero dadaan ito sa ibabaw ng apple," paliwanag ng katabi ko. "S-sandali! Hi-hindi ba ako tatamaan?" Kinakabahan na tanong ni teacher. Malamang tatamaan ka kung maglilikot ka. Kaya 'cher, 'wag kang malikot! "Hindi po. Kung hindi ka mag lilikot." Itinaas na ni Crystal ang pana at tinantsa. Kita sa mukha ni teacher ang takot at kaba. Sino bang hindi matatakot kung matatamaan ka sa noo? Pero mukhang expert naman si Crystal kaya one hundred percent, hindi niya matatamaan si teacher. "Sa-sandali—!" Tuluyan nang nanigas sa kinatatayuan si teacher dahil sa biglaang pagbitaw ni Crystal sa arrow. Lahat ay naghihintay sa magiging resulta, dire-diretso ang arrow hanggang sa dumaan ito sa ibabaw ng apple. "Sayang 'yung apple ko." Rinig kong sabi ni Richard. Takaw naman no'n. Tumama na ang arrow sa target pero nakatayo pa rin si teacher. Hindi pa 'ata maka get-over. Kaya si Crystal na mismo ang lumapit. "'Cher tapos na." Doon pa lang yata ulit nabuhay o doon pa lang yata bumalik ang kaluluwa ni teacher ng kalbitin ko siya. "T-tapos na?" "Opo." Naglakad na siyang nanginginig palapit sa kinaroroonan ni Crystal. At... "B-bullseye...!" nauutal na anunsyo ni teacher. "Ang galing!" "Bullseye na naman!" It's my turn... "M-miss Valdez..." tawag ni Teacher sa akin. "'Cher may pabor din po ako!" "A-ano i-iyon?" "Pwede po ba kayong tumayo ulit sa tinayuan n'yo kanina?" Nag smile pa ako at nanlaki naman ang mga mata n'ya. "G-gagaw—." Inunahan ko na si Teacher, "Hindi po 'cher! Hindi ko po gagawin 'yung ginawa ni Crystal. Madali lang ito at hindi po kayo masasaktan." "S-sige..." Naglakad na si Teacher sa kinatayuan niya kanina at mukha pang labag sa loob niya. Isa na lang... Tumalikod muna ako at nilapitan 'yung kaklase kong sinabi na chamba lang daw 'yung ginawa ko kanina. Tingnan natin kung chamba talaga. "A-anong gagawin mo?" nauutal na sabi n'ya. "Isasali kita sa experiment ko! Tara!" Hinila ko siya pero ayaw n'ya. "A-ayaw..." "Bilis na! Kapag ikaw hindi ka tumayo ja'n, sisipain ko itlog mo!" Wala na siyang nagawa kundi tumayo at mag pahila sa akin. Sayang, akala ko makakasipa ako ng egg. Bye bye, future baby na sana. Ipinagtabi ko sila ni teacher. Nag tira ako ng konting espasyo kung saan dadaan ang arrow mamaya, tiningnan ko muna kung sakto sa target ang espasyo. Okay na! Bumalik ako sa line at humakbang ng tatlo patalikod. Kinuha ko na ang pana, pero... "Hindi ba dilikado 'yan?" "Baka mabulag boyfie ko!" "Baka mabulag si 'cher!" "V-valdez...bakit kailangan sa pagitan pa ng mata? H-hindi ba delikado 'yan?" sabi ng isang Head, 'yung Kenneth 'ata? Ah oo Kenneth nga! "B-baka....matamaan mo 'yung mata nila, b-baka mabulag s-sila..." sabi naman ni Kennedy, isa din sa Head. Ang mag kapatid na Kenneth at Kennedy. Samonte siblings! Pero hindi ko sila pinansin. Hindi naman sila tatamaan kung hindi sila maglikikot. Oo, tama kayo ng pagkakabasa, sa pagitan ng mata nila dadaan ang arrow. Si Crystal nga may pa apple-apple pang nalalaman eh. Tinaas ko ang pana at pinikit ang isang mata. Kinagat ko pa ang ibabang labi ko. Ang tangi ko lang tinitignan ay ang target. Ang putla putla na ng mga mukha ng mga nakatayo, wala na yata silang dugo. Kaya hindi na ako nag aksaya ng oras at binitawan ko na ang arrow. Mas lalong lumaki ang ang mata ni teacher at nung kaklase ko. Hindi na sila makagalaw dahil patay na sila. Char. Dahil nakita nilang malapit na sa kanila ang arrow at dadaan sa pagitan ng mga mata nila. Mas lalo akong napakagat sa labi ko, papasok 'to sigurado ako. Tuluyan nang nakapasok ang arrow sa pagitan ng mga mata nila at nag dire-diretso ito hanggang sa tumusok na sa target! Bullseye na naman! Natahimik ang buong auditorium, lahat sila ay hindi gumagalaw. Pati mga TMARO Head ay may pag-aalala sa mukha. Hindi naman natamaan. Ako eto, nakangiti lang dahil nagawa ko. Tutunganga na lang ba sila jaan? Hindi pa ba sila gagalaw? Tapos na kaya! "Oh my god! 'Yung boyfie ko!" Doon lang sila nabuhay ulit ng sumigaw 'yung girlfriend ng lalaking kasama ni teacher. Nang tignan ko 'yung kaklase kong lalaki ay nakabulagta na siya sa sahig. Ay nahimatay? "Oh! Nahimatay din si 'cher!" "Lagot!" "Nahimatay 'yung dalawa!" Nataranta sila ng bumulagta din si teacher sa lapag. Hindi naman sila natamaan ah? At saka, nahimatay lang naman sila. Magigising din 'yan mamaya. 'Yung mga Head, ayun nakikigulo na din. Hindi nila alam kung sinong uunahin, kung 'yung kaklase ba namin o 'yung teacher. Tutal dismissal na rin naman, kinuha ko na ang bag ko at nakangiting umalis sa auditorium. Sa tuwing mag lalakad ako ay nililipad ang buhok ko dahil sinasalubong ito ng hangin. Haba ng hair! Nagpunta na ako sa dorm dahil nga tinatamad na ako maglakad. Nakakapagod kaya doon, nakatayo ka lang tapos wala pang pagkain. Pagpasok ko sa loob ng dorm ang unang bumungad sa akin ay ang red envelope sa ibabaw ng study table. Mukhang magiging maganda weekend ko ah?
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
Biaya 36 berlian
Keseimbangan: 0 Berlian ∣ 0 Poin
Komentar Buku (27)
AgapitoNiño
Agap2906
16/11/2024
0
Kimberly Bellen
Sobrang ganda po, kailan po ang next chapter thank you po
Agap2906
16/11/2024
0Sobrang ganda po, kailan po ang next chapter thank you po
04/02/2024
0good♥️
28/01/2024
0Lihat Semua