logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 4

AMARIS JEL'S POINT OF VIEW
This is my first day in school, magiging ayos kaya ako dito? By the way! Congrats n'yo ko dahil tumagal ako ng ilang oras sa school na 'to! Sa dati ko kasing pinasukan, 4 hours lang ako. Sinampal ko kasi 'yung anak ng Dean kaya ayun, kick-out ulit!
Nag lakad na ako papunta sa magiging classroom ko. Yeah, nakangiti lang ako habang naglalakad.
May mga masasamang tingin at nawiwirduhan sa kinikilos ko.
Paki ko?
Nang nasa harap na ako ng pintuan ay kumatok na ako, ilang segundo lang ay pinapasok na ako ng isang babae nakasalamin tapos may malaking nunal sa ilalim ng labi.
"Good morning po," bati ko.
"Good morning, kahit late ka. Come in." Nahiya naman ako sa sinabi ng teacher. Napasarap kasi 'yung tulog ko kaya na late na ako nagising.
"Magpakilala ka muna, Miss."
Tumango ako at tumingin sa mga kaklase ko. Ngumiti naman ako sa kanila at may napansin akong ibang babaeng tinaasan ako ng kilay. At narito rin pala ang TMARO Head. Ay, bakit ko sila kaklase?
"Hi! Amaris Jel Valdez, 18," saad ko at kumaway pa.
"Pwede kang umupo kung saan mo man gustuhing umupo."
Pwede po ba sa upuan n'yo ma'am?
Hehehe.
"Sige po." Nagtingin ako ng ibang upuan, 'yung walang naka-upo and gotcha! May nakita ako.
Naglakad ako sa nakita kong walang naka-upo. Malapit sa bintana kaya libre akong tumunganga. Binaba ko ang bag ko at umupo. Comfortable.
"By the way Miss Valdez, I'm your advisory teacher, Teacher Miranda. So let's start."
In fairness, magaling mag turo si Teacher Miranda. Habang nagsasalita siya ay nakatingin lang ako sa bintana. Hindi naman sa pagmamayabang, pero mag yayabang na rin ako. Alam ko na kasi 'yung tinuturo n'ya. Memorize ko pa nga eh.
Nag take down notes na lang ako at pagkatapos ng klase ay umalis na si Teacher Miranda. Sunod naman ang striktong si Teacher Valencia. Napaka sungit!
Pero umalis din agad siya dahil may urgent meeting daw lahat ng teacher kaya, nag excuse muna sila. Kagaya ng ibang school, 'pag wala na 'yung teacher eh parang nakawala sa hawla 'yung mga estudyante.
May nag sisigawan, nag babatuhan ng papel, nag se-selfie sa gilid. Highschool life is the best, sabi nila. Sinulyapan ko ang mga TMARO Head at may kan'ya-kan'ya din silang ginagawa.
Ako, eto nag babasa ng ibang lessons na binigay ni Teacher Miranda. Para daw makahabol ako, hindi ko na kailangan 'to. Para na rin sigurado, magbabasa na ako. Kaya lang....
"Hey bitch! Ang siga mo daw, kabago-bago mo pero kung umasta ka para kang reyna ah!" Naagaw ng babaeng nasa harap ko ang atensyon ng mga kaklase ko. Pati na rin ang TMARO Head.
Inhale. Exhale.
Okay lang 'yan.
"Bakit parang nabingi ka? Bakit, natatakot ka ba?"
Ako? Takot? Hahaha! Funny.
Tumingin ako sa kan'ya at ngumiti ng matamis. Napakunot naman siya ng noo. Ngayon, nasa amin na lahat ng atensyon.
"Kung ang mga bookworm ay ayaw nang ginugulo 'pag nag-babasa. Ako naman, kapag nag-aaral ayaw ko ng may ume-eksena." Napaatras siya ng bigla akong tumayo at nag lakad palapit sa kan'ya. "At bakit naman ako matatakot sayo? Dapat nga ikaw pa 'tong matakot sa akin eh. Kasi..."
PAK!
"Damn!"
"Ang sakit non!"
"Kawawang pisngi."
"...kase kukurap ka pa lang, sasalubungin na ng pisngi mo ang palad ko."
Napansin ko ang namumuong luha sa mata n'ya. Wala, iyakin ka pala eh.
"Oh... sorry ah? Ikaw kase eh, ginulo mo ako. Don't worry mawawala din 'yang pula sa pisngi mo." Hinaplos ko pa ang pisngi n'ya at ngumiti. "Ang ganda! Parang blush-on, kaya lang 'yung isa lang 'yung namumula. Gusto mo bang pantayin natin?" Umiling naman agad siya kaya mas lalo akong napangiti. Siguro iniisip na nilang nasisiraan na ako ng ulo.
"Okay, sabi mo eh." Iniligpit ko na ang mga gamit ko at kinuha ang bag ko. Sinuot ko ito at tinalikuran ko siya at narinig ko na ang pag singhot n'ya. Umiiyak ba siya? Ang hina lang no'n ah?
"Baliw ka!"
Napatigil ako sa paglalakad at humarap sa kan'ya na nakangiti. Namumula ang mga mata n'ya at kahit ano mang oras ay siguradong tutulo na ang luha n'ya.
Ano daw? Ako baliw? Nakakatawa.
"Yes. I am but the real psycho is still hidden inside my body, but I can be a devil psycho if you want and I can give you a sweetest death as a gift. So don't mess up with me."
Ngumiti ulit ako at iniwan silang nakatulala doon. Nakakasawa ng tawagin kang 'baliw' 'psycho' or whatever. Siguro 'yung pasensya ko ngayon mga, 3% pa lang. Huwag lang sana nilang sasagarin.
Tumunog ang cellphone kong nasa loob ng palda ko, kinuha ko ito at agad ko itong sinagot.
"Hey lolo."
["Hey ka jaan! Kumusta ka? Ililipat kana naman ba ng school? Kick-out ka na ba ulit?"]
"Grabe ka lolo! Ang behave ko kaya!"
Kahit may nasampal na ako kanina.
Nag lakad ako papunta sa cafeteria. Kumakalam na ang sikmura ko dahil hindi naman ako nag almusal kanina. Nag mamadali kasi ako.
["Mabuti naman kung ganoon. Sana tuloy-tuloy na 'yan. Kung mag babago ka, ililibre ko lahat ng pilipino."]
"Ano 'lo? Manlilibri ka? Sa kuripot mong 'yan? Baka hindi, hahaha!"
["Sira ulo kang bata ka. Hindi ko ibibigay ang allowance mo ng tatlong buwan."]
"Joke lang naman 'lo! Hindi ka naman po mabiro."
["Nag bibiro lang din ako. O'siya, papatayin ko na ito, nang makapag relax ako."]
"Sige po. Take car—!"
*toot toot*
Aba! Attitude din si lolo eh.
"Oh! Ang lakas n'yang mag tapang-tapangan! Nanampal pa!"
"At namilosopo pa siya sa king!"
"Bakit ba hindi na lang paalisin 'yan dito sa school?"
"Salot siya, my god!"
Grabe, nakarating na agad sa kanila 'yung balita? Ang bilis naman kumalat ng virus— ay este ng balita.
Paki ko ulit?
Nang makarating na ako sa cafeteria ay agad akong um-order. Pagkatapos ay umupo ako sa bandang likod. Kakainin ko na sana ang sandwich na hawak ko ng biglang may dumating na babae at nag punta sa kaharap kong mesa. May grupo ng mga babae doon at mukhang nagkakatuwaan.
"Hoy, malandi ka!" sigaw ng babaeng kararating lang kanina. Agad n'ya namang naagaw ang atensyon ng lahat. Drama ba 'to? Panira naman!
"Oh, ang babaeng iniwan ng boyfriend dahil pinagpalit sa maganda," sabi ng babaeng naka-upo sa bandang kaharap ko. Ibinaba ko ang hawak kong sandwich at inimon ang pineapple juice ko.
Curious lang, maganda ba ang uod?
"Baka naman sa malandi?" sabi ng babae.
Boo!
"Ako? Malandi? Bakit, kasalanan ko bang magkagusto sa akin ang boyfriend mo?"
"Oo dahil inakit mo siya! Malandi ka!"
PAK!
"Oh my... How dare you!"
PAK!
"Ang lakas ng loob mong sumugod dito! Bakit hindi mo na lang tanggapin na mas mahal ako ng boyfriend mo!"
'Yun naman pala eh.
"Tanggap ko naman dahil mas malandi ka sa'kin! Ang hindi ko tanggap, ay ipinagpalit n'ya ako sa katulad mo! Hahanap na nga lang ng kapalit, doon pa sa mas pangit sa akin!"
Another booo!
"Ang kapa— !"
"Ano? Ako pa ngayon ang makapal ang mukha? Sino bang nang-agaw ng boyfriend na may girlfriend? Hindi ba't ikaw? Kasi nga maland—!"
Hinablot ng kabit ang buhok ni original. Syempre hindi nag patalo 'yung original kaya hinila niya rin 'yung buhok ni kabit. Kaya ayun, nag sabunutan sila sa harap ko. At sa harap ko pa talaga ah?
May lalaking nag mamadaling lumapit sa dalawang nag sasabunutan at pinigilan niya si original sa pagsabunot sa kabit.
"Babe, stop—!"
PAK!
"Ang kapal ng mukha mo para tawagin akong babe! Wala na tayo! Tapos na tayo!"
Eto ba 'yung pinag-aagawan nila? Akala ko pa naman kamukha ni Alden Richard. Hindi naman pala. I'm disappointed. Aww.
"Malandi ka!"
At nag hilahan na naman sila ng buhok sa harap ko. Bakit sa dinami-dami ng p'wedeng lugar, dito pa sa harap ko?
"Hayop ka!"
"Higad!"
"Bitawan mo ang buhok ko!"
"Malandi ka!"
Ni-isa walang umaawat bukod doon sa lalaking pinag-aawayan nila. Ang ingay-ingay! Kinuha ko ang tinidor sa carbonara ko at malakas na itinusok sa lamesa. Napatigil naman sila sa pag sasabunutan at lahat ay napatingin sa akin. Ngumiti ako.
Inhale. Exhale.
Tumayo ako at lumapit sa kanila. Nakahawak pa sila sa buhok ng isa't-isa. Kinuha ko ang dalawang tinidor ng babae. "Pahiram ah?~" Tumango naman siya kaya humarap ako doon sa dalawang nag papatayan.
"Ayan lang ba ang gagawin n'yo?"
"H-ha?" sabay na sabi nila. Inabot ko sa kanila ang tig-isang tinidor habang nakangiti. Binitawan nila ang buhok ng isa't-isa at kinuha ang tinidor na binibigay ko.
"Alam n'yo makaluma na 'yang sabunutan. Kung ako sa in'yo, mag saksakan na lang kayo ng tinidor para masaya. Kasi kung sabunutan, makakalbo lang kayo at masusugatan lang. Eh kung sa sak-sakan, at least alam n'yong patay ang kahihinatnan. Hindi ba't nag papatayan kayo? Oh, E'di go! Saksakan na!" Nagulat 'ata sa sinabi ko kaya nakatunganga pa sila hanggang ngayon.
Tiningnan lang nila ako na parang takang- taka habang magulo 'yung mga buhok nila. Parang bahay ng ibon mga buhok nila.
Tumalikod muna ako para ubusin ang pineapple juice ko, kinuha ko din 'yung sandwich. Muli akong humarap sa kanila, at ngumiti.
"Bye~."
Nilagpasan ko na sila at kinagat ang sandwich. Anong akala nila, aawatin ko sila? Duh~ as if naman!
Yeah. I'm a psycho~.
Bumalik na ako sa room para sa susunod na klase. Ako lang ba 'yung nag tataka kung bakit ang bilis ng oras kaya uwian na? Parang wala naman akong naintindihan sa mga lesson kanina, hindi pala parang. Wala talaga akong naintindihan.
Dali-dali akong nag punta sa dorm, gusto ko na kasing humiga sa kama. Pagbukas ko ng pintuan ay may nahulog na sobre.
Sobre?
Ano 'to invitation card for birthday? Sa wedding? O sa binyagan?
Charing lang.

Komentar Buku (27)

  • avatar
    AgapitoNiño

    Agap2906

    16/11/2024

      0
  • avatar
    Kimberly Bellen

    Sobrang ganda po, kailan po ang next chapter thank you po

    04/02/2024

      0
  • avatar
    Harlem V Silf

    good♥️

    28/01/2024

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru