logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 6 Invite

"Thalia, Anak." Dahan-dahan akong nagmulat sa marahang haplos na iyon. "Gising na, anak ko."
Napangiti ako ng bumungad sa akin si Mama na nakangiti rin. Kumpara kagabi ay mas maaliwalas na ang hitsura niya. Maganda si Mama. At maipagmamalaki ko na ang gandang sinasabi ng iba na mayroon ako ay namana ko kay Mama.
Maganda ang naging umaga ko. Maybe because of what happened yesterday night. Kyle accompanying me and assuring me that everything's going to be okay. At dahil din sa masayang hitsura ni Mama na parang walang sakit na tinamo. O siguro she's just showing me her tough side so I could be tough too. Napabuntong hininga ako at iwinaksi iyon sa isipan.
"Wala ka pong trabaho?" tanong ko kay Mama habang nag-aalmusal kami. Umiling ito at ngumiti.
"Meron pero mamaya pa.” Tumango ako at pinagpatuloy ang pagkain.
Puro kuwentuhan lang kami ni Mama. Parang walang nangyari. Hindi man ganoon kalaki pero hindi talaga nawawala ang ngiti sa kaniyang labi. Naka-move on na ba siya? Ayos na kaya sa kaniya na mag pakasal si Papa?
Alam ko naman na hiwalay na talaga sila. Sinabi niya sa akin kagabi. Pero hindi ko pa rin yata tanggap na magpapakasal si Papa. Dahil kapag nangyari iyon, iiwan niya na talaga kami.
I decided to make all my thoughts go. Inisip na lang muli ang nangyari kagabi kung paano ako pinasaya ni Kyle at ang magagandang ngiti ni Mama. Kaya kahit walang nakakatawa ay nakangiti pa rin ako sa pag da-drive papuntang trabaho. Hanggang sa coffee shop ay ganoon pa rin ako kaya naman nang titigan nila ako ay doon ko napansing mukha pala akong tanga.
"Akala ko kung anong nangyari sa'yo. Mukhang okay na okay ka naman pala." Paghingang maluwag ni Trisha.
"Nag-alala kami sa'yo! Wala kang pasabi kahit kay Miss Dianne pa!" Napapikit ako sa sinabing iyon ni Chynna.
Doon ko naisip na hindi nga ako nagpaalam kahit sa boss ko! Paano na lang kung tanggalin ako rito sa trabaho dahil doon!
"Nathalia Jules Dacillo!" Napalingon kaming lahat sa boses na sumigaw sa likuran ko.
Medyo may karamihan na rin ang tao sa loob. Mga nag-aalmusal. Ang dalawang kasamahan ko ay nakatayo sa harapan ko ngayon habang ako ay nakatalikod pa rin malapit sa pinto kaya halos mapatingin sa amin ang lahat dahil sa sigaw ng walang ibang nilalang kung hindi ang kaibigan ko.
"Kristel." Tamad akong ngumiti rito pagkaharap.
"Bakit naman hindi ka raw pumasok kahapon ha? Sinabi sa akin ng Tita ko!"
Nawala na yung dalawa sa harap ko kaya sabay kaming naglakad ni Kristel. Buntot ko ito hanggang sa makarating ako sa counter kung nasaan si Jasmine na ngiting-ngiti no'ng makita ako.
"Namiss kita! Si Chynna ang kasama ko rito kahapon habang absent ka." Ngumiti ako sa kaniya.
"Sorry. May ginawa lang,” sagot ko. Tumango naman ito kahit parang gusto pa mag tanong.
"Nag-alala kami kasi hindi ka naman mukhang ganoon na mawawala ng walang paalam," she explained.
I am moved by how they welcomed me with their worried eyes. Now I understand why. Tama nga sila. Marami nga yatang mag-aalala kung ganoong palasabi ako tapos ay biglang mawawala ng walang pasabi sa buong araw.
"Sorry. May ginawa lang talaga. Hindi na muuli-"
"Ano namang ginawa mo at hindi ka raw nag paalam? Alam mo bang iniisip ko na nag-AWOL ka?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Kristel. OA talaga!
"May ginawa lang kami ni Mama. Nakalimutan ko magpaalam. Kakausapin ko na lang si Tita Dianne."
Umirap lang si Kristel. Halatang marami pa siyang itatanong pero hindi na iyon natuloy dahil dumagsa ang tao sa coffee shop. Nang magkaroon ng libreng oras ay doon ko naman kinausap si Tita Dianne sa office niya.
"May nangyari bang hindi maganda?" Worried was plastered on her face. I sighed because I feel so guilty.
"Wala po, Tita. Sorry po talaga hind ako nakapagpaalam."
I didn't tell her the reason. I just reasoned out na may ginawa kami ni Mama kaya ako absent. Hindi ko muna gusto ang magkuwento. Kahit mas magandang humingi ng payo kay Tita dahil may katandaan na ito at mabibigyan niya ako ng magandang advice. Nanahimik na lang muna ako.
"Huwag mo ng uulitin, ah? Nag-alala ang mga kasamahan mo." With my whole heart, I said my apologies once again before storming out of the office.
We did our tasks the whole hours we're working. It was a busy day. It favored me somehow para makalimutan kahit papaano ang mga nangyari kahapon.
Wala na akong ibang balak pa noong natapos ang araw sa trabaho kung hindi ang umuwi nang katulad noong una ay may humarang sa daraanan ng scooter ko. Nakangiting tumambad sa akin si Renzo.
"Kumusta?" tanong niya habang ang isang kamay ay nakahawak sa manibela ng motor ko.
"Ayos naman. ‘Di kita masyado napapansin kanina sa loob, ah?" Natawa naman siya.
"Madaming customer eh, tsaka may pinaayos sa akin si Miss Dianne kaya andon lang ako sa office magdamag." Tumango naman ako.
Hindi ko na alam ang sasabihin!
"Ahh, ganoon ba?" Nasambit ko nalang. Tumango siya.
"Saan ka na ngayon?" tanong niya muli.
"Pauwi na sana, ikaw ba?" Tumingin siya sa akin saglit. Parang may gustong sabihin pero nahihiya.
Oo nahihiya siya. Ramdam ko iyon noong bigla siyang nag iwas ng tingin sa akin at napakamot sa batok. Matapos noon ay kumamot naman siya sa ulo na parang hindi alam kung paano ipaparating 'yong gustong sabihin.
Hindi ko mapigilan ang matawa. He looks so adorable.
"Gusto sana kita yayain. May alam akong magandang kainan."
Sa pag absent ko kahapon ay pakiramdam ko kailangan kong bumawi sa kaniya kahit hindi naman talaga. Kaya napa-sige agad ako sa alok niya.
"Okay lang ba sa motor ko tayo sumakay? Hindi naman gaano kalayo 'yon. Para lang mabilis tayong makarating." Wala naman akong magagawa.
Sabay kaming lumapit sa motor niya. Inabot niya sa akin ang helmet kahit siya naman dapat ang mag suot dahil iisa lang 'yon. Umangkas ako sa likuran niya at kumapit sa balikat niya. Hindi mabilis ang pagpapaandar ni Renzo. Sakto lang kaya hindi ako ganoon kinabahan. May kaunting takot pa rin dahil first time kong umangkas sa ganoong klase ng motor. Masyadong malaki at mataas.
Nang makarating kami sa sinasabi niya ay gusto kong humanga. Isang mataas na lugar iyon kaya kita namin ang mga sasakyan at mga tao sa ibaba mula rito sa itaas. Walang harang na bubong kaya kitang-kita ang magkahalong kulay orange at pink na langit. View din namin sa tapat ang malalayong bundok na tanaw mula rito dahil nasa itaas kami. Napakaganda.
"Ang ganda rito! Ngayon ko lang nalaman na may ganito palang lugar," namamanghang sabi ko.
Hindi ko maalis ang tingin ko sa langit dahil napakaganda talaga tignan. Parang ang lapit-lapit ko sa langit. Hapon na kaya medyo nakikita na ang pag lubog ng araw na lalong nagpaganda sa tanawin.
This beautiful scenery is so breathtaking. I don't think if I can ever let this such amazing art go from my eyes full of admiration. Napangiti ako sa ganda ng nakikita. Pero agad ding nawala iyon at napalitan ng lungkot.
Why does life have to be so hard? Bakit hindi na lang maging maayos at maganda ang buhay katulad ng nakikita ko ngayon? Saka ko ibinaling ang paningin sa ibaba. Sa ibaba kung saan kitang-kita ang traffic. Ang mga taong mabibilis na naglalakad. Mga usok na hindi nauubos.
There's a wonderful life like this sky I'm seeing right now. And there is a harsh life like what I am witnessing under this high place I am standing.
"Are you okay?" Nagulat ako ng lingunin si Renzo na nakatingin na pala sa akin. At mas nagulat ako sa luhang pumatak sa kaliwang mata ko pagkalingon na pagkalingon ko sa kaniya.
Nakita niya iyon dahil bakas ang gulat sa hitsura niya kaya mabilis kong pinunasan ang luhang lumandas.
"O-oo naman. Napuwing lang." Umasta akong napipikit-pikit pa para panindigan ang kasinungalingan.
"Dito, let me see." Napatingin ako sa kaniya nang lumapit siya sa akin.
His thumb made its way to my chin and pulled my head lightly so I can look up to him. Instead of giving my eyes a blow dahil ganoon ang ginagawa kapag napupuwing ay tinitigan niya lamang ako.
Ngayon ko lang siya natitigan na ganito kalapit. Parang isang dangkal na lang ang pagitan naming dalawa. I can smell his manly scent na unang beses kong maaamoy. His defined jaw moves as he stare at me full of curiosity and questions.
"Eyes don't lie, Nathalia. They can never." His words were as if a trigger to me.
Bumuhos ang luha ko na hindi ko inakalang naghihintay palang kumawala. Akala ko ay okay na ako. Akala ko ayos na ako at matatakpan ang lahat dahil sa ngiti ko. Pero naalala ko, lahat nga pala iyon ay sinadya ko para gumaan ang pakiramdam. Hindi iyon kailanman naalis.
"Ang sakit.” Napahagulgol ako nang bigla niya akong yakapin. Yakap na mahigpit. Yakap na kailangang-kailangan ko.
Tulala lang ako sa langit matapos no'n. Hindi siya nagsasalita at iniisip kong hinahayaan niya akong makapag-isip. Bumuntong hininga ako ng malakas bago siya tinignan. Gusto kong magulat pero hindi ko iyon ginawa dahil kanina pa man ay ramdam ko na naman ang tingin niya na hindi ko sigurado kung inalis niya ba sa akin.
"Si Papa ko, iniwan niya talaga kami." Siya ang nagulat. Siguro ay dahil hindi niya inaasahang magkukuwento ako. O dahil sa kuwento kong iyon na iniwan pala ako ng Tatay ko.
"12 years ago. He left us." Tumingin ulit ako sa langit para pigilan ang luhang nagbabadya na namang kumawala.
"Tapos ngayon bumalik siya. Nagpakita siya sa bahay. Akala ko uuwi na siya sa amin. Sasamahan niya na ulit kami ni Mama." Doon na muli tumulo ang mga luha ko. Hinayaan ko ang sakit sa lalamunan pero hindi ako humagulgol. Tahimik lang akong lumuha habang nakatanaw sa magandang kulay ng langit.
"Pero hindi gano'n." I smiled at him bitterly. "He introduced his new family to me." Kitang-kita ko ang pagkagulat niya. Nanlalaki pa ang mga mata.
"Sobrang sakit lang no'ng..." Tumawa ako. "Noong nakita ko ‘yong anak niya. Hindi ko lang maisip na sa ilang taong iniwan niya ako, nagkaroon pa siya ng anak na aalagaan. Tapos ako nandito. Hinihintay ko lang siyang makabalik para maalagaan ako."
"I-im sorry," mahinang sambit niya. Tipid akong ngumiti.
"I want to forgive him. But I don't think I can now. The pain is still new. Alam kong magagawa ko rin siyang patawarin. But I want to heal first. Because I can't live my life bringing this pain with me."
If only I'm not in pain, I can say that this is the most fascinating thing that has happened in my life. If only my feelings had stayed the same as before, I could've brag this beautiful scene. But I feel tired to even talk about this I am now witnessing.
With that less pain, I think I could still bare the feelings I have been feeling when I was a kid. That feeling of wanting a father to take care of you, to call you princess. A father that is also your king. I think I could still bare the feeling of waiting. Not like this that I'm being so drained and... lost.
"He told me to wait." Tumango-tango pa ako sa harap ni Renzo na para bang siguradong-sigurado sa sinasabi. "It was my kindergarten and he said that he'll be in work."
That's when I realized that he didn't really told me to wait. It was me who waited for him. He didn't say a thing if he will be back and our family will be one again. It was all me and my imagination.
I laugh. "Well, that's sad. He didn't say we should wait, though." Mabilis kong pinalis ang luhang tumulo. "I just..." I think for a right words. "I just can't understand them."
Renzo never said a word. I don't know if I will be thankful because his silence made me feel like he was giving me all the time in the world to burst all the pain. Or I'll be annoyed because I somewhat feel like he doesn't care at all and just letting me do the talk because there's nothing he can do. Like it was my time for the stage and everyone has nothing to do but listen.
But the moment I look at him beside me. I got the feeling that I should be removing the latter thought in my mind.
He was just there. All eyes on me. And by that, I know that he has been listening since the very start of my rants and stories.
"We were fine, alam mo 'yon? Everything was fine. And then this day came. My Mom said they divorced. Wala akong ideya na may ganoon na pala."
I shook my head. Trying my best to fight the lump in my throat. My creased forehead proved that any moment now, I'll breakdown... again.
"I am mad at them because they didn't tell me." Tumingin ako sa kaniya. "But I am mad at myself more kasi hindi ko naramdaman. I fooled myself the whole time and now I am the one to feel the most-" Mariin na pinikit ko ang mata ko at hindi na natuloy ang nais sabihin.
Nabaling ang paningin ko sa panyo na nakalahad sa harapan ko. It was Renzo offering his red trival handkerchief.
I jokingly laugh. "Sorry, hindi ko mapigilan."
I didn't stop laughing even I'm wiping my tears off my face. Trying my best to look okay and done.
"It's better to let it all out than keep it yourself." He was looking all fresh while staring at the freshly sky above. "The pain from your love ones is the least we want to feel. But I think it's part of life. No matter how happy your family is…" He sstopped and looked at me. "There's always a silent chaos we can't just ignore."
Pinakatitigan ko siya. And there I saw the fresh look on his face a minute ago like he had been living his joyful life for years turned into sadness.
"You are a good person, Renzo." I whispered.
He chuckled. "Totoo ba?" I lightly laugh too.
"I don't know you fully pero sa tingin ko hindi ka naman ganoon kahirap kilalanin at pasukin ang katauhan mo." I laugh.
I mean it when I said he is a good person. Saglit na panahon pa lang kaming nagkakasama pero sa ginagawa niyang paglapit sa akin, pag-aya para kumain, sa pag-uusap namin katulad ng ganito. I can tell that he is not that... bad.
I immediately halted my laugh when I saw him all serious in front of me. Bahagya akong napayuko dahil sa kahihiyan. Maybe he didn't find what I said funny. O, 'di kaya'y ayaw niya na kilalanin ko siya?
"Kung nahihirapan ka, ako nalang ang papasukin mo." The way he said those words with an unknown cold baritone sent shivers in me.
What's wrong?
What does he mean? Why do I find him so serious? He didn't take it back after that. He didn't say a word, either. Pareho lang kaming tahimik na kumakain. Hinayaan ko na lang iyon dahil masarap ang pagkain. Sinabayan pa ng magandang tanawin.
Tahimik lang kaming dalawa kahit matapos nang kumain. Ang katahimikang iyon ay nadala namin hanggang sa pagsakay sa motor niya at pagbalik sa coffee shop para naman sa motor ko.
"Sana kahit papaano nag-enjoy ka," after his long silent, he uttered a word now.
Ibinigay niya sa akin ang helmet ko bago ako inalalayan sa scooter.
"I did. Totoo. Salamat, Renzo. Nakatulong 'yon," I gave him a sweet smile. Paying all what he has done for tonight.
 
Ngumiti rin siya at pabirong ginulo ang buhok ko kaya bahagya akong napayuko. Hindi ko iyon inaasahan.
"Salamat naman. Akala ko mas lalo lang kitang pinalungkot." We both laugh. "'Wag mo na muna masyadong isipin ang mga bagay na gumugulo sa isipan mo. Kausapin mo sila. Iyon lang ang tanging paraan. Ang huli ay acceptance. Nakakagaan 'yon lalo ng pakiramdam."
I know that, Renzo. I just don't know how to start.
I smiled at him. "Thank you, Renzo."
"One DM away lang ako. Chat mo ako kapag kailangan mo ng kausap."
For the last time, I told him how thankful I am to him and bid my goodbye. Kahit papaano ay gumaan naman ang pakiramdam ko. Maybe because other than the scenery I saw, I got one person to tell my problems.
Pagkauwi sa bahay ay parang gusto kong umatras at bumalik na lang muli roon sa may magandang tanawin. I can't understand the feeling. Naabutan ko ang isang bata na nakaupo sa sofa habang naglalaro at sa katapat niya si Papa.
"Anak, bakit ginabi ka ngayon?" Nataranta si Papa nang makita ako. Nang tumingin naman ako sa anak niya ay inosenteng nakatingin lang din ito sa akin.
"Kumain po ako sa labas," I said with a little voice.
"Ganoon ba? Ganito ba lagi ang ginagawa mo, Thalia. Sa labas ka na kumakain tuwing galing sa trabaho?" He walked towards me and held my things. Siya na ang nagbaba ng mga iyon sa lamesa. "Tsaka saan ka pala nagtatrabaho? Maayos naman ba iyan?" dagdag niya pa.
I didn't answer. Instead, I roamed my gaze looking for someone they might be with. Alam kong sa oras na ito ay wala pa si Mama. Lalo na at hindi siya maagang pumasok kanina.
"Ah, si Tita Annie mo ba? Hindi namin siya kasama. Ang Mama mo naman ay hindi pa rin nakakauwi," sabi niya na parang nabasa ang iniisip ko.
"Magbibihis lang po ako." I hurriedly walk upstairs in my room.
Mabilis akong natapos sa pag-aayos pero hindi ako sigurado kung gusto ko bang bumaba. It is my Father and his son downstair. My step brother. That thought left me thinking. He's still a kid but does he know a thing? That his Father have his first family and that's us. How does he feel about me, his step sister.
I made my mind to go downstairs. Tahimik ang pagbaba ko sa hagdan nang marinig ang malakas na tawanan sa ibaba.
"Daddy, you're a cheater!" a little voice of a boy filled our house as he laugh out loud again.
"Hindi ako marunong ng larong ito. Why don't you wait for your sister, play with her." My heart ache when I heard my father.
"Sister? I don't have a sister," the boy said.
"Yes you do. We've talk about this, right?"
Tinuloy ko ang pagbaba. Natigil naman silang dalawa. Papa gave me a smile like he was really waiting for me to come down while the little boy just gave me an innocent look just like before.
"Thalia, come here." Mabagal ang paglalakad ko. He requested me to sit beside him but I headed straight for the sofa in front of him.
Papa cleared his throat. "Thalia, this is my son, Russell." He looked at Russell. "Russ, this is your Ate, Ate Nathalia."
Hindi ko malaman ang gagawin. Russell didn't flinch on his seat that's why I didn't bother too. But Papa seems to be uncomfortable after that introduction. Maybe he's thinking we don't like each other.
I am ready to accept him. It's not like I can do anything about us being siblings though. Pero parang siya iyong may ayaw sa akin. I understand him because he's just a kid. Hindi na lang ako gumalaw.
"Thalia?" I stood up the second I heard my Mama's voice calling me from outside.
"Mama.” Tinulungan ko siya sa bitbitin papasok sa bahay.
Unlike me, my Father's appearance inside our house didn’t shock my mother so I guess she was really expecting him here, huh. I don't know what to say about that.
"Kanina pa silang umaga rito, naabutan ko pa sila kaya pinatuloy ko na. Hindi ko naman alam na ganito pala sila katagal." That had my mouth open.
Hindi ko man lang naisip kung paano nakapasok si Papa rito. And the thought that Mama left them here. She still trust him. Why?
"Kumain na ba kayo? Hindi ako nagluto pero puwede naman tayong um-order," Papa said as we made it inside.
"Puwede pong pag-usapan na natin ‘yong sadya niyo. We want to rest,” I said without any hesitant.
Papa was stunned but recovered immediately. Humigpit ang hawak sa akin ni Mama kaya tinignan ko siya. She look tired but her face is somehow lighter than what it looks like yesterday when she got home.
"A-ah, sige."
Naupo kami pare-pareho sa sofa. Katabi ko si Mama habang si Papa ay nasa tapat namin. Si Russell naman ay may sariling mundo sa single sofa habang naglalaro pa rin.
"W-well, Annie and I already planned the wedding. Gusto naming mangyari iyon sa susunod na taon." He looked at us. Observing our reaction.
Mama and I didn't react. We just listened to him. He always stop every minute to stare at the two of us. I don't know if he's waiting for some reaction from us. Ayaw ko na lang talagang mag salita pa. I've heard enough and known enough news and information.
I just want this all stop. And for the first time I ever feel. I want him gone. Away from us again.
Umuwi na rin sila Papa pagkatapos noon. Tahimik lang kaming dalawa ni Mama sa bahay. Nakakain na ako kaya sinamahan ko na lang si Mama dahil hindi pa siya nakakakain.
"Saan ka pala kumain?" she asked after our last topic.
"Niyaya ako ng kaibigan ko. Malapit lang don sa trabaho."
Natigil si Mama sa pagsubo at tumingin sa akin kaya tinaasan ko siya ng isang kilay.
"What's with the sudden reaction?" taas kilay na tanong ko.
"Iyan ba 'yong nagyaya rin sa'yo noong nakaraang araw?" Halos masamid ako sa sariling laway dahil doon.
Nakalimutan kong nasabi ko na nga pala kay Mama ang tungkol kay Renzo. And worst, parang inaasar niya pa ako roon!
"S-siya nga." Mama laughed when she saw how uncomfortable I am.
"Oh, bakit nauutal ka?" Sa inis ko ay sinamaan ko siya ng tingin.
How can my Mother be like a teenager! Daig niya pa si Kristel when it comes to something like this!
"Ma, naman. Friend lang 'yon." Inabala ko ang sarili sa kung ano mang kutkutin sa may lamesa. Narinig kong tumawa si Mama.
"Hindi ba sabi ko ay gusto ko siyang makilala? Bakit hindi mo imbitahan dito?" Sa pagkakataong ito ay sinamaan ko na talaga siya ng tingin.
Hindi siya nabahala sa tingin ko at talagang tumawa pa ulit. Because of too much embarrassment, I shook my head and look down. I was about to speak when we heard a knock from outside.
"Ako na, Ma." Mabilis akong tumayo nang akmang tatayo si Mama. Kumakain pa siya kaya ako na ang gagawa.
I headed to the main door and opened the door. Hindi na dapat ako nagugulat dahil minsan na rin naman siyang nagpunta rito at tumambay. But to my surprise, Kyle is in front of me, all smile with two plastics on his both hands. What shocked me the most is it was already late.
"Kyle? Gabi na, ah." Saglit pa akong sumilip sa madilim na labas. He laugh.
"Kagagaling ko lang kasi d'yan sa labas," he said as he motioned his hands. "Hindi mo ba ako papapasukin?" I opened the door widely for him.
"Mama, si Kyle manggugulo!" sigaw ko habang naglalakad kami ni Kyle papunta sa dining. "Ano namang trip mo at gabi ka pumapasyal?"
He laugh again. "Dumaan nga ako d'yan. Tsaka namimiss ko si Tita Amanda." Nauna siya lumakad.
"Oh, Kyle. Diyos ko. Gabi na, ah." Halata rin ang gulat sa mukha ni Mama.
He's been here and he is really welcome here but this is the first time he came this late.
"Nadaanan ko 'tong paborito mong siomai, Tita. Pasalubong ko sa inyo." He laugh once again and took out what he bought from the plastic.
It explains why he was carrying two plastics. It's not just siomai he bought us. There's also a cup noodles, softdrinks and curls.
Kinain namin ang dala ni Kyle sa hapag kainan. Nang matapos si Mama ay hindi na natapos ang kuwentuhan namin kaya para hindi na maabala ang sarili ay doon na rin kami kumain.
"Kaedad mo pala iyong katrabaho ni Thalia. Sabi ko nga rito ay imbitahan niya iyon para makilala ko," maya-maya'y sabi ni Mama na itinuro pa ako.
"Talaga? May bago kang kaibigan?" masayang tanong ni Kyle.
"Ay hindi lang kaibigan!" I felt my cheeks heated. I glared at Mama and she jokingly shut her mouth, still grinning.
"Bakit Tita?" Kyle asked.
"Nanliligaw kay-"
"Mama, he's just a friend!" I defended.
"And he keeps on asking you to eat outside? Oh, come on, darling. That's a move." Mama laugh.
Kyle unconsciously moved on his seat. Unintentionally, I did it too. Hindi makaya ang pinagsasasabi ng sariling nanay.
"Kyle is also inviting me out. Kristel too. Walang malisya, Mama." Sumulyap ako kay Kyle. Nakatitig lang ito kay Mama. Para bang iniintindi rin ang sinasabi.
"If that's the case why are you not inviting him here. I told you I want to meet him. I want to meet my daughter's friends. Hindi ba Kyle?"
Parang wala pa sa sariling napatango si Kyle. "O-oo, sa'kin din ipakilala mo Thalia!" He pouted.
I let out a heavy sigh and ridiculously stared at them both. Without in my right mind, I nodded at them. Mama cheered out of joy while Kyle only gave me a smile.
Now I guess I'm gonna have to deal with Renzo-visiting-my-home.

Komentar Buku (11)

  • avatar
    Kevin Smith

    ooidieeieie

    08/04

      0
  • avatar
    Ruby Gallego

    Super nice 😊

    14/03

      0
  • avatar
    FoufaFaiza

    good

    18/09/2023

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru