logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Man of Wisdom (Man Trilogy #1)

Man of Wisdom (Man Trilogy #1)

jkaustralia


Bab 1 The start

#Papa
A lot of small fishes formed a different groups and flipped their tails. They are so beautiful. The different colors of their body made it perfect as they were surrounded by green plants and different gray rocks.
The calm water of the pond reflected my small face as I look at the fishes swimming. I smiled when I tried to throw a rock on a group which made them scattered immediately.
"Nathalia, apo!" bumaling ako sa likuran nang marinig ang tinig na iyon. "Kakain na," dagdag sigaw niya pa.
I ran towards her and giggled when she gave me a hug as soon as I reached her. Sabay kaming nagtungo sa hapag kainan kung nasaan na ang lahat at naghahanda para sa hapunan.
My family and I are here in my grandparents' house sa province. Bakasyon ngayon at gusto ni Lola't Lolo na rito kami sa kanila para maka-bonding akong nag-iisa nilang apo. Dala ng katandaan ay hindi na nila ginugustong bumyahe papuntang Maynila dahil doon kami nakatira.
"Thalia, come here..." Lumapit ako kay Mama. "Eat vegetables." Napanguso ako. Natawa naman ang matatanda.
"Ayaw ko, Mama."Pinag-lapat ko ang mga labi nang akmang susubuan ako ni Mama ng gulay.
"Kailangan mo ito, Anak. Masustansiya ito at dapat na kinakain ng bata," pag pupumilit ni Mama sabay subo ulit sa akin. Lumingon ako kay Papa para humingi ng tulong. Pero ngumiti lang ito.
"Nathalia, kumain ka ng gulay para mabilis kang lumaki," tugon ni Papa. Lalong humaba ang nguso ko.
Naramdaman ko ang pamumuo ng luha sa aking mga mata nang maisubo ni Mama ang sobrang pait na gulay. Ayaw ko no'n!
"Mama, I don't want! I will drink milk na lang po, please." Tuluyan na akong umiyak dahil ayaw talaga ng gulay.
Malakas na tumawa si Lolo at Lola, gayon din si Papa sa kanan ko. Si Mama naman na nakaupo sa kaliwa ko ay mabilis na pinunasan ang labi ko bago tumayo at kinarga ako.
"Oh, my poor baby. Mama's sorry." Hinalik-halikan nito ang ulo ko saka marahang hinaplos ang buhok kaya dahan dahan akong tumahan. Nasisiguro ko rin kasi na titigil na siya sa pagpapakain sa akin ng gulay.
Nang matapos sa hapunan ay nag tungo kaming lahat sa sala para manood at gumawa ng mga sariling mundo.
My Lola in her old self, is sitting near the window with her hand slowly tapping the hand rest of her rocking chair. Si Papa ay hindi yata mapakali at maya't maya ang tingin sa hawak na cellphone, siguro ay trabaho. Si Mama naman, hindi nakaligtas sa mga mata ko ang simpleng pag sulyap-sulyap kay Papa. Minsan ay hihinga ng malalim bago titingin sa kawalan na parang napakalalim ng iniisip. Nang maramdaman ang tingin ko ay bumaling ito sa akin saka ngumiti ng matamis.
"Do this," napabaling ako kay Lolo nang mag-salita. Sinimulan niyang mag-tipa sa piano ng mabagal para masundan ko.
My Lolo is a musician. Dati ay laging kinukwento ni Lola sa akin kung gaano si Lolo kagaling sa pagkalabit ng piano. Marunong din ito kahit sa violin at gitara. Ever since we're visiting here for a vacation, Lolo never wasted a time to teach me his most favorite instrument, at iyon ay ang piano.
I am only six but I learned how to play a little of guitar and piano. Of course, by the help of my grandfather. I didn't want it at first. Before, I always wanted to play outdoor games and get dirty. I never like instruments and indoor musical lesson. But with my grandmother who always divulges me stories about how the love of her life was into music, and with a Lolo who were so persistent. I started to like instruments when I was four. At nag tuloy-tuloy na iyon hanggang ngayon.
"Say ba-bye Lolo and Lola," utos sa akin ni Papa habang nakapulupot ang maliliit kong braso sa leeg niya.
"Ba-bye, Lolo and Lola!" it was hard for me to breathe at the moment. Naramdaman ko na ang pag tulo ng mga luha ko at nag simula na ang pag singhot ko.
"Kawawa naman ang mahal kong apo, babalik ka ulit dito, ha?" Lumapit sa amin si Lola kaya lalo akong naiyak.
I'm gonna miss them. Lagi kaming nandito sa kanila tuwing bakasyon pero lagi rin akong ganito, umiiyak pag uuwi na. Siguro ay iba talaga ang alaga ng mga Lolo at Lola.
I was eyes wide open at the whole trip from province to Manila. Hindi ko alam kung bakit sa halos tatlong oras na byahe namin ay hindi ako dinapuan ng antok. I looked at my parents in front. Si Papa na nag da-drive at si Mama na tahimik na naka-upo sa front seat.
And there I realized that they haven't started a conversation yet since we got out the province. Kahit ang pag dating sa bahay ay ganoon pa rin. Inakay lang ako ni Mama sa kuwarto ko para maayusan at inihanda sa pagtulog dahil ginabi na kami. Sa buong oras na iyon ay hindi ko narinig ang boses ni Papa.
Nang magising kinabukasan ay mabilis akong bumaba sa kama. Binuksan ko ang pinto at patakbong pumunta sa kusina kung saan amoy na amoy ang bango ng umagahan.
"Mama! Good morning!" My Mama laughed when I jumped at the chair and grab her for a morning kiss.
Nang makaharap sa akin ay muntik na akong malaglag ng mapagmasdan si Mama. Kahit tumawa ay ramdam kong walang saya iyon, o walang buhay. Kahit ang bata kong isip ay malinaw na nakikita ang pamumuti ng mukha niya na parang wala ng dumadaloy na dugo.
"Good morning! Ang aga mo nagising. I was about to wake you up when I'm done here." She then kissed me again on the lips. Mabagal ang mga kilos niya na parang pagod na pagod.
"Are you okay po, Mama?" she smiled at me but that smile faded and my Mama suddenly stumbled on the floor.
I hurriedly jump off the chair dahilan para madapa ako. Naramdaman ko ang hapdi sa tuhod ko dahil sa lakas ng impact ng pagbagsak ko.
"Mama!" Nakapikit si Mama. Kahit anong gawin ko ay hindi siya nag-mumulat. Nag simula na akong umiyak.
Mabilis akong tumakbo sa kwarto nila para tawagin si Papa ngunit ganoon nalang ang gulat ko dahil walang tao roon. Sobrang linis na pati ang kama ay nakaayos. I glanced at the wall clock and for the second time, I was again shock. It’s just almost six in the morning. Kung ganoon ay napaka-aga pala ni Papa na pumasok sa trabaho.
"Mama! Mama!" Bumalik ako kay Mama na nakahiga pa rin sa sahig at walang malay. Lumakas ang hagulgol ko dahil naamoy ko ang amoy sunog na sigurado akong sa niluluto ni Mama.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Nakaupo lang ako sa tabi ni Mama at umiiyak na nakatingin sa kaniya. My Mom is unconscious and the food she was cooking started to create a fire!
"Tulong! Tulungan niyo po ako! Tulong!" malakas na sigaw ko sa madilim na labas ng bahay namin. Papasikat pa lang ang araw. Nakakaabala ako pero wala na akong pakialam.
"Tulong po! Tulong!" Nabuhayan ako nang makitang nag bukas ng ilaw ang katapat naming bahay. Maging ang kapitbahay namin!
It was all so sudden and so fast! I don't have even a slightest idea on what's happening. Maayos lamang kami no'ng nakina Lola. Though, nakikita ko ang pananahimik ni Mama pero hindi ko naman alam na ganoon na pala ang nangyayari sa kaniya!
"Nathalia?" Mabilis akong pinaligiran ng luha nang makita si Papa na mabilis na tumatakbo papalapit sa akin. Nang makarating ay lumuhod ito at mabilis naman akong yumakap sa leeg at doon humagulgol.
"What happened po, Doc? What's happening?" tanong ni Papa nang makalabas ang Doctor. Ang kapitbahay na si Tatay Benny, Ate Laura at Kuya Paeng ay umuwi na nang makarating si Papa.
"The patient is fine. She lost consciousness due to stress and fatigue. I suggest you keep her away to things that can make her feel those again. Kailangan niya lang ng pahinga and..." bumaling ito sa akin at ngumiti bago kay Papa. "Congratulations, Mr. Dacillo. She's six weeks pregnant."
That news made my heart jump out of my soul. Our family is small. Mama's parents are both dead and in peace. While Papa's parents were blessed with an only son and that was my father. And then, my family - my parents and their offspring, me. We have relatives but we don't hang-out together or make reunions. It was always been my grandparents, my parents and me.
And now a little angel is added. I am happy. I've longed for a sibling so I can take care of her or him, and then we will play when she or he's old enough. And when we are both going to school, we will help each other. And maybe add another sibling. I giggled at that thought.
I wanted a baby brother. Gusto ko iyong magkaiba kami ng gusto dahil babae ako at lalaki siya. Para mayroon kaming pagtutulungan tuwing hindi magkakasundo, dahil kahit anong mangyari ay kailangan namin magkasundo.
It's been months now since we knew that Mama is having a baby. Mama is staying at our house. Bawal siyang mag trabaho that's why Papa did all the work and I can see he's stress. Siya ang naghahatid at sumusundo sa akin sa school. Siya rin ang nagtatrabaho. But he's not always home. I wanted to get mad at him because Mama needs him but the other side of me understands him because he needs to double his work for the upcoming baby.
It was all so hard for them but I feel nothing but joy. The thought of having a baby brother gives me happiness. Until a night came that I wish everything stop, and bring us back to what we were before.
"Bakit hindi ka nalang tuluyang umalis!?" I heard Mama shout. Their room is close.
Gusto kong hindi pansinin pero ang sigawan nila ay rinig na rinig sa nakasara kong kwarto. Kaya't lumabas ako at sumandal sa pader sa labas ng kwarto nila.
"Hinaan mo ang boses mo, baka magising ang bata." Pilit mang hinaan ay rinig ko iyong sinabi ni Papa.
"Bakit? Natatakot ka? Natatakot kang malaman ng anak mo?" Hindi ko iyon maintindihan. Ang buong pagtatalo nila ay hindi ko maintindihan.
"Wala akong ikinababahala, Amanda," mariing sabi ni Papa.
"Dahil wala kang pakiramdam! Hindi mo man lang iniisip ang mararamdaman ng sarili mong anak! Pa’no mo sasabihin itong nangyayari sa'tin? Paano mo sasabihing dahil sa kapabayaan mo, nawala ang kapatid niya!" sigaw ni Mama na hindi ko man lubos na naintindihan ay pinanghina ako ng sobra.
Tuloy ay dahan-dahan akong napaupo kasabay nang pagpatak ng mga luha ko. Natakip ko ang kamay sa bibig nang hindi mapigilan ang kumakawalang hagulgol.
"Hindi ito mangyayari kung hindi dahil sa’yo! Oo, napag-usapan na natin. Pero hindi mo mawawala sa akin ang pag-aalala!" Umiiyak na si Mama. "Asawa kita, Richard! Paano mo nagagawa sa akin ito!"
Tanging iyak na lamang ni Mama ang naririnig ko. Masakit iyon para sa akin. Ang marinig si Mama na umiiyak at ang katotohanang aking narinig. Hindi ako sigurado pero alam ko ang aking narinig. Ang munting anghel na aking pinakahinihintay ay ngayo'y nag tungo na sa langit.
7:30 nang magising ako kinabukasan. Lumabas ako ng kwarto para sana tawagin si Mama para makapag-ayos na ako para sa school nang matigilan ako sa nakita. Nakaupo si Mama sa sofa sa sala habang nakatungo. May isang malaking itim na bag na nakapatong sa may coffee table.
Bumaba ako ng hagdan kaya't nag taas ng tingin si Mama sa akin. Doon ko nakita ang pamumula ng mga mata niya. Napaluha ako agad dahil doon. Hindi ko pa man alam ang dahilan niya ay parang mas mauuna pa akong humagulgol sa kaniya.
Nang makalapit kay Mama ay siya namang pagbaba ni Papa sa hagdan. Natigilan siya nang makita ako sa tapat ni Mama. Maayos ang damit ni Papa. Iyong normal niyang porma kapag mag tatrabaho. Long sleeve na blue at pantalon.
Ngumiti ito sa akin pero hindi iyon tulad ng ngiti na kinasanayan ko sa kaniya. Kapag ngumiti si Papa ay abot iyon sa kaniyang mga mata, pati siguro sa tenga. Lalo na kung sa akin babaling ang paningin niya. Sa ganoong paraan ay parang sinasabi niyang ako ang pinakamagandang pangyayari sa buhay niya. Pero ngayon, iba iyon.
"Nagugutom ka na ba?" Umatras ang luha ko nang lumuhod siya sa harap ko. Sa likod ko si Mama.
"Hindi ka ba sasabay sa akin kumain, Papa?" tanong ko dahil parang handa na siya pumasok sa trabaho.
Matagal siyang tumitig sa akin bago muling tipid na ngumiti. "Kailangan nang umalis ni Papa," sabi niya bago ako marahang hinila papalapit.
"Mamayang gabi ay sasabay ka na ba sa amin kumain?" Tuluyan na niya akong hinila para sa yakap matapos kong sabihin iyon.
Gusto ko sanang kumawala no'ng maramdamang parang nabasa ang balikat ko kung saan naroon ang mukha ni Papa. Pero nang makaharap siya ay parang wala lang naman. Siguro ay may tumulo lang kanina sa kwarto ko.
"May trabaho lang si Papa. Babalik din akonabas." Hinalikan niya ako sa noo bago tumayo. Gano' n din ang ginawa ni Mama kaya tinignan ko siya.
Nakita kong may tumulong luha sa mukha ni Mama na mabilis niyang pinalis. Sunod kong tinignan si Papa na nakatingin din kay Mama pero lungkot lamang ang makikita sa mukha niya.
Tuloy ay nalilito ko silang tinignan na pareho. Huling tingin ang binigay sa akin ni Papa kasabay ng pag-hawak niya sa ulo ko bago niya kami tinalikuran ni Mama. Nakatanaw lang kami sa kaniyang hanggang sa marinig ang pagsara ng pintuan, hudyat na nakaalis na siya sa bahay.
Parang wala naman sa sariling iniwan ako ni Mama sa sala at pumasok sa kwarto nila sa itaas. At dahil sa kaisipang mahuhuli ako sa klase ay umakyat din ako sa kwarto nila Mama. Pero bago ko pa buksan ay natigilan ako nang marinig ang tanging hagulgol ni Mama sa loob ng kwarto.
And right there where it hit me hard. I know something was wrong. I just didn't want to accept it because I don't know to myself if I can ever accept it. Nang huling sandaling iyon ay pinaniwala ko ang sarili kong sa trabaho lamang ang punta ni Papa at uuwi siya mamayang gabi gaya ng lagi niyang ginagawa. Si Mama ay maya-maya ring aayusin ang sarili dahil kailangan kong pumasok.
I am only six year old. A girl who needed to go to her first grade with her Mommy walking her out the door of their house and her Daddy driving the car to send her off to her Elementary School. A six year old who witnessed her Mother cry out the pain. Kasi ang araw na iyon ay ang huling araw na makikita niya ang kaniyang asawa.

Komentar Buku (11)

  • avatar
    Kevin Smith

    ooidieeieie

    08/04

      0
  • avatar
    Ruby Gallego

    Super nice 😊

    14/03

      0
  • avatar
    FoufaFaiza

    good

    18/09/2023

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru