logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 2: Being a Stalker

SERINADE
"BAKIT kaya s'ya nasa convenience store?" taka kong tanong habang pinagmamasdan siyang pumasok sa loob ng convenience store.
Naramdaman ko naman ang mahinang hampas sa akin ni Mimi sa braso. "Aray naman," daing ko at inis na napatingin sa kaniya.
Tumingin din siya sa akin matapos sulyapan ang pagpasok ng lalaki. "Sira ka talaga. Syempre nand'yan s'ya para bumili ng mga pagkain. Bakit? Wala ba siyang karapatan na bumili?"
Napaismid ako. "Oo na. Tama ka na. Nand'yan na naman bunganga mo eh. Sunod-sunod ang dada."
"Whatever. Tara." Kaagad niyang hinawakan ang kamay ko.
"Ha? Saan at bakit?" Simangot ko.
"Do'n. At susundan natin s'ya." Ngumisi pa siya na parang alam ko na ang ibig sabihin. Susme! May kababalaghan yata siyang gagawin.
Wala na akong nagawa kundi ang sumunod sa kaniya at pumasok na rin sa loob ng convenience store. Bumungad sa amin ang malakas na hangin galing sa electric fan. Hinanap agad siya ng mga mata ko.
"'Ando'n sa canned section. Tara ulit." Wala na lang akong imik na nagpatangay sa paghila niya sa akin. Ano kayang plano ng babaitang ito?
Parang lumalapit siya sa akin nang pumunta kami sa canned section kung saan siya bumibili. May dala rin siyang basket na paglalagyan ng mga bibilhin niya. Masyado siyang busy sa pamimili kaya hindi niya napapansin ang pamaya-maya kong pagmamasid sa kaniya. Naramdaman ko naman ang paniniko ni Mimi. Nagtataka naman akong tumingin sa kaniya.
"Lapitan mo kaya," suhestiyon niya ng nakangisi.
Ayoko. Kung malayo nga ako sa kaniya at abot tingin lang ako eh mukha ngang siya pa ang kusang lumalapit sa akin. Nakakakaba.
Umiling ako. "Ayoko nga. Ini-stalk lang natin s'ya eh."
"Malay mo mapansin ka na n'ya. Sige na." pamimilit niya sa akin.
"Ayoko nga sabi."
"Hello po." Sabay pa kaming napalingon ni Mimi nang marinig namin ang salita ng isang babae. Mukhang pabebe, boses pa lang.
Isang junior high pala ang lumapit sa kaniya at kinakausap siya. Siya naman eh todo ang pamimili ng mga canned foods at walang pakealam sa bata. Katulad ng sa akin, deadma lang 'yong bata.
"Kuya," pagtawag ng babae dito. Narinig ko naman ang mahinang hagikhik ni Mimi. Nagpipigil na pala ng tawa.
And for the first time and forever lumingon ang lalaki at tumingin sa babaeng junior high. Tinignan niya lang ito ng walang ekspresyon.
"Ano po... uhm... gusto ko lang po sanang sabihin na....." Hindi mapakali ang dalaga. Palipat-lipat ang tingin niya do'n sa lalaki at sa paanan nito. "... gusto po kita." Namumula na ang pisnge ng babae. Super titig lang ako sa eksena.
"Okay." Sabay walk out ni kuya. Sabay pa kaming nagkatinginan ni Mimi at natawa matapos makita ang eksenang iyon. Medyo napalakas yata kami ng pagtawa kaya napatingin sa amin iyong babaeng junior high. Malapit na siyang maiyak. Kaniya-kaniya naman kami ng gawi ni Mimi. Balik sa pagtingin ng mga canned foods kahit hindi naman kami interesado. Iyong feeling na gusto mo nang humagalpak sa kakatawa pero hindi mo magawa. Mukha akong natatae.
Narinig namin ang pagbukas-sara ng glass door ng convenience store. Sabay pa kaming napatingin ni Mimi sa exit ng store. Nakalabas na pala iyong babaeng junior high. Kawawa naman siya. Nang dahil sa pagiging snobbero niya, nakakasakit na siya ng feelings ng iba.
Nagpalingon-lingon ako at hinanap kung nasaan na siya. Ngunit nagulat ako nang makitang nasa likuran na pala namin siya. Napatakip na lang ako ng mukha at baka makilala niya ako.
"'Andiyan siya sa likuran, ano?" pabulong na tanong ni Mimi sa akin. Tumango lang ako ng paulit-ulit. "Lapitan mo na, girl."
"A.YO.KO." madiin kong sambit. Pinapahiwatig na hindi ako mapipilit.
"Ayaw mo 'nun, makikita mo s'ya nang malapitan." Ngiting-aso na ang bruha. Gusto talaga akong ipahamak eh.
"Basta ayoko. Napahiya na nga ako, diba? Ayoko nang mapahiya pang muli."
Hindi na ako makakapayag pang mapahiya lalo na sa iisang tao pa. Never. As in never.
"Ewan ko sa 'yo."
Akala ko titigil na siya pero nagulat ako nang bigla niya akong tinulak. Nanlaki naman ang mga mata ko nang tumama ako sa likuran niya na ikinaatras niya.
Sh*t!
Mas ikinagulat ko ang paglingon niya at pagtingin sa akin na nakakunot ang noo.
"Waaah! Sorry! Sorry! Sorry!" With matching paulit-ulit na bow pa 'yan ah. 90 degrees pa. Tae! Napahiya na naman ako sa taong ito.
Tinignan niya lang ako na parang balewala ang ginawa ko. "Tss." Pagkatapos ay umalis na siya sa harapan ko. Mukha na naman akong sira dahil nakatulala na naman ako. Napahiya na naman kasi ako sa harapan niya and it's the second time.
Naramdaman kong lumapit sa akin si Mimi. "Ano, Seri?"
Bwisit! At may gana pa siyang lumapit at magtanong sa akin.
Binigyan ko siya ng isang pinakamatinding glare at umalis sa harapan niya. Lumabas na ako ng convenience store tutal wala naman talaga akong bibilhin sa loob, mas mabuti pang umalis na lang. Sa sobrang hiya, ayoko nang bumalik sa convenience store na iyon. Nakakahiya talaga ang ginawa ko!
"Uy, Seri! Sorry na. Bati na tayo, oh." Sumunod pala siya. Hindi ko siya pinansin. Nagpatuloy lang ako sa paglalakad.
"Serinade! Sige na, oh. Bati na tayo." Napahinto naman ako sa paglalakad at nilingon siya. Nakatingin siya sa akin na parang nagsusumamo.
"Oo na," sumusukong sabi ko. Matitiis ko ba ang kaibigan ko?
Naglakad siya papalapit sa akin at pinulupot sa braso ko ang braso niya. "Talaga? Bati na tayo?"
"Naka-unli ka ba, Mimi? Oo nga. Bati na tayo. Tara na." Hinila ko siya paalis.
"Yehey!" masigla niyang bulalas at kumapit pa sa aking kaliwang braso.
"Pero pinahamak mo pa rin ako," pagtatampo ko. Nakakahiya talaga iyon.
Bigla naman siyang tumili. "Ano ka ba, Seri! Oh my god! May physical contact na kayo. Hello! Realization, please."
Binigayan ko siya ng tinatamad na tingin. "Oh, tapos? Pakealam ko? Napahiya naman ako for the second time."
"Bahala ka. Basta ako kinikilig ako sa inyo. May physical contact na kayo." Napapikit pa siya at halatang kinikilig.
"Ewan ko sa 'yo." simangot ko.
"Seri." Huminto kaming dalawa sa paglalakad. "Pauwi na s'ya." Pasimple niyang itinuro iyong tinutukoy niya. At hayun nga siya. Naglalakad na may dalang dalawang plastic bag. Patungo siya sa daang lagi naming dinadaanan ni Mimi. At saan naman siya pupunta?
"Mukhang uuwi na s'ya. Saan kaya bahay 'nun?" tanong ni Mimi sa akin.
"So, mas interesado ka sa kaniya?" prangka kong tanong.
"Selos agad? Curious lang ako," natatawa niyang tugon.
"Ano'ng selos? Baliw." Pinanuod lang namin siyang maglakad patungo sa dinadaanan namin. Shemay! Napabaon ang mga nagtatalasan kong kuko sa braso ni Mimi na ikinahiyaw niya sa sakit.
"Sorry, Mimi. Paano na? Doon siya dadaan sa dadaanan natin," kinakabahan kong ani. Okay hysterical na ako nito.
She tap my shoulder. "Relax lang, Seri. Magtago ka lang sa likuran ko and you'll be safe."
Inismiran ko siya. "Safe mo mukha mo. Pahamak ka pa naman palagi. Baka nga magbalak ka na naman eh."
Nakita ko ang ngisi sa labi niya. "Wala ah," maang-maangan niya.
"'Wag nga ako, Mimi. Kilala na kita. Manahimik ka na lang diyan at panuorin na lang natin s'ya kung saan s'ya pupunta." Nanahimik naman siya pati na rin ako.
Straight lang ang tingin niya sa daan. Parang hindi niya nafi-feel na may mga nagmamatyag sa kaniya. Wala talaga siyang pakealam sa paligid niya. Nangunot ang noo ko nang lumiko siya. Iyon kasi 'yong daan papunta sa tinitirhan kong apartment. Hmm... Hindi naman siguro nakatira siya sa apartment, ano? Baka may ibang bahay siya. Gusto pa sana namin siyang sundan ngunit tuluyan na nga siyang nawala sa paningin namin ng dahil sa kabagalan namin maglakad.
"Ano ba 'yan? 'Ni hindi man lang natin s'ya sinundan. Gan'yan ba ang pagiging stalker? Tsk. Walang kadating-dating," reklamo ni Mimi habang nakapamewang.
"Ang arte mo. Hindi natin dapat gawin 'yon dahil baka makatunog s'ya. Edi nabisto na tayo. Utak mo Mimi, ah. Paganahin."
"Sira! Wala nga siyang kaalam-alam na may nakatingin sa kaniya. Sa tingin mo mapapansin n'ya 'yong pagsunod natin sa kaniya? Oh, ano ngayon? Paano natin malalaman kung nasaan bahay n'ya?" Tinarayan pa niya ako ng tingin.
"Over ka na, Mimi ah. Baka next time maging akyat-bahay gang na tayo ng dahil lang sa pagsunod natin sa kaniya."
Ngumuso siya. "Hindi naman sa gano'n."
Nagsimula na kaming maglakad at dumaan kung saan dumaan kanina 'yong lalaki. Dito rin kasi ang daan papunta sa bahay ni Mimi. Mayaman si Mimi pero ayaw niyang mag-commute o magpahatid sa driver nila. Mas prefer niya ang pagsabay sa akin maglakad. Gan'yan siya kabait.
"Next time ulit sa school. Baka makita natin 'yong lalaking kaibigan kuno daw n'ya, tanungin na natin s'ya ah," suhestiyon niya. Tumango na lang ako bilang pagsang-ayon.
"Oh, pa'no ba yan? Nandito na tayo. Ba-bye Mimi," paalam ko sa kaniya ng nakangiti. Nandito na kasi kami sa tapat ng apartment ko.
"Ba-bye, Seri." Nagyakapan pa kaming dalawa bago maghiwalay. Ganito talaga kaming dalawa. Sweet sa isa't isa kahit laitan ang peg.
Nang makaalis na siya ay pumasok na ako sa loob ng apartment ko. Sa isang apartment na pagmamay-ari ng Tita ko ako nakatira. Magmula nang dumating ako dito sa Manila, sa poder ng Tita ko ako tumira. Nagbabayad din naman ako monthly ng upa pero hindi pa ako nagtatrabaho o nagpa-part time job. Syempre buhay pa ang mga magulang ko. Parehas silang nagtatrabaho at bumubuhay sa aming tatlong magkakapatid.
Ako ang panganay kaya dapat pagbutihan ko ang pag-aaral para kapag nakapagtapos na ako ay makakatulong na ako sa kanila. Hindi naman kasi kami mayaman tulad ni Mimi. May kaya lang kami sa buhay. Medyo lubog din kami sa utang kaya minsan isang libo lang ang pinapadala sa akin ni nanay para sa isang buwan. Nag-iipon naman ako kaya minsan napapadami ang binibili kong pagkain. Doon ko lang kasi ibinibuhos ang lungkot ko. Naaawa ako sa magulang ko.
Tungkol naman sa upa, kalahati lang ang binabayad ko dahil close kami ng Tita ko kaya pati pagkain ko ay siya na rin ang sumasagot. Lagi niya akong dinadalhan ng pagkain. Minsan ay kapag hindi ako pinapadalhan nina nanay ay si Tita ang nagbibigay sa akin ng allowance. Napakaswerte ko sa Tita ko. Kaya dapat suklian ko rin ng kabutihan ang lahat ng ginagawa niya hindi iyong susungitan ko pa kapag hindi ko gusto ang ulam. Mabait naman akong tao. Hindi lang talaga halata. At promise ko sa sarili ko, kapag nagkatrabaho na ako tutulungan ko rin at susuklian ko ang mga ginawang kabutihan sa akin ni Tita.
Sandali, ang drama ko na. Tama na nga itong monologo ko.
Nakarinig ako ng katok mula sa pintuan ng apartment ko. Kaagad kong binuksan ang pintuan at bumungad sa akin ang nakangiting mukha ni Tita.
"Good eve po, Tita Kyn." Nginitian ko siya at ganoon din siya. "Pasok po kayo." Pumasok nga siya sa loob. Pansin kong may dala siyang tasa na may lamang ulam. Lalo akong napangiti.
"Bakit hindi ka pa nagpapalit ng damit?" puna niya sa suot ko pa ring uniform.
Napatingin tuloy ako sa aking suot. "Kauuwi ko pa lang po kasi," magalang kong tugon.
"Hmm. Kumusta ang klase, Serinade?" Inilapag niya sa ibabaw ng maliit at bilog kong mesa ang tasang may lamang ulam. Sa liit ng apartment ko ay halos magkakalapit na ang sala at kusina.
"Okay naman po, Tita Kyn." Agad akong kumuha ng pinggan at doon nilipat ang ulam.
"Dinalhan na kita ng ulam, ah. Kumain kang mabuti. 'Wag kang magpapagod. Nangangayayat ka na." Pinagmasdan niya ang kabuuan ko. Napanguso naman ako. Ang dami ko namang kumain. Pero bakit hindi nga ba ako tumataba. Tiyan ko lang yata ang lumalaki.
"Talaga po? Parang hindi naman eh. Ang takaw ko nga po kumain tapos lagi n'yo nga po akong dinadalhan ng masasarap na pagkain. Ang taba ko na po kaya," biro ko.
Napangiti naman siya. "Ikaw talagang bata ka. Oh sya, aalis na ako. 'Yong pintuan saraduhin mong mabuti at baka may magnanakaw na pumasok," paalala niya.
"Ano ka ba, Tita Kyn? Kaya ko po ang sarili ko. Baka nga bumagsak sila kaagad dahil bubugbugin ko sila. Pakita ko pa sa kanila karate style ko eh," biro ko. Umakto pa ako na nagkakarate.
Natawa naman siya. "Ikaw talaga. Babae ka pa rin kaya dapat mag-ingat ka sa kanila."
"Sila ang mag-ingat sa akin," maangas kong sabi.
Iiling-iling lang siya habang nakangiti sa akin, tila natutuwa. "Ay nga pala, kinukumusta ka sa akin ng nanay at tatay mo. Sinabi ko naman na maayos ang lagay mo at makulit pa rin katulad ng dati."
"'Di naman Tita. Cute lang po." Tapos nagpacute pa ako sa harapan niya. Natawa naman siya.
"Sya, aalis na ako. Madilim na eh."
"Bye, Tita." Pinagbuksan ko pa siya ng pintuan at nginitian bago siya umalis. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa mawala na siya sa aking paningin. Close na close kami ni Tita. Para ko na siyang nanay lalo na at hindi ko kasama si nanay.
Lagi akong pumupunta sa bahay niya na hindi kalayuan sa apartment ko. Panganay na kapatid siya ni nanay. Para sa akin, isa siyang legendary ate noong panahon na magkakasama pa silang magkakapatid. Walo kasi silang magkakapatid tapos si Tita Kyn ang nagtaguyod sa kanila. Dito na siya sa Manila nanirahan.
Marami na rin siyang naikwento sa akin, tungkol sa past nila tapos sa love story niyang naudlot. Yeah. Tumanda siyang dalaga. Kaya noong bata pa ako lagi kaming nagba-bonding. Tapos ako na nga ang nag-aasikaso sa kaniya kahit nasa 40's pa lang siya. And still, maganda pa rin siya at mukhang bata.
Nagsimula na akong kumain. At habang kumakain, bigla na lang sumagi sa isip ko ang mukha niya. Naalala ko pa ang baritono niyang boses at ang mala-anghel niyang mukha.
Bakit nga ba gano'n? Ang anghel ng mukha pero kabaliktaran ng ugali niya.
At tama nga naman si Mimi. Dapat tigilan ko na ito. Pero sadyang mapilit talaga ang sarili ko. Ako kasi iyong tipo ng tao na dapat lahat ay kakaibiganin ko at gusto kong kilalanin. Kaya gagawin ko ang lahat makilala lang siya at maging malapit sa kaniya.
Kaya kung sino ka man, humanda ka dahil makikilala rin kita.
Itutuloy......

Komentar Buku (14)

  • avatar
    Princess Jane Molina

    qtiee

    02/01

      0
  • avatar
    Arvie Base

    nakakainlove ulit ako nito ah

    23/10

      0
  • avatar
    FriasMark Angelo

    this story is so amazing that very teen is obsessed with this story!! I love it 🫶🫶💙

    01/09/2023

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru