logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 7

|| LIANNE DESTALE ||
"Ito na ang huli! Yey!" masayang sabi ko nang tapos ko ng pirmahan ang huling dokumento sa mesa ko. Hindi ko naman sana gagawin ito kung hindi lang isinara ni Chandler ang pinto gamit ang isang spell. Tinawag ko naman si Chandler habang nagbabasa siya ng libro sa mesa niya.
"Chandler~~ Tapos ko na ang trabaho ko~~" masayang sabi ko.
"Hindi pa." plain na sabi nito at hindi man lang siya nag-abalang tignan ako.
"Huh?"
"Pipirmahan mo pa 'yang mga 'yan." sabi ni Chandler at ipinaling nito ang ulo niya sa direksiyon kung saan naroon ang sofa. Nang tignan ko iyon, maraming folders pa ang nakapatong doon.
"Hala! Ang dami naman!" reklamo ko. "Ikaw na muna ang pumirma tapos saka na ako pipirma diyan!"
"Tapos ko nang pirmahan 'yan noong isang araw pa." sagot nito. Sa unang pagkakataon ay tinignan niya ulit ako. "Matagal ko nang sinabi sa'yo na kung hindi mo tinatakasan ang trabaho mo dito, edi sana hindi ka natatambakan diyan."
Hindi ko na siya pinakinggan. Paulit-ulit lang naman ang sinasabi ni Chandler. Kulang na nga lang ay i-record ko nalang ang lahat ng sabihin niya. Nakakatamad naman kasing gawin ang trabaho ko dito. Ayoko pa namang napipirmi lang sa isang lugar.
Mamaya-maya pa'y tumingin si Chandler sa pocket watch niya. Pagkatapos, tumayo na siya sa swivel chair niya at kinuha ang cloak na nakasabit dito. Binalingan niya ulit ako.
"Tumayo ka na diyan. Pupunta pa tayo ng main hall."
"Ikaw nalang kaya. Napagod ako eh." sabi ko.
"Kailan pa naging nakakapagod ang pagbabasa ng dokumento at pagpirma dito?"
"Ngayon lang! Huwag ka nga! Napagod ang kamay ko! Pati mga mata ko ay napagod." sabi ko.
"Tss. Tumayo ka na nga diyan."
Nag-isip-isip naman ako. Kung maiiwan ako dito, malamang ipapagawa niya lang sa akin ang mga trabaho ko. Dahil doon, tumayo na rin ako sa upuan ko at kinuha na rin ang cloak ko. Sabay na kaming lumabas sa office. Habang naglalakad kami papuntang main hall, kinakausap ko si Chandler.
"Chandler~ kapag ba natapos ko ang lahat ng trabaho ko, may reward ako?"
"Ano ka, bata?"
"Bata pa naman talaga ako!" sabi ko sabay bulong, "Ikaw lang naman ang hindi na bata."
Tumigil naman ito sa pagsasalita at hinarap niya ako. Medyo masama pa ang tingin niya sa akin.
"May sinasabi ka?"
"Wala naman ah?" sabi ko sabay ngiti ng painosente. "Naku, Chandler. Baka naiistress ka na kakatrabaho. Kung anu-ano na ang naririnig mo eh."
"Ikaw lang naman ang magiging dahilan kung bakit maiistress ako. Tss." sabi nito sabay lakad ulit.
Ang bully talaga nang isang 'yon sa akin. Hindi na nagbago. Sa tagal na naming magkakilala, kabisadong-kabisado ko na ang ugali niya. Pagdating namin sa main hall, natahimik bigla ang mga estudyante.
Umakyat kami sa may stage. Ipinagkrus pa ni Chandler ang mga braso niya at sumandal sa may tabi ko. Alam ko na 'to. Ako na naman ang pagsasalitain niya. Tinignan ko naman isa-isa ang mga estudyanteng nandito bago ako nagsalita.
"Magandang araw sa inyong lahat. Salamat sa pagpunta dito sa kabila ng biglaan naming pagpapatawag sa inyo dito. Ang dahilan kaya pinatawag namin kayo dito ay may importante kaming sasabihin sa inyo."
Nagkaroon naman ng mahihinang bulungan sa paligid pero nagpatuloy ako sa pagsasalita.
"Gusto kong sabihin sa inyo na sa susunod na linggo, magbubukas kami ng paligsahan ni Chandler. Isa itong paligsahan upang subukan ang lahat ng kakayahan ninyo. Inaasahan kong karamihan sa inyo ay sasali dito."
Nagkaroon naman ng mas malakas na bulungan sa buong main hall. Mukhang nagulat sila sa sinabi ko. Ito kasi ang unang beses na gumawa kami ni Chandler ng ganitong anunsiyo. Hinayaan ko lang sila na mag-usap-usap tungkol dito.
"Tahimik!" biglang sabi ni Chandler.

Dahil doon, natahimik nga ang mga estudyante. May nagtaas naman ng kamay sa mga estudyanteng nasa harapan namin ni Chandler. Si Yujin.
"May gusto ka bang sabihin?" tanong ko.
"Meron sana. Itatanong ko lang kung ano ang magiging premyo sa paligsahang ginawa niyo."
"Magandang tanong." sabi ko. Kinuha ko naman ang isang box na kanina ko pa dala sa aking bulsa. Binuksan ko iyon sa harap ng mga estudyante. Karamihan sa kanila ay nagulat. Natural lang ata ang reaksiyong iyon.

Maliit ngunit kapansin-pansin naman ang itsura nito. Ito ay dahil sa mga maliliit na kristal ang nakapalibot dito. Naglalabas ng kakaibang enerhiya ang mga kristal na ito na nanggagaling sa mga buhay na elementong nakapalibot dito. Masasabing parang humihinga din ang mga kristal na ito.
Ang laman lang naman ng box ay isang crest. Ito ay ang crest na tanging kami lang ni Chandler ang meron, ang bagay na magpapatunay na isa kang miyembro ng Infinita Magia.
Ngumiti naman ako bago magsalita.
"Ngayon, hinahamon ko kayong lahat. Subukan niyong makapasa sa mga pagsubok namin. Iyon ay kung kaya niyo."

Komentar Buku (192)

  • avatar
    Unabia Ryan

    thank you 😊

    2d

      0
  • avatar
    John Bensi

    the story is very beautiful

    3d

      0
  • avatar
    FernandezJay-ar Estrada

    the best of all

    10d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru