logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

4 : Takipsilim Part 1/2

“Anak, saan ka na naman nanggaling?” bungad sa akin ni Ina nang makapasok ako sa aming tahanan.
“Sa hangganan ho, Ina.” Nakayuko ako at pilit na ikinukubli ang aking mukha.
“Alam mong ‘di mo ako kayang paglihiman, anak. Kaya ngayon pa lamang ay magsalita ka na,” mariing saad nito na ikinatunghay ko.
“Ina . . .” maluha-luhang sambit ko.
“A-Anak! Umiibig ang aking anak sa isang mortal!” bulalas ni Ina sa akin. Hindi ko na ikinagulat pa ang sinabi ni Ina. Isa ito sa kapangyarihang taglay naming mga engkanto, ang alamin ang katotohanan mula sa aming mga mata.
“Pa-Patawad, Ina. Hindi ko po sinasadya na mahulog nang husto ang aking kalooban sa isang mortal. Iniibig ko na siya, Ina. Iniibig ko,” pag-amin ko.
“Anak, alam mo ang kapalarang naghihintay sa ‘yo at sa amin dahil sa iyong kapusukan,” malungkot na pahayag ni Ina. Napahawak ito sa kanyang dibdib kasabay ng paglandas ng luha sa pisngi nito.
“Alam ko po, Inay. Sinubukan ko siyang iwasan at kalimutan ang nararamdaman ko pero hindi na siya maalis sa aking puso’t isipan.”
“Kung ganoon, humayo ka at ipabatid ito kay Haring Gideon. Ang kusa mong pag-amin ay makapagpapagaan ng parusang nakaatang sa ‘yo.”
Laglag ang balikat ko habang papalapit sa kinaroroonan ng Hari, kasunod sina Ina at Ama.
Sa bungad pa lamang, ramdam ko na ang kakaibang init na sumasakal sa akin.
“Ahhh . . .” daing ko habang hawak-hawak ang aking leeg.
“A-Anak . . .” luhaang sambit ni Ina. “Batid na ng Hari ang lahat. At isa ito sa parusang agad na nararanasan ng sinumang sumuway sa kanya. Kinakailangan mong magpatuloy at tiisin ang lahat ito.”
Tumango-tango na lamang ako kasabay ng aking pagluha. Nasasaktan ako sa parusang ito. Pero mas masakit ang pagluha ni Ina habang si Ama ay blankong nakamatyag sa akin. Tagusan ang titig nito at bakas ang pagkadismaya sa aking nagawa.
Nilapitan ako ni Ama at inakay palapit sa Hari. Nahinto ako nang maramdaman ko ang mariin niyang paghawak sa akin. Nagngangalit ang panga ni Ama. At kagaya ko, napahawak din siya sa kanyang leeg. Litaw ang mga litid tanda ng paghihirap nitong kontrolin ang sakit.
“Hmmm . . . hmmm . . .” himig ko habang umiiling. Bahagya kong itinutulak si Ama upang lumayo sa akin. Hindi siya dapat nadadamay sa aking pagkakamali.
Pero matigas si Ama at pinilit na makarating kaming dalawa sa harapan ng Hari. Ganoon na lamang ang aking pagsisisi nang masilayan ko si Ama na lumuluha ng itim na likido.
“A-Anak . . . tanda ito ng suporta sa niya sa iyo. Ano man ang mangyari hindi ka namin iiwan ng iyong Ama,” paliwanag ni Ina.
“Lapastangan!” sigaw ng Hari na ikinatumba namin. Ramdam na ramdam ko ang kapangyarihang taglay nito.
Nanlaki ang mga mata ko sa biglaang pagbabago ng anyo ni Haring Gideon. Ang dating luntian at kumikinang nitong balat ay napalitan ng kulay abo na animo'y ugat ng puno. Maging ang mala-dagat na kulay ng mga mata ay nagmistulang putik. Humaba pang lalo ang tainga at ulo nito. At ang mga kamay ay tila ligaw na halamang unti-unting pumapalibot sa akin.
“Aaahh!” daing ko nang bigla akong sakalin ni Haring Gideon. Hindi lingid sa akin ang taglay nitong kapangyarihan. Pero mas nakakapangilabot ang maranasan ito.
“Safina! Ikaw ang inang gabay ni Cha-ad. Ipinagkatiwala ko sa inyo ang pagbabantay sa lagusan. Pero kayo rin pala ang unang susuway sa aking kautusan!” bulyaw niya sa aking ina na nakaluhod sa isang tabi.
“Pa-Patawad . . . Ka-Kamahalan,” nauutal na singit ng aking ama.
“Huh? Memnoch? Huwag mo sabihing batid mo rin ang kapangahasan ng iyong anak?” Nanlilisik ang mga nitong binalingan si Ama.
Yumuko si Ama. Halos halikan na nito ang kinalululugmukan sa sobrang pagsusumamo.
“Aahhhh!” sigaw ni Haring Gideon. Lalong napahigpit ang pagkakasakal niya sa akin.
“Huminahon ka, aking hari,” tinig ni Reyna Alegna.
Habol hiningang nilingon ng aming hari ang Inang Reyna. Nakipagtitigan na tila nag-uusap. At makailang sandali pa’y unti-unting niluwagan ng hari ang pagkakasakal niya sa akin. Pagapang akong lumapit kina ama habang haplos-haplos ang aking leeg.
“May kaparusahang nakalaan sa iyo, Cha-ad!” mariing sambit ng hari sa akin.
“Ikulong ang mga suwail!” utos niya na agad tinalima ng kanyang alagad.
Inalalayan ko sina Ina at Ama na makatayo. Hindi ko alintana ang sariling sakit na natanggap mula sa hari. Wala itong halaga kumpara sa naranasan ng aking mga gabay. Paika-ika kaming sumunod sa mga kawal ng hari. Sa isang silid na nababalutan ng kapangyarihan kami ngayon at naghihintay ng kaparusahan.
Gusto kong saktan ang sarili ko. Pero para saan pa? Ang desissyon ni amang suportahan ako ay panatang ’di kailanman nababali. Kaya tanging pagyuko na lamang ang aking nagawa sa harapan nila.
“Cha-ad . . .” bulong sa akin ng isang nilalang. Napangiti ako nang masilayan ko siya. Ang kaibigan kong diwata na si Eigram.
“Diwatang Eigram!” bulalas ko. Nilingon ko sina Ama at Ina. Haplos-haplos ni Ina ang likod ng aking ama. Malamlam ang mata kong hinarap muli ang diwata.
“Patawad, Cha-ad. Hindi ko nagampanan ang aking tungkuling paalalahanan ka. Malaki ang aking pagkukulang na nararapat lamang sa anumang parusang inyong igagawad.” Nakaluhod ito na paharap sa aking mga gabay.
Inilapat ni Ama ang kanyang kanang palad sa kaliwang balikat ng diwata. Maluha-luhang unti-unting tumayo si Eigram.
“Patawad Amang Gabay . . . patawad,” malungkot nitong sambit sa amin.
“Humayo ka na at huwag nang babalik pa rito. Hindi malayong mapagbalingan ka rin ng galit ng hari,” pakiusap ni Ama kay Eigram.
“Huli na Amang Gabay. Ipinabatid na ni Reyna Saith sa hari ang aking parte sa nangyari. Ang presensya ko ngayon dito ay ang parusahang inilaan sa akin ng hari.”
Napailing si Ama sa sinapit ni Diwatang Eigram. Tulad ko_y daranasin din niya ang maparusahan ng hari.
“Aking Eigram . . .” himig na nagpalingon sa aking muli. Palapit sa amin ang Inang Reyna ni Diwatang Eigram.
“Reyna Saith . . . ” nakayukong saad ni Eigram.
Ilang segundong tinitigan niya ang aking kaibigan. Napapikit ang reyna nang mariin kasabay ng luhang tila kristal sa ningning. Luhaan din si Eigram habang nakayuko. Rinig ko ang hikbi nitong pilit na ikinukubli.
“Tanggapin mo ito, aking Eigram,” saad ni Reyna Saith habang isinusuot ang kuwintas dito. “Ito ang hiyas ng buhay. Ang iyong ikalawang pagkakataon na makabalik dito sa takdang panahon.”
“Makakabalik akong muli aking Inang Reyna? Kami?” manghang saad ni Eigram.
Malungkot na aura ang isinagot ng kaharap, tumango-tango pero bahagyang umiiling.
“Ikaw lamang ang may kakayahang makabalik dito. Ang iyong kaibigan at ang pamilya niya’y mananatiling nasa ilalim ng kaparusahan ng kanilang lipi.”
“A-Ano po ang inyong ibig ipahiwatig. Ako’y tunay na naguguluhan. Kung ito’y hiyas ng buhay, nararapat lamang na makakasama ko sila pabalik dito.” Nanlalaki ang mga matang nakipagtitigan si Eigram sa kanyang ina. Mga tinging naghahanap ng kasagutan.
“Ang hiyas ng buhay ay maaari isalba ang buhay gaya natin. Ngunit kung ang pagkatao ay nilukob na ang puso ng isang mortal ay wala itong halaga,” pahayag ni Reyna Saith na ikinalungkot ni Eigram.
“Maibabalik sila rito at magiging ganap ang epekto ng hiyas ng buhay kung ang sakripsiyo ng isang mortal ay kusa. Iaalay ang sarili nang buong puso at walang pag-aalinlangan sa talon ng buhay,” dugtong pa ni Reyna Saith na nagpatulala sa akin.
Ibig sabihin, bigo pa rin akong maitama ang lahat. At malinaw na sa akin ang pasya ng hari . . . lilisanin namin ang lugar na ito.
“Oras na!” sigaw mula sa ’di kalayuan.
Nanlulumong sinalubong ko ng tingin ang nagwika, si Ojor. Ang aking kaibigan na kasa-kasama ko sa tuwina. Hiyang-hiya ako sa aking naging asal. Dahil ’di rin siya nagkulang ng gabay at paalaala sa akin. Hindi ko magawang titigan ang mga mata niyang puno ng kalungkutan.
Huminto si Ojor at sumenyas sa aming bantay. Ilang sandali pa’y nilalakbay na namin ang lagusan palabas sa aming mundo. Ramdam ko ang init ng mga matang nakatunghay sa amin. Lahat ay umiiling sa aking kapangahasan.
Mahigpit na yakap ang pabaon ni Reyna Saith kay Diwatang Eigram. Halos ayaw naman magpalingon sa akin ang aming hari. Batid kong labag sa kanyang kalooban ang aming kaparusahan. Pero bilang aming pinuno, lahat ay pantay-pantay sa kanyang paningin.
Nakalabas na ang aking mga gabay sa lagusan nang maramdaman ko ang palad na nakalapat sa aking kaliwang balikat.
“Aking Hari . . .” luhaan kong saad habang matamang nakatitig sa kamay nito. Tanda ng kapatawaran ang kanyang iginawad sa akin.
“Cha-ad . . .” himig ng hari. “Nawa’y maging aral sa ’yo ang lahat ng ito. Matutong makuntento at palaging isaisip ang kapakanan ng lahat. Hindi ito at hindi ako ang nakatakdang magparusa sa iyong pagkakamali.”
Naiiling ang hari habang humahakbang paatras palayo sa akin.
Kunot-noo naman akong napatitig sa kanya at pilit na inuulit sa isip ang sinabi nito.
“Hindi ako ang magbibigay ng parusa sa ’yo. Kung hindi ang mundo na iyong pinilit pasukin. Ang mga tao na kailanman ay hindi naniniwalang may nilalang na gaya natin na tahimik na namumuhay sa kanilang paligid. Magpakatatag ka . . .” pahayag nito saka tuluyang naglaho sa aking paningin.

Komentar Buku (11)

  • avatar
    Talisic Janlee

    200

    14d

      0
  • avatar
    Min Sugar

    cool nice good beautiful wow cute

    12/05

      0
  • avatar
    Charles Batakmagml

    ...............………............

    05/04

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru