logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kabanata 3

HALOS hindi mapinta ang mga mukha naming dalawa na umalis sa reception. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang ganun kabilis ang mga pangyayari, iyong sadya pala ng daddy nitong tukmol na ito ay ang ibigay ang susi ng bagong bahay. Habang si papa ay panay ang paalala sa akin ng pabulong na hindi ipahiya ang angkan namin sa pamilya nito ganun na ba talaga ako kawalang kwentang anak sa kanila. Pagkatapos ipakasal sa taong kasumpa sumpa sa kidlat ay eto naman hinayaang makasama sa iisang bubungan ang lalaki at take note bawal ko pa ipahiya ang angkan namin. As if naman may gagawin akong masama du---teka? Meron nga ba? Hmmm---pwede naman heheheh lalo na at magkasama na kami. Mukhang mapapadali kamatayan mo Stell hahaha!
Napaigtad ako sa kinauupuan ko ng biglang napapreno ng minamaneho si Mang Kanor saka ako nakarinig ng paghagikhik sa tabi ko dahilan para mapairap ako.
"Anong nakakatawa?" Tanong ko sabay irap.
"Wala, iniisip ko lang kung anong masamang hangin ang nagpapayag sa iyong tumira kasama ako sa iisang bubungan?" Nakangiting mapang-asar na tanong niya.
"Eh ogag ka pala, sa tingin mo ba may choice ako? Baka ikaw itong gustong gusto akong makasama kaya mo tinanggap iyong susi na sana pwede mo namang tanggihan. Di mo pa kasi aminin, kaya ka pumayag sa kasalan at sa bahay na iyon dahil matagal mo na akong pinagpapantasyahan." Saad ko na tila nagpabago ng itsura ng mukha niya.
"Ikaw? Oy, kilabutan ka nga. Kahit tabihan ka nga sa pagtulog pakiramdam ko babangungutin na ako wag kang asyumera huh? Nakakaadik yan sige ka."
"A-abat!---" Hahampasin ko na sana siya ng biglang pinigilan niya ang kamay ko.
"Tandaan mo pinag-usapan natin. Walang sinuman ang dapat makaalam sa university nito. Itikom mo yang bibig mo kundi alam mo na magiging kaparusahan saiyo." Aniya nito saka bumaba ang tingin sa dibdib ko dahilan para pwersado kong inagaw ang kamay ko mula sa mahigpit na pagkakahawak nito saka ko tinakpan ang bandang dibdib ko.
"Bastos!" Wika ko na ikinangiti niya lang. Ngiting manyak na nakakagigil ipakain sa pating. Iniaangat ko bahagya ang pwetan ko para makausog pa sa pinakasulok, bigla kasi kong kinabahan mukhang nakalimutan ko yata bago ako pumayag na makasama ito sa iisang bubungan na isang kamag-anak pala ni Satanas ang makakaama ko. Napapikit ako sa sobrang inis sa sarili ko na may pagsisisi. Sana papa hinayaan ko na lang na sa labas ako matulog tulad ng kundisyon ni papa kung di ako sasama papunta sa bagong bahay na iyon. Ganun, ganun na ganun nila ako kamahal. Matutulog sa gilid ng kalsada o ang matutulog kasama sa iisang bubungan ang demonyong ito.
Napahinglap ako sa hangin saka marahang ipinikit ang mga mata ko. Sa wakas akala ko manhid na ang buo kong katawan ngayon dahil sa puno ng pag-kainis sa lalaking ito. Nakaramdam na din ng pagod ang katawan ko dahilan para tuluyang makatulog ako habang nasa biyahe.
Nagising akong pakiramdam ko malulunod ako, hanggang sa mapadilat na nga ako ng tuluyan at tumambad ang mukha na isang demonya na halos nasa isang pulgada na lamang ang lapit sa mukha ko na ngiting-ngiti.
"Gising na honey, nasa bahay na tayo." Kakilakilabot na tono ng boses niyang sambit saka niya ko hinilamusan bigla ng basa niyang kamay dahilan para tuluyan na nga akong mahimasmasan at mapaayos ng ulo sabay tulak sa kaniya.
" Stell! Demonyo ka talaga!" Bulyaw ko sa kaniya na noon ay mabilis na humakbang papalabas ng kotse saka malakas na isinara ang pinto nito.
"Baliw! Pahabol kong sigaw dito saka ko pinahid ng kamay ko ang basa kong mukha. Kahit kailan talaga, wala ng pag asang masalinan ng dugong nagtataglay ng magandang pag-uugali ang lalaking iyon. Asarrrr!
Mabilis kong hinila ang gown ko para makababa sa kotse nang biglang sumabit pa ito sa ilalim ng upuan, ewan ko pero parang sa bakal pa yata sumabit at hindi ko alam kung paano ko makakalis na sa ganitong sitwasyon. Sa laki ng gown at haba di ko magawang maikilos ng maayos ang katawan ko para makatungo sa ilalim at makita kung anong nangyari dito.
"Ahhh! Kisses kutang kuta kana ng kamalasan ngayong araw. Bakit mo ba naman kasi pinili itong lintik na pagkabigat bigat, at pagkahaba-habang gown ayan tuloy pano ka ngayon makakalabas. Asar!" Inis na inis Kong pinaghahampas ang sandalan ng driver set sa pagkainis.
"Pano na, dito ka na lang ba matutulog?" Bulong ko sa sarili ko na napasandal na lang.
Maya-maya napaayos ako ng upo ng biglang bumukas ang pintuan ng kotse.
" Oh! Natatakot ka bang may gawin ako sa iyo? Sinasabi ko saiyo ngayon pa lang kahit nakahubad ka pang magtatakbo sa buong bahay walang tatayo diyan sa katawan mo." Aniya nito dahilan para lumaki ang mga mata ko.
"Abaaaat! Bastos ka talaga nu? Baliw lang sayo ang gagawa nun hayp ka!" Bulyaw ko akmang lalapit na ako sa kaniya ng biglang maramdaman ko ulit ang mahigpit na hatak ng gown mula sa baba sa akin.
"Oh bakit? Ayaw mo ba talaga bumaba? Ilolock ko na ang gate!"
"Ano ba Stell! Di mo ba Kita, sumabit sa ilalim ng upuan na 'tu tung lace na gown." Singhal ko.
"Ah talaga, eh sino ba kasi pumili ng ganiyang gown?" Tanong niya para maramdaman ko ang biglaang pag akyat ng mga white blood cells ko sa utak ko.
"Bwisit la talaga, kung ayaw mo ko tulungan lumayas ka sa harapan ko baka di ka na abutan ng bukas pag ako nakaalis dito." Sigaw ko na may gigil sa galit.
Habang siya nakangiti pang napailing sabay kibit balikat.
"Sabi mo eh!" Aniya nito sabay sara sa pintuan ng kotse ng malakas.
Aba, iniwan niya nga ako ng di man lang ako tinutulungan. Kahit kelan talaga yari sa semento puso mo walang awang nananalaytay sa dugo. Siguro ampon din tu, kaya ganun na lamang kaiba ang pag-uugali sa tatay Niya. Bwisit ka! Bwisit! Bwisit!" Pagsisisigaw ko saka hingal na napasandal sa upuan.
"Si Mang Kanor naman kasi San nagpunta, di na bumalik---ah te-teka siya iyon ah?" Bulong ko ng makitang nakasaky na sa motor at papalayo na.
"Mang Kanor!" Tawag ko sabay hampas sa bintana pero kahit ano gawin ko huli na dahil nakalayo na ito.
Bigla naman akong napalingon ng biglang bumukas ang pintuan ng kotse dahilan para mapakunot noo ako.
"Ginagawa mo dito? Bat bumalik ka pa? Mambwibwisit ka lang eh." Pagtataray ko pero ikinagulat ko ng bigla itong pumasok sa kotse na may hawak hawak na gunting habang papalapit sa akin. Napatakip ako sa dibdib ko nang biglang may masamang pumasok sa isip ko na gagawin niya.
"O-oy Stell! B-bitawan mo iyan. Di Yan nakakatuwang biro na. Sisigaw ako. Sisigaw ako, sisipain kita susuntukin kita . Aniya ko ng biglang mapalunok ako sa mabilis na ginawa nitong pag korner sa akin sa sulok. Dahilan para mapasandal na ako sa may bintana ng kotse.
"Wag kang gagalaw kung ayaw mong masaktan." Saad nito sa nakakatakot na tono ng boses saka niya pa mas lalong nagpabilis ng tibok sa puso ko.
"S-S-Stell ma-maawa ka sa akin. W-wag mo ko sas-sasaktan. Please!" Ramdam ko na ang bahagyang pagbuga nito ng hininga sa may bandang leeg ko na hindi ko malaman kung bakit sa dinami Dami ng pwede kong maramdaman ay ang bahagyang pagkakili pa.
"Wag kang maingay at wag kang sisigaw. Kundi alam mo na ang mangyayari sa iyo." Aniya nito.
Halos tumalbog ang puso ko sa sobrang kaba ko ng maramdaman ko ang paglapit pa ng katawan nito sa akin at ang kiliting nararamdaman ko dahil sa tumatamang hininga nito sa akin sa bandang leeg, halos sunod sunod ding lunok na sa do ko mawari kung naging bato na ba ang laway ko dahil sa hirap lunukin o ano pa man.
"S--Stell w-wag! Ma-maawa ka sakin. Promise ko sa iyo. Hinding hindi na kita aawayin pa o aasarin. Please lang. W-wag mong itutuloy ang plina-plano mo. W-wag!" Aniya ko saka ako napapikit na.
"Relax, hindi naman masakit tu basta wag ka lang gagalaw."
"Stell w-wag!" Nangangarag kong sambit, ramdam ko na ang panginginig ng katawan ko. Nang biglang mabilis kong naramdaman ang paghiwalay niya sa akin. Napadilat agad ako. Anong nangyari?

Komentar Buku (33)

  • avatar
    PertesRemo

    god

    25d

      0
  • avatar
    John Rey Macapiot

    liget po to sir

    08/07

      0
  • avatar
    Jhonronel Bustillo

    beautiful

    11/06

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru