logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kabanata 2

KUNG hindi lang kami nasa loob ng simbahan siguro ngayon ey, kanina ko pa naisipang paliparin ang sandals na suot ko sa lalaking nasa altar na naghihintay sa akin at nakaharap, kung makangiti pa ay punong puno ng pagpapanggap, pagbabalat-kayo at pang-aasar. Akala yata hindi ko mahahalatang lumilitaw ang dalawang matutulis na sungay. Gusto ko mapamura sa sobrang galit pero dahil papuntang altar Ang direksyong tinutungo ko, tanaw na tanaw ko krus ni Lord, I mean siya mismo at ang mga santong nakapalibot sa amin. Ayokong maging saksi sila kung paano ako sapian at tubuan ng dalawang sungay dahil sa isang nilalang na kaharap ko ngayon. Magkasala pa ako.
"Umiiyak ka ba anak? Hay nako, dapat ngumiti ka Sayang ganda mo. Tingnan mo bagay na bagay talaga kayo ni Stell." Rinig kong sambit ni papa dahilan para mapabusangot pa lalo ako.
"Mah, si papa. Gusto niyo yatang mapurnada 'tung kasal." Hirit ko.
"Ano ka ba naman Dominggo. Tumigil ka na diyan alam mo na nga eh andiyan ka pa at nang-aasar." Aniya ni mama na pasimpleng sinita si papa.
"Oy, Milagros, alalahanin mo sa ating dalawa Ikaw Ang pinaka unang pumayag at nag-udyok na maikasal sila noon."
"Mah? Totoo? Eh dapat po pala ikaw po nag pakasal na lang." Sambit ko ng walang pag-aalinlangan.
"Abat--yang bibig mo Kisses huh?"
"Mama kasi, ayoko po talaga sa lalaking iyon."
"Balang araw pasasalamatan mo kami sa ginagawa naming ito sa iyo." Madiing saad ni mama na may pagka otoridad sa boses. Mas lalong bumagsak ang balikat ko sa narinig ko sa kanila. Mga magulang ko nga talaga kayo. Suportado niyo ang pinaka nag-iisang anak niyong babae. Napabuntong hininga na lamang ako, mukhang eto nga talaga ang kapalaran mo Kisses. Ang habang buhay na mapunta sa maling tao.
Ilang sandali pa, natanaw ko na naman ang tatlong mokong kong mga kapatid na kalalakihan na abot sa planetang Jupiter ang mga labi sa lapad ng ngiti. Ngiting may pang-aasar kamo.
Pakiramdam ko tuloy isa lang akong hamak na ampon na natagpuan nila sa basurahan o di kaya napulot sa harapan ng bahay para mapagkaisahan.
"Magpapakabait ka kay Stell huh?" Bilin ni Papa na ikinakunot noo ko.
"Pah, di ba dapat sa lalaki iyon mo iyan sabihin?" Tanong ko na nakaangat na ang kilay.
"Ah eh, anak--mabait naman si Stell. Eh ikaw alam namin kung gaano ka kamaldita."
"Sinasabi ko na nga ba. Ampon nga talaga ako. Kinampihan ang hindi kadugo kaysa sa nag-iisang prinsesa nila. Bulong kong saad habang napapailing. Si Stell, Stell, Stell na lalaking iyon na ang sarap ipalapa sa mga pating. Galing, nabilog niya talaga ng husto ulo nila mama.
Tiim bagang huminto ang mga paa ko sa harapan ni Stell pagkalapit namin. Nagawa pang mag-bless kay mama at papa na akala mo anak ni San Pedro sa ipinapakitang mukha. Bait-baitan lang ang peg?
"Dapat ganiyan anak, magblebless ka din huh paminsa-minsan pag may time." Bulong ni Papa habang nakatingin sa akin, na alam kong ako ang pinariringgan nito.
Papa, ano ba ako po anak niyo wag naman po kayo ganito. Nasasaktan ako, halos mamilipit puso ko sa inis ko sa damuhong kaharap ko na naglahad ng kamay sa akin. Plastik ka! Mapahiya ka ngayon. Inirapan ko lang siya saka marahang itinaas ang gown ko para makahakbang ngunit sa hindi inaasahan sumabit sa lace ang takong ng sandal ko dahilan para kamuntikan na akong matumba na agarang nasalo ng bwisit na lalaking iyon.
"Bilis ng karma, ayaw mo kasi magpahawak Ayan napala mo tuloy." Natatawang pasimpleng bulong niya saka ako inalalayang maibalik sa tamang balanse ang katawan ko.
"Bwisit ka talaga. Bitawan mo nga ako." Pasinghal kong bulong sa kaniya Saka pasimpleng iniaalis ang kamay nitong nakaalalay sa bewang ko.
"Thank you huh!" Bulong Niya na inirapan ko lang Saka mabilis na humakbang papunta sa upuan, kahit pa napakabigat ng gown ko ay nakaya Kong hatakhayakin ito. Wapakels kung masira ito. Sila naman gumasto nito. Well, worth it naman dahil ako pinapili nila at sinigurado kong pinakamahal ang pinili ko kahit pa alanganin para sa akin na maging kumportable sa pagsuot nito.
Nakangiting humarap sa amin ang pari at agad namang sinimulan na ang orasyon achuchu. Lord, kelan po kaya matutunaw itong katabi ko? Sana mabenditahan man lang ni Father para kahit papaano makasigurado akong magiging ligtas ako sa mga araw na makasama ko na siya.
Hais! Napabuntong hininga ako dahilan para mapatigil ang pari sa pagsasalita.
"May problema ba hija?" Tanong ni Father, dahilan para mapalunok ako at pasimpleng tiningnan sila mama at papa na nasa bandang likuran ko pang nakaupo at masama ang tingin na tila nagpapahiwatig na magiging katapusan ko na kung gagawa ako ng kalokohan.
Akmang sasagot na sana ako ng biglang--
"Father, okay lang po siya. Pakibilisan na lang po kung pwede, wala pa po kasi iyang tulog sa sobrang eksayted." Aniya nito sabay kindat sakin na halos ikaluwa ng mga mata ko sa pasimpleng pandidilat ko.
Humanda ka talaga sa akin mamaya, makalabas lang ako sa simbahang ito. Di talaga ako mag-aalinlangang magkasala dahil sa iyo. Gigil ko sa isip ko.
Ipinagpatuloy ni Father ang seremonya habang ako nag-iisip kung sa paanong klase ako makakasurvive simula bukas sa buhay ko. Akmang bubuga na naman sana ako ng hininga ng magulat ako sa mabilis na pagtaas ng belo ko at paglapat ng labi nito sa labi ko. Luwa ang mga mata ko, nanigas ang katawan ko, at bumilis ang tibok ng puso ko.
"I now pronounce you as husband and wife." Rinig kong sambit ni Father dahilan para mahimasmasan ako sa ilang segundong pagkakatulala sa kawalan.
Jusko po lord, pigilan niyo po kong magkasala ngayon sa harapan niyo. Lord, first kiss ko iyon. First kiss! Tapos ganun ganun na lamang kung kunin sa akin. Halos maluha luha ang mga mata kong bumaba sa altar at naglakad sa aisle na parang nakalitang na lamang. Humanda ka talaga sa akin. Habang pahagip ko siyang tinititigan na napapangiti sa mga taong nilalagpasan namin. Yung bulaklak na pinapaulan, sana naging itak na lang iyon para siya ang tatamaan---ay teka naman Kisses nasa simbahan ka pa masyado namang harsh baka magalit so Lord at ako pa maunang tamaan ng itak na iyon. Sige na nga, sana naging pako na lang. Bulong ng isip ko.
NAKARATING na lahat lahat ng bisita sa venue ng reception pero heto pa din ako nanggigigil sa katabi kong lalaki na alam kong nahalata niya din dahil sa pasimpleng pagsungalngal ko ng cake sa bibig niya kanina.
"Alam ko namang matagal ka ng may pagnanasa sa akin, pero sinasabi ko sayo kahit daga do maaakit sa titig mo." Rinig kong sambit niya bago pa man siya makatayo, huli na para maisip kong tinititigan ko pala siya habang pinagplaplanuhan ko kung paano siya madidispatcha.
"Kisses, anak sumunod ka na sa asawa mo." Sambit ni mama na sa narinig ko biglang naramdaman ko ang pagtaas ng mga balahibo ko. Ano daw? A--asa---asawa? Ew, aswang bala pwede pa.
"Huh? San pupunta?" Tanong ko.
"May sasabihin sainyo ang daddy niya at ang papa mo."
"Nako eto na naman tayo. Ma, ang laki na ng trauma ko. Ayoko ng dagdagan pa. Hayaan mo na lang po sila magbugbugan--a--aray ko naman ma." Napahimas ako sa bandang legs ko, kitam ang laki laki ko na. Kinasal na lahat lahat kinukurot pa din ako. Ampon ka nga talaga Kisses.
"Pumunta na sabi dun." Saka ako pasimpleng hinatak ni mama patayo.
"Mama naman, kumakain pa ako."
"Mamaya mo na ubusin. Pumunta ka na at aalis ang daddy ni Stell at nagmamadali."
"Psh! Eh bat kailangan pa po ako? Anak niya ba ako? Andun na yung kampon ni Satan---aray maaaah! Masakit na po."
"Masasaktan ka talaga sa akin kung puro ka pa diyan reklamo." Sambit ni mama sabay tingin ng masama sa akin. Sa inis ko, napakuha ako ng isang baso na saktong inililibot ng waitress Saka ko tinungga at itinaas ang gown sabay tanggal ng sandals ko. Wapakels kung may bisitang nakakita. Subukan nilang mag high heels maghapon. Padabog akong nagmartsa papunta sa loob.
"Hey, wait. Pinge ako isa pa." Sambit ko ng makita ko ang waitress na agad namang lumapit sa akin. Lahat ng basong may laman pa ng alak sa rectangular tray niya ay sunod sunod ko ng tinungga.
"Ah--mam mukhang masayang masaya po kayo na naikasal na." Sambit ng waitress dahilan para mapatigil ako at bahagyang mapangiwi.
"Ganun? Tung mukhang eto? Mukhang masaya?" Tanong ko na ikinatango niya na tuluyang ikinailing ko na lamang.
"Alam mo pagod ka na. Pahinga ka na muna huh?" Saad ko sabay tapik sa balikat niya at muli kong itinaas ulit ang gown ko sa may harapan para hindi ko maapakan.
Masaya? Huwaw! Sa sobrang saya natutunan kong tumungga nga ng alak eh. Napapangiti kong bulong sa sarili bago ko ihinakbang ng mabibigat ang mga paa ko.

Komentar Buku (33)

  • avatar
    PertesRemo

    god

    25d

      0
  • avatar
    John Rey Macapiot

    liget po to sir

    08/07

      0
  • avatar
    Jhonronel Bustillo

    beautiful

    11/06

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru