logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

When Mr. Sungit Meets His Match

When Mr. Sungit Meets His Match

Destiny-One


Bab 1 One

Prologue.
Nasubukan niyo na bang makatagpo ng lalaki na ubod ng sungit at malakas mang-trip? Iyong tipong kahit teachers niya ay hindi nakakaligtas sa pagiging masungit niya?
Paano kung isang araw ay makatagpo niya ang babaeng papantay sa trip niya? Ang babaeng walang inuurungan at pinapalagpas sa buong buhay niya?
Ano kaya ang puwedeng mangyari kung ang dalawang ayaw magpatalo sa isa't isa ay pilit pag tagpuin ng ating tadhana?
Meet Jasmine Kate Gomez, ang babaeng transferee sa school kung saan nag-aaral at makikilala niya si John Brixx Alfonzo, ang lalaking bully, masungit at trip na trip siya.
———
Jasmine's POV:
Hello, everyone! I am Jasmine Kate Gomez. But please, don't dare to call me Kate because you're dead or hindi kita papansinin.
Ayaw kong tinatawag akong Kate, I juts really hate that name, gets niyo ba? Gusto ko Jasmine lang ang sasambitin sa pangalan ko. Kung bakit ba kasi may Kate pang nalalaman ang parents ko.
By the way, hindi kami mayaman pero mas lalong hindi rin kami mahirap. Nasa kalagitnaan lang kami, sakto lang kung maituturing. Nakakakain kami ng tatlong beses sa isang araw, nakakapag-aral din ako at natutugunan naman ang mga pangangailangan naming magkapatid ng mga magulang ko .
Dalawa lang kasi kaming anak at ako ang panganay. May kapatid akong lalaki na palaging naiinis sa akin, kasi palagi ko siyang inaasar. Hahaha! Ang cute kasi ng kapatid kong iyon,  he's 10 years old pa lang.
Any way, I'm 16 years old and a grade 11 student. Ngayon ay unang araw ko sa bagong school na 'to. Wala akong kilalala kasi nga bagong school 'di ba? Nalipat kasi ang work ni papa dito sa Manila kaya nilipat din kami ng kapatid ko sa eskwelahan dito para magkakasama daw kami, ang saya 'di ba?
"Good morning!" Bati ko sa isang lalaki na naka headset habang naglalakad. Pero hindi niya ako pinansin.
"Duh,  natural hindi ka papansinin niyan kasi unang una hindi ka niya kilala, pangalawa hindi ka rin narinig niyan kasi nga naka headset siya 'di ba? Tanga ka ba?" Pagka-usap ko sa sarili ko, oo, ako na 'yong baliw, sige!
"Tss!" Inirapan niya ako. Aba't ayos din 'to ha?
"Hi!" Buti pa itong kasama niya binati ako kaya ngumiti ako sa kanya.
"Hello, since mukhang mabait ka naman, pwede bang mag tanong?" I asked him. Wait, nagtatanong na ako, 'di ba?
"Sure, ano 'yon?" Nakangiti niyang sabi. So tama ako, he's really nice nga unlike do'n sa kasama niya.
"Alam mo ba 'yong room 124, section 11 Masiyahin?" tanong ko sa kanya.
"Masiyahin ka rin? Pareho pala tayo, eh. Tara, sabay na tayo!" Buti na lang talaga. So, paano ba 'yan? Mukhang may kaibigan na kaagad ako nito.
"Sige, sige!" Sabi ko at nagsimula na akong sumunod sa kanya.
Nang makarating na kami sa classroom. Biglang nagsalita 'yong teacher na nakatayo sa unahan. Hindi ako sigurado kung siya 'yong adviser namin o subject teacher lang.
"Class, may new classmate pala kayo. Na-late lang siya ng enroll kasi galing siya ng Probinsya. Ms. Gomez, kindly introduce yourself." nakangiting sabi ng teacher.
"Okay po." Kaagad na sagot ko bago ako tumayo at naglakad paunahan.
"Hi, classmates! I am Jasmine Kate Gome, I'm sixteen years old. Pero Jasmine lang ang itawag niyo sa 'kin para friends tayo." Maiksing sabi ko. Okay naman na siguro iyon, hindi naman nila kailangan malaman ang lahat tungkol sa akin.
"Okay!" Sabi lang nila. Buti pala hindi bully mga new classmates ko. Kaka-basa ko lang siguro 'to kaya inakala kong ma-bubully ako sa first day of school ko.
"Ms. Gomez, you can sit beside Mr. Alfonzo." Sabi ni teacher ng maglalakad na dapat ako sa upuan ko kanina.
"Sino po si Mr. Alfonzo?"  tanong ko. Hindi ko naman kasi talaga kilala kung sino 'yong Alfonzo.
"Iyong naro'n sa dulo." turo ni teacher sa lalaking naka-upo sa dulo habang nakatungo. Teka, siya 'yong masungit kanina, ah?
"Not here!" Bigla niyang sigaw. Hindi ako sigurado kung si teacher ba o ako ang sinigawan niya. Pero naka tingin kasi siya sa akin, masama ang tingin niya, so ako 'yong sinigawan niya.
"Mr. Alfonzo, 'yan na lang ang bakanteng upuan." Naniningkit ang mga mata na sabi ni teacher.
"Who cares? Sa sahig siya umupo." Aba't walanghiya 'to, ah? Siya kaya ang pa-upuin ko sa sahig? Dahil nainis ako sa sinabi niya kaya nilapitan ko nga!
"Ako, sa sahig mo pa-uupuin? Eh, kung magpalit kaya tayo ng sitwasyon ngayon, sige nga, subukan mo ngang umupo sa sahig?" Gigil kong sabi sa kanya. Tiningnan niya lang ako ng masama.
Nakakainis siya, ha! Hindi porket baguhan lang ako gaganyanin na niya ang isang katulad ko.
"Tsk!" Nang-irap lang siya kaya umupo na ako sa katabi niya. Dami pa kasing sinabi hindi naman pala makaka-angal sa akin.
"Humanda ka mamaya." Pabulong niyang pagbabanta sa akin.
"Oh, talaga? Hindi ko na kailangang maghanda kasi palagi akong handa."
Pabulong kong sagot sa sinabi niya. Hindi na lang siya kumibo basta nanahimik na lang siya. Mabuti naman.
Lunch time na kaya pumunta na ako sa canteen para kumain, syempre alangan namang matulog 'di ba? Malayo kasi ang bahay namin dito sa school kaya hindi ako makauwi ng mabilisan.
Habang naglalakad ako may bumato sa akin ng—itlog? argh! Ano bang problema ng mga tao dito?
"Oh, anong nangyari sa 'yo?" Nakangising tanong ng animal na lalaki.
"Malamang nabato nabato ako ng itlog, hindi ba obvious?  Bulag ka ba o sadyang wala ka lang ng common sense?" Asar kong sabi sa kanya. Bwesit na 'to!
"Hahaha! 'yan ang bagay sa mga taong mahilig mag sasasagot ng taong hindi naman niya kilala." Mapang-asar niyang sabi. So, it's him who did this to me?
"So, ikaw ang gumawa nito?" tanong ko sa kanya. Nakakagigil na talaga ang isang 'to, talagang sinusubukan niya ang aking pag titimpi.
"Hindi, pero ako ang nag-utos." Proud niyang sabi. Talaga lang, huh?
"Ah, gano'n ba? Ikaw naman kasi. . ." tinapik tapik ko pa siya niyan, 'yong tipong kunwari nakikipag-close ako.
"Hindi ka man lang nagpasabi na may utusan ka pala dito. Eh di sana, hindi na lang kita sinagot-sagot kanina. Pasensiya na, ah?" Sarcastic ang pagkakasabi ko no'n, hindi ko lang sure kung na-sense niya ba 'yon since parang wala naman siyang common sense.
"That's it! Gan'yan nga. Tandaan mo na lahat ng estudyante dito ay takot sa akin, hindi lang pala mga studyante, pati mga teacher din." Ubod ng yabang niyang pagkakasabi. Talaga lang!
"Ay, gano'n po ba? Ako nga rin, eh, takot na takot na. Sige, ha? Punta lang ako sa canteen gutom na gutom na kasi talaga ako, eh." Sabi ko habang nakahawak pa sa tiyan ko.
"Okay. Bumalik ka ha, hindi pa kasi tayo tapos." He said in a mapang asar way.
"Sige. I'll see you." Sabi ko with matching kaway-kaway pa habang naka ngiti sa kanya.
Nagmadali akong pumunta ng canteen upang manghagilap ng itlog. Sakto, may hindi pa sila nalulutong itlog kaya minabuti kong bilhin ito.
Ang natitirang itlog pa namang iyon ay para sa egg burger na itinitinda dito sa canteen.
Nang makumbinsi ko ang tindera sa canteen na kailangan ko ang itlog na iyon para sa isang experiment ay kaagad niya din itong ibinigay sa akin. Nakangisi akong bumalik sa kinaroroonan ni Mr. Alfonzo.
Boinks!
Sound iyon ng itlog na tumama sa ulo niya. Oo, gano'n ako kagaling para tumama iyon sa mismong ulo niya.
"What the hell! Bakit mo ako binato ng itlog?" Galit na galit niyang sigaw sa akin. Para siyang dragon na bumubuga ng apoy.
"Kung bakit? Kasi para ipaalam ko sa 'yo hindi po ako papayag na ina-agrabyado ako. 'Yan, quits na tayo. At para malaman mo, kung inaakala mong natatakot din ako sa 'yo, then,  you're wrong! Kaya ibahin mo ako sa mga binibiktima mo d'yan. Tandaan mo rin na hindi mo din ako kilala. So paano, una na ako sa 'yo, ah? Bye!"
Bago ako umalis ay kinditan ko siya na alam kung ikakagalit niya ng todo. Hahaha! Akala niya, ha!
Buti nga at walang masyadong nakakita maliban sa tatlong kasamahan niya. Sobrang epic ng mga reaksyon ng mga kaibigan niya. Well, bagay lang 'yon sa isang kagaya niya!
Brixx POV:
Tss! I am John Brixx Alfonzoy,  I'm seventeen years old. Cold, masungit, bully, badboy, at guwapo. Gan'yan nila ako i-describe, hindi ko alam kung bakit, Isa lang ang sang-ayon ako sa mga sinasabi nila sa akin, iyon ay ang guwapo ako.
Ako 'yong tipong pag may kinainisan ay hindi pweding hindi ko magantihan.
At talagang bwesit ang babaeng 'yon sinagot-sagot ako kanina sa classroom kaya nainis ako ng sobra. Kaya ayon, pinabato ko ng itlog. Grabe 'yong mukha niya sobrang nakakatawa kanina.  Akala ko natakot na siya sa akin, pero bwesit talaga! Nakuha niya pa ring gumanti sa akin kaya asar na asar ako ngayon. Bwesit!
"G*go, ano 'yon, pre? Akala ko ba kinakatakutan ka ng lahat pero bakit 'yong transferee hindi yata natakot? HAHAHA!"
Dahil sa tawa at sinabi ni Mark kaya lalong kumulo 'yong dugo ko. Binato ko nga ng notebook! Nakuha niya pa talaga akong pag tawanan sa lagay ko na 'to?
"Aray naman, pre!" Reklamo niya habang kinakamot ang ulo niya na sinapol ko ng notebook.
"Huwag mo akong pinagtatawanan!" Inis kong sabi sa kanya.
"Chill, bro! May bukas pa naman, eh!" Si Nikko ang nag sabi no'n.
"Next plan na lang, bro!" Segunda naman ni Ethan.
They're right, humanda ka sa aking babae ka bukas. Tss!

Komentar Buku (378)

  • avatar
    Jocelyn Cano

    mahal na mahal kita sobra kahit wala ka dito is one piece 🥺🥺😔😔🥲miss you ikaw lang ko

    22h

      0
  • avatar
    Michael Merida

    ganda

    3d

      0
  • avatar
    Didal Rhian Nicole

    666

    13d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru