logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 5

Khianna Haiden Abelino
Hayyyy isang buwan na rin pala ang lumipas mula nang maglayas ako sa bahay namin at isang buwan ko na ding hindi nadadalaw si Mam at Papa, dati kasi tatlong beses sa isang linggo ko sila dinadalaw. Namimiss ko na ang puntod nila. Pwede kayang magday off ako para mapuntahan ko sila? Gusto ko na silang madalaw, baka madami nanamang damo ang nakapalibot sa puntod nila. Alam ko namang  hindi pupunta sila Tita sa puntod na yun kasi nga wala silang pakialam doon.Talagang bahay lang namin ang habol nila at isa pa, paniguradong busy ang mga iyon, si Tita na nagsusugal, si Tito na nagsasabong at si Danica na hindi ko alam kung nag-aaral ba talaga dahil kadalasan ay nagcucutting-class lang ang isang yun. Sayang lang ang panahon at oras kung hindi nila gagamitin sa tama ang buhay nila. Puro na lang bisyo, samantalang wala naman silang nakukuhang maganda doon. Bakit nga kaya may mga taong ganon? Sinasayang ang kanilang mga oras para sa isang bagay na wala namang katuturan. Nakakaawa ang mga taong iyon. Panigurado kasi na sa huli ay pagsisisihan din nila ang mga nagawa nila, magsisisi sila kung kailan huli na.
Kamusta na kaya sila Tita? Ano na kaya ang kalagayan nila ngayon? Masaya ba sila na wala ako? Nagbago na kaya sila? Mababait na kaya sila? Pero mukhang malabo lahat ng tanong ko, ramdam ko na masaya sila nang mawala ako sa puder nila. Alam kong hindi nila ako hinahanap dahil sa paningin nila ay wala akong kwentang tao. Na kasangkapan lang ako para makuha ang bahay na dapat ay sa akin. Gusto kong bawiin ang bahay namin ngunit hindi ko naman alam kung papaano. Amin yun eh, ipinundar yun ni Papa. Ipinangako nyang sa akin na paglaki ko ay magiging akin ang bahay na yun ngunit hindi natupad. Hindi ko alam na may mga kama-anak pala tayo na kahit sariling kadugo ay magagawang dayain. Ang alam ko ay wala nang bahay sila tita dahil pinalayas na sila sa dati nilang inuupahan, hindi na kasi sila nagbabayad ng renta. Maaari naman silang makitira sa bahay namin kung wala silang matutuluyan. Maaari silang doon na lang din manirahan kasi wala naman akong magiging kasama doon. Ngunit sakim sila at inangkin ang bahay.
Napabuntong hininga na lang ako sa mga iniisip ko. Bakit kaya ganon? Sinaktan na nga nila ako pero hindi ko pa rin maiwasan na isipin ang kalagayan nila. Kahit naman kasi papaano ay nakasama ko sila, ngunit sa hindi magandang pakikisama. Gusto ko silang magbago kasi iyon ang makakabuti sa kanila, kasi iyon ang tamang gawin. Pero siguro malabong mangyari ang gusto ko, ilang beses ko na rin kasing pinagsabihan ang mga iyon ngunit tinatawanan lang nila ako at kung minsan pa ay sinasampal.
"Haide"
Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses at si Ate Rill lang pala. Humihikab ito habang papalapit sa akin kaya't nginitian ko s'ya na agad nya rin naman sinuklian. Nandito kasi ako ngayon sa balkonahe at nagpapahangin, hindi ako makatulog kaya't naisipan kong lumabas muna.
"Ikaw pala Ate Rill"
"Anong ginagawa no dito sa terrace? Gabi na ahh dapat matulog ka na. May pasok pa tayo bukas"
"Hindi po ako makatulog Ate at tyaka nagpapahangin lang naman po ako dito, nagpapaantok lang ako dito Ate. Mamaya ay matutulog na rin ako. Ikaw ba ate? Bakit nandito ka?"
"Uminom ako ng tubig at nakita kita dito kaya pinuntahan kita. Diba 18 kana? Kakatapos mo lang magsenior high pero Haide wala ka bang balak na pumasok sa college? Sayang naman"
"Mukhang hindi na Ate, may trabaho po ako at wala naman akong pantustos sa pag-aaral ko. Nakapag-aral lang naman ako ng senior at junior high dahil scholar ako"
"Walang imposible Haide, nandito naman kami nila Jasmine para pag-aralin ka. Apat na taon lang naman ang bibilangin natin para makapagtapos ka, mabilis lang ang panahon Haide. Hindi mo ito namamalayan"
"Ate Rill may trabaho nga po ako"
"Pero gusto mo bang pumasok?"
"Oo naman po Ate Rill, pangarap kong makapagtapos ng pag-aaral"
"Wag kang mag-alala Haide kami ang bahala sayo. Kami ang gagawa ng paraan para matupad mo iyang pangarap mo"
"Huh? Anong ibig mong sabihin Ate Rill? Anong paraan naman yan Ate?"
"Basta leave it to us. Magtiwala ka lang sa amin Haide at makakagraduate ka"
"Eh kayo po? Ayaw nyo bang mag-aral?"
"Nakatapos na kami ng senior high kaya ayus na kami don and besides napamahal na din sa amin ang restaurant ni Ate Sheila. Ayaw naming iwanan ang restaurant"
"Ahh pero Ate Rill thank you 'ha"
"Para saan naman ang 'thank you?'"
"Sa lahat-lahat ng nagawa nyo sa akin, siguro kung wala kayo baka hanggang ngayon laboy pa rin ako. Baka kung ano na ang nagyari sa akin ngayon"
"Haide ang drama mo, simula ng makilala at makasama ka namin pamilya na ang turing namin sayo"
"Basta Ate Rill thank you pa rin, buong buhay ko kasi wala pang gumagawa ng kabutihan sa akin maliban sa mga magulang ko"
"Matanong nga kita Haide, asan ba ang mga magulang mo?"
"Wala na sila Ate Rill, 8 years old pa lang ako nawala na sila sa akin"
"Huh? Paanong nawala?"
"Car accident po"
"Sorry Haide naitanong ko pa"
Ngumiti na lang ako kay Ate Rill at inalala lahat ng masasayang ala-ala namin nila Mama at Papa. Gusto ko silang makasama uli, gusto ko uling mamasyal kasama sila.
Hilig namin dati na pumunta sa park at magpicnic, tatakbo ako at hahabulin ni Papa at kapag naabutan kikilitiin nya ako. Tuwing umaga naman gigisingin ko silang dalawa sa kwarto nila, ipagluluto ako ng breakfast ni Mama at baon na tanghalian pagkatapos ihahatid ako ni Papa sa school. Palagi rin nila ako pinapabaunan ng halik nila. Ang mga pangaral nila na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakakalimutan.
Namimiss ko na silang dalawa, kahit 10 years na ang nakalipas hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari at nandito pa rin sa puso ko ang sakit. Sobrang sakit. Sakit na hindi ko alam kung paano ko maiibsan.
Alam mo yung feeling na namimiss mo yung isang tao pero wala kang magawa kasi hindi mo na sya pwedeng makita?
"Haide tama na"
"Huh?"
"Kung gusto mo ng taong mapapakagkatiwalaan nandito lang ako o kami. Pwede mong ilabas yan, huwag mong kimkimin kasi kapag kinimkim mo yan ay mas lalo ka lang masasaktan"
"A-ate a-nsakit k-kasi eh"
"Sige lang Haide ilabas mo lahat, alam kong punong-puno na yan kaya ilabas mo na, nandito lang ako at dadamayan ka sa anumang problema mo"
Sumandal ako sa balikat nya at umiyak ng umiyak. Ginawa kong tissue ang balikat nya, nakayakap lang ako sa kanya at humihikbi, sya naman ay hinahagod ang likod ko para pakalmahin ako.
"A-ate b-bakit kailangan m-mangyari sa a-akin 'to? B-bakit kailangang mawala k-kaagad si Mama at Papa? Bakit k-kailangan k-kong d-danasin 'to? M-may nagawa ba a-akong mali? M-masama ba a-ako? K-kasi hindi k-ko na a-alam ang g-gagawin k-ko"
"Siguro kasi Haide may purpose si God kung bakit nangyayari yan sayo. Pakatatag ka lang Haide at tiyak na malalampasan mo din yang problema mo, nandito lang ako. Hindi ka na nag-iisa ngayon Haide, nandito ako, kami ng mga ate mo. Hindi ka namin iiwan kung iyan ang iniisip mo. Kasama mo kami hanggang sa huli"
"Ate promise me na kahit anong mangyari hinding-hindi mo ako iiwan?"
"Oo Haide, pinapangako kong hinding-hindi kita iiwan at nandito ako para sayo kaya huwag ka na umiyak dyan, magpakalas ka Haide kasi hindi natin alam baka mas may malaki pang problema na darating sa future. Kailangan nating magpalakas kasi kailangan, kasi iyon ang nararapat"
"Maraming salamat talaga sa lahat Ate Rill, sa inyong lahat"
"Walang anuman Haide. Ano ba yan naiiyak na din ako!?"
"Tama na iyakan"
"Oo nga, baka pumangit kayo nyan"
"Kanina pa yan ahh"
"Bawal iyakan dapat laging happy lang"
Napalingon kami ni Ate Rill sa nagsalita at ayon sila Ate Cole. Nandito silang lahat, nakasilip sila sa bintana at nakatanaw sa aming dalawa ni Ate Rill na nagyayakapan.
"Oh Jas kanina pa kayo dyan?" tanong ni Ate Rill
"Oo Cass, kaninang-kanina pa" sagot ni Ate Cole
"At narinig naming lahat ang pinag-usapan nyo" sabi ni Ate Dein
"Don't worry Haide dahil hinding-hindi ka namin iiwan" sabi ni Ate Vann
"And sana hindi mo rin kami iwan" sabi ni Ate Jei
"Ate Jei malabong mangyari yang sinasabi mo"
"Sister forever na tayo guys!" sigaw ni Ate Rill
"GROUP HUG!!!!!"
Ansaya palang ilabas lahat ng nararamdaman mo lalo na kapag may pinagsabihan ka nito. Kahit papaano gumaan ang dibdib ko kasi alam kong may mga taong handa akong tulungan kapag nangangailangan ako ng tulong. Nandyan sila para damayan ako.
"Ano Haide nakatulong ba ako sayo?" masayang tanong ni Ate Rill
"Opo Ate Rill, sobrang laki ng naitulong mo sa akin"
"Guys inaantok na ako, matulog na nga tayo" sabi ni Ate Dein at humikab-hikab pa
"Hahaha ikaw talaga Harlene, tara na nga matulog na tayo" aya ni Ate Cole
Natulog na nga kami. Natulog akong may mga ngiti sa labi ko.
Mama..... Papa..... May bago na akong pamilya at masaya akong makasama silang lahat.....
Kinabukasan maaga kaming nagising at pumasok sa trabaho.
"Khianna!!! Khianna!!!"
"Bakit po Ate Sheila?"
"Halika dito hija"
Sumunod na lang ako sa kanya hanggang sa makarating kami sa opisina nya. May mga papel sa akin kaya tinanggap ko ito.
"Bakit nyo po ako ipinatawag Ate Sheila? At para saan po itong papel? Bakit nyo po ako binibigyan neto?"
"Sabi sa akin ni Cassey gusto mo daw mag-aral?"
"Opo Ate Sheila pero may trabaho po ako"
"Pero para sayo Khianna, gusto mo bang mag-aral?"
"Oo naman po Ate Sheila"
"Ayus lang sayong maging isang working student?"
"Opo"
"Kung ganon pwede kang pumasok doon sa isang university na pagmamay-ari ng kaibigan ko. Makapasa ka lang sa exam nila at tiyak na magiging scholar kana"
"Talaga po? Pero paano po ang trabaho ko?"
"Kapag nasa university ka, ikaw ay magtratrabaho bilang isang waitress sa cafeteria nila at kung wala namang pasok ay magtratrabaho ka dito sa akin. Ano? Ayus ba sa iyo yun?"
"Ayus na ayus po Ate Sheila"
"Oh sige magsimula ka nang magreview, nga pala anong year kana ba?"
"First year college po Ate Sheila at gusto ko po sanang mag-HRM"
"Ah sige, basta pagbutihin mo lang ang pag-aaral mo hija at tiyak na makakapagtapos ka"
"Opo Ate Sheila, maraming salamat po"
"Walang anuman Khianna at hija, may tiwala ako sa iyo, sana huwag mong sayangin ang opportunity na ito"
Ngumiti na lang ako sa kanya at masayang kumabas ng opisina nya. Pinuntahan ko kaagad ang mga ate ko at isa-isa silang niyakap. Nagtataka naman sila sa ikinikilos ko. Siguro ay ngayon lang nila ako nakitang ganito kasaya.
"Ate Rill! Ate Cole! Ate Jei! Ate Vann! Ate Dein!"
"Oh bakit? Ano nangyari sayo Haide? Teka hinay-hinay lang Haide. Ang saya natin ngayon ahh, anong meron?" tanong ni Ate Jei
"Makakapag-aral na po ako"
"Talaga?" gulat nilang tanonf at sabay-sabay pa talaga sila kaya napatango ako sa kanila
"Opo Ate Rill basta makapasa lang ako sa exam nila at magiging scholar na ako"
"Mabuti naman kung ganon Haide" sabi naman ni Ate Dein
"Salamat Ate Rill"
"Walang anuman Haide and I know you deserve it kaya pagbutihin mo ang pag-aaral mo" sabi ni Ate Rill
"Oo naman po Ate, pinapangako ko sa inyo na makakapagtapos ako ng pag-aaral ko"
Makakapagtapos ako at tinitiyak ko yan. Hindi maialis ang ngiti ko sa labi dahil sa magandang balita na natanggap ko ngayon araw. Ito na yun, ito na ang pangarap na gusto kong maabot, ang makapagtapos.
Hindi ko bibiguin ang mga ate ko, kasi sila ang bago kong inspiration, sila ang bagong mga tao na nagpapalakas sa akin.
*********************
Hanse_Pen

Komentar Buku (32)

  • avatar
    NurhidayahSiti

    juc VK😎😒😛

    2d

      0
  • avatar
    BcEdi

    gkbbcgh gufc. vhjccg hutfdvnjigv jjfjHlgg

    11/08

      0
  • avatar
    PonselWahana

    diamaond

    01/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru