logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 5

__________
CHAPTER 5
TATLONG ORAS. Tatlong oras na silang nakatunganga sa kawalan. Ni hindi nila alam kung paano sila nakapunta sa gubat na'to.
Unti unti na ding nagdidilim kaya hindi sila pwedeng magtagal dito ng husto at baka may makaencounter sila ng kung ano.
Inis na binato kay Ylean ang batong hawak ni Venna. Kanina pa kasi naglalakad pabalik balik si Ylean. At nahihilo na din si Venna kakatingin dito.
"Array! Bat ka ba nangbabato?!" Inis na sabi ni Ylean
Pinaningkitan ng mata ni Venna si Ylean. "Bat ka ba lakad ng lakad? Hindi ka makuntento sa isang tabi!"
Inirapan naman ito ni Ylean saka nagdadabog na umupo sa tabi ni Menzie.
Napairap pa balik si Venna saka tinuon ang atensyon kay Menzie. "Menzie! " Kumunot ang noo nya ng tumingin ito sa kanya ng kalmado.
"Seriously,Menzie? Sa lagay natin to, nagawa mo pang maging kalmado?!"
Hindi inintindi ni Menzie ang sinabi ni Venna kundi.. " Why did you call me? " menzie ask
Sasagot na sana si Venna ng tumayo na naman sa pagkakaupo si Ylean at lumapit sa katabi nyang si Hexa.
"Ano na naman ng gagawin mo this time? "
Katulad ng tanong ni Venna kay Menzie hindi rin sumagot si Ylean kundi pinakatitigan si Hexa.
"What happen to her? " Ylean's asking 'bout Hexa.
Ngayon lang nila napansin ang nakapikit na si Hexa. Parang wala itong malay o natutulog lang? And the case is, namumutla ang balat nito. Did they saw it right?
"Hexa! Hexa! Hexs!" Pagtawag ni Venna pero wala silang nakuhang response mula dito.
"Tsk. At this moment, nakuha nya pang matulog? " hindi makapaniwalang bulalas ni Ylean.
Sinamaan naman ng tingin ni Venna na tinaasan lang ng kilay ni Ylean.
"Ano na namang problema mo?!" Takang tanong ni Ylean
"Ikaw! at yang standing ovation mo. Diba nakaupo ka na kanina? Bat tumayo ka naman?! "
"Malamang gusto ko lang icheck si hexs.!"
Napaingos naman si Venna. "Sus! Chismosa ka lang kamo!"
Sasagot pa sana si Ylean when Menzie interrupt them. "She look pale.."
Muli, bumaling ang atensyon nila sa dalaga na wala pa ring kibo at nakapikit lang.
"Hexa, are you sick?" Tanong ni Venna but wala pa ring response.
"Hayaan nyo na si Hexa..baka nagpapahinga lang" sabi naman ni Ylean
Pero kakaiba ang pagkamutla nito. Akala ni Venna ay namalikmata lang sya kanina but napansin din pala ni Menzie.Hindi napanatag ang loob ni Venna kaya naisipan nyang lapitan si Hexa.
Natigilan si Venna sa kanyang kinatatayuan, ni hindi nya maigalaw ang mga paa nya. She confusely look at Ylean pero agad ding nagbago.Nanlalaki ang mata tiningnan ang bagay na nasa likod ni Ylean.
Pati si Menzie ay natigilan at napatayo. Nagtatakang tiningnan sila ni Ylean.
"Bat ganyan kayo makatingin sakin?" Natatawang sabi ni Ylean..
Umiling iling sila saka unti unting tinuro ang nasa likod ni Ylean. Limang nakaitim ang kasalukuyang nasa likod ni Ylean.
Ung presence nila parang nakakakilabot--NO! Hindi lang parang..nakakakilabot talaga!
Kumunot ang noo ni Ylean saka lumingon sa likod nito. Nanlaki lalo ang mata nila ng biglang bumagsak si Ylean sa lupa.
"Y-ylean.." tawag ni Venna dito pero parang wala itong malay.
"YAHHH! YLEAN!" Inis na sigaw ni Venna.
Nanlaki ang mata ni Venna ng biglang lumapit ung lima sa kanila. Nanlaki ang mata ni Venna habang napakapit sa braso ni Menzie.
"M-m-menz-zie..w-wala si-silang p-paa!" Nauutal na sabi nito sabi. Nakalutang ang mga ito habang lumalapit sa kanila.
"Yah! Anong gagawin mo kay Hexa?!" Pagkuha ng atensyon ni Venna sa isa pang kasamahan nito na lalapitan si Hexa na ngayon ay wala pa ding malay.
Bumalik ang tingin ni Venna sa apat na nakapalibot sa kanilang dalawa. Nanlaki ang mga mata ni Venna habang kamado pa rin ang makikita mo sa mukha ni Menzie.
"Fuck! Wala silang mukha,Menzie!WAHHHHHHHHHH"
Niyogyog ni Venna si Menzie na mataman pa ding nakatingin sa walang mukha na nasa harapan nila.
Biglang pumula ang mga mata nito. Agad bumaling ang tingin ni Menzie kay Venna para iinporma ito.
"M-menzie..b-bat parang.." napahawak ito sa ulo nya hanggang sa bigla na lang itong tumumba at nawalan ng malay.
__________
KALMADONG tiningnan ni Menzie ang tao bang masasabi ang nasa harapan nya. Mga nakablack na hood ang mga ito habang walang mga mukha ito. Hindi alam ni Menzie kung dapat ang paniwalaan ang nakikita nya kung gayon ay nasa harapan na nya ito.
Sa loob loob nya, nagtatalo ang lahat ng kalamnan nya nangunguna ang isip nya. She cant think properly.
Lahat ng mga kaibigan nya ay wala ng mga malay. At ang nakapagtaka pa ay nakalutang na ang mga ito ay nakapalibot na dito ang tatlong nakaitim na hood habang nasa harapan naman nya ang dalawa.
Dahan dahan nyang ibinalik ang tingin sa kaharap. Kumunot ang mukha nya ng muling pumula ang mga mata nito.
Tinatagan nya ang sarili kahit para ng nasa karira ang puso nya. She remain calm. No one can break her even this creatures.
Biglang lumapit lalo ang nakaitim, napatingin si Menzie sa mata nito dahil biglang umilaw lalo ang mga mata nito. Kaninang pula ay mas pumula pa.
Ilang minuto nya itong tiningnan. Hanggang sa naisipan nyang bawiin ang tingin dito ngunit hinihila nito ang mata nya para tumingin lalo sa mapulang mga mata nito.
Unti unti syang napahawak sa ulo nya. Bat parang.. muli nyang binalik ang tingin sa kaharap. Hindi na mapula ang mga mata nito. Wala ka ng makikita pa sa mukha nito kundi itim.
Napaatras sya saka umiling iling. Unti unti nagiging dalawa ang tingin nya.
"Anong--" hindi na natapos ni Menzie ang sasabihin ng bigla na lang syang nanghina at nawalan ng malay. Ang huling naramdaman nya ay ang pagbasak nya sa lupa.
Venna's Pov
SHIT. Parang pinipiraso-piraso ang ulo ko sa subrang sakit. Anyari ba? Inis akong bumangon sa pagkakahiga. Ni imulat ang mga mata ko nahihirapan ako. Kainis naman!
"Gising ka na pala, iha.." bumangad sakin ang boses na un.
Unti unti kong minulat ang mga mata ko, fuck! Napabalikwas ako sa pagkakaupo.
"Sino ka?! Nasan ako?!" Takang tanong ko sa rebulto ng lalaking nakatayo sa pintuan ng kwartong to--Wait. Kaninong kwarto to?
Ngumiti ang matanda saka naglakad papalapit sa kama kung saan ako nakaupo, agad kong inangat ang kamay para pigilan sya.
"Wag kang lalapit!" Banta ko dito.
Malay mo may masamang balak ito sakin, ayuko mang maging judgemental because thats not my thing but baka ngayon, maging ganun ako.
E hindi ko kilala to baka masama ito, mapahamak pa ako. Ni kababaeng tao ko pa naman.
Ngumiti ito saka hindi na lumapit pa. Nakahinga naman ako ng maluwag. Mabuti napakiusapan ko.
"Pasensya po sa inasal ko kanina. e hindi po kasi kita kilala, nagiingat lang po ako.." explain ko dito. Baka sabihin, wala kong galang sa matanda.
Nasa mid 60's na kasi ito, hula ko lang naman. Matanda na kasi ito kaya medyo parang nasa 60's na ang edad nito.
"Wag mo ng intindihin un, iha. Ako'y may pagkakamali din, pumasok ako agad ng walang pahintulot. Pasensya na" sabi ni manong
Napangiti naman ako, i judge him. Ang bait nya pala, kitam na sya pa tong nagsosorry sakin kahit na ako naman ang may kasalanan.
Napatingin ako dito, kawawa naman kung hindi ko pauupuin. Itinulak ko papalayo sa akin ang upuan.
"Upo po kayo.." aya ko dito na ikinatango naman nito.
"Ahmm asan po pala ako?" Tanong ko dito ng tuluyan itong makaupo.
"Ahh yun ba? Nasa pamamahay ka namin. Ung mga kasama mo,nasa kabilang kwarto at wala pa ring malay. Pero ung isa sa inyo, nagising na nung isang araw pa. Kaalis lang nya rito kanina.." explain ni manong.
Napatango tango naman ako, maybe si Menzie un. Sya lang naman ang laging nauunang nagigising samin.
"Ah! Pano po kami napunta dito?" Tanong ko ulit.
Sa pagkakaalala ko kasi nasa Polarde High kami ng habulin kami ng mga stupidents na un tas napunta kami sa likod ng school tas nahulog kami then boom nasa gubat na kami.
Napahawak ako sa ulo ko, anong nangyari after nun? Bat kami nawalan ng malay? Meron bang nawala sa memorya ko..?
Napaangat ang ulo ko ng bumukas ang pinto at niluwa nito si..
"Ylean?!" Takang tawag ko dito.
Ngumiti ito saka lumapit sa kama ko at hinarap si Manong.
"Ako na po. Maraming salamat po" sabi ni Ylean naikinatanga ko.
Agad namang nagpaalam si Manong sa amin. Nang makalabas ito ng tuluyan, umupo si Ylean sa inalisang upuan ni manong.
"How are you?" Tanong ni Ylean
"Im fine.Wait,ikaw ba ung sinabi ni manong na nagising?" Takang tanong ko
"Yeah..hindi ko nga din alam kung bakit. Anyway, walang malay pa rin si Menzie at Hexa." Inporma sa kanya ni Ylean
"Asan pala tayo? Ano ba talagang nangyari? Naguguluhan na kasi ako.." frustrated na ako, hindi ko naman matanong si manong kanina ng masinsinan dahil nakakahiya dito.
Napangiti si Ylean," Wala ka bang natatandaan 5 days ago? Sa gubat?"
Kumunot ang noo ko. What? 5 days? 5 days akong walang malay. Ganon?!
"5 days? Wag mong sabihin na.."
Ngumisi si Ylean saka tiningnan sya. "Then i wont tell you.."
Napairap na lang ako saka tumayo sa pagkakaupo. "Where are you going?"
"Pupuntahan si Menzie. Baka gising na un.." sabi ko na lang saka umalis na.
"Wait!--"
Hindi ko na sya inintindi at pinuntahan ang kwarto ni Menzie na nagpatigil sa paglalakad ko.
"I dont know where is Menzie.."
Aist. Agad akong bumalik sa pinanggalingan kong kwarto. Pagbukas ko ng pinto, nakangisi ang taong naabutan ko.
"Oh bat ka bumalik? May nakalimutan ka? " nang aasar na tanong nito
Pinanliitan ko ito ng tingin. "Where is it?" Tanong ko
Umiling iling ito saka tumayo sa pagkakatayo. Naglakad ito papunta sakin saka nauna ng lumabas.
"Hindi muna kasi nagtatanong tsk,tsk."
Napairap na lang ako sa hangin saka sumunod sa gagang un.
"Here we are.. nang galing na ako dito bago ako pumunta sa kwarto mo kanina. Im sure hindi pa din yan gising but nasa iyo naman un. By the way, hindi na ako sasama sayo sa loob, tutulong ako kay manang sa pagluto"
Nagtataka akong tumingin kay Ylean saka namewang. " At kilan ka pa nagawi sa kusina,aber? "
"Hoy! Ung limang araw na wala kayong malay. Tinuruan ako ni manang..Ano ka!"
"Tsk. Defensive" komento ko na lang bago tuluyang pumasok. Hindi ko na nilingon pa ang sagot ni Ylean kundi sinaraduhan ko ng pinto.
Katahimikan ang bumalot sa buong kwarto. Medyo madilim ang kwartong to dahil nakasara ang mga bintana at nahaharangan ng makapal na kurtina.
Agad akong lumapit sa kama kung saan nandun ang walang malay na si Menzie. Umupo ako sa upuan na nasa gilid nito.
"Hey,Menzie wake up.." i said to her baka makaisip din itong gumising.
But no response from her. " You know, what Menzie.. i just got wake up earlier. Then im thinking where are we? At bakit tayo na punta dito? Alam kung kahit nauna kami sa iyo magising, i know when you woke up. You already know the answer. So wake up as soon as possible,alright? "
Napabuntong hininga na lang ako. Im expecting na sasagot agad si Menzie but as Ylean's saying hindi pa din ito nagigising.
Ilang oras lang ako nag stay dun at saka lang ako nakaisip na umalis. Para makilala at makita ang mag asawang tumulong sa amin.
Nang marating ko ang kusina. Bunganga ni Ylean ang nabungadan ko.
Naabutan ko itong nagrereklamo sa hinihiwa nitong sibuyas.
"Manang, bakit naman kasi ganto itong sibuyas nato?! Pinaiiyak ako!"
Humarap naman ang kasama nito na si 'Manang ' daw. Isang babaeng nasa mid 60's ang nakangiting lumapit kay Ylean.
Umangat ang tingin nito at tumingin sa akin. Ngumiti ito sa akin na binalikan ko din ng ngiti.
"Tama nga si Kanor. Gising ka na, iha.." sabi ng matanda na ikinatango ko naman.
"Venna!"
Napairap na lang ako sa kaOAn ni Ylean. Nilapitan ko ito saka tiningnan ang ginagawa. Mali - mali ang hiwa nito.
"Ayus ba? "
Napailing na lang ako at tinagaw dito ang kutsilo. "Maghugas ka na ng kamay. Ako na dito."
Bumusangot lang ito saka sumunod. "Marunong ka daw magluto, ija? "
Tumango ako at ngumiti. "Opo. I love cooking po kasi kaya.." napatigil ako ng nakatingin lang ito sa akin at nakangiti. "Bakit po? May problema po ba ? "
Umiling ito. " Wala naman, ija. Ngunit ako'y laging namamangha kapag nagsasalita kayo ng kakaibang lenggwahe. Hindi ko man maunawaan ay napagandang pakinggan.."
Nakakunot ang noo ko na ibinaling ang tingin kay Ylean. Na nakangiti na umupo sa kaharap kong upuan.
"They don't know our language, Venna.." inporma sakin ni Ylean na lalong nagpakunot ng noo ko.
"What do you mean? " taka kong tanong habang pabalik balik ang tingin kay Manang at Ylean.
"In this world.. they don't know and especially use this language na tayong mortal lang ang nakaka alam.."
"You mean..this language. English language? "
Tumango tango si Ylean na para bang nakuha ko ang sagot. " Wait.. how come they don't know and what do you mean 'in this world '? Why? there is a different world than ours? "
Goddness! Too many impormation, Too many explanation.
Napangisi si Ylean. " Nakakalito man, Venna. But you have to understand and accept.."
Hindi na ako sumagot pa at inantay ang susunod na sasabihin nya. " When the day we faint. There is some guys that help us para makaalis dun and they bring us here in their world which is the world of magic. In this world, Magic does exist. "
"Some guys who help us? From what?"
"To be eaten. We can't remember kasi they erase our memory that day para magising tayo. To answer your question earlier. Yes, our world is different to they're world. In our world, Mortal world to be exact Magic dont exist, they exist but in fiction books. But in this world, They really exist. Maniwala ka man sa hindi, totoo ang sinabi ko.."
"Sorry ah but hindi pa rin talaga nagproprocess lahat ng sinabi mo sakin. Pano nalaman ang lahat ng to? And why i should really believe you?"
"Manang.." sabi ni Ylean. Tumango naman si Manang.
"Anong.." hindi ko natapos ang sasabihin ko ng biglang ung mga appliances ay nagsilutangan.
"Fuck!" Gulat kong sabi, nagtataka kong tiningnan si manang.
"P-pano..Pano nyo po na gawa yan? " pagtataka at pagkamangha ang nararamdaman ko. Unti unting bumalik sa dati ang lahat. Wow!
"Because they do really exist, Venna.."
"-- and you have to believe them.."
Nabaling ang tingin namin sa pintuan. Nanlaki ang mata namin ng makita ang rebulto ng isang babae.
"Menzie!" sabay naming banggit ni Ylean.
Tumango lang ito saka lumapit sa amin at umupo sa tabing upuan ni Ylean.
"Your awake.." i said
"Yeah. Thanks to you.." sabi nito na ikinataka ko
Hindi na ako nakasagot pa dahil bumaling ang atensyon nito kay Ylean.
"Im proud of you, Ylean..Your understanding in this kind of situation really improves.." komento ni Menzie
Ngumiti naman si Ylean. "Really? "
Tumango tango si Menzie. " You handle this situation alone without us. Nakaya mong intindihin ang gantong inpormasyon ng walang nagpapaintindi sayo.. you grow up" sabi ni Menzie na para bang isang nakakatandang kapatid. Si babaeta naman proud na proud. But i agree, she change ng hindi namin namamalayan. Sya ang mas bata samin ni Menzie sumunod lang si Hexa.
Dahil sa lahat ng nangyari hindi namin namalayan na nagbabago na din pala kami. All along si Menzie at Hexa lang ang nagbago, pati din pala si Ylean. She grow up. E ako kaya? Ano kaya ang nagbago sakin ng hindi ko na mamalayan? Im excited to find out.
__________
"Where am i? " tanong nya sa sarili. Nang imulat nya mata bumungad sa kanya ang madiling na paligid.
"I hate darkness.."
"Your here.." Napaigtad sya. isang boses ang umalingawngaw sa buong paligid. "Still hate darkness, you never change.." tumingin sya sa buong lugar pero dilim lang ang nakikita nga.
"W-who are you? "
"Dont be scare of me.." nakakakilabot ang boses nito. Subrang lamig ng boses. And it feels like familiar to her.
"Dont hide! Let me see you!" pakiusap nya dito pero tumawa lang ang boses na un.
Familiar ang boses talaga nito.
"Im not hiding, hexa..because I am you..your otherself, the dark side you made.."
Itutuloy....
Lillysin

Komentar Buku (12)

  • avatar
    Justine Rosell Deguzman

    So good story and verry nice

    29/05

      1
  • avatar
    AlisacagimenaFrance

    hinkjj

    14/05

      0
  • avatar
    ElsaShar

    love it

    27/03

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru