logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 23

Alexis' POV
"Good morning" bati ko sa mga kasamahan ko sa loob ng conference room.
"Alam kong naririnig niyo na ang pangalan ko, but still, gusto ko paring ipakilala ang sarili ko sa inyo. I'm Louisa Alexis Hernandez, the President's sister. Hindi ko na pahahabain pa pero gusto kong malaman niyo bilang kasa-kasama niyo narin, I'm specific with anything, so bear with me for a month. Ayokong malamangan ang kompanya kaya talagang pahirapan tayo for the time being. That's all I need to say, pwede na kayong bumalik sa mga pwesto niyo" pagtatapos ko na hindi man lang naupo.
"Woah! Talagang professional ka na nga" pumapalakpak na saad ni Felix.
"Kunin mo sa office ko yong regalo ko sayo at sa kuya mo, didiretso na ako sa presinto" sabi ko at kinuha ang bag saka lumabas.
Nalibot ko naman na lahat ng places dito kanina and I actually liked it, malinis na malinis naman pero I noticed one thing, masyado silang maingay kung gumalaw.
Hindi naman sa ikinukumpara ko siya sa company ko sa Chicago pero gusto ko din silang maging professional. Ayoko sa tao yong makalat at maingay ang galawan.
Sumabay lang ako sa kuya ko kanina kaya ngayon ay magco-commute lang ako papunta sa presinto. Ayokong gamitin yong kotse ni dad baka tablan na naman kasi ako ng malas. Anyway, baka mamaya rin ang dating ng sasakyan ko kaya mabuti narin.
Pumara ako ng taxi at sumakay dito. Medyo malapit lang naman ang presinto kaya hindi naman siguro hihigit sa isang daan ang bayad ko.
Wala pang sampung minuto ay nakarating na kami kaya inabot ko na ang bayad ko. Kaya ko pa palang lakarin ang distansya nito mula sa building.
Inayos ko ang suot ko bago ako pumasok, I'm wearing my old fashion outfit, just for him to recognize me. Sinalubong agad ako ng maingay at nagkakagulong loob ng presinto pero wala akong pake.
"Nandyan ba si~~~Ahh!" daing ko nang may tumama sa batok ko.
P*tangina naman, wala na ba akong imamalas pa?
Nilingon ko ang nagsitahimikang tao habang nakatingin sakin. Binalingan ko rin ang sapatos na tumama sa batok ko at saka muling tumingin sa kanila.
"Who the hell was that?" seryosong tanong ko.
Walang sumagot, sapagkat pare-pareho lang silang umiwas ng tingin. Naglakad ako palapit sa kanila at tiningnan sila ng masama.
"Who the hell was that?" pigil ang galit na tanong ko.
"It was me"
Napamaang ako nang makita siya habang seryosong nakatingin sakin. What the f*ck.
Huminga ako ng malalim bago ko siya tingnan sa mata. Napakurap nalang ako ng dalawang beses at naglakad palabas. Ayokong harapin siya ng wala sa mood kaya mas mabuting sa susunod nalang.
Hinilot-hilot ko ang batok ko at naupo sa isang gilid na nasa lilim. Dahil sa sobrang lakas ng pagkabato ay muntik na kong mahilo. Sobrang sakit talaga p*tangina.
Inilabas ko ang phone ko at saka idenial ang number ni Felix na agad rin naman niyang sinagot.
"Senior, pwede mo ba akong sunduin?" tila pagod na pagod na tanong ko habang hinihilot ang batok ko.
[I'm sorry, may meeting ako ngayon with Mr. Diaz]
"Oh I see, take your time" sabi ko at pinatay din agad.
Kumuha ako ng sanrio sa pocket ng bag ko at inipitan ang nahaba kong buhok. Simot na simot talaga ang sakit ng batok ko kaya nahihirapan akong itingala sa taas.
Napatingin ako sa presinto at napabuntong hininga nalang. Nag-effort pa man din ako sa pananamit ko para lang makilala niya ako. Pero hindi parin ako susuko hanggang sa makilala mo ako.
Naisipan ko nalang munang maglakad-lakad since matagal narin naman akong hindi nakakapasyal. Tiningnan ko ang orasan sa phone ko at nagtatakang nakatingin sa mga naka-unipormeng estudyante.
Gulat akong napatingin nang hilain nila ang isang lalaki sa isang papasok. Mabilis akong naglakad at sinundan sila. Naririnig ko ang pagdaing at pagtawa ng mga lalaki kaya mabilis akong naglakad patungo doon.
"Anong ginagawa niyo?" tanong ko sakanila habang nakatingin sa nakahandusay na sinaktan nila.
Tiningnan ko sila ng masama habang naglalakad palapit sa binatilyo at tinulungan itong tumayo. Tiningnan ko ang mga hawak nilang sigarilyo at may kasama pa itong lighter.
"Saan ka nag-aaral?" tanong ko sa katabi ko.
"Lyceum University po"
"What about them?" tukoy ko sa mga bumugbog sa kanya.
"Falley Midst University po ata"
Nice catch.
"Hindi ko alam na ganto pala nangyayare sa mga kabataan. I'm going to visit your school tomorrow, give me your number" sabi ko at iniabot ang phone ko sa kanya.
"Sinong nagpapatakbo sa pinapasukan niyo?"tanong ko sa isa.
"Ano bang pakialam mo? Mas mabuti pang umalis ka nalang kung ayaw mo ring masaktan"
"Nasaktan na ko kanina pa, so I don't think so kung masasaktan niyo pa ako" pilyang sabi ko at kumunot naman ang noo nito.
Lumapit ito sakin habang humihithit ng sigarilyo kaya naman napairap ako. Kahit nakasurvived na ko sa sakit ko at hindi parin immune ang katawan ko sa usok especially sa usok ng sigarilyo.
Sinalubong ko rin siya at mabilis na hinila ang sigarilyo mula sa bibig niya at tinapakan ito. Galit itong tumingin sakin at sinugod ako na agad ko namang nailagan.
I'm not good at fighting but at least I can do defense. Gumaya narin ang iba pa niyang kasama kaya mas nahirapan ako isabay mo pa ang sakit ng batok ko.
Ayokong manakit ng masyadong bata kaya ilag-ilag lang ang ginagawa ko at minsan naman ay pumapagitna ako para kung sakaling sabay silang sumugod ay sila ang magkasakitan.
Nang pare-pareho na kaming napagod ay nagsitigil naman na sila. Hingal na hingal akong napasandal sa pader habang nakatingin sa kanila.
"Tandaan niyo mukha ko ha, pag nakita ko pa uli kayong nananakit ng kapwa niyo gagawin kong itlog yang mga pagmumukha niyo. Maliwanag?" sabi ko habang nakaturo at nakasandal parin.
"Halika na" tawag ko sa binatilyo at kinuha ang phone ko sa kanya.
Napatigil ako habang nakatingin sa baba kaya nagtaas ako ng tingin. At ngayong malapitan na kaming dalawa nasa isang daan at isang porsyento akong tama. From his eyes, eyebrows, eyelashes, nose, lips, every angle of his face I know that it was him.
"Men, kunin niyo ang mga binatilyo pati ikaw Miss sumama ka"
Miss?
Salubong ang kilay at nagtataka akong nakatingin sa kanya. Bago pa ako makapagsalita ay linampasan niya na ako at linapitan ang mga binatilyo.
"Ikaw na naman?" gulat na tanong ng pulis na kaharap ko kahapon.
Hindi ako sumagot dahil palaisipan parin sakin kung bakit hindi niya ako makilala ang malala pa ay tinawag na akong Miss na talagang tila hindi ako nito kilala.
Napaigtad ako nang biglang may naramdamang malamig sa batok ko kaya napatingin ako sa likuran ko.
"May pasa yang batok mo ma'am kaya ilagay mo muna ito" saad ng police woman habang nakadikit parin ang malamig sa batok ko kaya naman kinuha ko ito at ako ang nagtuloy.
"Men, tawagan niyo ang parents ng mga batang ito at kung hindi pupunta ay ipasok niyo muna sila sa silid" giit ng pulis na kaharap namin.
Napatingin ako sa katabi ko nang nagsimula itong hindi mapakali kaya sinilip ko ang mukha niyang may sugat at pasa.
"Makakapunta ba ang parents mo?"
"H-hindi po ,a-ayoko pong malaman nilang nandito ako" kinakabahang aniya kaya tinapik-tapik ko siya.
"Guardian ako ng batang to" sabi ko sa pulis at tiningnan naman ako nito sabay tawa.
"Miss isa ka sa suspek sa mga to, kaya manahimik ka dyan"
"What?! Suspek ang k*ngina. Tanga ka ba or what? I didn't even hi~~"
"And who are you to disprespect my men?" nanigas ako sa kinatatayuan ko.
"Hindi ko alam kung sino ka and I don't care who you are but you should respect my officers in my own station. Mananatili ang mga bata rito hangga't hindi pumupunta ang mga magulang nila" seryosong giit niya sa mismong mukha ko.
Napatingin ako sa katabi ko na sobra na ang panginginig ng kamay nito even his toes dahil narin siguro sa takot at kaba. Bumalik ako sa kinauupuan ko at napabuntong-hininga. I can settle myself here pero ayokong iwan ang binatilyo dito.
Binuksan ko ang phone ko and I texted my brother that I can't join them with lunch because of this incident. Nagreply din siya na dumating na din daw sa bahay ang kotse ko at sinubukan na nila itong pinaandar.
Lumipas ang mga minuto at sunod na nagsidatingan ang mga magulang nila habang siya ay kinakabahan parin. Mabilis nilang nilapitan ang mga anak nila at nagsireklamuhan kaya pasimple akong umiirap.
"Anong nangyari sa mukha mo?"
"Who did this to you?"
Ilan lang ang mga yan sa binubunganga ng mga magulang nila without even asking kung anong ginawa nila. This is really an ear breaking to me.
"Sila ba ang gumawa nito sayo?" tanong ng isang magulang habang dinuduro ako.
Hindi sumagot ang mga bata na kanina pa nakayuko mula nong dumating kami rito. Inisa-isa kong tiningnan ang mga magulang na nasa harapan ko at sabay ismir.
"Hindi ko sila sinaktan at hindi ako nananakit ng bata, they hurt themselves" sabi ko.
"Tingin mo maniniwala kami sayo? Sir, ano po bang pwedeng ikaso laban sa kanya?" agad na sumbat nito.
What the f*ck. Isa ako sa pinaka successful na company owner tapos makakasuhan ako?
"Ma'am base po kasi sa statements ng mga bata ay una silang nanakit, then this lady here came up to at least defend the victim. May ikakaso man po kayo pero imposibleng manalo kayo. Kaya ko po kayo pinapunta rito para sa anak niyo dahil sa minor de edad pa pala ang mga to at sa susunod na mahuli pa namin sila ay ikukulong na namin sila dyan" paliwanag ng pulis sabay turo sa isang silid.
"Ganon po ba? Ano po bang pwede naming gawin?" tanong ng isa rin na halatang natakot.
"Kailangan niyo pong ipagamot ang biktima and humingi ng pasensya"
Agad namang sunod-sunod na lumapit ang mga magulang sa bata at humingi ng paumanhin. Tahimik parin ang bata at tila natatakot parin base sa ikinikilos niya.
"Sir, I think it doesn't make sense. Bakit hindi ang mga batang ito ang magsorry sa kanya?" angal ko. Tumigil at tumayo ang mga magulang na nagsiluhod pa sa harapan niya.
"She has a point, hayaan mong sila ang magsorry sa bata" tinapunan ko lang siya saglit ng tingin at tumingin na naman sa binatilyo.
Natapos sa usapan ang lahat napagkasunduan din na sila ang gagastos sa paggagamot sa mga natamong sugat at pasa. Nauna nang umuwi ang kabilang party habang ako ay hinihintay lang ang binatilyo. Hindi ko alam kung ayaw niyang umuwi o takot lang talaga siyang umuwi dahil sa mga natamo niya.
"Kung balak mo pang magpaiwan dito, mauuna na ako" sabi ko at saka tumayo.
"Ate, thank you po" aniya kaya tinanguan ko siya bago ako umalis.
I'm at the main door nang tumigil ako and then lumingon sa isang silid na tingin ko ay office niya. Hinding-hindi kita titigilan hanggang di mo binabanggit ang pangalan ko. I still have four weeks to make you remember me.
Itutuloy.....

Komentar Buku (128)

  • avatar
    BalmedinaSarah

    Ang ganda kahit introduction pa lang ang ganda na😍

    06/05/2022

      0
  • avatar
    Nhielzen Mhyck Cabunas

    siiwkw

    20/07

      0
  • avatar
    Stefanie Isidro Maximo

    great

    24/08/2023

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru