Raya De Castro "Hoy!" "Ay halimaw ka!" Kusang gumalaw ang kamao ni Cass at nasuntok nito ang mukha ng nanggulat sa amin. Walang iba kundi si Rico-pa-pogi. "Aray!" daing nito habang sapo ang kaliwang mata niya. Buti nga sa kanya. Wrong timing kasi siya eh. "Grabe ka naman Cassandra? Para kang amazona!" Nagpigil ako ng tawa sa sinabi ni Rico. Parang kanina lang nabanggit ko ang salitang amazona, ang malas nga lang ni Rico dahil siya ang nakatanggap. "Nanggugulat ka eh. Saka bakit ka ba nandito?" inis na sabi ni Cass. "Wala kasi akong ka-grupo. Baka naman..." At nagpa-cute siya bigla sa amin. Patay na, mukhang kami ngayon ang prospect niya at saan siya kumuha ng kapal ng mukha para lapitan kami? Napatingin ako sa katabi ko na parang nilalabasan na ng madilim na aura. Mortal enemy kasi niya itong si Rico. Kailangan ko nang gumawa ng paraan dahil baka magkaabutan pa 'tong dalawa. "Si─" "Bawal..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil kay Cass. "Hoy Rico-pa- pogi. Akala mo siguro hindi ko alam 'yang binabalak mo ah! Ang kapal ng apog mo sa amin lumapit? Bakit hindi ka sa mga tropa mo lumapit huh!!!" "Grabe ka naman, parang hindi naman tayo classmate. Ayoko sa kanila eh, feeling ko wala kaming matatapos. At least sa inyo sure akong magkaka-Finals ako. Hihi..." Okay, good thing na honest siyang tao. "Sasapakin ko 'to," banta ni Cass. Naka-ready na ang kamao niya at diretso na sanang muli kay Rico kaya naka-ready na rin ang kamay ni Rico upang saluhin ito. "Relax ka nga lang!" Agad kong pigil sa kanya bago pa mapapuntang clinic ang isang 'to. "Ito kasi eh..." Binaba ni Cass ang kamao niya at nagpukaw na lang ng masamang tingin sa kaharap namin. "Papayag kami─" "Ano? Hindi ako papayag!" Hindi na naman ako pinatapos ni Cass sa pagsasalita kaya tiningnan ko na siya. "Patapusin mo muna kasi ako Cassandra." Buong first name na ang tinawag ko sa kanya at kapag gano'n, medyo inis na ako. Medyo lang. Wala namang nagawa ito kundi ang tumahimik habang naka-cross arms. Muli kong binalingan ng tingin si Rico na biglang lumapad ang ngiti sa akin. "Papayag kami kung may ma-i-offer ka sa aming ancestral house na hindi pa nadidiskubre, o walang kahit na anong record sa internet o sa book. Basta luma lang ganu'n." Napatingin si Cass sa akin at tila na-gets nito ang sinabi ko. S'yempre, kung mapakikinabangan kami ng isang 'to dapat kami rin. Nawala ang ngiti ni Rico at napalitan ng pagtataka. Napahawak pa siya sa chin niya na parang nag-iisip. "Hmmm... Hindi ko alam ang binabalak niyo pero parang ang cool niyan." "So?" tanong ko "Ano na? Sinasayang mo lang oras namin eh. Tara na nga Ray!" Hihilahin na sana ako ni Cass pero pinigilan kami agad ni Rico. "Teka lang... Teka lang naman. Kayo naman, agad naman kayong nagmamadali." "Ano ba? Gusto mo pang makaisa sa akin?" banta ni Cass. "Oo na. Meron..." sabi ni Rico. "Meron?" tanong ko. "Meron," muling pagkumpirma ni Rico. "Weh? Meron talaga?" hindi makapaniwalang tanong ni Cass. This time parang medyo okay na siya. Wait nga lang, parang nagiging redundant na kami. "Oo nga! Grabe ka sa akin ah. Wala ka bang bilib sa mukhang 'to?" Nagpapogi si Rico kay Cass kaya biglang umasim ang mukha nito. "Tigilan mo 'yan, kinikilabutan ako," sabi nito habang muling nakaamba ang kamao niya. Napalunok tuloy ng laway si Rico. Buti naman may takot siya sa kaibigan ko at bilib ako sa tapang niya dahil nakausap niya itong isa. "Pero seryoso. Ang alam ko 'yung kaibigan ko may ancestral house sila sa Cebu. I'll text you girls once pumayag siya." "Siguraduhin mo lang ah, kung hindi sapak ka talaga sa akin." Inamba na naman ni Cass ang kamao niya kay Rico pero binaba ko na 'to. "Tama na, Cass." Tiningnan ko naman si Rico. "Sige mauna na kami ah. Bye." Hindi ko na pinagsalita pa si Rico at mabilisan kong hinatak si Cass palayo sa kanya. Habang naglalakad ay muling nagsalita si Cass. "Naniniwala ka sa pa-poging 'yon?" "May enough time pa tayo, so malalaman naman natin agad kung nagsasabi siya ng totoo," Natahimik na siya sa sinabi ko. Finally. ***** "Tumawag kayo ng ambulansya!" "Bilisan niyo!" “Diyos ko muntik na 'yung bata! Kumusta 'yong sumagip sa kanya?” "Patay na yata. Hindi na gumagalaw eh." Sari-saring boses ang naririnig ko at tila nararamdaman ko ang mga imosyon nila. Pinilit kong dumilat pero may likidong bumabasa sa mga mata ko. Ang labo na ng mga paa nila, at para silang langgam na nagkakagulo. Sa kabila ng mga paang nakikita ko, may isang pares na paa ang unti-unting lumalapit papunta sa akin, wala siyang panyapak at parang hindi siya nakakaabala sa mga taong nilalampasan niya, hanggang sa huminto ang pares na mga paa sa akin. "Ang bata ayos ba?" sabi ng isang boses na lalaki. Gustuhin ko man silang tingnan pero ayaw nang makisama ng katawan ko. Kahit ang ulo ko, tila nakadikit na sa malamig na kalsada. “Ayos lang ang baby ko, pero ang teenager na 'to, we need ambulance as soon as possible, please... She saved my baby. Help her, please..." Sa kabila ng ingay na naririnig ko, hindi na rin kumikilos ang pares na paang walang panyapak. Kahit gustusin ko mang tingnan siya pero hindi ko na magawa. "Sino ka?" bulong ko sa sarili. "Mommy!" Nabaling ang attention ko sa boses ng batang lalaking nasagip ko. Thank God, he's safe. “Anak!" Dinig kong tawag ng mommy niya, pero maliban sa boses niya, may kasabayan pa ang boses niya na pamilyar sa akin. - - - "Anak!" Napabalikwas ako ng pagbangon at habol ko ang aking hininga, kinapa ko ang aking noo na butil-butil ang pawis. "Anak! Raya! Hindi ka ba papasok? Late ka na." Sunod-sunod na katok ni mama sa pinto ng kwarto ko. Agad naman akong natauhan at tiningnan ang oras sa mobile phone ko. "Patay!" Agad kong kinuha ang tuwalya at binuksan ang pinto. Hindi ko na pinansin si mama at dinaanan ko na lang siya. Matapos makapag-ayos ay hindi ko na nagawang kumain ng almusal. "'Ma, 'Pa alis na po ako!" Hindi ko na rin hinintay ang basbas nila at agad na akong tumakbo papuntang sakayan ng jeep. Pagdating ko sa room ay nagkaklase na ang professor namin. "Sorry po, late lang." Tiningnan lang ako saglit nito at muling nagpatuloy sa discussion. Agad naman akong umupo sa bakanteng upuan at nilibot ko ang paligid upang hanapin si Cass. Nang makita siya ng mata ko ay tinanguan na lang niya ako. Pagkatapos ng klase ay agad akong nilapitan ni Cass. "Hoy Ray! Bakit ka late?" Bitbit ang gamit ay sabay kaming lumabas ng room at naglakad sa hallway. "Hindi ko kasi narinig na tumunog 'yung alarm ng phone ko eh." "Baka naman nakalimutan mong mag-alarm?" Agad ko namang tiningnan ang phone ko. "Naka-set naman 'yung alarm ko, ang lakas din ng volume nito." Pinakita ko pa kay Cass, bilang patunay. "Okay? Ibigsabihin ganu'n kalalim ang tulog mo?" Nagkibit-balikat ako sa sinabi niya. Siguro tama siya na kahit ang weird ng panaginip ko kanina na hindi ko na matandaan ang buong ditalye eh, napasarap pa rin ang tulog ko. "Siguro... Nanaginip pa nga ako na nasagasaan daw ako?" "Na totoo naman, kasi 'di ba kaya ka nga may maintenance na gamot?" Well, 'yun ang sabi ng parents ko. Na nasagasaan ako nu'ng Grade 9 ako. At dahil nga sa nagkaro'n ng problem sa utak ko na sanhi ng pagkaka-comatose ko ng ilang linggo kaya need kong mag-maintenance. "At dahil late ka, I believe na nakalimutan mo ring inumin 'yung gamot mo." Pagpapaalala ni Cass sa akin. "Hala! Patay na naman ako." Agad kong hinanap ang gamot sa bag pero hindi ko makita. "Patay na talaga ako. Nahulog yata sa nu'ng nagmamadali ako kanina." Dahil sa abala akong hanapin ang gamot ko hindi ko napansin na may tumatakbo pa lang palapit sa amin kaya nagulat ako nu'ng huminto siya sa harap namin na hingal na hingal. "Problema mo?" tanong ni Cass. "Pinapatawag ang grupo natin ni Prof. Domingo," sabi ni Rico. "Bakit naman kaya?" tanong ko kay Rico pero tila hindi ako nito masagot. Mukha na kasi siyang hinihika sa pagod. "Gaano ba kalayo ang tinakbo mo?" Naawa ako sa kanya kaya 'yung nabili ko sa naglalako na bottled water kanina, eh inabot ko na lang sa kanya. "Salamat..." Tumango ako. "Ten pesos lang 'yan, kahit mamaya mo na bayaran." Bigla akong nanghinayang sa ten pesos eh. Parang hindi naman niya inintindi 'yung sinabi ko, siguro akala niya nagbibiro lang ako. Bubuksan pa lang sana ni Rico 'yung takip pero biglang nagyaya na si Cass. "Tara na." Naglakad na siya pero hinatak naman niya 'yung kuwelyo ni Rico. "Woy, wait lang, pagpahingahin mo muna ako," pakiusap nito. "Du'n ka na lang magpahinga..." sabi ni Cass na hindi pa rin binibitawan 'yung kwelyo ni Rico. Napailing na lang ako sa kanilang dalawa, saka naglakad at sumunod na rin sa kanila habang humihirit pa 'tong si Rico. "Tubig... Kahit painumin mo na lang ako ng tubig muna."
Terima kasih
Dukunglah penulis untuk menghadirkan kisah-kisah yang luar biasa untuk Anda
Biaya 34 berlian
Keseimbangan: 0 Berlian ∣ 0 Poin
Komentar Buku (7)
Dela CruzElyon
Hi! I'm the author of Soul-Mirror. I hope na mabasa niyo ang story na ito.
Thank you so much!
09/02/2024
1
Rechelyn Quimco Salazar
nakaka goosebumps! btw after reading listen to James Arthur Car's outside. Bakit? I can't explain the feeling. skl.
Good Job author pero sana ng ka aminam cla na ako c Alejandro/Rosario sa nakaraan.
Hi! I'm the author of Soul-Mirror. I hope na mabasa niyo ang story na ito. Thank you so much!
09/02/2024
1nakaka goosebumps! btw after reading listen to James Arthur Car's outside. Bakit? I can't explain the feeling. skl. Good Job author pero sana ng ka aminam cla na ako c Alejandro/Rosario sa nakaraan.
24/10/2023
1nicee po nagustuhan ko ung storyyy!🤗
01/12/2022
1Lihat Semua