logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER 2: I'M DRIVING CRAZY

(ALLYSA'S POV):
“Guardian Angel mo ako at kaya kitang bantayan kahit saan ka pa magpunta.” nakangiting tugon nito na tila hindi sineseryoso ang tanong ko.
Naiirita na ako sa lalaking ito, pero kapag sinabi ko naman sa Doctor or Nurse na may creepy man na pumasok sa Room ko, baka paglabas ko dito sa Ospital ay i-diretso na nila ako sa Mental Facility.
“Nababaliw na ako! Ahhhhh!!! Baka epekto 'to ng aksidente, nagha-hallucination na ako!” natataranta kong sabi habang hinahawakan ng dalawa kong kamay ang aking ulo at sandali rin akong pumikit para sakaling mawala ang halusinasyon ko.
“Hindi pa rin ako makapaniwala na nakikita mo ako.” wika pa nito na nakapagpakilabot lalo ng katawan ko.
D'YOS KO LORD, NABABALIW NA TALAGA AKO!
“Ayaw ko na!!Please umalis ka na!!!” pakiusap ko sa kanya habang mahigpit na nakasabunot sa aking buhok ang aking dalawang kamay na tila gusto ko na ring tanggalin ang aking anet. Mabuti na lamang at naiisip kong may benda pa pala ang aking ulo kundi…
“Allysa!!Allysa!!...Gumising ka na!!..Ano ba?!!”

“Anak!! Anong nangyayari sa'yo?!” natatarantang tanong ni Mama nang magising na ako.
Mabuti, dahil panaginip lang pala ang lahat. Tatlong buwan na rin ang nakakaraan simula nang ma-discharge ako. Magmula nang makauwi na ako rito sa bahay ay lagi ko na lang napapanaginipan ang tungkol sa Mistisong lalaki.
“Anak, ayos ka lang ba?” pag-aalalang tanong ni Mama.
Tumango naman ako at kasabay nun ay ibinigay n'ya sa akin ang isang basong tubig para painumin ako.
“Pawis na pawis ka na.” sabi ni Mama habang hinahaplos ang likod ko.
“Ma, May lalaki po bang dumadalaw sa'kin sa Ospital maliban kay Papa?” marahang tanong ko.
“Ang Papa mo lang ang lalaking dumalaw sa'yo roon.” wika ni Mama.
Siguro matindi lang talaga ang tama sa utak ko kaya palagi ko 'yung napapanaginipan.
Habang umiinom ako ng tubig ay bigla kong nailuwa ito dahil sa labis na pagkagulat nang makita ko ang mistisong lalaki sa may bandang likuran ni Mama at nakangiti pa ito sa'kin.
D'yos ko matindi na nga ang tama ko sa utak!!!
“Anak, Bakit?” tanong ni Mama nang mapansing nakatulala ako habang nakatingin sa likuran n'ya.
“M-Mama, sino po 'yung lalaking 'yan? Bakit nandito s'ya sa kwarto ko?” nahihiwagaang tanong ko.
Lalo pa akong nabigla ng kumaway pa ito... Kapareha n'ya ang misteryosong lalaki sa panaginip ko! pati suot at itsura ay eksaktong magkapareho!!
Piste! Nabaliw na talaga ako!
“Wala naman eh, sino bang lalaki ang tinutukoy mo? Tayong dalawa lang ang naririto sa loob.” pagtataka ni Mama.
Nangilabot ako sa takot nang sabihin ni Mama na kami lang naman daw dalawa ang naririto. Kung kami nga lang dito, ibig-sabihin, Nababaliw na talaga ako kasi sino pa ba dapat ang makikita ko dito maliban kay Mama?!!
“Ma, wala, mukhang naalimpungatan lang po yata ako.” palusot ko para hindi ako ipadala ni Mama sa Mental kapag nalaman n'yang nagha-hallucination na ako.
Nanginginig kong ibinigay kay Mama ang baso na may tubig nang matapos na akong uminom.
Natatawa naman ang misteryosong lalaki sa likuran ni Mama, pero hindi ako pwedeng magpahalata kay Mama na may iba pa akong nakikitang nilalang dito bukod sa kanya.
“Sige na, Ma, Okay na ako rito.”nakangiti kong saad kay Mama.
“Oh s'ya sige na, magluluto muna ako ng agahan natin ng kapatid mo.” tugon ni Mama at lumabas na s'ya ng kwarto ko dala ang basong may tubig.
Pagkalabas ni Mama ay kinuha ko kaagad ang unan ko at ibinato sa misteryosong lalaki na nakatayo habang tinatawanan ako. Dahil sa pagbato ko sa kanya ng unan ay lalo ko lang tinakot at pinagmistulang baliw ang aking sarili nang tumagos lang ang unan sa lalaki.
D'yos ko Lord, nasobrahan na yata ako sa nainom kong gamot!
Bigla akong napaakyat ng kama ko nang ambang lalapit pa ito sa'kin.
“D-D'yan ka lang, H-Huwag kang lalapit!” pagbabanta ko sa lalaki habang hawak sa kanang kamay ko ang isang unan at ambang ibabato ito sa kanya.
Biglang nagningning ang mga mata ko nang may makita akong rosaryo na nakasabit sa Doorknob ng pintuan ng aking kwarto. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay hindi ko na napansing nasa edge na pala ako ng kama ko kaya bigla akong nahulog dito.
“AYYYYYY!!!” napatili ako ng malakas.
Habang unti-unti kong dinidilat ang napapikit kong mata dahil sa kaba ay laking pagtataka ko naman nang maramdaman kong may nakasalo pala sa'kin dahil tila nakalutang ako at hindi manlang lumagapak sa sahig ang aking likuran.
Nanlaki kaagad ang mga mata ko nang makita kong nasalo pala ako ng misteryosong lalaki ngunit laking pag-tataka ko dahil kanina lamang ay papalapit pa lang s'ya sa akin na may layong tatlong dipa, kaya paano n'ya ako masasalo kaagad?
Dahan-dahan akong ibinaba ng misteryosong lalaki at tinanong ako kung ayos lang daw ba ako.
“Okay ka lang ba?” tanong ng maamo n'yang mukha.
Natamime naman ako at tila wala pa rin ako sa aking katinuan dahil sa hindi ko inaasahang pangyayari.
GRABE ANG GWAPO N'YA TALAGA...kasabay nito ay napalunok ako ng aking laway bago ako nagsimulang magsalita.
“P-Paano mo 'yun nagawa? 'Di ba andoon ka lang kanina?” kinikilabutan kong pagtataka habang lumalakad ng paatras at hindi binibitawan ang unan.
Habang naglalakad ako paatras ay bigla s'yang naglahong parang bula sa harapan ko hanggang sa ilang segundo lang ay may nabangga yata ako sa aking likuran.
Nang lingunin ko kung ano ang nasa likuran ko ay kaagad akong napanganga nang makita ko s'yang nakangiti at naniningkit ang dalawa n'yang mata habang nasisikatan ng sinag ng araw ang kanyang maamong mukha mula sa bintana ng aking kwarto.
Grabe parang matutunaw na ako sa matamis n'yang tingin at ang puso ko.... parang gusto na ring lumabas sa aking dibdib dahil sa lakas ng pagkabog nito. Pakiramdam ko biglang nangyari sa'kin ang napapanood ko lang noon sa TV..Gara, nababaliw na nga ako!
“Kahit saan ka pumunta, kaya kitang sundan.” sarkastiko n'yang sabi habang nakangiti.
Hindi ba s'ya magsasawang ngumiti?
Kaagad akong pumunta sa pintuan at dali-daling kinuha ang rosaryong nakasabit sa Doorknob nito at kaagad ko itong inilapit sa mukha n'ya.
“Mawala ka na kampon ni Satanas!!” matapang kong wika.
Tinawanan n'ya lamang ako at tumingin sa akin ng seryoso pagkatapos ay bigla nalang naputol ang rosaryong hawak ko. Nang dahil sa nangyaring iyon ay binalot na ako ng matinding takot at kaba.
D'yos ko naghahalusinasyon na nga ako! Ayaw ko nang uminom ng gamot!
“B-Bakit ka ba nandito? Teka, S-Sino ka ba muna?!” kinakabahang tanong ko sa kanya kasabay ng pagko-cross ng aking dalawang braso sa aking dibdib.
“Halatang natatakot ka na, By the way, I'm Ian James Fuentes” nakangiting tugon nito.
“D'yos ko, Ano na ba 'tong nangyayari sa'kin?” bulong ko sa sarili ko habang nanginginig na sa takot.
“Akala mo siguro nababaliw ka noh?” natatawang tanong n'ya.
Binigyan ko naman s'ya ng death glare.
Tinanggal ko kaagad ang naka-cross kong braso sa aking dibdib pagkatapos ay dali-dali kong tinakpan ang aking dalawang taenga at ipinikit ang aking mga mata upang magbakasali sana na mawala na lang s'ya ng biglaan.
Nang maramdaman kong parang ako na lang mag-isa dito sa kwarto ay dahan-dahan kong idinilat ang kanan kong mata at isinunod na ang kabila.
Yes!!Wala na s'ya!!
Kaagad akong nagdiwang sa saya nang makita kong wala na ang mistisong lalaki sa harapan ko kanina, ngunit panandalian lang pala ang lahat. NAKAKABWESET!

Komentar Buku (38)

  • avatar
    Christine Joy Sacla Butangen

    naka hurt na nakakakilig

    4d

      0
  • avatar
    SiclotMayann etorma

    hanggang 27 lng po ba too Ang Ganda po kasi

    21d

      0
  • avatar
    Alexander Lazarte NI

    Alexander

    31/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru