logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Six

Nasa condo lang ako ngayon. Nag-leave muna ako sa trabaho ng ilang araw para makalanghap ng sariwang hangin at luminaw ang pag-iisip ko.
Hindi pa rin kasi nag-sink in hanggang ngayon ang sinabi ni Kenneth noong isang araw. Oo, dalawang araw na ang nakalipas. Kahapon ay binisita niya ako sa opisina na may dala dalang maraming pagkain. Ibibigay niya pala yun sa mga katrabaho ko. Pagkatapos nun ay hinintay niya ako hanggang sa magka-free time, saka lang kami lumabas. Tinanong ko siya habang naglalakad kami sa park kung di ba siya hinahanap sa trabaho pero ang sabi niya, secretary niya na lang daw ang bahalang magpalinawag doon. Ibig sabihin mayaman talaga siya ngayon.
Ugh. Kaya nga nakapagtayo ng museum diba? Iba ka din Shane. Pero alam niyo yung di nagbago? Yung pangungulit niya. Kahit matanda na kami ngayon mas lumala ang pagiging makulit niya. Palagi niyang ginagalaw ang buhok ko na alam niyang ayaw na ayaw ko at di ako pinapakawalan sa mga yakap niya.
Aaminin ko, masaya naman ako kahapon dahil naramdaman ko ulit kung paano kiligin. Si Clark kasi hindi ko pinapayagan na mag-date kami ng kaming dalawa lang kaya wala kami masyadong kilig moments. Iba pa rin talaga ang feeling kapag yung taong minsan mo ng minahal ang nagpapakilig sayo ngayon.
Pero sa oras na ito, kailangan ko munang mag-solo flight. Gusto ko huminga. Gusto din sanang sumama ni Clark kaso di ko siya pinayagan dahil di naman kami pwedeng mag-leave ng sabay. Lalo na si Kenneth, di ko sinabi sa kanya na aalis ako dahil alam ko naman na mahahanap din niya ako.
Nasa labas na ako ng condo ngayon at papuntang kotse ko. Yes, may kotse ako pero di ko masyadong ginagamit kasi gusto ko maka-interact si inang kalikasan at nakatipid ng gasolina. :D
Pinaandar ko na ito at nagsimulang magmaneho. Hindi naman ako nagmamadali at wala naman masyadong traffic dahil madaling araw palang naman so slow down muna. E-enjoy ko muna ang bawat scenario na makakasalubong ko habang papunta sa destinasyon ko. Papunta akong Tagaytay, gusto ko sana sa Batanes kaso medyo malayo.
"Crap." biglang tumirik ang kotse. Hindi ko ba napagasolinahan? Full tank naman ah.
Naku, medyo malayo pa ang destinasyon ko. Di ako pwedeng maglakad. Ugh. Bakit ngayon pa Ram? Alam mo naman na ngayon kita kailangan eh. -__-
Saan ba may car repair shop dito? Huhu. Tulungan niyo ako.
"Yes!" nasabi ko ng malakas dahil may nahanap akong maliit na bahay. Baka meron silang ideya kung saan pwede ipaayos tong si Ram.
Kumulog ng malakas. Naku naman oh. Bakit ba minamalas ako ngayong araw? May problema ba sa akin yung araw ngayon? Eh noong mga nakaraang araw lang umaayon sa sitwasyon ko ang lagay ng panahon.
"Ahh excuse me po kuya, may alam po ba kayong shop na nag-aayos ng kotse dito?" tanong ko kay kuya liit kasi maliit siya. Di naman niya ako pinansin ako at patuloy na kinakausap ang isang lalaking napakashades kahit na nagsisimula ng bumuhos ang ulan.
Tss. Parang nagtatanong lang naman ako eh.
"Ser tenkyuu, cam agen." masayang sabi ni kuya liit. Edi wow.
"Sure, thank you." teka parang pamilyar ang boses na yun.
Hindi, baka nagkamali lang ako. Bakit naman siya pupunta dito diba? Alangan naman sinusundan niya ako? Napaka-assuming ko naman.
"Maam, ano po ulit kailangan niyo?" bumalik ako sa katinuan ng magsalita si kuya liit. Nakatingin pa rin kasi ako dun sa lalaki na nakashades.
"Ahh kuya, sino yun?" "Yun po maam?" "Hindi yung nasa likod na hindi natin nakikita. Joke lang, yung lalaking yun po. Kilala mo?" napakamot naman si kuya liit sa ulo niya.
"Customir po maam. Koreano po kasi, nagtatanong ng direksyon" "Ahh talaga ba...teka Koreano po ba sabi niya?" "Hindi Amerikano, joke lang." sinamaan ko ng tingin si kuya. Nakaisa din siya sa akin.
Koreano pala yun? Posible kaya? Ahh hindi. Erase. Erase. Di ako pwedeng mastress sa mga taong matagal ng wala. Kailangan ko muna ng me time.
"Tss. Saan po ba auto-repair dito?" "Ay naku, ang swerti niyu po maam. Ur on d ryt spat" iba din ang english ni kuya pero naintindihan ko naman. Dapat maging socio-linguistic tayo.
"Pakitingnan naman yung kotse ko kuya please. Kanina pa ako dito" "Ah sige po" pinuntahan ni kuya liit ang sasakyan ko saka tinignan.
Normal lang daw na nangyari to sabi ni kuya liit dahil matagal ko ng di nagagamit ang si Ram.
Pinastart ni kuya liit ang kotse ko at luckily umandar na si Ram. Thank you Lord.
"Kuya salamat ha?" inabutan ko si kuya ng pambayad pero sabi niya nabayaran na daw ang service niya sa akin. Nagtaka naman ako kasi di pa naman ako nakakapagbayad.
Nagsimula na akong magmaneho. Medyo malayo pa naman yung resort na tutuluyan ko.
All you have to do is stay, a minute, just take your time...the clock is ticking so stay. Ringtone ng phone ko yan. Alam kong si Kenneth ang tumatawag, di ko muna sasagutin ang mga tawag niya. Makakapaghintay naman siguro siya sa akin.
Sa wakas ay nakarating na rin ako sa aking destinasyon. Maganda dito dahil exclusive ang resort, wala masyadong nakakapasok. Yung mga nagpapareserve at bumabayad agad lang talaga.
"Good Morning Miss, welcome to Latitude Resort. Enjoy your stay here" binigay ko sa kanya ang susi ng kotse para maipark niya ito. Dumiretso ako sa resto ng resort dahil kanina pa ako nagugutom.
"Your best selling breakfast please" sabi ko sa cashier or teller. Ay ewan, di ko alam tawag sa mga ganun. Gusto lang kumain.
Umupo na ako sa table na malapit sa bintana para makita ang ganda ng paligid. Maraming bulaklak na iba't ibang klase at puno ang nakikita ko. Nakakakalma ng damdamin at isipan ang mga ito. May mga ibon din at paru-paru na lumilipad malapit sa mga bulaklak, bihira nalang makakita ng ganito ka daming paru-paru. Lalo na kung nakatira ka sa isang city na napaka-crowded.
"Here's your order maam. Enjoy" masayang sabi niya. Sinimulan ko ng kainin ang nakalagay sa aking table. Akala ko pancakes ang is-serve nila para sosyal ang dating pero yun pala simple lang. Isang fried java rice at sunny side up egg with tocino lang sinerve. Iba din ah, pero gusto ko to. Di ako sanay sa mga sosyal na pagkain.
Habang kumakain ay tumitingin-tingin din ako sa mga tao na nandito. Hindi masyadong puno ang resto kaya malayo ang gap ko sa mga tao.
Halos couple lahat ang nandito ngayon. Kung di naman couple ay whole family na nagb-bonding. Maganda talaga dito magbonding kasi walang disturbo.
Nom.Nom. Kumakain pa rin ako hanggang ngayon pero may napansin akong kakaiba. Nakita ko na naman yung lalaki kanina na huminto din sa bahay ni kuya liit.
"Chan..." napalingon ang lahat sa akin, pati yung lalaki. Malakas ba yung pagkasabi ko nun? Di naman siguro ah? Ugh. Nakakahiya ka Shane. Umalis ka na dito ngayon din.
"S-sorry." tumayo ako agad at naglakad palabas. Sht. Di ko kinaya ang mga tingin nila. Para silang nakakita ng babaeng nasisiraan ng bait.
Nakakahiya talaga. Bakit ko ba nasabi ng malakas yun? -__-
Dumiretso ako sa cabin ko. Malayo sa ibang cabin ang sa akin. Dalawang cabin lang ang nandito. Mabuti na rin yun para di ako makita ng mga tao.
"Mabuti pa matulog..." para kasi akong inaakit ng kama. Ang comfy kasi, water bed siya at ang daming unan.
Haaaay. Nakakawala ng stress at problema. This is the life. Tahimik. Walang problema. Wala kang dapat alalahanin na mga bagay lalo na sa trabaho. Ganito nalang sana araw-araw.

Komentar Buku (49)

  • avatar
    TorregosaKian

    oooooo

    1d

      0
  • avatar
    Aya Clara

    masaya sya kahit Walang boyfriend

    1d

      0
  • avatar
    Lyn Lyn Eugno

    nice po

    11d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru