logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kabanata 3

Nang gabi ring iyon ay naiuwi ako ni Rico sa bahay. I invited him for dinner inside kaso tinanggihan niya, kalauna'y nagpaalam na ring aalis na.
Humingi rin ako ng paumanhin at naabala ko pa siya sa pagpapahatid. Si Manang ang unang sumalubong sa 'kin sa loob, I greeted her then I saw my Mom na pababa ng hagdan with Dad.
“Where's your Kuya?” Dad asked. Lumapit ako sa kanila and kissed their cheeks.
“Hindi niya po ako nasundo, e. He's probably busy with his schedule today,” I said. Kita ko sa mga mata nila ang pagtataka sa sinabi ko, kaya bago pa sila mag-hysteria ay umagap na ako.
“Don't worry, Mom, Dad. Ricochet drove me home naman po,” I assured them. Tila napanatag naman sila na kilala nila ang naghatid sa akin dito. Kilala naman sa bahay namin sila Ricochet at Yesenia.
After the brief exchanges, Mom told me to change my school uniform na so we can have dinner. Sinunod ko ito at umakyat papunta kuwarto ko, I did my routine and when I'm finally done ay bumaba na ulit ako at dumeretso sa dining area ng malaking bahay.
Andoon na sila Mommy at Daddy, maging si Lolo na sa kabisera nakaupo. Umupo ako sa puwesto ko, and we started our dinner, our maids serving us.
“How's your school, Ximena?” Lolo asked in the middle of their conversation. Ngumiti muna ako bago sagutin ang tanong niya.
“Good, Lolo,” I also nodded. Tumango naman ito bilang sagot atsaka sumubo ng maliit naportion ng beef, he chewed it first before glancing at me again.
“And your grade?” tanong ulit nito. Pilit na ngiti na lang ang sinagot ko dito, he arched his brow anticipating for my answer.
I cleared my throat.
“U-Uh, its good pa din naman po. I'm the top of our class,” I said. Umiwas ako ng tingin kay Lolo at nagpatuloy sa pagkain.
“Top of your class? How about the overall ranking? Ang alam ko ay dalawa ang section nyo. Ano, ikaw rin ba ang nangunguna sa pangkalahatan?” muli nitong tanong. He wiped his lips using the napkin, mukhang tapos ng kumain. Habang sila Mommy at Daddy ay tila nangangapa sa sitwasyon. Ngunit may kumpiyansa sa sariling sinalubong muli si Lolo ng tingin.
And I answered, “Top two po for overall ranking.” Alam kong madidisappoint siya if hindi ako top one sa overall but I can assure him naman na babalik din iyon. Lalo na at nakasali pa ako sa elimination round para sa nalalapit na culmination.
“And you're contented being a number two? Rank two. Lower than one, Vivienne Ximena,” Lolo uttered.
“So, who's the top one?” dagdag na tanong pa nito. Pigil ang inis kong binigkas ang pangalan nang lalaking iyon.
“Si Santiago po, Lolo.” He just nodded his head at parang hindi man lang nabahala sa sagot ko. Uhm, hindi ka ba mababahala 'Lo? Ang Palabraz na iyon ang nangunguna at hindi ang apo ninyo! Iwinaglit ko na lang iyon sa isip ko bago ko sinabi sa kanila ang about sa culmination.
I informed them na makakasali ako a elimination for the upcoming culmination, at dalawa ang mapipili. In the middle of eating our desert when Kuya entered the dining area.
“Sorry at hindi kita nasundo,” Kuya apologized at ruffled my hair. I just nodded at him. Pinaupo siya ni Mommy at sinabihang kumain muna siya.
After our dinner ay nagkaniya-kaniya na rin kami ng gawain. Dad and Lolo went to their own offices here in our mansion. Si Mommy ay nagpunta sa kuwarto nila ni Daddy at nagpadala na lang ng popcorn sa mga katulong, she'll probably watch dramas for the night. Kuya also went to his room to take a rest dahil toxic daw ang araw niya ngayon.
Dumiresto na rin ako sa kuwarto ko. I opened the lights and went to my study table kung nasaan ang laptop and books ko. Kinuha ko sa bag ang mga notebooks ko na naglalaman ng notes. Nagreview lang ako noon. I let myself absorbed what I wrote in my notes, kung ano iyong mga nakasulat sa libro.
I set an alarm for break para naman hindi masyado mapuno at malamog ang utak ko, kada sampung minuto ay nagbebreak ako.
When I felt my eyes getting tired I decided to take a rest na talaga, so I gathered all my things aside and went on my bed.
Halos gano'n ang routine ko nang mga nagdaang linggo.
The most awaiting elimination comes today.
I reviewed the past lessons we had for the certain subject, pero syempre hinay-hinay lang dahil elimination palang naman, sinunod ko din ang pinayo ni Miss Cabrales na dapat aralin. Also, I am confident to get that one spot.
Students that were pointed to compete in the elimination round, were all gathered inside our spacious AVR. Kasama na ako doon at maging si Santi na sa kasamaang palad ay katabi ko pa talaga.
One of the faculty member, Sir Aldrich, went in front of the students. He tested the mic before speaking, “Good morning students. You are all gathered here inside to compete with each other, alam kong alam nyo na 'yan. So before we start this elimination round, I'll just drop some rules.”
Patuloy lang sa pagsasalita si Sir Aldrich at nakikinig naman kami maliban siguro sa katabi ko na pilit akong kinukulbit.
“Tsk, ano ba!” I hissed when I felt Santi grabbed my hair, kaunting piraso lang naman iyon ngunit nakakadistract talaga.
“Nag-review ka ba?” he asked instead.
“Duh, of course!” I blurted out and rolled my eyes at him. I heard him chuckled.
“Baka ibang subject nireview mo ha,” sabi pa nito, inis na sinipa ko ang paa niya sa ilalim since magkatabi lang naman kami ng upuan. Hindi na ulit siya nagsalita at tumingin na lang sa unahan.
After minutes of Sir Aldrich's litany ay inayos ng mga guro sa loob ng AVR ang mga upuan naming mga estudyante. Our monoblock chair were distanced, isang dipa ang layo kada estudyante. Maluwag din naman ang nasabing AVR kaya nagkasya rin ang nasa halos thirty students.
We were given a small white board, a white board marker and eraser. Sa dami namin ay hindi machecheck ni Sir Aldrich bawat isa ang sagot kaya naman marami silang guro dito sa AVR na kasama namin, halos lahat ata ng teacher na major in Math-Sci ang nasa loob.
Once Sir Aldrich drops a random question we are given a three minutes time to answer at may tutunog na alarm which means na time is done at bawal na magpalit ng sagot, after that we'll raise the white board we're holding and the teachers will roam around and check our answers. Kung sino ang may maling sagot ay automatic tanggal.
Humudyat si Sir Aldrich bilang pag-uumpisa, I prayed silently and trusted myself. Just manifest it, Vivienne Ximena. You'll get the one spot and you'll be one of the representative!
Nagsimulang magbato ng tanong si Sir, his first question is about Geometry. At dahil nga matira matibay ito ay sunod-sunod ang mga tanong, random pa ngunit may kinalaman pa rin sa Math-Sci, kasama pa ang ilang branches ng mga ito.
Simula sa mahigit tatlumpung estudyante sa loob ng AVR ay nasa labing-lima na lang kami ngayon. Yep, thankfully ay naandito pa rin ako at ganoon din si Santi na siyang nasa gilid ko isang dipa ang layo. This time, Sir Aldrich throws a question about science.
“Give me the scientific name of soldier wasp-fly like. Wrong spelling is wrong, your three minutes starts now!” My eyes widened at the question Sir had asked us.
Shit, I didn't review scientific names that much! I looked at my side and saw Santi confidently sitting, nakasandal sa upuan habang sinusulat ang kaniyang sagot. Mabilis ang mga kamay niya sa pagsulat at halos ilang segundo lamang ay tapos na siya.
“Two minutes left.”
Samantalang ako nangangapa pa. Iniwas ko ang tingin sa gawi niya nang magawi rin ang tingin niya sa 'kin, I closed my eyes as tightly as I could possibly do and sighed deeply. Inalala ko ang mga scientific names na nabasa ko, after seconds of thinking ay naalala ko na rin sa wakas.
It was last sixty seconds, kaya naman mabilis ko itong isinulat sa white board ko. I wrote my answer confidently, inayos ko ang pagkakasulat ko dahil mahaba ito. For the last fifteen seconds ay chineck ko kung tama nga ba ang pagkakasulat ko sa spelling.
“Times up! Raise your white boards.” We raised our respective white boards at halos iilan lang sa aming natira na labing-lima ang nagtaas ng sagot, ang mga hindi nagtaas ay automatic tanggal.
The teachers checked our answer and thank God, my answer is correct! Talagang chineck every letter, sa ilang nagtaas ng sagot ay may mga nagkamali, mga kulang o 'di kaya'y sobra sa letra. I was hoping for Santi to get eliminated but much to my dismay he isn't. The letter P in their surname stands for ‘Palaban’ huh.
After checking our answers ay lima na lang kaming natira, out of thirty plus students earlier ay kami na lang na lima.
I met Santi's gazed and he smirked at me. Wow, the confidence of this jerk. Inirapan ko na lang siya.
Humudyat ulit si Sir Aldrich bago nagbato ulit ng panibagong tanong. This time its about pre-calculus, ang kasama na lang namin ni Santi ay ang tatlong lower grade. Ang dalawa sakanila ay magkaklase rin habang ang isa ay kabilang section.
“Determine the phase shift if the solution to a spring mass system is given by u = 4.27 cos 2t + 13 sin 2t. Write your answer in two decimal point.” Sir Aldrich was also holding a white board kaya naman doon niya isinulat ang equation. We were given enough time to solve the given equation since kaunti na lang din kami.
Mabuti na lang at allowed ang calculator siyempre dahil sa solving. Aanohin mo ang calculator kung mali din naman ang formula mo hindi ba, suwerte kung memorized mo ang formula at madali na lang mag-solve dahil may calculator. Ang ilang naeliminate kanina ay mga mali ang sagot kahit may calculator na, dahil mali rin ang mga ginamit na formula.
I slightly glanced at my side and saw how serious Santi's face was while solving the equation, salubong ang kilay habang nagsosolve. Binalik ko ang tingin sa white board ko at nagsimulang i-jot down ang equation na ibinigay ni Sir. Inalala kong mabuti ang formula nang masolusyunan ko ito, after minutes of jotting down at paulit-ulit na pag-check sa nakuhang sagot ay confident na ako sa nakuha ko.
Lumingon ako kay Santi at nagsalubong ang tingin naming dalawa, tagilid siyang nakaupo habang hawak sa sandalan ang isang blangkong mono-block. Ang white board niya ay nakataob na nakapatong sa monoblock na iyon. Mukhang kanina pa siya tapos. Tinaasan ko siya ng kilay dahil mukhang kanina pa siya nakatingin sa gawi ko, he arched his brow in return.
Another five minutes was given since may dalawa pang hindi tapos. After that Sir gestured us to raise our answer, tinignan ng mga guro iyon at may lumapit sa aming mga guro na major sa subject na sinagutan.
Narinig ko ang malulungkot na reklamo ng tatlong nasa unahan, their answers got checked and I think they got the wrong answers base na rin sa ekspresyon nila.
My eyes widened at the sudden realization. Wait, that means...
“Congratulations Mister Palabraz and Miss Rubio, you will represent our school for the upcoming Math-Sci Culmination. We're rooting for both of you!” bati ni Sir Aldrich kasabay ng palakpakan ng iba pang teachers na kasama namin sa loob. Gulat pa rin ako at hindi makapaniwala, but I am genuinely happy.
Nag-shake hands kami with the teachers at doon sa huling tatlong naeliminate, Santi even congratulated me in a nice way I can say. Hindi iyong paasar.
Wow! I told you, Santi I'll get in. My manifestation just got heard.

Komentar Buku (79)

  • avatar
    Max Well

    ako maw isang pintor sa manila magaling ako sa pag paint at sa pag pintora

    17/05

      0
  • avatar
    Salahodin Marogong Abdulcarim

    Great wow

    17/05

      0
  • avatar
    Matteo Balate

    the story is beautiful

    17/05

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru