logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kabanata 2

Hindi ko alam kung may nagawa na ba sa akin na matino si Santi o wala pa e, or siguro mayroon nga at pilit ko lang kinakalimutan. But when I think harder, wala talaga e.
I thought that I'll face him this day and he again will have my lunch, but today is my free day I think. No annoying face of Santiago for today and I thank the heaven’s for that.
“Himala at wala ang Santi mo?” Yesenia asked the moment we sat down on our usual seats after ordering for our lunch. Napangiwi na lang ako sa sinabi niya.
“Yuck. He’s not mine,” I grimaced. Hindi ako kabilang sa mga kababaihang baliw na baliw sa kanya, ano!
“Sus, deny pa,” asar pa ni Yes. I rolled my eyes at her before taking a spoonful of my favorite pasta, fork rather.
Tahimik kaming kumakain ng lunch ngunit minsan ay nagdadaldalan din lalo na kapag may nabubuksang topic.
“Nasaan nga ba iyong si Santiago?” takang tanong ni Yes. Kibit-balikat lang ang naisagot ko dahil hindi ko din naman alam atsaka ano bang paki ko, its his life.
“Practice ng team nila, ang alam ko,” ani Rico matapos uminom sa coke in can niya. Napatango na lang si Yes nang marinig iyon.
We continued eating at peace. Peace para sa 'kin dahil walang nanggugulo ng masaya kong lunch time. Nang matapos ang lunch break ay nagsibalikan din lahat sa kani-kanilang classroom.
Nang araw ding iyon ay nag-announce ang teacher patungkol sa nalalapit na Math-Sci Culmination. I shifted on my seat and I felt Rico’s arm na nasa may sandalan ng inuupuan ko, it may look like he’s nakaakbay.
“On this upcoming Culmination, napag-usapan ng mga nakatataas na dalawa ang lalaban o magrerepresent ng school natin. But before that, of course dadaan sa elimination round kung saan ay makakalaban niyo ang schoolmates niyo from lower grade up to seniors. Kung sino ang dalawang matitira, therefore they are our school representative,” our teacher explained. Naramdaman kong yumuko si Rico na para bang bubulong, which he did nga.
“Pusta ko bente. Ang isa sa representative ay si Santi,” he whispered. Napairap na lang ako sa kawalan. Ma'am explained the details about the said culmination. Walang gana na lang akong nakinig sa mga sinasabi ng teacher.
So bali from freshmen to senior. Sasabak pa ng elimination, sa AVR for sure. And when our school finalized the two representative ay sila na ang ilalaban malamang.
“So here in your section, of course there's Miss Rubio at si Mr. Palabraz naman ang sa kabila.” Nagulat ako nang marinig ko ang apelyido ko na binanggit ng guro. Nanlalaki ang mata at hindi makapaniwalang napatingin sa guro'ng nasa unahan. I even pointed myself and arched my brow like, ‘ako talaga?’
I heard my classmates and friends cheer, the teacher just nodded and arched her brow too. Natanto kong medyo rude ang ginawa kong pagtitig kay ma'am ng nakataas ang kilay kaya naman napangiti ako sa kanya ng tipid.
“See me after class, Miss Rubio,” paalala sa 'kin ni ma'am bago siya nag-umpisang mag-discuss.
Natapos ang araw na iyon nang lutang ako sa kaiisip patungkol sa culmination, its months ahead pa naman sabi sa announcement kanina. Ngunit maigi nga na handa ang school namin. Hindi lang talaga ako makapaniwala na ako iyong itinuro nung teacher namin kanina, I mean yes I have the brains but there's Santi naman. I have also done that, well before. Dati kasi per year level ay isang representative lang at ilalaban na 'yon for the assigned subject or minsan isa lang talagang student for all-around subject, kaya proud din ako sa sarili ko tuwing sasabak ako sa ganoon. Simula elementary ay naranasan ko iyon at isang beses lang noong high school, nakikita ko nga noon si Santi e since ibang school naman siya dati.
After classes ay sinunod ko si Ma'am, I entered the faculty room and went to Miss Cabrales' table. Bago pumunta rito ay sinabihan ko na sila Yesenia at Rico na mauna na at baka maubusan sila ng masasakyang tricycle.
Nang makapasok ako sa faculty ay bumungad sa 'kin ang nakangising mukha ni Santiago kaya napairap na lang ako. Nalimutan ko atang siya ang sasabak sa elimination round to represent their section.
“Hi there, dear Ximena. You ready to get eliminated?” he asked. What a jerk! Inirapan ko na lang siya at dumeretso na lang paupo sa upuan sa harap ng table ni ma'am. I heard him chuckled before pulling the chair.
Miss Cabrales cleared her throat before she starts.
“So on your grade level, they got both of you since you guys are both the top in each section. Though, when combined, Santi is the top one,” Miss Cabrales stated and turned her gaze on me, naramdaman ko rin ang titig ni Santi. Ngunit imbis manliit sa paraan ng pagtitig ni Miss at ni Santi ay taas noo pa rin akong humarap nakinig sa litanya nito.
Watch me to get on top again when this year ends. Dahil iyon ang plano ko— ayaw kong grumaduate nang hindi ako ang nangunguna kay Santi!
Pinagpatuloy ni Miss Cabrales ang pag-oorient niya. She informed us that the elimination round for the upcoming culmination will happen next week, in our audio visual room. Meaning lahat ng estudyante from lower grade and per section ay magtutunggali. Matira matibay.
“Wait, Miss. Paano naman 'ho akong student athlete?” Santi asked.
“Basketball pa kasi, feeling magaling,” I murmured. The two looked at me curiously that's why I smiled at them and shook my head. But I saw Santi smirked.
“Don't worry, the interschool was moved due to the Math-Sci Culmination. Dahil ang mga kalaban din na paaralan ay kasali rin doon,” she said. Marami pa siyang sinabi, like iyong mga dapat pag-tuunan ng pansin na lesson na may tendency na itanong sa elimination and such. She soon dismisses both of us.
Nauna na akong lumabas ng faculty at nasa likod ko naman si Santi.
“So what's the catch, Ximena?” I heard him asked. I didn't bother to answer him at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Pinantayan niya ang lakad ko, nakasukbit sa isang balikat ang bag niya at nasa pants pocket ang kamay.
“Ready ka na bang matalo?” tanong ulit nito na siyang ikinalingon ko na. Tinaasan ko siya ng kilay at nginisihan, tsk. He's mayabang!
“No, ikaw ang ready na bang matalo?” I stressed. The side of his lips arose, a smirk was shown on his face.
“Hmm, sabagay dalawa naman ang representative. Paano kung tayong dalawa pala ilalaban, ano?” sabi pa nito habang hinihimas ang baba gamit ang isa niyang kamay. I huffed in annoyance at lalong binilisan ang paglalakad nang makalabas na ako ng gate. Narinig ko pa siyang tumawa.
Huh! Kung kaming dalawa ang lalaban, maaalibadbaran lang ako sa pagmumukha niya buong araw ng culmination!
Dirediretso ang lakad ko palabas ng gate at eksakto naman na naandoon na ang sundo ni Santi, ngunit ang sundo ko ay wala pa. I glanced at my wrist watch, its 5:25 pm, our class dismissal is 4:30 at dumadating si kuya ng five pm ngunit minsan ay late pa do'n dahil sa sched niya. Naramdaman kong nakatayo rin si Santi sa tabi ko at tumingin din sa relos niya.
Shit, nalimutan ko pang mag-text kanina kay kuya!
“Hatid na ba kita, Miss Top One?” I heard Santi asked, I looked at him in disbelief. How dare him to give me a nickname like that!
Tinignan ko siya ng masama ngunit tinawanan lang ako.
“'Wag na at baka dal'hin mo pa ako sa malayo para hindi ako makasama sa elimination!” giit ko at dumeretso na lang palabas ng tuluyan sa gate. I sat on the waiting shed and just waited for my kuya to arrive.
“Don't worry, sa mismong pinto pa ng opisina ni Tito Vasco kita ihahatid.” I didn't know Santi followed me on the waiting shed, he's there standing while looking up in the sky. Samantalang ang driver nila ay kanina pa nakatayo sa may gilid ng kotse at hinihintay ang amo nito.
Hindi ko na lang siya pinansin at patuloy pa ring naghintay kay kuya, sinusundan ng tingin ang mga sasakyang kakulay ng kotse ni kuya at nagbabaka sakaling tumigil ito sa harap ko, bubuksan ang bintana at sasabihing, ‘Vivienne, pasok.’
Minutes had passed and its already six. At hindi pa rin nauwi si Santi, naupo na nga siya sa tabi ko. There was a moment of silence between us.
“Come on, Xim. Ako na maghahatid sa'yo— I mean, kami na noong driver namin,” basag nito sa katahimikan at pinipilit pa rin akong sumabay sa kanila.
Ngunit bago pa man ako makasagot sa kanya ay may pumaradang pamilyar na motor sa harap namin. Tumingala ako at tinignan ito.
“Viv? Sabi na e ikaw iyong nakita ko sa malayo," Rico said and make his way sa waiting shed kung saan ako nakapuwesto.
“Ala-sais na ah, hindi ka ba nasundo ni Kuya Zach?” he asked. I pouted and shook my head as an answer, feeling ko ay masyadong madaming gawain sa hospital.
“Bakit ka nga pala bumalik?” tanong ko pabalik. Napakamot ito sa batok at tumingin sa ibang gawi.
“Ah eh, tumingin ako ng ulam sa palengke, e nadaanan kita,” sagot nito. He even explained na pumunta siya sa palengke kanina but he didn't saw me sa waiting shed since its kinda traffic din and now he saw me na naghihntay pa rin ng sundo.
“Halika at ihahatid na kita. Mabuti at lagi akong may dalang extra helmet,” he insisted.
“Wait, what?!” Santi hissed.
Halos sabay kaming tumayo ni Santi sa pagkakaupo, I even heard his protests but I didn't mind him, instead ay sumunod ako kay Rico papunta sa motor niya, umupo na siya sa motor at binigay sakin ang isa pang itim na helmet.
As far as I know, it's his father's e. Hiniram niya siguro today since pumunta nga siyang palengke. I wore the helmet at pinaingay na ni Rico ang motor.
At dahil nakapalda ako ay patagilid ang puwesto ko habang nakayakap kay Ricochet.
Nakita ko ang papalayong pigura ng nakatayong si Santi sa may waiting shed nang makalayo kami ni Rico.

Komentar Buku (79)

  • avatar
    Max Well

    ako maw isang pintor sa manila magaling ako sa pag paint at sa pag pintora

    17/05

      0
  • avatar
    Salahodin Marogong Abdulcarim

    Great wow

    17/05

      0
  • avatar
    Matteo Balate

    the story is beautiful

    17/05

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru