logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 3

Kinaumagahan pagpasok ni Gemima sa shop parang wala siya sa mood. Mabigat ang pakiramdam niya ng mga sandaling iyon. Lumabas siya ng opisina at nakita niyang si Mitche na may kausap na customer. Nakatalikod sa kanya ang kaibigan habang ang babae ay nakaharap sa gawi niya.

Napakunot noo siya nang mapagmasdan ang babae. Bata pa ito tantiya niya nasa mahigit bente palang ito. Maganda at maputi na binagayan ng may kulay na buhok,hindi lang niya sigurado kung natural ang kulay o galing sa bote. Napasulyap ito sa kanya, sandaling nagtama ang kanilang mata. Ewan niya pero sa sandaling pagsulyap nito sa kanya parang may kabang bumundol sa dibdib niya.
Hindi niya namalayan na nakaalis na pala ito kung hindi pa siya tinapik ni Mitche.
"Nakatulala ka jan?" may pagtatakang tanong nito.
"Nasaan na ang kausap mong babae?" luminga pa siya sa paligid ngunit sila nalang ang tao sa loob ng shop.
"Umalis na," sagot nito, " naghahanap siya ng isang klase ng banga ,sabi ko tumingin ng iba baka may magustuhan pa,pero banga talaga ang hinahanap eh."
Napatitig siya dito. Naalala ang banga sa bahay. Naisip niyang idisplay sa shop ito sa susunod na araw. Hindi pa nga lang niya mapag desisyunan kung anu ang gagawin sa banga na iyon.
Naisipan niyang tawagan ang ina,baka kilala nito ang nagpadala ng banga na iyon.
Ilang beses niyang tinawagan sa cellphone ang kanyang ina ngunit hindi nito sinasagot. Kaya sa landline nalang sa bahay siya tumawag. Si Aling Pacing ang nakausap ng dalaga. Sinabi nito na maagang umalis ang ina kasama ang mga amiga. May proyekto daw kasing pinagkakaabalahan ang kanyang ina para sa mga kapos palad sa kanilang lugar.
Nang matapos ang pakikipag-usap sa katiwala. Agad niyang pinuntahan si Mitche sa labas. Pinupunasan nito ang isang muebles. Ganito ang ginagawa ng kaibigan pag walang customer. Kinuwento niya ang tungkol sa banga at ang mga sinabi ni Fiona sa kanya.
Natawa lang ito sa sinabi niya.
"Baka naiinip lang yong tao sa bahay. Buti pinagbakasyon mo muna."
Nang hindi siya sumagot muli itong nagsalita, " eh ikaw noong unang gabing wala si Fiona,wala ka bang naramdaman na kakaiba?"

"Wala naman. Hindi lang ako nakatulog agad dahil siguro nanibago ako na walang kasama." Sagot niya.
Nang hindi na ito sumagot at lumampas sa balikat niya ang tingin nito sa kanya,saka may namutawing ngiti. Bigla naman sumikdo ang dibdib niya,bigla siyang lumingon at nakita niyang papasok ang isang lalaki.
"Nandito na naman ang suitor mo." Kinikilig nitong sabi sa kanya.
"Hello Ladies.. " bati nito ng makalapit sa kanila, " wala yatang customer ngayon." Sabi nito na sa kanya nakatingin.
Si Mitche ang sumagot, "may oras po talaga sir Xander na walang tao sa shop. Madalas nga po na matumal ang benta. Baka nga po____."
Pinanlakihan ng mga mata ito ni Gemima upang tumigi sa pagsasalita. Buti agad naman nitong nakuha ang ibig niyang sabihin. Nahihiya pa itong ngumiti.
Bahagya naman natawa ang lalaki na pinaglipat lipat pa ang mga mata sa kanila.
"Kung wala naman palang masyadong customer baka gusto niyo magsara na. Yayayain ko sana kayong lumabas."
Bago pa makasagot si Mitche inunahan na ito ni Gemima.
"Hindi maari. Ke may customer o wala kailangan masunod ang oras ng pagsasara ng shop." Saad niya.
"Hihintayin ko nalang kung ganoon kung anong oras kayo magsasara. " Pagkasabi ay umupo ito sa isang bakanteng upuan na para sa mga customer.
"Kailangan ko kasing umuwi ng maaga at may kailangan pakong tapusin sa bahay."
Akala niya sumuko na ito dahil sa biglang pagtahimik nito hindi pa pala.
"Sige ihahatid nalang kita sa inyo para malaman ko naman kung saan ka nakatira."
"Look Mr. Razon___."
"Xander.."
" Ano?"
"Xander nalang. Masyadong pormal naman kong Mr. Razon pa para naman hindi tayo magkakilala." Paliwanag nito.
"Ok." huminga muna siya ng malalim bago muling nagsalita, " kasi may sasakyan ako kaya hindi mo ko maaring ihatid. Kung gusto mo ihatid mo si Mitche sa kanila para hindi na siya mag commute."
"Ay hindi maari,susunduin ako ni hubby mamaya eh." Biglang sagot ni Mitche,kanina pa ito lihim na nangingiti sa palitan nila ng salita.
Nang hindi na muli nagsalita ang lalaki, mabilis na nagpaalam na siya sa mga ito na may gagawin pa sa opisina. Bago isinara ang dahon ng pinto ng opisina naramdaman pa niya ang pagsunod ng mga mata nito sa kanya.
Napasandal nalang siya sa likod ng pinto. Hawak ang dibdib na nagpakawala ng malalim na buntong hininga. Natitiyak niya na titigil na ito sa pangungulet sa kanya pagkatapos ng nangyari kanina. Pero sa kaibuturan ng puso niya parang may kirot na maaring hindi na sila magkita ng lalaki.
Bente minutos bago magsara ang shop, pumasok si Mitche sa opisina para sabihin na dumating na ang asawa nito upang sunduin ito.
"Napaaga naman ata ang pagdating ni Allen." Tukoy niya sa asawa nito na kaibigan din niya at kababayan. Siya ang naging tulay noon upang magkakilala ang dalawa at sa kalaunan naging mag-asawa. Lumabas siya upang batiin ang asawa nito, matagal narin ng huling punta nito sa shop.
"Dito na ko dumiretso ng matapos yung meeting namin sa isang kliyente ng kompanya." Paliwanag nito.
"Saka lalabas din kami. Sumama kana sa'min." Yakad ni Mitche
"Ou nga naman," susog naman ni Allen, " saka para may manlilibre." Biro pa nito.
"Yon lang pala ang magiging papel ko sa pagsama sa inyo," kunwari napalabi pa siya, " kayo nalang, magiging abala pako sa date niyo. Saka na tayo mag bonding pag kasama na si Ivy." Wika niya na ang tinutukoy ay ang isa pa nilang kaibigan na abala narin sa buhay may asawa.
Pinagtabuyan na niya ang mga ito ng balak pa siyang tulungan sa pagsasara ng Antique shop. Nang makaalis ang mag-asawa,
naglagay lang siya ng sign board na CLOSED. May isang oras pa bago niya naisipan umuwi. Nang maisara na ang Antique shop,naglakad na siya papunta sa pinagparadahan ng kanyang kotse.
Akmang lululan na sana sa kanyang kotse nang mapansin na flat ang gulong ng unahan nito. Nagpalinga linga siya sa paligid ,maaga pa naman pero napakadalang na ng mga taong makikita sa kalsada.
Bigla siyang nakaramdam ng inis sa kung sino man ang may gawa ng pagkaka flat ng gulong ng kotse niya. Natitiyak niyang sinadya ito dahil narin sa pagkakahiwa sa gulong at isa pa wala pang isang buwan ng magpalit siya ng mga tires.
Naiinis padin,nang matiyak na nakalock ang mga pinto ng kanyang kotse. Naglakad na siya papunta sa kabilang kalye upang mag-abang ng taxi. Nakakaramdam na ng pagkainip ng Ilang minuto na siyang nakatayo sa tabing daan ay wala padin nadaan na taxi. Ang mga jeep naman ay punuan narin.
Nagpasya na lakarin nalang ang terminal,kung maghihintay pa kasi siya baka abutan lang siya ng siyam-siyam ngunit hindi parin nakakasakay. Nasa sunod na kanto pa ang terminal,may kalayuan pa naman at sa kasamaan palad nag-uumpisa narin umambon.
Hahakbang na sana siya ng matigilan,isang magarang kotse ang huminto at nang ibaba ng driver ang salamin ng bintana nito. Nagulat siya ng makilala ito.
"IKaw.."
"Sakay na, ihahatid na kita sa inyo." Nakangiting sabi ni Xander sa kanya.
Para naman siyang itinulos sa pagkakatayo. Hindi niya namalayan na nakababa na pala ito ng kotse nito.
"Hindi na,malapit lang naman ang terminal dito lalakarin ko nalang." Akmang tatalikuran na niya ito nang pigilan nito ang braso niya.
Ang kaninang nakangiti ay napalitan ng seryusong mukha nito.
"Gabi na para hayaan pa kitang magbiyahe kung pwde naman kitang ihatid sa inyo."
"Kaya ko___."
"Isang protesta pa,bubuhatin na kita na parang kaban ng bigas papasok ng kotse."
Nagsukatan sila ng titig nito bago umiwas ng tingin. Hindi niya alam kung nagbibiro ba ito dahil seryuso ito ng magsalita.
Para siyang bata na nagpatianod nalang ng igiya siya nito pasakay sa kotse nito.
Habang umaandar wala silang imikan nito,mula sa gilid ng mga mata,lihim niyang pinagmasdan ang kabuoan ng mukha nito. Mula sa makakapal na kilay,maiitim na mga mata,matangos na ilong na parang nililok ng iskultor. Mga labing lagi ng may pilyong ngiti. At mga matitipunong braso na nakahawak sa manibela. Ano kayang pakiramdam ang makulong sa mga yakap nito. Ipinilig niya ang ulo dahil sa tumatakbo sa isipan.
"Pumasa ba ko sa pamantayan mo?" tanong nito ng hindi lumilingon sa kanya.
Lumingon siya dito,sumulyap ito sa kanya ng may pilyong ngiti sa labi bago ibinalik ang tingin sa harapan. Inirapan niya lang ito.
Muli siyang napatingin dito ng mapansin na iba ang dinadaanan nila.
"Hindi ito daan pauwi sa bahay."
"Relaks lang. Kakain muna tayo bago kita ihatid sa bahay mo. Alam kong wala kang kasama ngayon sa inyo,para hindi kana magluto pa." Anito ng hindi man lang sumusulyap sa kanya.
Mag poprotesta pa sana siya ng magsalita itong muli, " hwag kang mag-alala wala akong balak na masama sa'yo. Gusto ko lang na makasama ka."
Hindi sigurado ng dalaga na tama ba ang nahimigan niya sa tono ng pananalita nito. Imposible,hindi sa lalaking ito.
Tumahimik nalang siya sa buong biyahe nila total ihahatid naman siya nito at mabuti rin para hindi na siya magluluto ng kakainin pagdating sa bahay.
Sa isang Italian restaurant siya nito dinala. Nang maibigay ang order sa waiter, saka niya kinuha ang cellphone sa bag at nagkunwari na abala sa anumang ginagawa. Nagulat siya ng bigla nitong hablutin ang kanyang cellphone.
"Hey.." natigilan siya sa gustong sabihin ng makita ang seryusong mukha nito na nakatunghay sa kanya.
"Pwede bang sa'kin muna ang atensyon mo kahit ngayon gabi lang na ito." Saad nito habang itinago sa likod nito ang kanyang cellphone.
Hindi na siya nakasagot pa ng dumating ang waiter na dala ang kanilang order.
Habang kumakain pasulyap sulyap sa kanya ang lalaki. Hindi niya ito tinitingnan,nasa pagkain lang ang atensyon niya.
Malapit ng matapos ang pagkain nila nang mgsalita ito.
"Hindi kailan man nagbago ang damdamin ko sa'yo sa nakalipas na taon. Gagawin ko ang lahat para makuha kang muli."
Nabitawan niya ang kutsarita sa kamay niya, biglang nag-init ang kanyang pakiramdam. Uminum siya ng tubig at saka sinalubong ang mga titig nito.
"Sa tingin mo kaya ganoon kadali mo ko makukuha ulit? hindi na ko ang dating babae na umibig sa'yo. Wala nakong damdamin sa'yo."
Isang nakakalokong ngiti ang sumilay sa mga labi nito," kung ganoon bakit wala kapa rin boyfriend? alam kong ako parin ang hinihintay mo." Tila nang-asar pa nitong sabi.
" Gusto ko lang kasi kung papasok ako sa isang relasyon yung pang matagalan na. At kita mo naman abala ako sa shop ko." pakiramdam ba niya parang defensive siya sa mga binitiwang salita .
Tumango tango pa ito habang pilyo parin ang pagkakangiti.
"Tingnan natin."
Parang gustong kabahan ni Gemima sa huling tinuran nito.
Hindi na niya hinintay na pagbuksan pa siya ng pinto ng kotse nito. Agad siyang umibis, ganoon din ito. Nagpasalamat siya sa paghahatid sa kanya. Akma na siyang tatalikod ng pigilan siya nito.
Iniabot nito ang kanyang cellphone. Na nakalimutan na niyang kunin kanina.
"Inilagay ko dyan ang numero ko just in case na may kailangan ka. Any time pwede mo kong tawagan."
"Sana hindi nalang. Hindi mangyayaring kakailanganin ko ang tulong mo." pasuplada niyang tugon.
Parang balewala naman dito ang pagsusuplada niya.
"Mabuti pang pumasok kana. Goodnight." Nakangiti pading sabi nito.
Hinintay muna nito na makapasok siya ng gate bago sumakay ng sasakyan at umalis. Bago pumasok sa loob ng bahay,sinundan niya pa ito ng tingin habang papalayo ang sasakyan ng binata.
Sinusian niya ang bahay at saka pumasok. Halos bumaliktad ang sikmura niya sa napakasangsang na amoy. Parang patay na daga. Tumakbo siya sa kusina at nagduduwal sa lababo. Halos naisuka niya ang mga kinain kanina. Kinuha niya ang panyo sa bag at iyon ang pinantakip sa ilong. Hinanap ang mabahong amoy, hanggang makarating siya sa malapit sa banga. Mukhang dito nanggagaling ang masangsang na amoy. Kinuha niya ang cellphone at inilawan ang loob ng banga,wala naman siyang nakita na patay na daga o anuman.
Maaring nasa malapit lang ang patay na daga . Ngunit nahalughog na niya ang buong sala at kusina wala siyang nakitang patay na daga o hayop na pwedeng pagmulan ng mabahong amoy. Hindi narin niya matiis ang amoy kaya umakyat nalang siya sa kanyang silid. Ipagpapabukas nalang niya ang paghahanap.
Malalim na ang gabi,may tatlong lalaki ang umaali-aligid sa isang bahay. Sumenyas ang isa sa kanila na pasukin na nila ang loob ng bakuran. Nagsipag-akyatan na nga sa hindi kataasan bakod ang mga ito. Sa likod sila nagdaan, walang kahirap-hirap nilang napasok ang loob ng bahay.



Komentar Buku (27)

  • avatar
    Niffah Baraacal

    hi, guys

    20d

      0
  • avatar
    LindaPetra

    boa

    26/07

      0
  • avatar
    Myrna Castorico

    so very enjoy

    16/04

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru