logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter Three

---
NAGDADABOG ako nang lumabas ng gate nang Cuarteros. Halos isang oras na akong naghi-hintay ng sundo pero wala pa din. Hindi naman ako marunong mag-commute at kung tatawagan ko naman sina Mama nasa ibang bansa naman sila ni Papa for business trip.
Si Kuya naman out of reach ganoon din si Manong. Ano na lang ba ang ginagawa ng mga iyon?
Naiiyak na ako. Natatakot. Kahit na sabihin bang nasa tapat ako ng Cuarteros at may mga security guards doon.
Busy pa rin ako sa pag-dial kay Kuya ng may bumusina sa likuran ko. Ang sasakyan ni Jairus. Siguro tapos na ang klase ng special class. Bahagya akong tumabi para makadaan sila pero hindi ko inaasahan ang paghinto ng sasakyan na nasa gitna. Ang mismong kotse kung saan nakalulan ang lalaki. Bumukas ang bintana niyon at dumungaw si Jairus. "Need a ride?"
"No." Tinalikuran ko siya at muling idinial si Kuya na ngayon naman ay pinapatay ang tawag ko.
"Gabi na maraming addict na nagkalat diyan, bahala ka!" Pananakot niya na mukhang effective dahil natatakot na ako at tumatayo na ang balahibo ko. Pero ipinagwalang-bahala ko iyon. "Tara na, Crishan Amarie."
Nagulat ako dahil alam niya ang buong pangalan ko pero hindi ko ipinahalata. Nanatili akong nakatalikod at napag-pasyahan na si Manong naman ang muling tawagan baka sakaling ma-contact ko na siya.
At sa wakas sumagot din. "Manong, nasan ka na ba!? Gabi na, wala akong kasama dito."
"Ano ako, multo?" Narinig kong bulong ni Jairus na nakadungaw pa rin sa bintana ng kotse niya.
"Pasensiya na Ma’am, nasira itong kotse dinala ko muna sa talyer hindi ko naman alam na matatagalan."
"So, anong gagawin ko? Maghihintay sa madilim na kalye?" Bulyaw ko.
"Sakay na kasi," rinig ko na namang bulong nang lalaki. Hinarap ko siya at inirapan.
"Pasensya na po, kung maari po mag-commute na la–"
Nanlaki ang mata ko. "Manong I don't know how!"
"Sige ma’am, susunduin ko kayo sandali po at papara ako ng taxi."
Tinamaan ako ng konsensiya dahil doon.
"Hindi na po, uh..." Nahihiya akong tumingin kay Jairus na tila nakuha naman ang ibig kong sabihin bumaba siya ng sasakyan.
"Pasensiya na talaga, ma’am!"
Hindi ko na siya sinagot at pinatay na ang tawag. Kinakabahan ako pero ngayon hindi na dahil sa madilim na kalye kundi dahil sa lalaking papalapit sa akin.
"Shall we?"
Nahihiya akong tumango.
"Sasama rin naman pala." bulong niya na nakapagpatigil sa akin sa akmang pagsakay sa nakabukas na backseat.
"Ano?"
"Wala!"
"Narinig kita," tudyo ko sa kaniya at muntik na akong mapa-halakhak ng mapansin ko ang kaliwang tenga niya na namumula.
"Ba't namumula 'yang tenga mo?" Huma-hagikhik kong puna.
Sinamaan niya ako ng tingin. "Subukan mong tumawa ihuhulog kita sa umaandar na sasakyan." Aniya pero hindi naman makatingin ng diretso sa akin.
"Totoo?"
"Yeah." Umakto akong ini-zipper ang labi.
Nakita ko ang pagsilay ng mapanuksong ngisi sa labi niya. "I know another way of zipping your mouth!"
Nanlaki ang mata ko ng makuha ang ibig niyang ipa-kahulugan.
---
MY forehead creased when I open my eyes and found out I am in my room. What happened? Ang naalala ko nasa kotse ako ni Jairus but what am I doing here lying on my bed?
Sandali pa akong tulala hanggang sa ma-realize na panaginip lang pala iyon. Napabuntong-hininga ako. Kumakamot sa ulo na bumaba ako sa kama saka hinanap ang tsinelas ko na maraming feathers.
Automatic na bumilis ang kilos ko nang magawi ang mata ko sa wall clock sa tapat ng pinto ng banyo. Isang oras na lang ang natitira at magsi-simula na ang unang klase tapos thirty minutes pa ang biyahe papunta sa University.
Na-late na naman ko ng gising. Wala si Mama para bulabugin ako sa kama. Nasa business trip si Papa at si Mama sinamahan yung client niya sa isang event sa Cebu. My Dad is a businessman and my Mom is a lawyer.
Kaya naman, hirap na hirap akong gumising ng maaga kapag wala sila nasanay ako na ginigising nila ako.
Dali-dali akong kumilos para mag-asikaso at lumabas ng silid saka dumiretso sa kusina. Nadatnan ko doon si Manang Liz na naghahanda ng breakfast ko.
"Good morning Amarie, kain na."
"Late na po ako, sa school na lang po ako kakain." Kumuha ako ng dalawang piraso ng sandwich saka tumalikod.
Tumakbo ako palabas ng bahay at hinanap si Manong na driver ko. Naabutan ko siya sa tapat ng bahay at naghihintay.
"Manong dali, dali po, late na ako!" Agad niya akong ipinagbukas ng pinto sa backseat ng makitang nagmamadali ako.
"Manong pakibilisan po, hah! Late na po ako." Naka-sungaw na ako sa likuran ng upuan ni Manong sa drivers seat.
"Naku Ma’am, baka naman ma-disgrasya tayo."
"Manong male-late na ako e," bumalik ako sa upuan sa likod saka madramang sumandal doon. Kapag kasi na-late ako makakarating sa parents ko at mapapagalitan ako.
Bakit naman kasi late akong nagising! Nakakainis naman. Kahit naman kasi mag-alarm ako, walang bisa iyon sa tulog mantikang katulad ko. Kapag ako natulog kahit anong sigaw sa akin hindi ako magising-gising kaya sinasamahan ni Mama ng hampas.
Ewan ko ba, sakit yata ‘yon o sadyang ganun lang talaga ako. Nakakatulog nga ako sa room kahit na sobrang ingay e. Luminga ako sa paligid ng mag-menor na si Manong papasok na pala ang sasakyan sa parking lot.
Agad akong bumaba ng sasakyan ng huminto iyon. "Bye, Manong!"
Kumaripas na ako ng takbo papasok sa building. Mabuti na lang yung parking nasa loob na rin nang campus ng Cuarteros hindi na kailangan pang dumanak ang pawis sa paglalakad galing sa parking papasok ng gate.
Akala ko wala pang teacher sa loob ng room kaya pabalya kong binuksan ang pinto. Ang maingay na paligid ay tumahimik dahil sa ginawa ko. Lahat ng atensyon ay nasa akin maging ang nanlilisik na mata ni Ma’am Belarmino.
"Hindi marunong kumatok, Miss Zaraga?" Lumakad siya sa harap ko. "And you're late!"
"Sorry Ma’am, uh... Na- may uh... eme–"
"Na-late ng gising! I know that alibi." Tumalikod siya.
Napangiti ako dahil sa kalokohang mga senyas ni Lara sa akin. Pero agad napawi iyon ng muling humarap sa akin si Ma’am Belarmino.
"You may take your seat, just don't do this again."
"Yes Ma’am, thank you po."
Nakayuko akong naglakad patungo sa pwesto ko. Dahan-dahan kong ibinaba ang back pack ko at umupo sa upuan na naka-reserba sa akin. Ini-reserba ni Lara ang upuan sa tabi niya. Inilibot ko ang paningin ko sa buong silid na bumalik na muli sa ingay.
"Anong meron?" Kinalabit ko si Lara na dumadaldal na rin sa isa naming kaklase sa kabilang tabi niya.
"Activity. Speech daw, impromptu, may topic na ipapabunot si Ma’am doon," itinuro niya yung box na nakapatong sa mesa sa unahan. "Tapos iyon ang i-speech mo sa una."
Nagimbal naman ako sa balitang iyon ni Lara. Anung gagawin ko? Ang shunga ko pa naman hindi ko kaya ang biglaan dapat dahan-dahan lang.
"Tapos?"
"Tapos na, ano pa ba?"
Tinalikuran na ulit niya ako pero kinalabit ko siya ulit. "Bakit ang ingay? Hindi makakapag-concentrate kapag maingay."
"Reklamo ka pa, girl?" Inirapan niya ako.
Hinila ko nga ang buhok. "Arte ka, girl?"
"Kaniya-kaniyang diskarte, ganun."
Huminga ako ng malalim. Humuhugot ng lakas ng loob. "Bahala na..."
Hinagip ko ang ilang hibla ng buhok saka iyon inikot-ikot sa hintuturo ko. "Last naman ako, Zaraga, makakapag-isip pa ako." Bulong ko sa sarili. Aligaga na ang isip ko lalo atang nagrambol na ang stock knowledge ko, kung meron pa ba.
Nagulat ako ng biglang humalakhak si Lara na kanina pa pala ako pinapanuod.
"What? You're making me too nervous!"
"Your face –" hindi niya maituloy-tuloy yung dapat sasabihin niya dahil sa kakatawa.
"Saya ka, 'te?" Pambabara ko sa kaniya kaya natigil siya sa pagtawa pero manaka-naka pa din siyang huma-hagikhik.
"Mukha kang constipated!" At humalakhak na naman siya sumabay na din yung kadaldalan niya kanina.
Nagtaka ako dahil sa hitsura niya. Usually kasi kapag ganitong may recitation or quiz, siya ang halos aligaga at hindi na alam ang gagawin pero ngayon relax na relax siya. Ano bang meron talaga? Ngayon lang nangyari na may recitation kami tapos ang ingay pa rin nang buong klase.
"What is really happening, huh? Lara Villas?"
"Yung totoo, wala naman talagang impromptu speech!" Tumawa muna siya bago nagpatuloy. "Actually, nag meeting-meeting lang tungkol sa Nutrition Month."
Sinamaan ko siya ng tingin. I felt betrayed. Kaya pala kanina pa ako may naririnig na pangalan ng mga gulay sa pinaguusapan nang mga kaklase ko.
"And? What about the box on the table?" Turo ko sa box na nasa mesa ni Ma’am.
"Pangalan nating lahat dito sa room–"
"Para saan?"
"Patapusin mo kasi muna ako, pwede? Hah? Pwede po?"
"Yeah, proceed."
"Ayun nga, papabunutin ni Ma’am lahat para malaman kung sino magre-represent nang section natin sa Nutrition Month pageant."
Okay. Akala ko naman totoong may impromptu speech, malapit na akong himatayin. "Hindi naman ako mabubunot diyan." I said. Prenteng umayos ako ng upo.
"Paano mo nasabi?" She lifted her eyebrow and wiggles it. Nang-aasar.
My face contorted. "Alam ko lang, malas ako sa bunutan."
"Actually, nagbunutan na talaga kanina pero wala pang nakaka-kuha nung star na para sa girls."
"Huh?" Naguguluhan ako sa sinabi ni Lara.
"Eh!" Pumadyak siya na parang asar na asar na. "Pinabunot ni Ma’am kanina lahat, tapos sabi niya may dalawang star na naka-drawing sa papel. Kung sino makakakuha, sila ang partner for the pageant."
Okay?
"Ma’am, si Amarie hindi pa bumubunot." Biglang sigaw nung babae na kadaldalan ni Lara kanina.
"Aiza, wag ka nga!" Saway ko.
Kaso narinig na ni Ma’am. "Come here, Amarie!"
"Marami pa naman ang hindi nakakabunot Bes, bukas na ata sila mga absent." Bulong ni Lara.
Lumakad ako papunta sa unahan na para akong nasa isang fashion runway. Paglapit ko kay Ma’am, nagpose pa ako saka bumunot.
Narinig ko ang halakhak ni Lara sa likod. Akala ko ‘yong way ng paglakad ko ang tinatawanan, hindi pala. And I realized it when I look inside the box, isa na lang ang nakatuping papel doon.
"Go ahead, Miss Zaraga."
Nanginginig kong kinuha yung papel at binuksan.
Naririnig ko pa din ang tawa ni Lara. "Pageant pa nga!"
Nahigit ko ang paghinga ko nang makita ko sa loob ng nakatuping papel ang simbolo na nagsasabing ako ang magre-represent nang section namin sa pageant.
***

Komentar Buku (50)

  • avatar
    Monina Pilapil Buenafe

    Ang ganda po ng mga nobela nyo. Walang halong kabastusan🥰🥰🥰

    8d

      0
  • avatar
    RodriguezYhana

    Ang Ganda ng story 💗

    11/05

      0
  • avatar
    romerokhim hyena

    ITS SO AWESOME

    30/01

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru