logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Teardrops in the Rain

Teardrops in the Rain

Lei Liz


CHAPTER 1

It was raining that day, when I first saw you running in the middle of the rain, heading where I am, and I never thought that day, that you're the one who will change my life."
"ELSIE'S  POV"
Kapansin-pansin ang makulimlim na kalangitan nang mag-angat ako ng tingin dito. Kaya naman pala halos liparin nang malakas na hangin ang payong na dala-dala ko ay dahil sa nagbabantang pagbuhos ng ulan.
Napabuga ako ng hangin dahil sa isiping baka abutan ako ng paparating na bataw, bakit ba ngayon pa kung kailan nagmamadali ako.
Nagmadali ako sa paglalakad at halos takbuhin na ang daan upang makarating nang mas maaga sa bus stop. Kung hindi, ay baka wala na akong maabutan na sasakyan patungo sa aking pupuntahan.
Mas binilisan ko pa ang paglalakad, hindi na nga yata iyon lakad kundi takbo na. Sa pagmamadali ko ay isang napakalakas na hangin muli ang sumalubong sa akin. Napaka-malas talaga dahil maya-maya lang ay may kasama na itong malakas na ulan.
Dali-dali kong binuksan ang payong ko dahil hindi ako p'wedeng mabasa, inisip ko agad ang aking trabaho dahil kung magkakasakit ako'y paano na ito.
Kami lang ni Kuya ang nag ta-trabaho para sa mga kapatid namin, bata pa lang kami nang mawala si Papa habang mag-iisang taon naman ang aming bunsong kapatid nang iwan kami ni Mama, dahil sa hirap ng buhay.
Lumaki kaming lahat sa kamag anak ng aming Ama, hindi rin naging maganda ang kalagayan namin dahil nagpalipat-lipat kami hanggang sa mapadpad sa huling pamilya ni Papa.
Hindi rin nagtagal ay napagdesisyonan namin ng Kuya ko na umalis sa pangangalalaga ng aming tiyahin dahil sa pagmamalupit sa amin ng asawa nito, wala itong pinatawad dahil pati ang aming nakakabatang kapatid ay sinasaktan rin nito.
Para sa akin ay napakalupit ng kapalaran. Mabuti na lang at kasama ko pa ang mga kapatid ko dahil hindi namin hinahayaan na panghinaan kami ng loob dahil sa buhay na ipinagkaloob sa amin ng Maykapal.
Naalala ko tuloy noong nasa edad labing tatlo ako. Kung saan, nagsimula ako sa pagta-trabaho sa mga karinderya. Maging ang pangongolekta ng mga bote at lata ay pinatulan ko na.
Ayaw sana ng Kuya ko na magtrabaho ako noon dahil kaya naman daw niya kumita ng pera para sa aming pang araw-araw. Pero, sa nakikita ko ay hindi pa rin talaga sapat ang nalilikom nitong pera sa pagbubuhat ng mga sako-sakong bigas at pangongolekta ng mga bote, dyaryo at lata dahil apat kami na kailangang kumain sa araw-araw.
May isang sanggol kasing nakita noon si Kuya sa gilid ng daan nang papauwi ito sa amin galing sa pangangalakal at napagalamang inanbandona na ito ng taong nangiwan sa kaniya. Kaya kinuha na lamang ito ni kuya at kami na ang nag-alaga at nagpalaki sa sanggol at tinuring na tunay naming kapatid. Dahil alam namin ang pakiramdam kung gaano kasakit ang pabayaan at maiwanan.
Nakakalungkot lang isipin na may mga tao pala talagang kayang iwan at pabayaan ang mga walang muwang na tulad ng sanggol na nakuha ni kuya. Kagaya nang pag iwan sa amin ni Mama dahil sa walang kwenta nitong dahilan.
Mabuti na lang talaga at may responsable kaming Kuya. Kung hindi dahil sa kanya, ay baka kung ano na rin ang nangyari sa aming magkakapatid. Sa lahat ng pagsasakripisyo at paghihirap niya para sa aming magkakapatid. Kaya pilit ko itong kinulit upang makatulong na kumita ng pera para sa aming lahat. Na, kalaunan ay napapayag ko rin ito, na kinatuwa ko.
Malapit na ako sa waiting shed ng bus nang biglang humangin ulit ng malakas. Natangay nito ang payong na hawak ko na ikinasira nito. Badtrip.
Tumakbo ako papunta sa waiting shed ng bus dahil ayaw kong mabasa ng ulan at nadatnan ko ang mga taong nagkukumpulan.
Nang makasilong ay pinilit kong ayusin ang payong na hawak ko. Pero, sandali akong napatigil nang maagaw ang atensyon ko dahil sa amoy ng katabi ko.
"Yayamanin naman ang pabango," naibulong ko sa aking sarili.
Hindi na ako nag-abalang tingnan siya, dahil kita ko naman sa peripheral vision ko na isa siyang lalaki. In fairness, matangkad siya at parang isang basketball player.
Nag mistulan akong duwende dahil bigla akong nanliit sa height nito.
Ibinalik ko ang atensyon ko sa aking ginagawa. Mukhang malabo nang maayos ang payong ko. Wala na'kong magagawa. Sayang lang dahil binili pa naman ito ni Kuya para sa akin.
Pagkaraan ng ilang minuto ay nakita na namin ang paparating na bus na maghahatid sa amin sa aming mga patutunguhan. Ilang minuto'y dumating na ang bus na hinihintay namin. Sumakay ako kasama nang iba pang mga pasahero. Tumingin ako sa aking relo at napansin na alas tres na ng hapon. Paniguradong male-late na ako kaya nang huminto ang bus sa harapan namin ay sumabay ako sa iba na nag kanya-kanyang sakay dito.
Nagtratrabaho ako sa isang mamahaling restaurant and it takes forty minutes bago ako makarating doon. Pero, ayos lang sa akin dahil maayos naman magpasahod ang Boss ko, isa pa'y mababait ang aking mga kasama doon at pati na rin ang aming Manager.
Nang maksakay sa bus ay agad akong naghanap ng mauupuan at napili kong umupo sa dulo, sa may bandang bintana.
Nang umandar ang bus ay napansin ko ang lalaking katabi ko kanina, hindi ako p'wedeng magkamali dahil natatandaan ko siya dahil sa mamahaling sapatos na suot nito nang yumuko ako kanina. Alam kong siya iyon kahit na hindi ko makita ang mukha nito dahil sa cap na suot nito.
Hindi ba siya sasakay? tanong ko sa aking sarili nang umandar na ang bus at papalayo na sa waiting shed kung saan ito'y nakatayo pa rin.
Nagdaan ang ilang minuto nang makarating ako sa Kireya, dito kung saan ako nagta-trabaho. Hindi rin biro ang maglakad nang halos fifteen minutes upang marating ang back door ng restaurant na pinagtratrabahuhan ko.
Ang kabuan ng room namin ay medyo malaki dahil lima kaming nagpapahinga rito. May isang changing room at isang cr. May mga komportable ring upuan kung saan makakapagpahinga naman kami ng maayos kapag break time namin. Sa kabilang kwarto naman ay ang mga kasamahan naming mga lalaki.
Habang nagbibihis ay narinig ko ang ingay ng mga kasamahan kong babae. Mukhang magsisimula na silang maglinis, sakto lang ang dating ko.
Ang simula kasi ng trabaho namin ay ala-singko ng hapon. Kaya dapat wala pang 4:30 ay narito na ako para sa paglilinis.
After kong magbihis lumabas na ako sa changing room. Our uniform is simple. White long sleeves paired with a black below the knee skirt with red ribbon. Nang mapansin nila ang pag labas ko ay nginitian nila ako.
"Nandito na ba si sir Cristopher?" tanong ko sa isa kong ka-trabaho.
"Wala pa, male-late raw ng dating," sagot nito. Tumango ako dito pagkatapos ay ngumiti. Salamat naman, akala ko'y mapapagalitan na naman ako.
"H'wag kanang mag alala, naglinis na kami kanina. Naiintindihan naman namin ang situwasiyon mo kung bakit ka na le-late kung minsan," nakangiting sambit ni Clarisse. Laking pasasalamat ko talaga dahil sa kabaitan nito sa akin.
Makalipas ang ilang minuto'y narinig namin ang dalawang beses na marahang pagkatok sa pintuan. Dali-dali itong binuksan ni Alex at iniluwa no'n ang isang kasamahan namin.
"Mag ready na kayo, ten minutes," sambit ni Carlo.
Lumipas ang halos isang oras na hindi kami magkamayaw sa pag paroo't parito sa pagkuha ng mga orders ng mga customer.
Kasalukuyan among nasa table 9 at  hinihintay ang order ng dalawang customer namin, nang mapansin kong panay ang tingin ng lalaki sa akin.
Kung hindi ako nagkakamali ay magkasintahan sila ng katabi niyang babae. Nakakailang man, pero hindi ko sila pwedeng iwan.
Gosh! Lahat naman nang nasa menu ay masarap! Halos gusto ko na itong sabihin sa babaeng may hawak ng mene. Makalipas ang ilang minutong paghihintay, nakapili na rin siya.
Sa wakas... nasaisip ko.
After kong makuha ang order nila agad akong umalis. Hindi ko gusto ang mga tingin ng lalaking customer sa akin sa table na iyon. Nakakailang.
Pagkatapos kong maibigay ang order sa counter ay nakatawag pansin ang ingay na pumalahaw 'di kalayuan kung saan ako nakatayo. Ang pagka basag ng isang baso. Sinundan ko ng tingin ang isa kong katrabaho na nagmamadaling pumunta sa lugar na may nabasag para linisin iyon.
Napansin kong wala itong dalang mop, siguro ay dahil sa pagkataranta at siya ring pagtama ng mga mata namin, kaya't sinenyasan ko siya na ako nalang ang kukuha nito.
Nagmadali ako sa pagkilos para pumunta sa stock room pero bago ako makarating doon ay nadaanan ko muna ang Comfort room ng mga lalaki. Pagkaraa'y pumasok na ako sa stock room at hinayaang bukas ang pintuan dahil sandali lang naman ako.
Nang makuha ko na ang mop, aalis na sana ako nang mapansing nakasarado na ang pinto. Nagulat ako at nagtaka dahil alam ko na iniwan ko iyong bukas. Patungo na ako sa pinto nang biglang may humawak sa braso ko. Kinabahan ako, nang humarap ako ay isang lalaki ang tumambad sa tapat ko.
"Hey, wanna play with me?" sambit nito. Hindi ko mapigilan ang pagwawala ng kung ano sa aking dibdib lalo ng makilala ito.
Siya ang lalaking nasa table 9 kanina. At hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbabago kung paano ito tumingin sa akin. Bakit siya nandito? Ano bang gusto niya? Ang kapal ng mukha niya para pag salitaan ako ng gano'ng salita! Akala ba niya ay hindi ko alam ang ibig sabihin niyon?!
Kapansin-pansin sa mukha ng lalaki ang malisyosong tingin nito sa akin kasabay nang paggalaw ng kaliwang kamay nito ay agad akong na-alerto.
Kinakabahan man, ngunit hindi ko ito pinapahalata at bago pa man nito maiangat ang kanyang kamay ay nagsalita na ako.
"Ano po ang ginagawa niyo rito?" pinilit kong hindi mautal upang maipakita sa kanyang hindi ako natatakot sa presensya n'ya. "Bawal ho kayo rito. Kung maari po ay lumabas na kayo," dagdag ko.
Nakita ko ang pagbagsak ng ngiti nito maging ang pagkunot ng noo niya.
"Pinapaalis mo ba 'ko?" nakataas ang kilay nitong tugon. Mukha yatang nainsulto ito dahil sa pag papaalis ko sa kanya.
"Do you even know me?" aniya habang pinapasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa, napaatras ako dahil doon.
Hindi ko na lamang pinansin ang kaniyang tinuran at aalis na sana ng hinawakan niya ang braso ko. Natigilan ako. Ngunit, hindi ko pinahalata na natakot ako dahil doon bagkus, sinaman ko siya ng tingin na dahilan ng pagsilay ng nakakaasar na ngiti sa kanyang mga labi.
"Bitawan mo ang braso ko," may diin kong pagkakasabi. Ngunit kaniya lamang ipinagsawalang bahala ito at akmang hahawakan niya ang aking mukha. Bago pa man niya ako mahawakan ay mabilis kong sinuntok ang mukha nito dahilan kung bakit ito bumagsak sa sahig.
Pagkatapos ay napatingin ako sa cctv sa loob ng kwartong 'to... At least may ebidensya akong magpapatunay na self-defense ang ginawa ko.
Nang mahimasmasan na siya sa gulat at suntok na natamo ay dali-dali niya akong ginapang at hinila ang paa ko, dahilan ng pagbagsak ng katawan ko at mauntog ang aking ulo. Napasulyap ulit ako sa camerang nakatutok na sa amin sapagkat may kakayahan itong ma-detect ang mga movements ng taong nasa loob ng kwartong ito at pag na-detect niya na'y susundan nito ang bawat galaw mo.
"Wala bang may nagbabantay sa cctv room ngayon?" naisambit ko nang malakas.
Nakadapa akong bumagsak, naramdaman kong binitawan ng lalaki ang aking paa, that made me to switch my position, facing him subalit kasabay nito ay ang paggapang niya upang pumaibabaw sa akin at dahil doon sinipa ko ng pagkalakas-lakas ang kayamanan niya. Napadaing siya sa sakit at nagpagulong-gulong sa sahig.
"Don't you dare mess with me! Dahil kahit wala pang cctv dito hindi kita aatrasan, bastos ka!" nanggagalaiti kong sabi.
Tatayo na sana ako ng marinig ko ang yabag ng mga paang paparating sa kung saan kami ngayon. Parang palabas lang kung kailan tapos na ang bakbakan at patay na ang kalaban doon pa dadating ang tulong. Nice.
Pagkarating nila'y kitang-kita ang gulat sa kani- kanilang mga mukha. Hindi nila alam kung kanino sila lalapit, sa akin na ngayon ay nakaupo sa sahig o sa lalaking namimilipit ngayon sa sakit na may dugo pa sa gilid ng labi.
Pinilit ko namang tumayo dahil wala ata silang balak tulungan ako. Nakita naman ng mga kasamahan ko ang hirap na pagtayo ko kaya agad nila akong nilapitan at inalalayan. Gano'n din ang mga kasamahan kong lalaki na ngayo'y bitbit na ang lalaking hindi man lang makatayo.
Nakakaawa... pero deserve mo 'yan.
Lumabas na kami sa kwarto at nakita namin ang mga taong nakikiusiyoso sa may entrance kung saan papasok sa comfort room at stock room.  Halos magulat sila sa itsura ng lalaking bitbit ng mga kasamahan ko.
Bago ko pa mang maihakbang ang paa ko, nakita ko naman ang babaeng magkadikit ang mga kilay at halos umusok ang ilong na papunta sa akin...
"What did you do to him?!" tanong nito. Nginitian ko naman siya at napansin ang insulto sa mukha nito.
"Ginawa ko lang ang dapat gawin sa mga taong katulad niya,"
walang emosiyong sagot ko. Halos sugurin niya akong muli pero nahawakan siya ng mga kasamahan ko.
"Don't touch me! You... Dirty people!" sigaw niya sa mga kasamahan kong halatang nagpipigil sa ginawa nito sa akin.
"You bitch! If I know, nilandi mo ang boyfriend ko at ngayon pinapalabas mong may gagawin siyang masama sa'yo?!" galit niyang sigaw sa akin.
"Ipinagtaka ko rin iyan,"sabi ko at tinignan siya. "Marahil may nakita siya sa akin, na hindi niya nakita sa iyo!" may diin kong pagkakasabi.
"Hindi ko na iiaksaya ang panahon ko sa mga katulad mong ang taas ng tingin sa sarili. Para maniwala ka na nagawa nga ng boyfriend mo ang ginawa niya, hahayaan kitang ikaw ang unang tumingin sa cctv footage, siguradong mas masakit pa sa sampal iyon pag nagkataon," saad ko rito.
Pagkatapos kong sabihin iyon ay paalis na sana ako ng bigla nito akong sugurin sa kasamaang palad ay hindi ko napigilan ang pagsampal niya sa akin. Tumabingi ang ulo ko sa lakas nang  sampal nito. Napasinghap ang mga tao na nakapaligid sa amin.
Hindi pa ako naka-karecover sa kanyang sampal ng tinangka niya muling sampalin ako ngunit may pumigil sa kamay niya.
"Try to lay your hands again on her and you'll face hell."
Napatingin ako sa lalaking pumigil sa babae. Hindi ko makita ang mukha nito dahil natatakpan ito nang babaeng kaharap ko at tanging ang boses lamang niya ang naririnig ko.
Halos lamigin ako sa boses ng pumigil sa babae. Nakakatakot ang boses niya. Yumuko ako dahil sa kaba ng mapansin ko ang sapatos ng lalaking pumigil sa babae.
Familiar ang sapatos niya...
Nang ma-realize kong sapatos ito nang lalaking nakasabay ko sa waiting shed ay mabilis pa sa alas kwatrong umangat ang ulo ko upang makita ang mukha niya.
Siya?
Nasabi ko na lamang nang makita ko ang mukha nito nang tanggalin niya ang cap na suot. Ngunit ako naman ngayon ang nagulat dahil ang lalaking pumigil sa sampal ng babae at ang katabi ko kanina sa may waiting shed ay ang lalaking...
Nagligtas sa buhay ko noon...
Ang lalaking mahal ko.

Komentar Buku (87)

  • avatar
    جهيرة ۦۦۦۦ

    So cute

    17d

      0
  • avatar
    Diane Teting

    maganda ang story natutuwa Ako,

    20/08

      0
  • avatar
    Jhian

    so good 😊 rjbdkidhrihbdkdhvrir ndjfvfkdhrvhbdidgvt jdhvfdkifhrhjdidhvrjdid dkdvvrirurjrorirhrjrkeiegroduyteoryeyr dodjhrjrjrjdjdjdjdjrjddj snndndbdhdhshshshdbdodhdmd ekdjjdhdoeyrodyrrrksycrmsidgd ihgrugdhrldhhbeoyhekd siksyv dijbdhevr sjbbrirugegvrvrjriekwjvtpsygrurgvbdkd sjjbeviejhbwkwihveksgzudln 😹 ttigigigifystaawerirufohogogphigogigifjvicjvkvkcudjcjvjfkvifuelixurzhfsngxkhdnfJgsmhzkulhdkydirskyzkgxcocuxkhdkydlikyxouduoduyhdoyro jeheojhevjejehehejksicrisuwfeidurgririrvslfhdjjetjdudhdjdodid

    17/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru