logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 21: Apology

Ngayon ay magkatapat kami ni Lead habang kumakain. Tahimik lang kami pareho. Akala ko ay aalis na sya kanina after nyang gamutin ang sugat ko pero hindi pa pala. Nang lumabas sya sa kwarto ko ng magbibihis ako kanina, nagpa-deliver pala sya ng mga pagkain. Binalikan nya ako sa loob ng kwarto ko at binuhat pababa ng kusina para makakain. Hindi ko alam kung anong level na ng pagkailang ang nararamdaman ko ngayon.
Sandali ko syang sinulyapan sa harapan ko. Gusto ko ng matapos na kumain at makaalis sa harap nya ngayon. Bakit ba hindi na sya umuwi at naisipan nya pang tumambay dito.
"Pagkatapos mong kumain pwede ka ng umalis." Ibinaba nya ang hawak nyang kutsara at tumingin sa akin. Sandali kung sinalubong ang mga mata nya pagkatapos ay nagpatuloy na sa pagkain.
"No, not yet," saad nya. Napairap ako, "I still have something to tell you," dagdag pa nya.
Padabog kung ibinaba ang kutsara dahilan para lumikha iyon ng maingay na tunog. Masama ko syang tiningnan, "tell me now," naiinis na sabi ko. May sasabihin pa pala dapat kanina nya pa sinabi. Antagal naming tahimik kanina habang kumakain. My gosh!
Huminto na rin sya sa pagkain at hinarap ako, "I don't have the plan to kill you right now so please can you calm down?"
"I am calmed," saad ko. I just can't stand seeing you, being near you. I want to tell that to him pero baka iba ang isipin nya kaya wag na lang.
"H'wag kang masungit," ani Lead. Dahil sa sinabi nya ay parang gusto kung matawa pero pinigilan ko. Naiinis ako sa kanya.
Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Tinulungan nya nga pala ako kanina baka isipin nya na wala akong utang na loob at nagawa ko pa syang sungitan ngayon, hindi na nga ako nakapagpasalamat e.
Nilaro-laro ko ang mga kuko ko sa daliri, "what is it you want to tell me?" Mahinahon kung tanong. Hindi ako tumitingin sa kanya at inabala ko na lang ang sarili ko sa pagtitig sa mga kuko ko.
"Bago ako nagpunta dito, galing ako sa police station. Those who kidnapped you have been caught." Tumango lang ako sa narinig ko, "they can be put in jail for kidnapping, physical assault and bullying charges but," huminto sya sa pagsasalita kaya napalingon na ako sa kanya.
"But?" Tanong ko.
"They begged me to see you. They want to apologize for what they did. I'm against it at gusto ko silang makulong dahil sa ginawa nila sayo but, it's still your decision, anyway," mahabang litanya nya. Napatango tango na lang ako. Inubos ko na ang pasta sa pinggan ko saka uminom ng tubig. Sumandal ako sa upuan ko at sandaling nag-isip. To be honest, wala na akong pake sa ginawa nila sakin. At first, I was mad at them for humiliating me and I want them to pay for what they did to me but, I change my mind. Hindi ako nagtatanim ng galit well except for my parent's murder case. I will never let it go. Kahit nga hindi na sila humingi ng tawad sakin e basta wag na lang silang magpakita sa akin kahit dulo ng kanilang buhok. I made my decision.
"Bring me to the police station," saad ko. Tiningnan ko si Lead sa mata bago ako nag-iwas. Tumayo na sya at kinuha ang jacket nya na nakapatong sa sofa.
"But first, I need to take you to the hospital," saad ni Lead habang isinusuot ang kanyang jacket. Lumapit sya sakin.
Nangunot ang noo ko. Hospital? Tumakas nga ako para makaalis dun tapos dadalhin nya naman ako dun, "what why?" Humilig ako sa upuan ko ng akmang bubuhatin na nya ako.
"Look, kailangang matahi yang sugat mo, baka ma-infection yan kapag hinayaan mong naka-ganyan lang," mahinahon nyang saad.
"Ayoko," walang gana kung sabi. Gagaling din to. Iinom na lang ako ng gamot pero, anong gamot? Napatingin ako sa hita ko. Nagkukulay pula na naman ang bandage na nilagay ni Lead sa sugat ko.
"Don't tell me, takot ka sa injection?" Napaiwas ako ng tingin ng bigla na lang yumuko si Lead. Inihawak nya ang palad nya sa sandalan ng upuan ko at ang isa naman nyang palad ay sa gilid ng lamesang nasa harap ko. Dalawang dangkal lang ang layo ng mukha nya sa mukha ko.
"What?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Alam ko namang inaasar nya lang ako e ,"Bala nga sinasalo ko, tapos sa injection lang matatakot ako," tinaas ko ang dulo ng labi ko na parang minamaliit ang sinabi nya. Ayoko ng bumalik sa hospital. Hindi ko alam pero ayoko ng ambiance sa hospital. Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko. Gusto ko ng makalakad ng maayos at ayoko na ring maging pabigat kay Lead.
Binuksan ni Lead ang pinto sa tabi ko. Akmang bubuhatin na naman nya ako ng pigilan ko sya. Hindi pa naman ako totally lumpo. Kaya ko pa namang lumakad kahit papano. Inalalayan nya akong maglakad papasok sa police station kung saan dinala ang mga alipores ni Yella. Sinabi ko kasi kay Lead na dito muna ako dalhin.
Huminga ako ng malalim ng makapasok na kami sa loob. Nakita ko ang apat na nakaupo at mukhang wasted. Sa harap nila ay isang lalaki na mukhang sya ang nag-iinterrogate sa apat. Nakatagilid sila kaya hindi pa nila ako napapansin. Napairap ako sa hangin. Naalala ko ang ginawa nilang pamamahiya sakin ng dahil lang sa lalaking naging kaibigan ko. What an immature creatures.
"Detective Wo!" Tawag ni Lead sa lalaking kaharap nung apat. Agad namang lumingon yong apat sa pwesto namin. Agad na namilog ang kanilang mga mata ng makita ako. Binigyan ko lang sila ng isang seryosong tingin.
Iniwan ako ni Lead at lumapit doon sa detective na tinawag nya. Nag-uunahang at halos madapa ang apat sa paglapit sa akin. Sabay sabay silang lumuhod sa harap ko, ipinagdaop ang mga palad at walang tigil sa pagkuskos sa kanilang palad.
"S-slaine, patawarin mo kami sa ginawa namin sayo," saad nung babaeng tomboy.
"I-inutusan lang kami ni Yella na kidnap-in ka," saad naman nung lalaking nasa kaliwa nya.
"Kapag hindi namin yon ginawa kami naman ang pagbabalingan nya ng galit nya," saad naman nung babaeng payat. Lahat sila kapwa nanginginig ang mga boses at nagmamadali sa pagsasalita. Natatawa ako sa nakikita ko. Look at this idiots. Kneeling in front of me, looking so pathetic. HAHA
Pinigilan ko ang sarili ko na mapangiti. Nanatili akong nakatayo at nakatingin sa kanilang apat.
"Hindi ako nagtatanim ng galit pero hindi ako nagpapatawad at lalong hindi ako nakakalimot," saad ko. Mas lalo silang nanginig sa kanilang pagkakaluhod. Ang isa sa kanila ay umiiyak na.
"S-sabihin mo samin kung anong gusto mong gawin namin, susundin ka namin wag mo lang kaming ipakulong,"
"Please, parang awa mo na," hagulhol ng babaeng payat. Kalat na kalat na ang eye liner nya dahil sa luhang lumalabas sa kanyang mata. Hindi ko alam kung totoong luha ba yan o iiyak-iyakan lang. I don't trust people anymore. They can be a great actor.
"Isang bagay lang ang gusto kung gawin nyo," saad ko. Lahat sila natigilan at hinanda ang kanilang mga tainga sa susunod kung sasabihin.
"Drop out of school and cut ties with Yella and I might consider forgiving you," sandali silang natigilan pero kaagad din silang nagsipagtanguan at walang tigil na nagpasalamat. Hindi ko na sila pinagtuunan pa ng pansin. Kahit papalabas na kami ni Lead ay rinig na rinig ko pa rin ang pagpapasalamat nila.
Ngayon naman ay papunta na kami sa ospital. Mas pinili ko na lang manahimik at panoorin ang mga nadadaanan naming gusali. Nararamdaman ko naman ang pasulyap-sulyap na tingin ni Lead sakin. Parang may gusto syang itanong. Parang may gusto syang malaman. Curious ba sya kung anong iniisip ko sa mga oras na to? Wala naman akong iniisip. Ayaw ko munang mag-isip ng mga bagay-bagay.
Huminto ang kotse ni Lead sa tapat ng ospital. Na-realize ko na ito yong ospital kung saan ako dinala ni Coser noong na-kidnap at nabugbog ako. Hindi pa man kami nakakababa ng kotse ay may lumabas ng dalawang nurse para salubungin kami. Hindi na ako nagpabuhat kay Lead. Inalalayan nya na lang ako hanggang sa makaupo ako sa wheelchair na dala ng isang nurse. Nang makita ng dalawang nurse si Lead ay bahagya silang yumuko kay Lead na parang isa syang prinsipe. Napakunot ang noo ko. Para saan yon?
Pumasok na kami sa loob ng hospital. Nasa likod lang namin si Lead at nakasunod. Bago pa kami makapasok sa operating room ay may sinabi sakin si Lead dahilan para mawala ang munting kabang umuusbong sa aking dibdib.
"Nandito lang ako," saad ni Lead. Bahagya lang akong tumango. Pumasok na kami sa loob. Pinahiga ako ng nurse sa naroong kulay green na kama.
"Kinakabahan ka ba?" rinig kung tanong noong nurse na nagtulak ng wheelchair ko kanina. Ngumiti ako ng tipid at umiling. Hindi naman ako kinakabahan. Hindi rin ako natatakot.
Pumikit ako at hindi na sila pinanood pa sa ginagawa nilang paghahanda. Naramdaman kung inaalis na ng nurse ang bandage na napulupot sa sugat ko. Pagkatapos ay ay narinig kung muli ang nurse na magsalita, "i-inject-an muna kita ng anesthesia ah, don't worry parang kagat lang to ng langgam," saad ng nurse. Nanatili akong nakapikit. Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis. Ginawa nya naman akong bata.
Napakapit ako ng mahigpit sa gilid ng kama ng maramdaman ang hapdi ng karayom sa balat ko. The next thing I knew wala na akong maramdaman. Naririnig ko na lang ang kalansing ng mga tools na ginagamit para sa sugat ko. Nanatili akong nakapikit hanggang sa marinig ko na lang ang sinabi ng nurse na tapos na. Nagmulat ako ng mata at nakitang may bagong bandage ng nakalagay sa sugat ko.
Inilabas nila ako sa operating room at dinala sa normal na kwarto dito sa ospital. Kinabitan na naman nila ako ng panibagong dextrose. Pagkatapos akong paalalahanan ng nurse ay lumabas na rin sya at hinayaan ako na makapagpahinga.
Hindi ko na nakita pa si Lead sa labas ng operating room kanina. Hindi ko alam kung saan sya nagpunta. Siguro umuwi na sya. Napabuntong hininga na lang ako. Ilang araw na naman kaya akong nakakulong sa kwartong ito.
Bigla naman akong napaisip. Hindi man lang kasi natanong sakin ni Lead kung anong nangyare sakin. Kung bakit ako may ganung sugat. Iniisip nya kaya na gawa yon ng mga alipores ni Yella? Sabagay, kahit itanong nya naman, hindi ko rin naman sasabihin e.
Third Person's Point of View
Kapwa nakatayo ang tatlong estudyante sa tapat ng parking lot. Ang isa ay abala sa kanyang telepono habang paulit-ulit na tinatawagan ang iisang numero ngunit pagkakatapos ng ilang segundo ay agad din nitong ibinaba ang tawag. Puro operator ang naririnig niya sa kabilang linya. Walang sumasagot na nagiging dahilan ng isa pang pag-aalala ni Coser. Ang isa namang babae ay halos maubos na ang kuko sa kanyang hintuturo, si Lee iyon. Ang isa naman ay nakalupagi na sa lapag, si Nyx iyon.
Nawawala ang isa sa kanilang kaibigan na dinala nila sa ospital pagkatapos nilang makuha ito sa mga kidnapper nito. Wala ito sa kanyang bahay at hindi sumasagot sa telepono.
Tumayo na ang babaeng naka-upo sa semento at nagsalita, "baka naman kumakain sya sa labas?" Patanong na sabi nito. Pinipilit na maging positibo sa kabila ng pag-aalala.
Bumaling sa kanya ang isa pang babae na sa wakas ay binitawan na rin ang hintuturo niya, "Nyx naman! Ano yon almost a day na syang kumakain?" Naiirita namang saad ng isa.
Hinanap na nila ang posibleng puntahan ng kanilang kaibigan pero hindi nila natagpuan. Lalo namang hindi iyon pupunta sa paaralan dahil suspended siya ng isang linggo sa nangyareng insedente sa pagitan nila ni Yella.
"Wait--" saad ni Lee na parang may naisip siyang ideya, "where's Lead? Kaninang umaga ko pa sya hindi nakikita ah," saad ni Lee.
Bago pa makapag-isip si Nyx at Coser ay may isang kotse ang pumarada sa kanilang harapan. Bumaba doon ang isang lalaki na kanina lang ay pinag-uusapan nila.
"Speaking of the devil," saad ni Coser. Agad namang lumapit ang dalawang babae kay Lead.
"Hi! Did you see Slaine?" Nag-aalangan pang tanong ni Nyx.
Kumunot ang noo ni Lead habang nakatingin sa nagtanong.
"She's been missing all day. We're just worried," singit naman ni Lee dahilan para mas lalong mangunot ang noo ni Lead.
"Slaine? Missing?" Magkasunod na saad ni Lead. Sabay naman tumango ang dalawang babae.
"We were just together earlier. She's in the hospital," saad ni Lead. May pagtataka pa rin sa kanyang mukha.
"Hospital?" Magkasabay na tanong ng tatlo. Ang pagkakaalam nila ay tumakas ng hospital si Slaine at ngayon ay nawawala tapos malalaman na lang nila na nasa hospital ulit ito kasama ang isa nilang kaibigan. Nagkatinginan na lamang ang tatlo. Napailing na lang si Lead sa ikinikilos ng tatlo saka niya nilampasan ang mga ito.
Slaine's Point of View
Halos mabulunan ako sa pagtawa habang kumakain ng popcorn at nanonood ng comedy sa tv. Mag-isa lang ako dito sa kwarto dahil umalis na si Lead. Ibinili nya lang ako ng pagkain at ibinigay sa akin ang mga gamot na kailangan kong inumin para mas mapadali ang paggaling ng sugat ko. May report sya ngayon kaya hindi nya daw ako mababantayan. As if naman kailangan ko ng magbabantay sakin. Anong akala nya sakin 10 years old?
Bigla ko namang naalala si Coser. Tumakas nga pala ako dito last night. I'm not sure kung hinanap ba nya ako pero nakokonsensya ako sa ginawa ko. Pakiramdam ko hindi ko na-appreciate yong ginawa nilang pagtulong sakin together with Lee at Nyx. Pero nasa school na siguro ngayon si Lead. Baka nasabi na nya kina Coser na nandito ulit ako. Wait-- alam kaya ni Lead na tumakas ako Ng ospital last night kaya ko nakuha tong sugat ko? I bet not.
Nagpatuloy ako sa panonood at paglamon ng popcorn. Muntik ko pang malunok yong buong popcorn ng bigla na lang bumukas ang pinto ng kwarto ko at pumasok ang tatlong tao na kapwa mga humahangos na parang anlayo ng tinakbo nila. Kapwa din sila mga pawisan at gulo-gulo ang buhok. Napatigil ako sa pagtawa at nakangangang tiningnan sila. Naiwan pa ang kamay ko sa ere na may hawak na popcorn. Speaking of the devil. Sabi na e.
"Anong ginagawa nyo dito?" Tanong ko ng makabawi mula sa pagkagulat.
"Slaine, you okay?" Tanong ni Lee na lumapit agad sakin at chineck ang katawan ko.
"Where have you been? We thought you're missing!" Nakakunot ang noong saad ni Nyx. Halata din ang pamumutla ng labi nya.
"W-what?" Natatawang saad ko, " so, how did you guys know I'm here? Did Lead told you?" Tanong ko, "buti na lang hindi nyo pa naiisipan na ipahanap ako sa pulis." Nagbibirong dagdag ko pa. Bigla naman akong hinampas ni Lee sa braso, "ouch!" Reklamo ko. Hinimas ko ang braso kung hinampas nya. Nakasimangot na si Lee sakin ngayon.
"Pinag-alala mo kami," Sabi n'ya.
"Sorry," yon na lang ang nasabi ko.
"Waaah! Na-miss ka namin!" Sigaw nilang dalawa saka parang bata na dinamba ako ng yakap.
"Ahh!" Sigaw ko ng maramdaman ang sakit sa hita ko. Mataranta naman si Nyx at agad na inalis ang palad nya sa hita ko. Napalayo din kaagad sakin si Lee at nagtatakang tumingin sa akin kung anong nangyare. Pansin ko rin na napalingon si Coser sa direksyon namin. Nagtataka din kung anong nangyare. Akmang lalapit sya pero agad din syang bumalik sa kinauupuan nya na parang may na-realize. Hindi ko na lang sya pinansin. Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at pumikit ng mariin.
"I-im sorry. Hindi ko alam," paghingi ng paumanhin ni Nyx.
"Anong meron?" Tanong ni Lee.
"Wala to," itinaas ko ang kumot ko hanggang bewang at umakto na parang hindi nasaktan.
"Anong wala? Patingin nga," lumapit sakin si Lee at hinila ang kumot na nagtatakip sa pang-ibabang bahagi ng aking katawan.
"Wala to, Lee," saad ko. Habang iniiwas ang binti ko sa kanya pero makulit talaga si Lee at pilit nyang itinataas ang suot kung pajama.
"Wala to, Lee. Pasa lang to," pangungumbinsi ko sa kanya pero mukhang hindi sya naniniwala dahil pilit nya pa ring itinataas ang suot kung pajama para makita ang itinatago ko. Pinipigilan ko sya pero hindi ko sya kaya bukod sa sumasakit din ang likod ko  dahil sa pagkakabagsak ko ay nanghihina talaga ako. Naiinis na ako sa ginagawa nya. I was about to shout at her ng maitaas na nya ang pajama ko at makita ang hita kung may nakabalot na bandage. Kapwa sila natigilan ni Nyx habang nakatitig sa hita ko. Napatingala na lang ako at napabuga ng hangin. Pinipigilan ang sarili ko na wag syang sigawan dahil kapag ibinuka ko ang bibig ko ay baka hindi nya magustuhan ang mga salitang lalabas sa bibig ko. Sumeryoso ang mukha ko pero mukhang hindi pa iyon nahahalata ni Lee dahil nagpatuloy pa rin sya sa pagtatanong.
"Anong nangyare dyan, Slaine?" Tanong ni Lee. Hindi ko sya sinagot. Nanatili lang akong nakatitig sa sahig at mahigpit ang kapit sa kumot, "Slaine" tawag nya sa pangalan ko para sagutin ang tanong nya. I really hate it kapag kinukulit ako. Hindi ba sya marunong makahalata na ayokong sagutin ang tanong nya?
Dahil sa sobrang pagkainis ko ay tumingin na ako sa kanya, "it's fucking none of your business," sigaw ko sa kanya. Nanlaki ang mga mata nya at natahimik din sya. Halatang nagulat sa biglaan kung pagtataas ng boses, "Hindi ka ba nakakahalata? I. Don't. Want to answer your damn question." Ramdam ko ang mabilis na pagpintig ng puso ko dahil sa inis.
Nakakainis. Sobrang nakakainis lang talaga. Alam ko namang nag-aalala lang sya sakin pero sobra na. Manhid ba sya or hindi lang talaga sya nakakahalata? Ahh! She's so annoying.
Kahit si Nyx na nakatayo sa gilid ni Lee ay nagulat din sa biglaang pagbabago ng mood ko. Hindi ko makita ang reaction ngayon ni Coser dahil nahaharangan sya ni Lee at ayoko syang tingnan.
Nang maramdaman ko na maiiyak na ako ay ibinaba ko na ang pajama ko na itinaas ni Lee kanina. Nahiga ako sa kama at hinila ang kumot hanggang sa leeg ko. Tumalikod din ako sa kanila para hindi nila makita ang mukha ko.
Huminga ako ng malalim bago nagsalita, "please leave." Naramdaman ko na ang pananakit ng lalamunan ko hanggang sa naramdaman ko na lang ang pagtulog ng luha sa kaliwang mata ko. Bumangon ako at naupo na lang ng marinig ko ang pagsarado ng pinto. Patuloy lang ako sa pag-iyak. Nakokonsensya ako. Hindi ko naman sinasadyang sigawan sya. Hindi lang talaga ako sanay na merong nag-aalala sakin. Gusto ko silang habulin para humingi ng sorry pero nahihiya ako. Pinapangunahan ako ng pride ko.
Umiyak lang ako doon hanggang sa gumaan ang pakiramdam ko.
Akmang pupunasan ko na ang luha ko gamit ang kumot ng biglang may lumitaw na panyo sa harap ko, "heto ang panyo," saad ng isang pamilyar na boses, "ang ganda mo pero ang dugyot mo," dagdag pa nito. Halatang nang-aasar. Inangat ko ang ulo ko at tiningnan ng masama ang lalaking nakatayo ngayon sa gilid ng kama ko. Nakalahad pa rin ang panyo sa kamay nya.
"Anong ginagawa mo? Pinalabas na kita, diba?" Tanong ko. Hindi ko pinansin ang panyo na ibinibigay nya.
Nagkibit-balikat lang sya, "wala kang sinabing pangalan." Nginitian nya ako ng nakaka-asar. Napa-irap na lang ako, "nakonsensya ka ba? bakit kasi ang sungit mo?" Magkasunod nyang tanong.
"Wala kang pakelam," masungit na saad ko. Hinila ko ang panyo sa kamay nya at iyon na ang ipinunas sa mukha ko. Doon na rin ako suminga. Pagkatapos ko iyong gamitin ay inabot ko iyon pabalik sa kanya.
"Yak! Bakit ang hilig mong magbalik ng panyo na dinugyot mo na?" Nandidiring saad nya.
"Hindi ko naman sinabing ipahiram mo. Arte mo," sagot ko pero pabulong na lang ang huling dalawang salita na sinabi ko na. Kinuha ko ang hindi ko naubos na popcorn at sinimulang kainin iyon, "labhan mo, itapon mo kaya," dugtong ko pa. Nahiga ulit ako pero tinaasan ko na ang unan ko para mas maganda ang panonood ko. Napansin ko naman ang pag-iling nya habang tipid na nakangiti.
Sinubukan nyang mahiga sa tabi ko pero tinabig ko lang sya. Muntik na tuloy syang mahulog. Mapapatawa na sana ako dahil sa gulat nyang reaction pero pinigilan ko ang sarili ko. Naiinis ako sa kanya. Hindi sya marunong sabihan, "bakit ba ang sungit mo?" Sigaw nya sakin pero pabiro lang.
"Pinaglihi ako sa sama ng loob, bakit ba?" Sigaw ko din sa kanya. Sinimangutan ko sya at muling bumalik sa panonood. Muli ko na namang narinig ang pagtawa nya. Sinubukan nyang muling mahiga sa tabi ko at hindi na ako umangal. Kumuha sya ng popcorn at kumain din habang nanonood.
Comedy na naman ang pinapanood ko kaya indi ko mapigilan ang sarili ko na hindi tumawa. Nawala sa isip ko na katabi ko nga pala si Coser, "bagay sayo kapag tumatawa ka," agad akong napatigil sa pagtawa ng marinig ang boses ni Coser. Nawala ang atensyon ko sa tv at nalipat iyon sa kanya. Anlapit ng distansya ng mukha namin sa isa't isa. Seryoso lang syang nakatingin sakin. Ako na rin ang unang nag-iwas ng tingin.
"Manahimik ka, nanonood ako," iyon na lang ang sinabi ko at muling ibinalik sa harap ang atensyon ko. Kumuha ako ng popcorn at kinain iyon. Inilipat ko na rin ang channel dahil baka mapatawa na naman ako baka isipin pa ni Coser na nagpapahanga na ako. Nanahimik na naman si Coser kaya nanahimik na lang din ako.
Kinuha ko ang remote at pinahinaan ang volume ng tv. Tumagilid ako at maingat na pinanood si Coser na ngayon ay mahimbing ng natutulog sa tabi ko. Tsk. Dito pa talaga nya naisipang  matulog. Narinig ko ang mahina nyang paghilik. Mukhang napagod sya.
Iniiwas ko ang tingin ko kay Coser at muling umayos ng pagkakahiga.
I don't know why but I feel calm whenever Coser's beside me. I feel at ease. I can be my true self whenever he's with me. Napapakita ko sa kanya, consciously and unconsciously, yong tunay na ako. I feel like he can understand everything about me. Kahit ilang beses na sabihin ng utak ko na layuan ko sya, parang hindi ko na kaya.

Komentar Buku (11)

  • avatar
    Ashley Belle

    hi there are you?

    21/08/2022

      0
  • avatar
    Shaina Bunye

    this great

    27/02/2022

      1
  • avatar
    Joselou Bustamante

    wenselgwaponpero bayot

    17/02/2022

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru