logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 16: Gun Shot

In-scan ko ang dalawang papel na naka-pin sa bulletin board habang binabasa ko ang mga nakasulat na club na pwedeng salihan. Nasa tabi ko naman si Nyx at Lee na nagbabasa ng iba pang naka-pin sa bulletin board. Hindi na nila kailangan na tumingin pa sa listahan ng mga clubs dahil alam na naman nila kung saang club sila sasali or sabihin na lang natin na kasali na sila. Nag-audition silang dalawa sa MYBTDANCE kaninang umaga at sakto naman na si Pain ang nagpapa-audition dahil wala ang PE coordinator na siya ding trainor ng MYBTDANCE. Malapit na daw kasi ang Intramurals kaya nagmamadali na rin sila sa pag-aaudition para makapagsimula na sila sa practice, kaya kilig na kilig naman si Lee. Pano ko nasabi? Sinama kasi nila akong dalawa sa gym kanina para daw manood. Wala naman akong ibang magawa sa buhay ko kanina kaya pumayag na lang din ako. Hindi muna ako a-absent at magcucut ng klase. Hindi dahil sa magbabagong buhay na ako pero wala lang trip ko lang bat ba?
Binitawan ko na ang papel at naglakad papunta sa may bench. Nag-indian seat ako. Sumunod naman si Nyx at Lee sa'kin at naupo din.
"May napili ka na bang club?" Tanong ni Lee.
"Samahan ka namin magpalista," suhestyon naman ni Nyx.
Umiling ako, "wala akong napili, hindi naman ako mahilig sumali sa mga ganyan e," pag-amin ko. Pinapanood lang namin ang mga estudyanteng dumadaan sa harap namin.
"Sayang. Mag-eenjoy ka talaga kapag sumali ka sa mga clubs dito," sabi ni Lee. Himala yata at hindi niya ako pinilit saka nasabi na nila sa'kin 'yan e. Tamad lang talaga ako pagdating sa ganyang mga bagay. Minsan nga lang ako pumasok sa klase ano pa kaya pagdating sa mga activity. No thanks.
Tumayo ako saka naglakad, "mag-iikot ikot lang ako," paalam ko ng hindi man lang sila tinitingnan. Diretso lang ako sa paglalakad hanggang sa makarating ako sa mini forest. May pailan ilan pang estudyante ang nandito pero hindi ko na lang sila pinansin at naglakad ako patungo sa daan na papasok sa loob ng munting gubat ngunit bago pa ako makadiretso ay may humarang na sa'kin na lalaki. Hindi ko sya kilala at hindi rin sya pamilyar sa'kin. Ngayon ko lang sya nakita dito sa campus. Tiningnan ko sya ng what-look.
"Miss, kung plano mong pumasok sa kakahuyan na yan mas mabuting wag mo ng ituloy," pagpigil sa'kin ng lalaki. May pagbabanta sa tono ng kanyang pananalita. Parang ipinapahiwatig nya na hindi magandang idea ang pumasok ako sa loob ng munting gubat na nasa harap namin.
"Bakit?" Tanong ko, "meron ba dyang anaconda?" may halong pagbibiro sa tono ng boses ko.
"More terrifying than anaconda, miss," he answered. This time, mas naging seryoso pa ang boses at mukha nya, "if you still want to live longer don't even try to enter in that woods. Once you enter you can never go out alive again."
Natawa ako ng mahina, "then, let's have a deal," alok ko sa kanya. Nag half smile ako, saka ko bahagyang inilapit ang mukha ko sa kanya at bumulong, "once na pumasok ako dyan at nakalabas ako, ikaw ang papatayin ko," mas lalong lumaki ang ngisi ko. Pansin kong natigilan ang lalaki at napalunok pa ito ng laway. Ilang segundo ko pang tinitigan ang mukha nya na parang kinakabisado ko ang bawat parte niyon para kapag nagkita ulit kami agad ko syang makikilala. Hindi nakapagsalita ang lalaki sa harap ko at ramdam ko ang kaba na nararamdaman nya dahilan para mapatawa ako ng malakas. Hinampas ko ang braso nya habang patuloy pa rin sa pagtawa. Ang epic ng mukha nya. Natakot ba sya sa sinabi ko? Ang ayaw ko kasi sa lahat 'yong pinapakialaman at pinipigilan ako sa mga bagay na gusto kung gawin. Napansin ko ang ilang mga estudyante na napapatingin na sa direksyon namin.
Tumigil ako sa pagtawa at muling nagseryoso, "I'm just kidding," 'yon lang ang tangi kung sinabi bago nagsimulang maglakad papasok sa kakahuyan. Nasa tiyan pa lang ako ni Mommy puro kalaban na ang nasa paligid namin that's why I was born ready. Ang pinagkaiba lang nito i don't have any idea kung anong madadatnan ko sa loob ng kakahuyan na to. Matataas ang mga damo at masukal. Hindi nga ako magtataka kung meron ditong ahas. Itinali ko na rin ang mahaba kung buhok at dahil sumasangat pa ito sa mga damong nadadaanan ko. Sa kabila ng madamong daanan ay nagpatuloy lang ako sa paglalakad kahit na patigil tigil ako dahil kinakailangan ko pang hawiin ang mga matataas na damo para hindi matamaan ang mukha at mata ko. Sa muli kung paghawi sa damo ay doon ko nakita ang matataas at tuwid na puno, walang damo sa paligid ngunit maraming tuyong dahon na nalaglag mula sa puno ang nakita ko. I stepped out of the grass and feel the cold wind blowing on my skin. Dahan dahan at maingat ako sa paglalakad. Mahirap na dahil baka meron ditong trap. Akala ko ay isang maliit na kakahuyan lamang ang makikita ko. Hindi ko alam na may tinatago palang sariling amazon forest ang Sky International School. Sa gitna ng aking pagliliwaliw ay napahinto ako sa paglalakad at napunta ang aking atensyon sa lupa malapit sa kinaaapakan ng aking sapatos. Ilang sandali akong napatitig doon habang ini-examine kung tama ba ang nakikita ko. Nang mapagtanto kung tama nga ang aking hinala ay halos mawalan na ako ng hininga dahil sa pagpipigil habang maingat na iniaangat ang aking paa saka ako humakbang patalikod. Inilibot ko ang aking paningin sa paligid at naghanap ng mahabang kahoy. Ng makakita ako ay inihagis ko iyon sa unahan lang ng pinagpwestuhan ko kanina. Agad naman akong nakarinig ng parabg pinagsasalpukan na kahoy sa paligid bago ko nakita ang pagtaas ng lubid mula sa lupa na nakatago sa mga dahon. Napatingala ako at doon ko nakita ang lubid na nakabitin. Kung hindi ko napansin ang kapiraso ng lubid kanina ay malamang sa malamang ako na ngayon ang nabiktima ng patibong at pabaliktad na nakabitin sa puno habang nasa paa ko ang lubid.
Napatawa na lang ako at napailing iling. Hanggang ngayon ay ramdam ko pa din ang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa gulat na nagdulot sa'kin ng kaba. Hindi ko alam kung sinong nagset ng trap na iyon dahil parang gawa lang ng nabored na bata.
"Tsk. Tsk," iiling-iling akong muling naglakad hanggang sa muli na naman akong mapahinto ng marinig ko ang pag-alingawngaw ng tunog sa paligid. Alerto kung iginala ang aking mga mata sa paligid ko. Nagmadali na ako sa paglalakad. Muli ko na namang narinig ang pagputok ng baril kaya sinundan ko kung saan nanggagaling iyon hanggang sa makalabas ako ng kakahuyan at mapunta sa isang malawak na field. May nakita akong isang tao na nakatayo sa gitna ng field. May hawak siyang baril habang sa harap naman niya ilang metro ang layo ay isang standee. Puro butas na ang parte ng ulo nito. Iyon pala ang naririnig kung pagputok ng baril dito. Nagtago ako sa isang puno at napapangiting pinagmasdan si Lead na bumabaril. Walang mapanganib na anaconda dito dahil si Lead ang nandito at mas mapanganib pa sya kesa sa anaconda.
Pinanood ko lang si Lead. Hindi ko alam kung hindi ba sya nakakaramdam na may nakatitig sa kanya. Ako kasi alam na alam ko kapag may nakatitig sakin lalo na kapag kalaban. Ibinaba ni Lead ang baril na hawak nya at binunot ang dagger na nakatusok sa isang kahoy na lamesa sa kanyang harap. Ibinato nya iyon sa standee na nasa harap nya. Sinundan ko ng tingin ang dagger at tumama iyon sa chest part ng standee. Weak parts of human body ang tinatarget nya ah. Amazing!
Muling bumunot si Lead ng dagger. Ipinaikot ikot nya muna iyon sa kanyang daliri bago muling ibinato sa standee. Gusto kung pumalakpak dahil sapol lahat ng tira nya pero pinigilan ko dahil baka malaman nya na nandito ako. Siguradong may bagyo na namang magaganap sa pagitan namin. Tumigil si Lead sa ginagawa nya. Nakatingin lang sya sa kahoy na lamesa sa harap nya maharil ay iniisip kung ano ang sunod nyang gagamitin. Kahit nangangawit na ako kakatayo ay tiniis ko mapanood ko lang sya. Kalmadong kalmado ang itsura nya. So, ito pala ang sinasabi sakin nung lalaki kanina. Nagpupunta dito si Lead para mag-ensayo. Tahimik nga naman ang paligid at hindi abot ang ingay na nagmumula sa loob ng paaralan. Aayaw nyang ma-istorbo at kung sino man ang gagawa nun ay paniguradong tatarak ang matalim na dagger sa dibdib ng kung sino man ang maglalakas ng loob na guluhin sya---agad akong napatago ng mabilis sa likod ng puno na kanina'y pinagsasandalan ko ng biglang humarap sa direksyon ko si Lead at pakawalan ang pana. Rinig na rinig ng dalawa kung tenga ang pagbaon niyon sa punong pinagtataguan ko. Taas baba ang aking dibdib dahil sa mabibilis kung paghinga. Ramdam at rinig ko rin ang mabilis at malakas na pagtibok ng aking puso na halos umabot na sa aking lalamunan. Sandali akong na-estatwa sa aking pwesto dahil sa bilis ng pangyayare.
"Shit!" Natatawa kung mura dahil muntik na nya akong matamaan. Lumabas ako mula sa aking pinagtataguan na tumatawa pa rin. Ngayon ay nakatingin na si Lead sa akin. Isang matalim na titig.
"How did u know that I'm here?" Tanong ko. Nag crossed arms pa ako at bahagyang itinagilid ang aking ulo. Napapapikit pa ako dahil sa sikat ng araw na tumatama sa mata ko pero hindi ko na lang inintindi iyon.
"Who the fuck gave you the permission to go here?" Galit nyang tanong na imbes na sagutin ang tanong ko ay tinanong nya rin ako. Sabagay, magtataka pa ba ako kung pano nya nalaman na nandito ako? He's Lead.
Nag-kibit balikat ako, "me, myself and i," nagbibiro kung sagot sa kanya. Humakbang ako ng isa palapit sa kanya. Pinagmasdan ko ang mga patalim na nakapatong sa ibabaw ng kahoy na lamesa sa kanyang harapan, "u know," pinaglaruan ko ang dulo ng aking buhok, "if I want to do one thing, I will do it and no one can stop me."
Wala akong narinig na salita mula sa kanya. Humakbang ako para sana lumapit sa direksyon nya ng bigla nyang ibato sakin ang hawak nyang dagger. Mabilis akong tumakbo pabalik sa may puno, tumapak ako sa katawan ng puno upang maiangat ko ang aking katawan, lumipad ako sa ere saka umikot at buong lakas na sinipa ang dagger na palapit sakin pabalik sa direksyon ni Lead. Napaluhod ako sa lupa ng bumagsak ako. Itinuon ko ang palad ko sa lupa upang hindi ako tuluyang mapagulong. Pagtayo ko ay doon ko lang napansin na hawak na muli ni Lead ang dagger na sinipa ko sa direksyon nya. Nasalo nya. Pinagpagan ko ang dalawa kung palad saka napapailing na lumakad palapit sa direksyon nya. I guess that was his specialty? Catching dagger with his bare hands. Nice.
"What are you gonna do here?" Tanong ni Lead. Pinaglalaruan nya lang ang dagger sa kamay nya.
"I'm here to annoy you," I said in a singsong tone habang nakangiti ng nakakaloko. Pansin ko ang panliliit ng mga mata nya. Hindi ko inalis ang ngiti sa labi ko. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang mga daliri ko at habang ginagawa ko iyon ay kinuha ko ang micro blade na nakasingit sa tali ng aking buhok. Akmang ihahagis ko na iyon sa kanya ng maunahan nya ako. Muli nyang inihagis sakin ang hawak nyang dagger na agad ko namang naiwasan. Mabilis syang kumilos at inatake ako. Sa sobrang bilis ng mga galaw nya ay nalilito na ako kaya kahit anong pag-ilag ang gawin ko ay natamaan pa rin nya ako sa balikat dahilan ng pag-atras ko pero agad din akong napaayos ng muli na naman syang sumugod.
"Hindi ka ba naaawa sakin?" Natatawa kung tanong sa kabila ng paghingal habang iniiwasan at sinasalag ang mga atake nya. Hindi nya ako sinagot. Seryoso lang sya. Sa paraan ng pagbibitaw nya ng bawat suntok at sipa ay parang hindi pa ito ang tunay nyang lakas. Parang basic pa lang ang mga atake na ipinapakita nya sakin ngayon kumpara noong naglaban kami sa office dahil sa gulong ng Ducati nya na sinira ko pero hindi ako umamin kahit muntik na nya akong mapatay. I even used my powerful round house kick but it's no use, madali lang syang nakakayuko o kaya ay nakakaatras upang iwasan ang bawat sipa ko. I punch him but he caught my fist ng walang kahirap hirap. I pulled back my fist. I throw punches and kicks and all the kicks that my father taught me. Wala sa isip ko ang magpatalo lalo na at dalawang beses ko na syang natamaan sa sikmura at tuhod that made him stepped backward. I was about to throw a punch on him again when suddenly I feel a little bit of dizziness. Napaatras ako ng bahagya. I felt the liquid flowing from my nose.
Hinawakan ko ang ilong ko at agad na dumikit sa aking daliri ang sariwang dugo, "ugh shit!" Mura ko, "let's continue our sparring next time we met. Ciao!" Hawak ang dumudugong ilong ay agad akong tumalikod at tumakbo paalis sa field. Mabuti na lang at natandaan ko ang daan pabalik sa mini forest ng school. Nang makalabas ako ay agad akong tumingala at pinunasan ang ilong ko na walang tigil sa pagdugo. Walang katao tao dito sa mini forest pati ang lalaking nagbanta sakin na wag pumasok sa loob ng kakahuyan ay wala na din dito. Mukhang natakot sya sa sinabi ko kanina kaya hindi na nya ako nahintay na makalabas kahit wala pa namang isang oras. Wala na ding tao sa hallway at corridors dahil kanina pa nagsisimula ang klase. Nag diretso ako sa girl's comfort room saka doon nilinis ang dugo na kumalat na sa pisngi ko. Palabas na sana ako ng biglang pumasok ang tatlong babae. Agad kung nakilala ang isa doon. Kaklase ko sya. Sya 'yong model na pumapasok lang din kapag gusto ayon kay Lee at Nyx. Nagkatinginan kaming dalawa at kita ko ang pagngisi nya. Hindi ko na sya pinansin at nilampasan na lang sya hanggang sa makalabas ako.
Third Person's Point of View
A woman in her 50s, wearing suit, entered the transparent double door, "Still can't find her?" Her voice roared inside the monitoring room where numbers of computers were stored and a big screen where they monitor all the CCTV in Tokyo, under the Government of Japan. Her make up can't hide the bags below her both eyes. She barely sleep and you can see in her skin that she's getting thinner.
There are also numbers of employees working 24 hours. They are busy typing some codes. Fixing some problems on the system. In the middle of the monitoring room there is a separated cubicles where the four employees are working separately from others. When Hazzy entered the room, the four, stands up and slightly bow their heads as a sign of respect to the Head of AMS.
"We're working on it," A girl with a shoulder length hair answered. You can read her name pinned on her suit. She's Aimi Shan an ex-prosecutor and a hacker.
"We've been looking for her for 5 months now and yet still no progress,"Hazzy said, waring iniwan ng emosyon ang kanyang mukha at pati na rin ang kanyang mga mata. Blangko lang itong nakatingin sa malaking screen na nasa kanyang harapan. Wala namang pakialam ang isang lalaki at nanatili lang itong nakaupo habang nakatutok ang paningin sa computer na nasa kanyang harapan. Abala ang lalaki sa pagtitipa sa kanyang computer, na may pangalang Bri Tan ayon sa id na kanyang suot, Isa siyang hacker, lawyer at myembro ng Aenix Organization.
"Wait---" saad niya dahilan upang mapatingin sa kanya ang tatlong babae at si Hazzy. Hindi man lang siya lumingon sa mga ito dahil abala pa din siya sa kanyang ginagawa. Pagkatapos ng ilan pang pagpindot pindot sa keyboard ay saka lang siya lumingon sa mga kasama at ipinakita ang isang larawan ng babae. Nasa loob ng isang building ang babae at maraming tao sa paligid na may mga dalang bagahe at maleta.
"I contacted one of my friends working in NAIA and he helped me to have the full access of their CCTV," Bri explained, he adjusted his glasses before zooming in the picture on computer screen. Picture iyon ng isang babae na nakasuot ng denim jacket at black tinted shades. Kahit pa natatakpan ang kalahati ng mukha nito ay agad pa rin nila itong nakilala.
"It was captured on their CCTV at January 16, 2016 at 11:45 in the morning, the day we found out that Slay is missing," Bri added. He look at the four girls standing behind him one by one.
"It is not impossible that she's in the Philippines," a girl on ponytail said. She's wearing a white top and cream knee-length skirt. Base on her id, her name's Eli Reu.
"Locate all the possible places where she would go. I want you to do it overnight," Hazzy ordered the four before leaving the monitoring room.
Slaine's POV
Tahimik lang akong kumakain ng fries sa cafeteria habang nagbabrowse sa social media. Mag-isa ako ngayon dahil wala sina Lee at Nyx obviously, meron silang practice ng sayaw sa gym ngayon. Nag-uumpisa na sila dahil next week ay intramurals na. I'm not excited though.
"Hahaha," tawa ko. Nakakita kasi ako ng memes. Masyadong mababaw ang kaligayahan ko kaya kahit alam kung pinagtitinginan na ako ng ibang estudyante dito sa cafeteria ay wala lang akong pakealam. Akmang kukuha na ako ng fries pero napatigil ako ng may mabangga ang kamay ko. Napapikit ako at unti-unting tiningnan ang lalaking ngayon ay nakangiti na parang unggoy sa harap ko. Nakahaya ang kamay nya sa box ng fries sa harap ko. Tumingin ako sa kamay nya na ngayon ay may hawak ng fries saka ko sya tiningnan sa mukha na may nanliliit na mata. Hinampas ko ang kamay nya kaya nabitawan nya ang hawak na fries.
Sumimangot si Coser at umayos ng upo, "isa lang e,"nagmamaktol na sabi n'ya, "San ka ba pinaglihi at ang damot mo?"
"Wala kang pake," pabalang na sagot ko sa kanya saka pinatay ang cellphone ko. Ang ganda ganda ng atmosphere kanina e. Dumating lang sya nawalan na ako ng gana, "patay gutom ka ba? Tss" tiningnan ko sya na parang umay na umay na ako sa pagmumukha nya.
"Sama ng ugali mo," pag mu-murmur nya.
"I know. You look exactly like my attitude," ipinagcrossed ko ang aking legs at nagpatuloy sa pagkain pero agad din akong humarap sa kanya, "bat ka ba nandito? naiinis ako sa pagmumukha mo," reklamo ko. Sumubo ako ng fries.
"Wala kang pake," panggagaya nya sa sinabi ko kanina. Hindi na ako nagsalita at tahimik na lang akong kumain ng fries ko. Napansin ko naman na nakatingin lang sya sakin habang kumakain kaya nag-angat ako ng ulo at tiningnan sya ng what-look.
Umiling sya,"gusto mo ng kape?" Tanong nya.
Napangiti naman ako at agad na tumango, "sure, libre mo?" Halos kuminang kinang ang mga mata ko ng itanong ko iyon. Biglang natuyo ang aking lalamunan at naimagine na humihigop ako ng mainit at malinamnam na kape. Bigla tuloy akong natakam sa kape.
"Bumili ka," sabi n'ya. Agad namang naglaho ang ngiti sa mukha ko. Tiningnan ko sya ng seryoso pero nag-iwas lang sya ng tingin na parang nag-aasar. Dinampot ko ang box ng fries saka tumayo na. Balak ko sanang bumili ng kape kaso naalala kung naubos na pala ang pera ko.
Humakbang ako patalikod, iniabot ko sa kanya ang box ng fries, "gusto mo?" Tanong ko sa kanya.
Tumingala sya para tingnan ako, "tapos sasabihin mo, bumili ka," saad nya, umirap pa si Coser saka nangalumbaba.
Mas inilapit ko pa sa kanya ang box ng fries, "hindi, sayo na to, busog na ako," sabi ko.
Agad naman syang napangiti at dinampot ang box sa kamay ko, "wala ng bawian ah," sumubo sya ng sumubo na akala mo maghapon syang hindi nakakain. Patay gutom talaga.
"Oo, basta libre mo akong kape," saad ko.
Napatigil si Coser sa pagkain saka tumingin sakin na parang disappointed sya, "akala ko ba busog ka na?" Tanong nya.
Nginitian ko sya ng pagkalaki, "nauuhaw ako," inilagay ko ang dalawa kung kamay sa likod ko saka nagpretty eyes.
"Tubig na lang inumin mo," saad ni Coser, "Meron dun oh," itinuro nya ang direksyon papunta sa kusina ng cafeteria saka nagpatuloy sa pagkain. Itinaktak pa nya 'yong box sa bibig nya para masaid yong tira tira. Napapataas na lang ang labi ko habang nakatingin sa kanya. Daig pa ang gilingan ng bunganga nya. Hindi ba to pinapakain sa kanila. Psh.
Hinampas ko sya sa likod pero hindi naman ganun kalakas, "kape ang gusto ko e, marunong ka pa," yaman na yaman nya di nya ako malibre ng kape e naubos na nga nya pagkain ko. Saka isa pa, nangako sya sakin dun sa mall na kapag nagkita ulit kami babawi sya sakin. Nung pinapabalik nya ako dito sa University sabi n'ya ililibre nya ako ng kape pero hindi nya ginawa. Akala ba nya nakalimutan ko na 'yong mga 'yon? Mga lalaki nga naman. Simpleng pangako lang di pa matupad e tapos ako naman itong si uto-uto palaging nagpapapaniwala sa mga pangako nila. Hays.
Pagkalabas namin sa LJS café ay agad akong humigop sa kape ko. Nasa tabi ko naman si Coser at humihigop din sa kape nya. Hindi naman pala sya kuripot e. Hapon na kaya hindi na magkandamayaw ang mga tao. Kanya kanyang para ng sasakyan para makauwi na sila at makapagpahinga. Mahahalata mo sa itsura nila ang pagod dahil sa trabaho pero may kasiyahan sa kanilang mukha dahil sa paglipas ng buong maghapon na ginugol nila sa trabaho o paaralan ay muli na silang makakauwi at makakasama ang kanilang pamilya na naghihintay sa kanilang tahanan. I envy those people. I miss my parents. Hindi ko alam kung bakit napunta ako sa ganitong sitwasyon. They said that every thing happened for a reason and I have a purpose why destiny bring me in this kind of situation but I haven't found the reason and my purpose yet.
Coser faked a cough, I looked at him but he's not looking at me, he's just watching those people walking back and forth in front of us, "are you okay?" He asked. Napansin nya siguro ang bigla kung pananahimik.
Muli akong humigop sa kape ko, "I'm okay," I answered shortly.
Humigop din sya sa kape nya. Pumunta sya sa harapan ko, "do you want to watch the sunset?" Nakangiti nyang tanong.
Sunset. Matagal tagal na din pala simula ng makasaksi ako ng sunset, "I think that's a pretty good idea," I smiled. Naglakad ako pasunod sa kanya. Binuksan ko ang pinto ng kotse nya at sumakay sa passenger seat. Malapit na ngang lumubog ang araw. Tahimik lang ako dahil wala naman akong sasabihin. Nagbukas naman ng radyo si Coser at saktong kantahan kaya sumasabay sya sa kanta. Maganda naman ang boses nya kaya hinayaan ko na lang.
Huminto ang kotse sa tapat ng isang abandonadong park. Malapit ito sa dagat kaya kitang kita ang paglubog ng araw. Naupo ako sa tapat ng isang puno, naiwan naman si Coser sa kotse nya. Hindi ko alam kung anong ginagawa nya. Ipinatong ko ang braso ko sa tuhod ko at tumingin sa araw na ngayon ay unti-unti ng lumulubog. Napakaganda ng paligid. Pinaghalong dark orange, pink, yellow at black ang kalangitan. Tahimik ang paligid at mararamdaman ang lamig ng hangin lalo pa at nakatapat kami ngayon sa dagat.
Napataas naman ako ng tingin ng biglang malaglag sa tabi ko ang isang pack ng junk food hanggang sa magsunod sunod na iyong mahulog sa tabi ko. May mga chocolates ding kasama, "ano yan?" Tanong ko kay Coser.
Iniabot nya sakin ang isang bottle ng water kinuha ko naman iyon saka sya naupo sa tabi ko, "chocolates?"
"Alam ko kung ano yang mga yan what I mean is bakit ang dami saka wala ka namang dala nyan kanina ah," saad ko. Humigop ako sa kape ko na ngayon ay malamig na.
Nagkibit balikat si Coser, "nasa kotse ko na yang mga yan," sagot nya lang. Narinig kung nagbukas sya ng isang chichirya, "this is my hiding place, whenever I have a problem or I just want to be alone, dito lang ako nagpupunta," kwento nya.
Saglit akong tumingin sa kanya, nakatingin lang sya sa araw na papalubog sa harap namin. Medyo namumula ang mukha nya dahil na rin sa kulay ng araw, "dito mo Rin ba dinadala ang mga babae mo?" Mahina kung tanong. Natawa ako dahil sa sinabi ko. Para ko kasing nagseselos dun sa tanong ko. Hindi ko rin naman alam kung bakit 'yon lumabas sa bibig ko.
Natawa din naman sya saka umiling, "no," sagot nya, "my girls don't like this kind of place, I usually bring them to fancy restaurants, 5-stars hotels," kwento nya.
Hindi ko inalis ang pagkakatingin ko sa makulay na kalangitan, humigop ako ng kape bago muling nagsalita, "naks!" swerte naman ng mga babae nito. Natawa ako, "so why did you bring me here?" Tanong ko.
Inabot nya sakin ang isang piattos na bukas na, kumuha naman ako doon at kinain, "I don't know?" Patanong na sagot nya.
"It's your hiding place, you said it a while ago," Sabi ko, " You shouldn't bring me here because you'll never see this place the same way you see this place when you haven't bringing me here yet," itinaas ko ang dalawa kung kamay saka nag-inat ng katawan. Itinuwid ko na ang mga binti ko sa lupa saka sumandal sa punong nasa likod namin. Madilim na sa paligid dahil nakalubog na ang araw pero mababakas pa rin sa kalangitan ang magandang kulay na iniwan nito.
Tumayo si Coser at binuksan ang ilaw ng kotse nya saka muling bumalik sa tabi ko, iyon ang nagsilbing ilaw naming dalawa, "that's deep," komento nya.
Natawa ako, "not really," kibit balikat kung sagot.
Sandali kaming nanahimik, ang tanging maririnig lang ay ang hampas ng alon sa batuhan saka ang balat ng piattos na umiingay sa tuwing kukuha si Coser at kakainin nya. Maririnig na din ang ibat ibang huni ng mga kuliglig sa paligid. Nararamdaman ko na din ang lamig ng gabi.
"Where are your parents?" Pambabasag ni Coser sa katahimikan.
Sandali naman akong napatigil dahil sa tanong nya, "i don't know. Heaven or hell?"  Natawa ako sa sinabi ko. Ramdam ko ang titig ni Coser sakin ng sabihin ko iyon, "just kidding, but yeah they're gone. They left me when I was a kid after promising that they won't do that," pagkukwento ko. Saglit akong lumingon kay Coser saka sya nginitian, hindi naman sya gumanti ng ngiti bagkus ay nakatingin lang sya sakin. Parang tinitingnan nya kung okay lang ba ako o hindi.
"I'm...sorry to hear that," saad ni Coser. Napailing iling sya saka yumuko.
"It's okay though it hurts like hell," pag-amin ko. Agad akong lumagok sa kape kung hanggang ngayon ay hindi pa rin ubos ng maramdaman ko ang panghahapdi ng lalamunan ko. Hindi nagsasalita si Coser. Nakikinig lang sya sa mga sinabi ko.
"It must be hard for you," komento ni Coser. Bahagya ko na lang marinig ang boses nya.
"Yeah," natawa ako, "it's been 10 years but it feels like yesterday, i didn't know that I would be experiencing this kind of pain at this age," pagkukwento ko. Tumayo na ako at nagpagpag ng suot kong pants. Nagpunta ako sa may dagat at lumanghap ng sariwang hangin. Itinaas ko ang aking dalawang kamay at pumikit.
Dahan dahan kung ibinaba ang aking dalawang kamay at saka sumigaw ng pagkalakas lakas, "AHHHH!"
I feel relieved, somehow. Parang walang problemang dinadala. Napawi sandali 'yong lungkot ko. I feel like I'm a different person right now. Hindi ko akalaing kakailanganin ko ng ganito kahit isang beses lang sa buhay ko. I didn't know that I would be needing someone who'll listen to me just once. Ngayon lang ako napanatag ng ganito. I feel free and safe. With Coser. I feel like, he understands me. He understands my soul.

Komentar Buku (11)

  • avatar
    Ashley Belle

    hi there are you?

    21/08/2022

      0
  • avatar
    Shaina Bunye

    this great

    27/02/2022

      1
  • avatar
    Joselou Bustamante

    wenselgwaponpero bayot

    17/02/2022

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru