logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

005

"I just used you, that's it" Inis kong sambit saka muling tumingin bandang likuran niya. Thanks Neptune. Akala ko masisira na naman ang lahat ng plano ko. Kakabog-kabog ang dibdib kong nagpatuloy ng lakad. Fuck!
Bakit kumakabog nang dibdib ko! Kaba lang ito at pagkabigla na rin kanina siguro, baka, sa paghatak ko sa kaniya. Shit! Kung hindi ko lang kailangan gawin siyang pantakip sa akin ay hindi ko siya hahawakan. Never!
Nakasunod pa rin siya sa akin. Hindi na siya ulit nagsalita o nag-share ng mga kuwento niya pagkatapos ng nangyari kanina, pero kumakanta naman siya. Nakakaloko lang dahil ang paborito ko pang kanta ang inaawit niya, 21 Guns ng Green Day.
"And you feel yourself suffocating..." Awit nito "Does the pain weigh out of the pride... and you look for a place to hide... Did someone break your heart inside, you're in ruins..."
"Puwede ka ng umalis. Kaya ko'ng mag-isa" Diretsa ko rito dahil para siyang walang pakiramdam. Hindi ko na nga siya kinakausap at pinapansin ay nandito pa rin siya sa tabi ko
"One twenty one guns, lay down your arms... give up the fight..." Pagpapatuloy lang nito na parang hindi ako narinig
"Sabi ko puwede ka ng umalis, dahil kaya ko ang sarili ko. Hindi naman kita kailangan" Pag-uulit ko at pagdiin dito. Pero parang wala pa rin siyang narinig
"One, twenty one guns... throw up your arms into fhe sky... You and I..."
"Are you deaf? Crazy? Stupid? Or just a huge trash na pinadala ng mundo para guluhin ako? O sirain ang araw ko?" Angil ko kaya naman nilingon niya ako at tinitigan lang "WHAT?!" Inis kong sigaw. Pero nginitian lang niya ako
"Okay ka lang ba?" Tanong nito na tila nagpatiklop sa akin. Put— "Kung hindi ka okay, tawagan mo lang ako ha? Nandyan sa loob ng bag mo ang calling card ko" W-what?!
"Nilaglag ko dyan kanina habang busy ka sa paghawak sa akin at pagtingin sa likuran ko. Kaya naman, I took the oppurtunity na mailagay 'yan dyan" Paliwanag nito na ikinais ko kaya naman agad kong hinampas sa braso niya ang bag ko. Bahagya ito napahawak doon at napakagat sa labi niya. Nasaktan siya? Mas masaya. Pero bakit siya nasaktan? 'Di naman ganoon kabigat ang bag ko ah? "Sabing tigilan mo na ako! Ano pa bang gusto mo ha?!" Sigaw ko rito "Why can't you just vanish in my eyes?! Bakit ba napakakulit mo?!" I cursed at the top of my lungs at para akong nakahinga ng maluwag. No, para akong nahimasmasan ng makita siyang hindi man lang nagalit o kahit anong magpapakita na natatakot siya sa akin. Bagkus, nakangiti lang ito gaya ng kung paano siya palagi kapag nagagalit ako. Pakiramdam ko kasi isang taon na niya ako ginugulo kahit kakakita ko pa lang sa kaniya kahapon.
Inangat niya ang kamay niya at ipinatong sa ulo ko. Gaya ng ginawa niya kahapon, ginulo lang niya ang buhok ko saka inalis din. At muling nagsalita.
"Kapag nagkita kayo ng girlfriend ko? Sigurado akong magkakasundo kayo. Parehas kasi kayong masungit" Aniya saka ngumiti at kinuha ang cellphone niya na tumunog. Sigurado akong girlfriend niya iyon.
Hindi ko na siya hinintay pa at lalakad na sana ako paalis. Pero mabilis niya akong hinawakan sa kamay dahilan para matigilan ako. Fuck. Hindi ako puwedeng malilo. Agad kong binawi ang kamay ko sa kaniya.
"Kung kailangan mo ng bagong trabaho, puwede kitang i-refer sa kakilala ko. Convenience store din iyo—" I cut his words. Humarap ako sa kaniya at ngumiti.
Oo, ngumiti ako. Hindi sarkastiko, kun'di puno ng pakikiusap.
"You don't know me. So please? Leave me alone, leave me with my used life. I don't need you, not anyone else. Please?... I'm begging you..." Pakikiusap ko saka tumalikod na.
Hindi ko na narinig ang mga yapak niya kaya naman natawa na lang ako. Buti naman, wala ng manggugulo sa akin. Wala ng makakasira ng mga plano ko.
Pabagsak kong inihiga ang sarili ko sa kama at napabuntong ng malalim na paghinga. Gumugulo sa isip ko ang mga nangyari kanina habang kasama ko ang basurang 'yon. Sana lang talaga ay tinigilan na niya ako, dahil iyon ang unang beses na nagmakaawa ako sa iba para lang lubayan ako. Hindi uso sa akin ang pagmamakaawa, mas gusto ko pa ang saktan sila para layuan ako kay magmakaawa. Ginawa ko lang 'yon kanina, dahil sobra na akong nakukulitan sa kaniya, pero aaminin ko, hindi ako nakakaramdam ng sobrang satisfaction sa ginawa ko. Siguro dapat sinaktan ko na lang siya ulit, para hindi ako nakakaramdam ng ganito ngayon, parang hindi ako masaya. Bukod doon, maraming paano ang sumisilip sa isip ko. At ayoko na silang isipin. Ang dapat pinagtutuunan ko ngayon ng pansin ang mga taong nakita ko kanina. Hindi iyon maaari. Siguro kailangan ko ng umalis sa lugar na 'to, mas malayo rito o sa lugar na puwede nila akong mahanap. Pero saan? Paano sila Siri? Ayoko silang iwanan lang dito, at mas lalong ayoko na paghiwa-hiwalayin sila at ipaampon lang sa iba. Alam ko naman na hindi nila aalagaan, sasaktan lang nila, kasi ganun naman sila. Mas masahol pa sila sa hayop.
Pero, kailangan kong kumilos, at umalis sa lugar na 'to. Siguro, maghahanap na ako ng bagong titirahan namin. Tutal, kahit papaano naman ay may naipon ako sa mga dati kong pinapasukan, bukod doon maghahanap naman agad ako bukas ng bagong mapapasukan. Sana nga ay makahanap ako agad.
Aaminin ko, nang makita ko sila ay muli akong nakaramdam ng kakaibang takot sa katawan ko. Pero malakas na ako ngayon, kaya walang dahilan pa para katakutan ko sila, o kahit siya pa. Alam kong siya ang nagpapahanap sa akin, lalo at alam kong gusto niya akong gantihan. Puwede naman kami magharap ulit, pagbibigyan ko siya. Pero, hindi ngayon. Ngayong alam ko na malapit na ako sa dapat tinapos ko na noon pa. Nakakatawa nga, pakiramdam ko inaayunan na ako ng panahon. Kailangan ko lang ng magandang tyempo, 'yun lang.
Napabangon ako sa kinahihigaan ko at kinuha ang box na nasa ilalim ng kama ko. Nanginginig ang kamay kong binuksan ito. Pagkakita ko pa lang sa larawan niya ay agad nang dumaloy ang buong galit sa katawan ko. Ayokong maniwala na nagagawang hilumin ng panahon o haba ng oras ang mga sugat ng kahapon. Sapagkat, sa mga oras na 'to, wala akong ibang nararamdaman kun'di ang galit na mas lalong namumuo sa loob ko. Hindi na ako makapaghintay na matapos ko na ang misyon ko. Hinding-hindi ko makakalimutan ang hitsura niya, at ang mga sandaling kinuha niya ang karapatan kong mabuhay pa sa mundong 'to. Kinuha niya ang lahat-lahat sa akin. Siya ang may kasalanan ng lahat. Siya ang dahilan kung bakit ganito kamiserable ang buhay ko. Siya at siya lang ang dapat makatikim ng galit ko!
Napalingon ako sa pintuan ng biglang tumahol si Canop dito.
Mabilis kong iniligpit ang kahon at ibinalik sa ilalim ng kama. Agad kong isinuot ang jacket ko at isinukbit sa ulo ko ang hood nito. Hindi maaari. Hindi puwedeng ngayon. Sunod-sunod nang nagtahulan ang mga alaga ko, kaya wala akong ibang choice kun'di silipin lang kung sino ang tao sa labas ng gate. Ngayong alam ko na malapit lang sila sa akin, mas kailangan kong mag-ingat lalo. Peste kasi, paano ba nila ako natunton dito. Napakalayo naman ng lugar na 'to sa kinaroroonan niya ha? Pati ng mga kapwa niya basura, este demonyo.
"Puta..." Napailing na lang ako habang nakatingin sa kaniya
Really?Anong ginagawa niya rito? Talaga bang walang pakiramdam ang basura na 'to?
"Hi, Miss Stormy! Alam kong nakatingin ka sa akin!" Sigaw nito habang nakatayo sa labas ng gate, at nakakapit pa. Napaatras naman ito nang buksan ko ang pinto at tumakbo agad palapit sa kaniya ang apat kong maningning na mga bituin "Woah! Easy guys!" Sabi niya habang nakataas pa sa dibdib niya ang dalawa niyang kamay
"Relax, I'm not a thief, or a killer? or whatever who has a bloody intention. 'Di ko kayo papatayin" Sambit nito
"Arf! arf! arf!" Tahol nilang apat
Bwiset. Ano ba kasing ginagawa niya rito?
"Alright Siri, Canop, Riken... relax Arc" Pagpapakalma ko sa mga ito dahil baka makaistorbo pa sila sa mga katabi naming nagpapahinga na sa kabilang buhay, este natutulog na "Chill babies" At hinimas sila sa noo
"Arf! arf! arf!" Patuloy na tahol ni Arc habang nagagalit pa
"Woah, ang liit mo pero ang tapang mo. Sabagay mana-mana" Saka ito tumingin sa akin nang nakangisi. Tinaasan ko lang siya ng kilay, at gaya ng inaasahan ko ngingitian lang niya ako.
Tumayo na ako para buhatin si Arc at ipasok siya sa loob ng bahay. Pinasunod ko na rin sina Siri pero naiwan ito sa labas kung kaya napilitan akong buhatin na ito.
"Hey Miss Stormy! I got something for you! Let's have a dinner!"
Dinner? Tama ba ang narinig ko? Baliw ba siya? Malungkot ba ang buhay niya para ako ang ayain ng dinner? O magkaaway sila ng girlfriend niya kaya ako ang niyayaya niya? Whatever it is, wala akong balak sagutin siya. Isinara ko na ang pinto at muling nahiga. Pero hindi naman ako makatulog dahil panay ang tahol nila Canop, at ganun din ang sigaw ng basurang nasa labas ng tinutuluyan ko. Napilitan na akong sumilip ng bintana at magsayang ng ilang segundo para lang tingnan kung ano ang ginagawa niya.
Fuck. Wala na ba talaga siyang magawa sa buhay niya? Why the fuck he' standing behind the gate?
"What the fuck do you want from me?" Diretsa ko kaya napalingon ito agad
"Like what I guess, lalabasin mo ako." Aniya habang nakangiti pa. Sucks.
"I'm not into something fun here for you. Let's get to the point. What the fuck do you want from me huh?" I stated habang diretsong nakatayo sa tapat niya, sa loob ng gate. Tiningnan nito ang dala niyang dalawang paper bag saka ngumiti
"I just wanna have d-dinner with you. Isn't it fine?"
Stupid.
"Obviously, the worst stupid idea you had today, or for the rest of your trashy life." Inis kong sambit "What do you think we are, huh? A friend? A bestfriend?!" I exclaimed. Napipikon na talaga ako sa kaniya
"As far as I remember you said earlier, that you have a girlfriend. Then why don't you ride yourself to her and have that dinner you want, instead of making my days, nights or even life worse than ever!" Sigaw ko ulit. Paano ba naman?! nginingitian lang niya ako!
Urgh! He is fucking worst!
"Yes, I have a girlfriend. But we had an argument, kani-kanina lang." Walang pag-aalinlangan niyang sambit "Alright, let's settle this tonight. We'll eat tonight's dinner together, and then I'll go home and vanish for ton—"
"I said I don't care about your romantic bullshits life! Just go!" Sigaw ko. Parang masisira na ang lalamunan ko sa bwiset na lalaking 'to!
"Okay, can you just calm down? Sige ka, magigising ang mga katabing bahay mo. I guess you won't let that happen, right?" Paninigurado nito
Urgh! Fuck! Fuck this night! Fuck him!
"Fine!" As I agreed. Fuck I agreed! Pero para lang matahimik ako at ang kaluluwa ng lalaking 'to!
Mabilis na sumilay ang ngiti sa labi niya. Padabog kong binuksan ang gate at padabog ko rin iyon sinara.
"Woah, chill. Baka masira mo 'y—"
"Wala kang paki" Pagtataray ko, dahil nabubwiset na talaga ako. "Sabi ko nga. Kawawa nam—"
"Papasok ka ba o hindi? O gusto mong dyan ka sa sahig kumain ng dinner mo?" Kumamot ito sa ulo niya saka ngumiti
"Sabi ko ng— woah!" Sigaw niya nang bigla siyang sugurin nila Siri, Canop, Riken at Arc. "Woah, chill babies. I'm not gonna hurt you, nor your Mami okay?"
Babies? Mami? Where the hell he get that? Oh, nevermind. Natawa naman ako ng makitang nakasuksok na ang katawan nito sa pader malapit sa pinto dahil nga panay ang tahol sa kaniya nila Siri.
"H-hindi mo ba ako tutulungan?" Aniya na bahagyang nakangiti at natatakot kasi nga nilalapitan talaga siya ng mga aso ko
"Why would I help you? Matapang ka 'di ba? Lakas nga ng loob mo pumunta rito at mangyaya ng dinner. Tapos ngayon tinatahulan ka lang nila, manghihingi ka ng tulong?" I chuckled. Fuck, why did I chuckled?! "Babies come to mami. That's enough." Seryosong sabi ko. Bakit kasi ako tumawa kanina?!
Lumapit ako sa mga ito at pinakalma sila gamit ang paghipo sa noo nila at pagyakap din.
"Calm down babies. He's not a bad man, he's a friend of mine." I said "He’s not going to hurt me nor any of you, okay? We'll just having a dinner." I added saka hinimas ulit ang noo nila kaya naman kumalma na sila ng tuluyan "Come here Arc" Tawag ko rito na inaamoy nga siya
"I know he smells like a trash, a pungent odor" Ani ko saka binuhat si Arc
"No baby Arc, she's just lying to you" Sambit niya habang nakaharap kay Arc na nasa dibdib ko
"Excuse me?" Pagtataray ko kaya ngumiti siya. He has no right to call any of my baby as “baby”.
"Nothing. Kain na tayo?" Pagiiba nito ng usapan. Inirapan ko siya bago kami tuluyang pumasok ng bahay.
Sakto lang naman ang laki nitong tinutuluyan ko. May parte lang ng maliit na kusina, higaan ko, at isang pinto para sa c.r. Ganoon din ang mga kalapit-bahay ko. Marami kami sa lugar na 'to, lalo at marami kaming pinapaaral ng kompanyang nag-offer ng scholarship. May sariling tuluyan, at may gate rin. Bawal nga dapat ang hayop, pero nakiusap ako sa caretaker, kahit sa labas na lang sila. Buti nga at pinabigyan ako.
Wala akong upuan dito kaya naman sa sahig na lang ako kumakain palagi. Hindi na ako nag-aksaya ng pera para bumili ng mga gamit, isang taon lang naman ako rito, o wala pa ngang isang taon. Kailan lang naman ako napunta doon, last month. At kinailangan lang din.
"Ang cute pala ng loob nito. Sakto lang para sa dalawang tao" Daldal nito habang paikot-ikot ang tingin "Matagal ka na ba rito?"
"Hindi kita pinapasok para interviewhin ako tungkol sa lugar na 'to." Tumingin ako sa orasan ko. Really? 11:30 at nagdi-dinner pa lang siya? That's impossible. Sa hitsura niya, mukhang yari siya sa isang systematic na pamilya "Until 11:40, you only have 10 minutes to finish your dinner" Sambit ko habang naka-krus ang kamay kong nakatingin lang sa kaniya, as usual, tinatawanan lang niya ako. Fudge.
"Ain't wondered why you're strict" He whispered as if I didn't hear "Here, this one is for you, and this one is for me"
"Meow..."
Sabay kaming napalingon kay Proc na dumikit sa kaniyang hita. Naka-indian sit kasi siya at ganoon din ako. Naka-pajama naman ako at jacket kaya ayos lang.
"Oh, hi there baby..." Bulong niya saka hinimas ang noo nito at pinisil ang pisngi nito "You want to eat?"
"Meow..."
"Oh yes, I can share my food to you. Here, I got ya" Saka kumuha ng balat ng friend chicken at ibinigay kay Proc, pero sa gilid naman. Ilang saglit pa, lumapit na rin sina Rigel, Bete, at Achen. Gaya ng kay Proc, binigyan niya rin ang mga ito. "You want too babies? Of course, I got y'all" At hiniwaan niya ito ng tig-iisang maliit na parte ng ulam niya, hanggang maliit na lang ang naiwan sa kaniya
"You don't have to feed them, I'm feeding them good. Stop giving them foods, stop lying to them" Diretsa ko na alam kong ikinataka niya
"What? What do you mean? I'm not lying? I mean, why would I lie to them? Look, they're pretty adorable and much better to live with" Saka niya hinimas ang ito sa noo isa-isa. Lumapit naman sa kaniya si Procyon at tumabi sa kaniya ang iba pa. Tiningnan ako nito at ngumisi "See? they're sensing my good intention to them, and for you too"
Urgh! Inaagaw niya ang atensyon sa akin ng mga babies ko!
"Swswswsw... come to mami" I called them, pero naiwan si Proc na nasa gitna na ng mga hita niya "Hey Proc, swswsws, come here" Gumalaw lang ang buntot nito at bumalik sa pagpikit. I can't believe you, baby Proc.
"I guess it's about the presence" Pagpaparinig nito
"Shut up" I hissed kaya ngumiti na lang siya "Bilisan mo na kumain, you only have 3 minutes" Ani ko at tahimik lang siya na kumain. Napansin niya siguro na hindi ko ginagalaw ang pagkain sa harap ko kaya muli itong nagsalita
"Bakit hindi ka kumakain? Hindi ka ba mahilig sa fried chicken?"
Tanong nito saka uminom
"Bilisan mo na lang kaysa panay ang salita mo" Pagsusungit ko "Okay, so gusto mo lang akong panoorin kumain?"
"Excuse me? Saan mo naman nakuha ang basurang ideya na 'yan?"
Angil ko
"E kasi, kanina mo pa ako tinitingnan. 'Di ko alam kung mahihiya ako o matatakot" Saka siya tumawa. Walang nakakatawa gago.
"Kahit ano sa dalawa, tutal 'yun naman ang intensyon ko, ang makaramdam ka ng hiya at takot" Pagdidiin ko habang nakatingin lang ng seryoso sa kaniya. Bakit ba panay ang ngiti niya?! "Ayon sa hitsura mo, hindi ka naman mukhang baliw, pero panay ang ngisi mo kahit walang nakakatawa. So, kung hindi ka baliw, adik ka?"
"Pffft! Grabe ka sa akin 'no? Ngumingiti lang baliw agad? Ikaw nga kanina pa nakatitig hindi ko naman inisip na baka gusto mo 'ko" Saka siya bahagyang yumuko at patagong tumawa
"Wala akong panahon para makipaglokohan sa'yo. Alam ba ng girlfriend mo, na maharot ka? Na lagi mo 'kong sinusundan? At ngayon nandito ka para mag-dinner? With me?! Hell, kawawa naman siya sa nobyo niya, pfft" Sarkastikong sambit ko
"I don't think so. Baka nga masaya pa siya ngayon" Aniya saka sumubo ng pagkain niya
Crazy. Sinong babae ang magiging masaya kapag nalaman niyang ang boyfriend niya ay may sinusundang ibang babae, at talagang ginusto pa nitong kasama mag-dinner?
"Are you numb?" I asked seriously
"N-no?" Hesitantly
"I was wrong, alam ko namang magsisinungaling ka, hindi na dapat ako nagsayang ng segundo para magtanong." Nanliit ang mga mata ko sa pagtingin sa kaniya "I pity her, you're cheating on her trash. Sabagay, basura ka nga 'di ba?" sambit ko para insultuhin siya. Pero wala, tinawanan lang ako.
"Trash..." He nodded. Seryoso na ang mukha nito saka uminom ng tubig at ngumiti sa akin "Hindi pa nga pala ako pormal na nakakapagpakilala sa'yo, alright" Pinunasan nito ang kamay ng panyo na galing pa sa bulsa niya at inispreyan ng alcohol. Saka inilahad sa harapan ko.
"I'm Ariz. 21 year old a 4th year college student, taking BSBAFinancial Management. Mahilig ako magbasa ng libro, non-fiction genre to be specific. May aso ako, ang pangalan niya si Hydro. Iyon ang pinangalan ko sa kaniya, dahil nga paborito ko ang Neptune planet. Ito kasi ang may pinakamaatas na porsyento ng element sa Neptune, isang giant icy planet. Gusto kong makarating sa mundong 'yun, pero lifeless doon. Kaya siguro, kapag naging kaluluwa na ako, saka ako pupunta roon" Sambit nito habang bakas ang ngiti sa labi "Gusto ko sana sa langit o 'di kaya impyerno, pero mas gusto kong sa Neptune mapunta ang kaluluwa ko. Naniniwala akong kapag kaluluwa na ako, puwede na akong makarating doon. Hindi ko na rin naman mararamdaman ang init dito kung sakali, kasi nga kaluluwa na ako. Sometimes I wish I could be a voyager 2. So, I can see it in its closest way I could do." Dagdag niya. Tinapunan ko lang ng tingin ang kamay niyang nakalahad pero hindi ko iyon kinuha
"Bakit Neptune pa ang gusto mo? According to my observation, mas bagay ka sa Earth. Basura ka nga 'di ba?" Diretsa ko kaya napalunok siya at binawi ang kamay niya
"I prefer unidentified species and Neptune has it. Also, it's bounded of darkness, since it is way too distant from the sun, billion km. Para sa akin, the more lightless, the more it becomes interesting." Aniya saka uminom ng tubig
"And so? Marami namang planeta na malayo sa Sun ha? and excuse me? Maraming unidentified species outside of this Earth, e kahit nga dito sa basurang mundong 'to, may incognito things. Saka,
Pluto? mas malayo sa sun, ayaw mo?" Inis kong tanong dito.
Consistent ata 'tong pagkainis ko.
"I just prefer neptune. Actually, I want to travel around the solar system, pupuntahan ko talaga lahat ng planets. But I could only do that when I'm a ghost." Aniya.
"Hindi ka welcome sa Neptune" Pagtataray ko ss kaniya "Ako lang, at ang mga kauri kong, UNIDENTIFIED SPECIE" Pagdidiin ko saka tumayo
"Unidentified specie? You?" Tanong nito pero hindi ko siya pinansin
"You can get outside" Pagpapaalala ko sa kaniya, baka kasi nakakalimutan na niyang kumain lang siya rito.
"Wait hind—"
Uupo na sana siya pero agad kong hinawakan ang damit na suot niya para pigilan siya. Sa hindi naman inaasahan ay kamuntikan ko nang matapakan si Proc kaya agad kong iniwas ang paa ko sa kaniya. At sa pag-aalinlangan ay naitulak ko siya sa pader kasabay nito ang pagdikit ko sa dibdib niya. Fuck. Hawak ko siya sa damit niya at nakadikit ako sa dibdib niya. 'Yung mukha ko ang nakadikit dito, kung kaya rinig na rinig ko ang tibok ng puso niya. We're stock in that position for about a seconds.
"Meow..."
"A-are you okay?" He stuttered kaya nabuhayan ako
"Fuck! Get out!" I exclaimed hysterically nang tuluyan na akong makalayo mula dibdib niya. Geez.
"O-okay, you sure you're okay?" Pag-uulit niya
"It's none of your business" Nanliliit ang mga mata kong nakatingin sa kaniya "Lumabas ka na, ano pa bang hinihintay mo?
Hatid pa kita?"
"Uhmm, kind'a?"
Urgh!
Hindi naman ito lumabas agad at pinuntahan si Proc. Naglapitan na rin sina Bete, Rigel at Achen sa kaniya, pati na rin si Siri. Wtf? Are they choosing him now over me? No way!
"Lumabas ka na" Pag-uulit ko pero parang hindi niya ako narinig at nakaupo pa rin at hinihimas ang noo ni Siri
"You guys are tough. Tough enough para bantayan ang mami niyo." Aniya "Don't worry, dadalawin ko kayo rito, at dadalhan ko kayo ng food. Gusto niyo ba 'yun?" Saka siya dinilaan sa mukha ni Siri kaya napaupo ito sa sahig
"Woah! Parang kanina lang tinatahulan mo ako ah? Para ka pa lang si Hydro!" Sigaw nito habang tumatawa. Tss, ang korny niya. Kinuha ko si Siri at kinarga saka siya tinaasan ng kilay.
"Lalabas ka ba o ipapakagat kita sa tatlo?" Saka ko tinuro sila Canop na nakahiga sa labas ng bahay "GET OUT!" Saka ito nagmadaling lumabas. Tss, takot naman pala. Sumunod din ako sa kaniya dahil kailangan kong isara ang gate.
Nang makalabas na siya ay nakatingin lang ito sa akin habang sinasara ko ang gate. Nang matapos ako ay nag-crossed arms ako at masama siyang tiningnan.
"This is the last time na makikita kita, mang-aagaw ng Neptune world at ng mga babies ko." At ngumiti sa kaniya nang nakakaloko "I don't want to see you again, Mr. Stupid numb URSERPER" Pagdidiin ko sa mang-aagaw. Pakiramdam ko inaagaw niya sa akin ang kapayapaan ko sa Neptune World kapag naging kaluluwa na ako, at pati ang mga mahals ko.
"Akala ko ba "I'm a good man and a friend of yours?" Aniya saka tumawa
"oh, about that?I was just kidding. You're welcome, I helped you to not getting any bite from my dogs" Saka ako tumawa rin at sarkastiko. Hindi ako papatalo sa kaniya.
"Okay. Maybe you didn't hear what I have said earlier..." Bulong niya pero rinig ko pa rin naman. Lumapit ito sa gate at ngumisi
"Oh, about your question earlier? Yes I have a girlfriend, that's why I'm here. Glad to had you tonight. I enjoyed your hand on my shirt! And oh! your face near at my chest! Goodnight Miss Stormy! Kita na lang tayo bukas sa school mo! Thanks for late dinner!" Sigaw nito habang naglalakad palapit sa kotse niya. Kumaway pa ito bago tuluyang umalis.
The fuck. Para akong nakahinga nang maluwang ng tuluyan na itong umalis. Pumasok na ako at binuhat si Siri na nakasunod. Napailing naman ako nang makita ang pinagkainan niya. Hindi man lang muna naglinis bago umalis. Paglilinisin pa talaga ako imbis na matutulog na ako e. Whatever.
What's with you Ariz? Why you're sounds so interesting?

Komentar Buku (3)

  • avatar
    ReyesEfralyn

    very nice

    11/10

      0
  • avatar
    Khent Joemar

    nice

    25/07/2023

      0
  • avatar
    Neneurot

    oh my gosh hanggang dito palang pala to sana ang kadugtong ay agad maidugtong na please nakakaexcite na ang next,... 😅😍😍 wag sana magtagal ang next....ah please................. saan na po ang next nito pls.update nyo na po. yon my next din at napakaganda na ng story,next pa 31plz.

    12/04/2022

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru