logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

004

Nakauwi rin naman ako agad ng bahay at salamat dahil hindi na niya ako sinundan pa. Should I thank him? Hindi na. Pero this is actually the first time na nagpasalamat ako sa ibang tao, bukod kay Nanay Ami at Carl. 'Yung pagpapasalamat na galing mismo sa puso ko. Salamat sa kaniya dahil tinigilan niya ako. Salamat sa kaniya dahil hindi na niya masisira ang purpose ko sa mundong 'to.
Nahiga muna ako sa munti kong kama habang nasa labas naman sina Siri kumakain. Siya nga pala, si Procyon, ayun masama pa rin ata ang pakiramdam. Hindi pa rin ito kumakain, puro lang siya tubig, kaya naman binilhan ko rin siya kanina agad ng dextrose. Para kahit papaano, magkaroon siya ng dagdag energy kapag uminom siya. Lumubog na rin ang mata niya at may lumalabas na parang muta sa mata niya, kulay pula na parang white. Kung may pera lang ako, dadalhin ko siya sa Vet. Ang kaso wala naman. Sana ay gumaling na siya bukas.
Nakatitig lang naman ako sa kisame ko at gaya ng lagi, kapag mag-isa na lang ako, kusang bumabalik sa isipan ko ang lahat. Minsan kapag sobra na ang paglalaro nila sa isip ko, pakiramdam ko sasabog na ako. Kaya minsan, kapag hindi ako makatulog, nilalaro ko na lang ang mga mahals ko. O kung minsan, kahit hatinggabi na lumalabas ako at naglalakad-lakad lang. Hindi naman nakakatakot ang lugar na natutuluyan namin ngayon, tahimik naman dito at madalang lang ang tao sa labas. May mga katabi akong room mate ko, mga doon din nag-aaral na gaya ko nakakuha ng chance makapasa sa scholarship ng ino-offer ng Karzanne Company at magkaroon ng libreng tinutuluyan. Kaso hindi naman 'to panghabangbuhay. Kaya nga nagtatrabaho ako ngayon, nag-iipon para makapangupahan kami pagkatapos ko ng 4th year college ko. Kailangan ko lang ng bahay para hindi na ulit kami titira sa daan ng mga mahals ko at mapagtripan sila ng mga basurang nagaanyong tao.
Naalala ko tuloy ang nag-iisang dahilan noon para lumaban ako sa buhay. Si Sol, ang kauna-unahan kong aso, na binigay sa akin ng mga magulang ko, sa eksaktong ika-walong taong gulang ko. Kung hindi ito namatay, twelve years old na sana siya, at kaarawan na niya sa kaarawan ko rin. Nakakalungkot lang, dahil pati siya kinuha sa akin, siyang dahilan para mas lalo kong kamuhian ang mundong kinaroroonan ko. Kaya naman kahapon, ganun na lang ang pagkagusto ko na mailigtas si Achen, kahit pa ikamatay ko. Hindi ko kasi noon nailigtas si Sol, masyado akong nakampante na hindi ito aalis sa tabi ko, at hindi ito mawawala sa akin, sapagkat sobra na ang mga panahon 'nun. Pero wala e, basta natagpuan ko na lang siyang may butas ang ulo at naliligo sa sarili niyang dugo. Pare-pareho ng tagpo ang mga nakita ko, puro mga naliligo ng dugo. Kaya naman, doon mas lumala ang paniniwala kong mas malupit ang tao at mas hayop sila sa mga hayop na akala nila ay malaking perwisyo lang, hindi pala sila hayop, dahil noong mga panahon na iyon, mas pinaniwalaan ko ng basura talaga sila. Mga basurang nag-aanyong tao. Mga basurang walang alam iba gawin kun'di ang umasta na mas hayop pa sa hayop.
Muling akong napakuyom ng kamao. Lagi at laging bumabalik sa isip ko ang lahat. Walang araw, oras, minuto at segundo na hindi ko naiisip ang lahat. Kaya walang kahit sino ang dapat humarang sa mga dapat kong gawin at dapat ginawa pa noon. Hindi kahit sino, kahit ang Diyos pa iyan. Nakakatawa nga kapag nakakakita o nakakarinig ako ng mga taong panay ang tawag nila sa sinasamba nilang Diyos para hingian ng tulong. Pwe, 'di ba nila alam na nagsasayang lang sila ng oras? Imbis na inaalam nila ang purpose nila sa mundong 'to, nagaaksya sila ng panahon para sambahin siya. Matagal na akong tumigil sa paniniwala sa kaniya. Hindi naman kasi siya totoo. Kung totoo siya, bakit nangyari ang lahat ng iyon? Bakit naging ganoon at ganito kamiserable ang buhay ko ngayon? Bakit wala akong ibang nararamdaman kun'di ang pagkapoot sa kaniya at sa mga basurang tao na nilikha niya! Bakit pa niya binuhay ang mga taong iyon para lang sirain ang buhay ko!
Malakas kong sinipa ang pader na nasa paahan ko, dahilan para lapitan ako ng mga alaga ko. Liban kay Proc. Nakayuko lang ako habang pilit pinipigilan ang sarili kong huwag gumawa ng ano mang bagay ngayon. Hindi ako puwede magpadala sa galit kong laging bumabalot sa akin, kailangan ko ng tamang tyempo para sa bagay na kailangan ko. Bawal ako magkamali ng hakbang, baka hindi matuloy at makilala lang ako ng iba.
Niyakap ko ang mga alaga ko at sandaling nakipaglaro sa kanila. Pagkatapos din ay umalis na ako para magtungo sa tinatrabauhan kong convenience store. Iniwanan ko naman ng water ang lagayan ni Proc para kahit wala ako, sigurado akong kahit papaano ayos siya. Naglakad na ako palabas para makasakay na agad ng jeep. Ilang minuto lang din ay nakarating na ako sa convenience store na pinapasukan ko. Pagkapasok ko rito agad kumapit sa braso ko ang dapat kapalitan ko. Nagtaka naman ako kaya bahagyang napakunot ang noo ko, pero gaya ng lagi, kalmado lang ako.
"Girl, bakit nandito ka pa? Nakakaloka, dapat hindi ka na tumuloy dito" Habang tumitingin-tingin sa may kuwarto, ang office part. Sa tono niya para siyang may tinataguan o ako ang gusto niyang itago
"Bakit hindi? Alas dyis na kaya. Ako na ang papali—" Hindi ko naituloy ang sasabihin ko ng iluwa ng pintuan sa office ang isang basura. Si Hana. Alam ko na kung ano ang nangyayari.
"Oh, nandito ka na pala. Tama ba ang pagkakarinig ko?...
Papalit?" Sarkastikong sabi nito saka tumawa "Hahaha, poor
Nicole. Hindi mo na duty... According to your boss, which is my
Ninang. You're fired. That means, wala ka ng trabaho." Aniya "Sorry ha? Bawal kasi ang mga masamang tao rito gaya mo. Teka, bakit naman kasi nagnakaw ka ng pera sa kahera niyo? Hay nako Nicole, bakit naman kasi ang likot ng kamay mo"
Ipinakita nito sa akin ang kontrata ko saka iyon pinunit mismo sa harap ko at tinapakan pa. Bobo, punit na nga tinapakan pa, kala mo naman may naiambag ang pagtapak niya. 'Di naman nadumihan, mababasa pa rin kapag binuo. Ano ba 'yan, wala pa ring utak.
"Ayan tuloy nagpakabit na si Ninang ng cctv para masiguradong hindi mo na ulit mananakawan ang store niya"
Kaya pala may nagkakabit ng cctv sa labas at sa loob meron na.
Lumakad ito palapit sa akin saka nag-crossed arms.
"Sunod kasi, huwag kang atribida ha? Sunod, matuto lang lumugar. At, hindi ka na rin dapat naghahangad pa ng sobra, dahil wala ka namang mapapala. Pinanganak kang mahirap?... mamamatay kang naghihirap sa buhay mong walang kuwenta" Pagdidiin niya saka lumabas na ng store
Wala raw kuwenta ang buhay ko? Ano pa siya?
"Naku naman, sino ba 'yun. Ang lakas ng mukha ipasesante ka, e' sigurado naman akong wala kang ninanakaw. Nakuuu! Kontrabida ba 'yun ng buhay mo?" Angil nitong katrabaho ko, dati. Medyo kapani-paniwala nga. Pero hindi ako. Ngumiti na lang ako at lalabas na sana, pero 'di natuloy.
"Oh, Hi Miss Stormy. What a coincidence again?" Nakangiting bungad niya sa akin.
Naramdaman ko naman ang pagdiin sa braso ko ng kamay nitong nakakapit sa akin "Shocks... nakahanap ka na agad ng boylet? Ang bango ha, at mukhang bigatin" Bulong nito saka ako binitawan at inilahad ang palad niya rito "Ako nga pala si Karen, kaib—"
Hindi ko na sila pinakinggan at tinuloy ko na ang paglabas. Kahit pa pull ang exit door way, ay basta ko na lang ito tinulak. Hindi sa hindi ako marunong magbasa at makaintindi. Gusto ko lang talaga makaalis sa lugar na 'yon, tutal wala na iyong silbi sa akin.
"Ah sige, Miss. Babye!" Sigaw nito sa katrabaho ko at narinig ko siyang nakasunod na sa akin, hanggang nasa gilid ko na siya
"Uuwi ka na ba? If you don't mind, hatid na kita? Gabi na oh.
Quarter to 11 na" Offer niya
Ang bilis naman ng oras. Parang kararating ko lang ah? Ganun ba katagal nag-speech ang Hana Hunghang na 'yon? 'Di bali na, maglalakad na lang din ako pauwi. Kailangan kong magtipid ngayon, lalo at wala na akong trabaho.
Nakakatawa talaga ang mga tao 'no? Akala siguro ng katrabaho kong basura dati, maloloko niya ako. May pa-kapit-kapit pa siya kanina, na animo'y wala siyang ginawa para matanggal ako sa trabaho. Kung 'di lang ako nag-iisip, baka bali na ang kamay niya ngayon. Hindi siya magaling umarte, hindi niya ako napaniwala ng buo na nag-aalala siyang dapat hindi na ako pumunta rito. Nakita ko siya kanina bago ako umuwi galing school, kausap ang Hana Hunghang na 'yon. And guess what? Nakita ko rin na inabutan siya ng pera ng kapwa niya basura. At pagkatapos ay nagkamayan pa sila. Hindi na sana ako magsasayang ng oras kanina, pero sinundan ko si Karen pagkatapos. Dahil nga shift niya pa kaninang mga ala otso kung kailan napadaan ako sa convenience store na 'yun para na rin bumili ng dextrose sa 'di kalayuang bilihan ng mga gamot para sa mga alagang hayop. Hindi ako kumuha ng pera sa kahera, siya 'yun, isinuksok sa bag niya. Plano nila ang lahat, este ni Hana na nandamay pa ng iba. And there she was Karen na sumabay naman. Ang mga basurang nagaanyong tao nga naman, kay bibilis nilang maloko at magpaloko. Bagay nga sila sa mundong 'to. Pero ako? Hindi.
"Bakit hindi ka tumuloy sa trabaho mo?"
Ay nakasunod pa pala ang basurang 'to? Akala ko naiwan na rin kasama ng mga kauri niya. Whatever, wala akong balak makipagusap sa kaniya ngayon
"Alam mo, hindi naman masama na kausapin ang isang estranghero, lalo kung ako ang estranghero na 'yon" Aniya "Puwede mo akong pagkatiwalaan, alam mo ba na best secret keeper ako? I can keep your secrets, pati ikaw hahahaha" At tumawa pa nga Anong paki ko sa kaniya?
"You know what, I have a girlfriend..." Panimula niya. Bahagya akong naganahan ng marinig iyon, pero wala pa rin akong paki "You both have this strong resemblance. Tahimik, masungit, matapang, ayaw niya ng maingay, kaya minsan pinapatahimik niya na lang ako. Minsan nararamdaman ko nga, baka hindi talaga siya interesado sa akin. Kasi 'di ba kung interesado ka talaga sa isang tao, makikinig ka sa kanila. Busy ka man o hindi. At higit sa lahat, weirdo."
Hindi na bago. Weirdo naman ang tingin sa akin ng lahat. Baka nga iniisip din niyang baliw ako at nakakatakot. Pero bakit ayaw niya akong lubayan 'di ba?
"She's kina blithe, but I like her kasi sobrang napapasaya niya ako, kahit madalas magkaaway kami dahil hindi kami nagkakasundo ng mga paniniwala sa buhay. Alam mo ba kung anong pinaniniwalaan niya?" Tanong nito na akala mo naman sasagot ako "Naniniwala siyang walang kuwenta ang mga tao" Bahagya akong napangiti pero binawi ko rin, dahil baka makita niya. Pero buti hindi.
"Madalas nga akong nagmumukhang walang silbi sa kaniya, lalo at lagi niyang sinasabi sa akin na kaya naman daw niya. Kaya minsan napapatanong ako, Am I worthy for her? Like, Am I really that trash para balewalain lang niya o iparamdam niya sa akin na wala akong kuwenta biglang kasintahan niya" Dagdag pa nito "Pero, hinahayaan ko na lang. Mahal ko kasi siya, kaya ayos lang kahit ganoon ang pinaparamdam niya sa akin. Mananatili pa rin ako sa tabi niya kahit anong mangyari, kasi nga, mahal ko siya. Minahal ko siya hindi dahil sa kung ano siya dati, kun'di kung magiging sino pa siya habang magk—" Pinutol ko na ang sasabihin niya, masyado na naman siyang maingay
"I don't care about you, with your romantic life. So please? Stop being around. And stop your stories which I'm not interested with" I hissed saka tumalikod na ulit at nagsimulang maglakad. Pero gaya ng alam ko, sumunod pa rin siya.
"You know what? From the very first time I saw her, I felt something crazy inside of me. 'Yung sinasabi nilang spark? The day I saw hrt, that was actually the first time I felt that frantic feeling all over my body. Oh God, I'm so in love with her. That I'm willing to take anything for her" Pagdadrama nito. Kairita "'Yung oras bago ko siya makita, sobrang lungkot ko 'nun. Paano ba naman, inuusig ako ng tanong kung bakit ako nabuhay pa sa mundong 'to. Alam mo 'yun, 'yung alam mong maayos naman ang buhay mo, pero may mga bagay pa rin na gumugulo sa isipan mo kahit ilang taon na nangyari ang mga bagay na sana hindi mo na lang nalaman." Tumawa ito saka bahagyang napayuko. Kahit nasa gilid niya ako at hindi siya tinatapunan ng tingin ay kita iyon sa peripheral vision ko
"Buong buhay ko tinatanong ko ang sarili ko kung bakit pa ako nabuhay. Para lang ba usigin ako lagi ng konsensiya ko? o para bitbitin ang mga sikretong hindi ko mismo maamin sa sarili kong nangyari" Sambit nito. Hindi ko alam, pero pinapakinggan ko na siya. Kahit hindi dapat. "Pero lahat ng pag-aalinlangan na 'yon tila nabura nang makilala ko siya. Binigyan niya ako ng purpose sa mundong 'to, at kapag nawala siya. I don’t know kung ano ang susunod na tagpo" Saka siya suminghap at doon ay napalingon na ako ng kusa sa kaniya. Hindi ko rin alam kung bakit, pero 'di naman iyon nagtagal.
"Ikaw ba Miss Stormy? Naranasan mo na ba 'yun? 'Yung sinasabi nilang sp— Woah, w-what are you d-doing?" Utal niya nang bigla ko siyang hatakin papunta sa harapan ko.
Tagos ang paningin ko mula sa likuran. Fuck. This can't be. Hindi ito maaari. Paano? Kailan pa? Bakit ngayon pa? Hindi puwedeng masira o mapalayo ako sa plano ko.
"H-hey" He stuttered kaya napatingin ako sa kaniya. Ilang segundo rin iyong nagtagal bago ko siya tuluyang itulak palayo na ikinatawa niya. Pinagpagan ko ang kamay ko na mas ikinatawa niya. "You touched me first"
The heck? Kinailangan ko lang gawin 'yon.

Komentar Buku (3)

  • avatar
    ReyesEfralyn

    very nice

    11/10

      0
  • avatar
    Khent Joemar

    nice

    25/07/2023

      0
  • avatar
    Neneurot

    oh my gosh hanggang dito palang pala to sana ang kadugtong ay agad maidugtong na please nakakaexcite na ang next,... 😅😍😍 wag sana magtagal ang next....ah please................. saan na po ang next nito pls.update nyo na po. yon my next din at napakaganda na ng story,next pa 31plz.

    12/04/2022

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru