logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER ONE

"Sulat, girl." Bato sa kanya ng kakambal ng sobreng puti at pasalampak itong umupo sa couch ng opisina ng kanilang ama. Abala siya sa pagbabasa ng mga dokumento tungkol sa mga negosyo ng kanilang mga magulang.
Panandalian lang niya iyon sinulyapan bago nagpatuloy sa pag-aaral ng mga dokumento.
"Tang ina, Kai. Wala ka pang isang buwan dito, ayan agad inaatupag mo." Inis na usal sa kanya ng kapatid. Hindi pa ito nakuntento at binato siya nito ng kinakaing chichirya.
Mag iisang linggo na simula nang makabalik siya sa bansa upang doon ipagpatuloy ang pag aaral ng kolehiyo. Nasa ikatlong na taon na siya ng kolehiyo sa United Kingdom sa pamamagitan ng Scholarship Programme for international students. Iba ang edukasyon sa nasabing bansa. Agad siyang nakatungtong ng kolehiyo sa murang edad dahil sa kanyang angking talino. Nakiusap naman ang kanilang magulang na umuwi na siya upang paghandaan ang opisyal na pagpapakilala sa kanila ng mga ito bilang taga pagmana ng mga negosyo ng mga ito. Itinakda iyon sa ikalabing walong taon ng kanilang kaarawan na magaganap sa susunod na tatlong buwan mula ngayon.
"Will you stop that, Kiara?!" Angil niya sa kapatid at pinagpag ang dumi sa mga papel na nasa harap nya.
"Will you stop that, Kiara?! Nyenyenye." Panggagaya nito sa kanya. Inirapan lang nya ito. Hanggang ngayon ay isip bata pa din ang kapatid. Sa loob ng anim na taon niya sa ibang bansa, akala niya ay nagmatured na ito. Ngunit nagkamali sya roon.
"Girl, hello? Nasa Pinas ka. Magtagalog ka nga. Arte mo." Kinuha muli nito ang binatong sobre. "Hindi mo babasahin? Tagal mo naghintay sa sulat niya, hindi ba?"
"Nope. Busy ako." Walang ganang sagot nya dito.
Napansin nyang biglang nakaisip ng kalokohan ang kambal. Ngumiti ito ng pagkaganda sa kanya na ikinaiinis nya. Gano'n siguro ang pakiramdam ng may kakambal. Nararamdaman mo kung anong nararamdaman nito.
"Kung anong iniisip mo. Stop it. Right now." Mariin nyang banta dito.
"I will make this letter a content for my new video, sister!" Iwinigayway pa ito sa harap niya bago nagmamadaling tumakbo palabas.
"SHIT!" Agad siyang tumalima at sinundan ito. "Give it back, bitch!"
Tatawa tawa lang ito. Halos limang minuto rin sila naghabulan sa loob ng tahanan. Hinihingal na sya ngunit ang kakambal ay tila naaaliw sa kalokohan nito.
Saktong pagdating ng kanilang mga magulang at agad nag tago sa likod ng kanyang ina si Kiara.
Nagtatakang nilingon siya nito. "Ano na naman 'yun?"
"She took the letter that supposed to be mine!" Sumbong niya at sinubukang agawin iyon sa kapatid. Mabilis ang naging kilos nito at nagtago naman sa likuran ng kanilang ama na natatawa sa kanilang dalawa. "'Tay oh!"
Dinilaan lamang siya ng kapatid at agad tumakbo na ito paakyat.
"Bitch!" Sigaw niya dito.
"Hay nako. Namiss ko ang ganitong sitwasyon. Ikaw ba, nanay?" Tila nag-eenjoy na tanong ng kanilang ama sa ina.
"Oo naman, tatay. Matagal din natahimik ang bahay."
"Whatever." Inis na tumalikod siya sa mga ito. Ngunit agad din siyang bumaling sa ama nang maalala ang sasabihin. "Some reports aren't right. I marked those questionable reports."
"Okay. Thank you, 'nak."
Tinanguan nya ito at sumunod sa kapatid upang bawiin ang sulat. Nang makarating sya sa harap ng kwarto nito ay rinig ang lakas ng tugtog. Sinubukan niyang buksan ang pinto pero nakalock iyon. Saglit nyang kinalabog iyon.
Inis na bumalik sya sa silid nang hindi siya nagtagumpay mabawi ang sulat mula sa kapatid. Laking gulat na lamang niya nang mapansin iyon sa ibabaw ng kanyang kama. Binuksan nya iyon at sinumulang basahin.
My Dearest Kairi Beatrice,
I am so sorry for not contacting you all these years. I am wondering, how are you? I've been dying to write you letters for all the years that have passed. But I stopped myself. I need to fix myself first before fixing you. I know how you hate me. Based on your last letter six years ago. I'm so sorry, Kairi. I wasn't there to listen to all your complaints. I hope you're okay now.
I'm dying to see you again. Maybe you've grown up like a fine lady.
What else? I don't know what to say. I hope you'll reply to this letter regardless of how technology works. I'm still hoping, Kairi.
xoxo
Yours,
A.
Nilukot nya iyon at itinapon sa basurahan. Kinuha niya ang librong kagabi pa niya binabasa. Ilang minuto na niya sinusubukan intindihin ang binabasa ngunit wala siyang maintindihan doon. Nilingon niya ang basurahan na nasa gilid ng kanyang study table. Hindi mawala sa isip niya ang sulat.
Tumayo siya upang kunin ulit ito. inalis niya iyon sa pagkakalukot.
"Bakit ngayon lang?" Tanong nya doon na tila hinihintay sumagot ang papel. Kinuha niya ang kahon na matagal nang nakatago sa ilalim ng kanyang damitan. Naroon ang lahat ng sulat na natanggap niya. Inilabas nya ang ilang sulat at muling binasa iyon.
Kairi Beatrice Jones,
Maganda ka. :) Na-iimagine kong nakangiti ka na ng malawak. Huwag ka na maasar kay Kiara. Mahal ka naman nun kaya gusto ka lang madalas asarin.
Sila sister mukhang mauubusan na ng dugo sa akin. >:D May bago nanamang bata dito sa bahay ampunan, oo wag ka na magtaka. Pinaiyak ko. Hahaha. Nakakainis kasi, nakikialam ng mga sulat ng mahal na prinsesa. Hindi ko nga pinapabasa kahit kanino tong mga sulat mo. Dahil gusto kong ako lang magbabasa nito. Ayiiee. Kinikilig ang prinsesa Kairi.
Natuto na akong maglaro ng basketball. May mga volunteer dito tuwing sabado at linggo, nakikipaglaro sa amin. Tinuruan na din kami maglaro. Kapag nagkita tayo, ipapakita ko sayo kung gaano ako kagaling maglaro.
Tumangkad na din ako ng isang pulgada. Mas matangkad na lalo siguro ako sayo.
Sana makabisita kayo dito sa bahay ampunan. Mag iingat ka palagi, Kairi.
Iyong iyakan,
A.
Mapait na napangiti siya sa liham na iyon. Noong bata siya, tuwang tuwa siya makatanggap ng sulat na galing dito. Iyon ang sumbungan nya, ang naging takbuhan niya ng mga panahon na akala nya katapusan na ng mundo.
Muli siyang kumuha ng isa pang liham at binasa iyon.
Kairi Beatrice Jones na iyaking bata,
Ang ganda ganda talaga ng pangalan mo. Kaso ang panget mo umiyak. Panay uhog mo yung damit ko. Kadiri! Kairi kadiri dapat pangalan mo. Hahahaha! Iyaking bata! Huwag na huwag mo nang gagawin ang takbuhan ang problema. Bata ka pa. Kapag may problema ka, sakin mo sabihin. Yayakapin at papatahanin kita kahit magkalayo tayo.
Isipin mo na lang na kuya mo ako. :) Ako nga pala si kuya Adonis. Ako yung nagligtas sayo nung muntik ka na masagasaan kanina. Natakot ako sa ginawa mo. Basta wag mo na gagawin yun ha! Hindi maganda yun.
Huwag ka nang umiyak. Hindi bagay sayo ang naiyak. Ayaw ng lola mo makitang umiiyak ka. Masaya na sya kasi nasa langit na sya. Nakikita ka nya at hindi ka nya papabayaan. Wala na akong magulang pero hindi ako umiyak. Kasi alam kong mahal ako ng nanay at tatay ko bago sila namatay. Sa bahay ampunan ako nakatira.
12 years old na ako. limang taon pa lang ako nang mamatay mga magulang ko. Wala naman akong kapatid. Ikaw may kapatid ka. Andyan pa nanay at tatay mo. Mahalin mo sila.
Sana masulatan mo din ako. HIndi ko na hihintayin magising ka. Baka hanapin ako nila sister eh. Nasa likod nga ng papel na to ang address ng bahay ampunan. Hihintayin ko sagot mo. :)
Adonis Bryant de Guzman
Iyon ang unang liham na natanggap nya sa lalaki. Nang magising siya, sinabi ng kanilang magulang na tumawag si Adonis sa mga ito upang ipaalam kung nasaan sya. Naabutan siya ng mga ito na walang malay sa isang waiting shed habang binabantayan ng batang lalaki. Isinama ito pabalik sa bahay ng lola nya. At paggising nga nya ay natagpuan nya ang liham nito sa bulsa ng kanyang school uniform.
Hindi niya akalain na magkakaroon sila ng malalim na relasyon sa pamamagitan nang simpleng palitan nila ng liham. Matagal din silang nagpalitan ng liham hanggang sa ito na mismo ang tumigil. Ilang beses nya sinubukang magpadala ng liham doon ngunit wala siyang natanggap na sagot mula dito. Nang mapagod ay itinigil na din nya ang pagpapadala ng mga liham doon.
Napabuntong hininga siya at sapo ang ulo na yumuko sa kanyang lamesa. Nagbabadya na naman tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Hanggang ngayon ay nasasaktan sya sa ginawa nitong pag iwan sa kanya sa ere.
Saktong narinig nya ang tugtog sa silid ng kanyang kapatid. It was about the girl who was hopeless romantic. The almost lover.
"DAMMIT, KIARA!" Inis na pinahid ang luhang pumatak sa kanyang mata. Galit na galit na tinungo nya ang silid nito at kinalabog ang pinto nito. "Turn the damn thing off!" Sigaw pa niya doon. Tila wala itong narinig at lalo pa iyon nilakasan.
Rinig pa niya ang pagkanta nito. Sinipa niya ang pinto nito at inis pa din na bumalik sa kanyang silid. Itinabi na muli nya ang mga liham ni Adonis. Naglagay na lang sya ng earbuds upang hindi na marinig ang ingay mula sa silid ng kakambal.
HIndi siya makatulog ng gabing iyon. Hanggang ngayon nasasaktan siya sa biglang pagkawala nila ng koneksyon ng lalaki. Hindi man lang ito nagpaalam sa kanya. Halos araw araw niya hinintay ang mga liham ng lalaki.

Komentar Buku (94)

  • avatar
    Lyn Dequilla

    kind

    5d

      0
  • avatar
    Nathaniel Cordero

    .ndjdjeiheheh

    6d

      0
  • avatar
    Florence Gimang

    ncstory

    18/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru