logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Dear Adonis

Dear Adonis

Alya Solaris


PROLOGUE

Masayang naghahabulan ang pitong taong kambal na si Kairi at Kiara sa palaruan ng kanilang paaralan. Hindi alintana ng mga ito ang init ng araw.
"Kairi, bakit kaya tayo susunduin ng tatay?" Tanong sa kanya ni Kiara nang maupo ito sa damuhan.
Kibit-balikan niya itong sinagot at naupo sa tabi nito. Nakapagtatakang tumawag ang kanilang magulang sa kanilang guro bago matapos ang klase na susunduin sila ng mga ito. Ni minsan ay hindi sila nasundo ng mga magulang. Both of their parents are busy. Kaya may kinuha ang mga ito na tricycle driver upang maghatid at magsundo sa kanila. Kung siya ang tatanungin, mas gugustuhin niyang lakarin na lamang nila ang papasok at pauwi sa paaralan kung gayong napakalapit lang nito sa kanilang tinitirahan.
"Tingin mo, kakain kaya tayo sa Jollibee?" Namimilog ang mga mata nitong tumingin sa kanya.
Sabik na sabik silang magkapatid makakain muli sa nasabing kainan. Simula nang magkaisip sila, bilang lang sa kanilang maliliit na darili kung ilang beses lamang sila nakakain doon. Alam nyang meron silang kakayahan na kumain doon. Malaki ang kanilang bahay, may taga linis rin sila na isang beses sa isang linggo lamang pumupunta doon, may tatlo silang sasakyan at may taga pag maneho ang kanilang nanay kung hindi nito nakakasama ang kanilang tatay sa mga lakarin nito.
Madalas silang naiingit sa mga kamag-aral kapag nagkukwento ang mga ito na kumain sa Jollibee o nakapag gala sa mga mall o parke. Hindi niya maintindihan kung bakit sila hindi makaranas ng mga ganoong bagay. They were just kids. Wants to enjoy every moment with their parents.
Marahang pinalo niya ang balikat ng kakambal. "'Wag ka nga masyado mangarap dyan. Baka umasa na naman tayo." Natatawang turan niya dito ngunit may bahid na lungkot at pagkasabik sa kanyang mga mata.
Bumuntong hininga na lamang ang kakambal at tumayo muli para makipaglaro sa ibang mga bata na naglalaro doon.
"Sana makakain ulit tayo doon, 'no?" Turan nito bago tuluyang tumakbo sa mga naglalaro ng Chinese Garter.
'Hayaan mo, paglaki natin kakain tayo lagi doon.' Bulong nya sa kanyang sarili at mahigpit na niyakap ang bag nilang magkapatid.
"Kairi! Kiara! Andyan na ang sundo nyo!" Sigaw ng kanilang guro habang nanlalaki ang mga mata nito.
"Opo!" Sagot niya sa guro. Agad siyang tumayo at tinawag ang kakambal. Ibinigay niya dito ang bag nito at hinatak na papunta sa gate ng kanilang paaralan.
Nanlalaki ang mga mata ng ibang mga mag-aaral habang nakatingin sa gate ng paaralan. Ganoon din ang ibang mga papasok pa lamang sa mga kanya kanyang klase ng mga ito. Dalawang batch ang klase sa kanila. Isang pang umaga para sa mga ikauna hanggang ikatlong baitang at panghapon naman sa mga ikaapat at ikaanim na baitang ng elementarya.
"Mayaman ba sila?" Rinig niyang tanong ng isang estudyante na sa tantiya niya ay mas matanda sa kanila. May mga kasama ito na halos kaedad rin nito.
"Siguro. Ang gara ng sasakyan e." Sagot naman ng isa.
Naintindihan niya ang tinutukoy ng mga ito nang matanaw nya ang kanilang nanay na nakatayo sa labas ng kanilang sasakyan. May suot iyon ng itim na salamin. Hanggang ngayon ay nagtataka siya sa ibang kamag-aral kapag nagkukwento sila magkapatid na may mga sasakyan sila. Halos hindi naniniwala ang mga ito. Marami naman sa mga kamag-aral nila na nakikita niyang sinusundo rin kasama ang ibang estudyante ng mga sasakyan.
Nag uunahan silang tumakbo ni Kiara patungo sa kanilang ina. "NANAY!!" Masayang tawag nila sa ina. Lumabas din ang kanilang tatay sa saksakyan at sinalubong silang magkapatid.
Nagmano sila sa mga magulang at humalik sa pisngi ng mga ito.
"Kakain po ba tayo sa Jollibee?" Masayang tanong ni Kiara sa mga magulang.
Agad naman nya itong siniko at pinandilatan ng mga mata. "Tumigil ka dyan." Bulong nya dito.
"Bakit ba?" Angil naman sa kanya ng kapatid.
"Mag-aaway na naman kayo." Sita ng kanilang ina at pinagbuksan sila nito ng pinto sa likuran.
"Si Kairi po kasi, 'nay" Sumbong ng kanyang kakambal. Nag-unahan pa sila sumakay.
"Anong ak----" Hindi nya natapos ang sasabihin nang sitahin muli sila ng kanilang ina.
"Isa!" Nakapasok na din ito sa tabi ng kanilang tatay. Lumingon ito sa kanila. Wala na ang suot nitong salamin. Halata ang pamamaga ng mga mata nito, "Seatbelt, girls."
"Opo." Mahinahong sagot nilang dalawa at nagsimula nang patakbuhin ng kanilang ama ang sasakyan.
Nag-aalala siya sa ina. Gusto niya tanungin ito kung may nangyari bang hindi maganda. Pero pinigilan niya ang sarili. Maybe it's just her mom's allergy.
"Saan po tayo pupunta, 'nay?" Usisa niya nang mapansing sa kabilang direksyon ng kalsada ang tungo nila at hindi ang pauwi sa kanila.
Bata pa lang ngunit pansin na ang angking talino nilang magkapatid. Bago sila pumasok sa paaralan ay natuto na silang magbasa at magsulat. Nakahiligan din nilang magbasa ng kung ano anong libro na siyang namana nila sa kanilang mga magulang. They also learnt how to play different musical instruments. Pinag-aral rin sila ng mga ito ng martial arts at kung ano anong self defense. Madalas sabihin sa kanila ng mga magulang na para din sa kanila iyon. At wala itong ipapamana sa kanila kung hindi ang mga kaalaman at edukasyon.
"Pupuntahan natin lola niyo." Sagot ng tatay nila habang patuloy pa din sa pagmamaneho. Nahimigan niya ng lungkot ang tono nito.
Nagkatinginan silang magkapatid. Maging si Kairi ay naramdaman ang lungkot sa boses ng kanilang tatay.
"May sakit po si lola?" Hindi nakatiis tanungin ni Kiara. Nahimigan niya ng pag-aalala ang tono nito.
Hindi naman sumagot ang kanilang mga magulang. Ngumiti lang ng mapait ang kanilang nanay. Mapapansing mangiyak ngiyak ang kanilang ina. Agad naman hinawakan ng kanilang ama ang kamay nito at pinisil.
Panadaliang inilihis ng kanilang ina ang tingin bago ito muling bumaling sa kanila. "Kumusta pala sa school?" Pag iiba nito. Nagtataka na siya. Kaya ba namamaga ang mata ng nanay nila dahil galing ito sa iyak? At hindi dahil sa allergy nito?
"We have homework po about jobs ng parents." Pilit niya winawaksi ang pag-aalala sa nakikita niya sa mga magulang na lungkot.
"Sige. Sasagutin natin ni tatay yan mamaya pag uwi sa bahay." Turan ng ama nila sa kanya.
"Tatay, nanay, sumayaw din kami ni Kairi ng folk dance! Tapos po naglaro ako ng chinese garter! Saka naghabulan po kami ng mga classmate ko!" Masayang kwento ni Kiara sa mga magulang nila. Mukhang nakalimutan na nito ang tungkol sa lola nila.
"Talaga? Si nanay hindi marunong maglaro ng chinese garter. Pwede mo ba turuan si nanay?" Malabing na sabi ng ina.
Hindi na nakakapagtaka ang sinabi ng kanilang ina. Simula nang magkaisip sila ni Kiara, mahilig magkwento ang nanay nila ng tungkol sa kabataan nito hanggang kung paano nagkakilala ang kanilang mga magulang. Marahil sa ina niya namana ang matured na pag iisip. Mas pinipili niyang mag aral kesa maglaro. Ganun din daw ang kanyang ina nung ito ay nasa edad nya. Ngunit madalas nitong paalala sa kanya na hindi masamang maglaro at sulitin ang kabataan. Baka matulad raw siya sa ina na kung kailan ito nagkatrabaho at magka-asawa ay saka naman ang pagiging isip bata nito. Madalas rin magsisi ang kanyang ina na sana sinulit nito ang kabataan at hindi nagpaapekto sa mga hinding magagandang bagay na nangyari dito.
Nangako naman siya sa ina na hindi iyon mangyayari sa kanya. Nangangarap rin syang makatagpo ng lalaking katulad ng kanilang tatay. Hindi man mala-fairy tale ang kwento ng mga ito. Ngunit mababakas ang kakuntentuhan at pagmamahalan sa mga mata ng mga ito. Ramdam niya kung gaano sila kamahal ng kanilang mga magulang. Hindi man binibigay ng mga ito ang mga gusto nila, ngunit hindi nagkulang ang mga ito sa pangaral at pagmamahal sa kanila.
Kunot-noong bumaba ang kambal sa sasakyan nang makarating sila sa bahay ng kanilang lola. Masyadong maraming tao doon at napakaliwanag ng loob ng bahay. Pansin rin ang mangilan ngilang puting bulaklak na nakahanay sa labas at loob ng bahay ng kanilang lola. Agad naman sinalubong ng tiyuhin nila ang kanilang ina habang umiiyak ito.
"Ate..." Agad itong yumakap sa kanilang ina. Doon na nagsimulang umiyak ang kanilang ina.
"Anong meron?" Inosentong tanong sa kanya ng kakambal.
Sa mga napapanood niyang palabas, kapag ganoon ang senaryo ay posibleng may namatay. Ngunit sino ang namatay? Sa pagkakaalam nya ay dadalawin lang nila ang kanilang lola. Nasaan na kaya ang lola nila? Inikot niya ang tingin sa paligid pero wala ito.
Natatakot man kung ano ang makikita nila sa loob ng bahay ay tatag niyang hinawakan ang kamay ng kanyang kakambal. Iginiya sila ng ama papasok sa bahay ng kanilang lola. Naiwan naman ang kanilang ina na nakikipag usap sa mga kapatid nito at sa ibang tao.
Agad na bumungad sa kanila ang isang malaking puting kahon na napapalibutan ng maliliwanag na ilaw at mga puting bulaklak, mayroon pang malaking krus sa gitna nito.
"Asan po si lola?" Tanong niya sa ama kahit nakukutuban niya na ang lola nila ang nasa loob ng kahon na iyon.
"Natutulog si lola. Tignan nyo." Paliwanag ng kanilang ama at binuhat sila nito upang masilip ang nasa loob ng malaking kahon.
Naroon at nakahimlay nga ng matiwasay ang kanilang lola. Lalong lumitaw ang pagkamestiza nito at bumagay dito ang suot nitong puting damit. Animo natutulog lang talaga ito doon. Ngunit kahit anong gawin nya, alam niyang wala na ito.
Matagal na silang binitawan ng kanilang ama. Ang kakambal niya ay nakikipaglaro na sa kanilang pinsan at iba pang bata doon sa lamay. Ngunit siya ay nanatiling nakatayo at nakatitig sa kabaong ng kanilang lola. Hindi niya matanggap na wala na ito. Wala na ang lola nya na nag alaga sa kanila. Ang lola nila na iba ang pagmamahal ang ipinakita sa kanila. Ang taga pagtanggol nila ni Kiara tuwing nakakagalitan sila ng kanilang magulang.
HIndi niya napansin na kinakausap na siya ng kanilang tiyuhin na sumalubong kanina sa kanilang ina. Unti unti siyang umatras habang titig na titig sa kabaong na iyon. Nagdadasal na sana hindi totoo ang lahat. Nakaramdam siya ng mainit na likidong umaagos sa kanyang mga pisnge na nagmula sa kanyang mga mata.
'Hindi si lola 'yan. Hindi si lola 'yan.' Paulit ulit nyang kumbinsi sa kanyang batang isipan.
"Hindi si lola 'yan!!!" Sambit niya at agad na tumakbo palabas ng bahay ng kanilang lola. Hindi niya alintana ang pagtawag sa kanya ng kanilang ama at tiyuhin. Maski ang kanyang kakambal ay tila nagulat sa pagsigaw niya.
Patuloy lang siya sa pagtakbo palayo sa lugar na iyon. How she wish it was just a nightmare. That their grandma was still alive. Masaya nakikipaglaro sa kanilang magkapatid.
"Hoy, bata!" Nagulat siya nang may mga kamay na humatak sa kanya. Muntinkan na syang masagasan sa lansangan. Doon niya napagtantong nakalayo na pala siya sa bahay ng kanilang lola. Nanginginig na napaupo sya sa lupa habang tulala pa din sa kalsada.
"Tanga ka ba?!" Inis na tanong sa kanya ng batang lalaki. Ito marahil ang humatak sa kanya.
Walang sabi sabi ay bumulahaw sya ng malakas na iyak. Agad naman nataranta ang bata at luminga sa paligid nila. Halos lahat ng nagdadaan ay napatigil at nakiutsuso kung anong nangyayari.
"H-Huy... 'Wag ka nga u-umiyak." Kinakabahang alo nito sa kanya. Dumipa ito upang makatapat ang mukha niya. "S-Sorry n-na..."
Agad siyang yumapos dito ng sobrang higpit. "S-Si l-lolaaa... S-Si lolaaa" Paulit ulit niyang turan dito.
Nagtataka man at medyo hindi maintindihan ang kanyang sinasabi ay marahang hinaplos nito ang kanyang likuran. "Sssshh. Everything will be alright."
Kahit papano ay kumalma sya sa pag iyak ngunit patuloy pa din sa paghikbi. Iginiya siya nito makatayo at pinaupo sa waiting shed.
"Wait here." Sumenyas pa ito na maghintay sya at agad tumakbo palayo. Subalit hindi nya ito pinansin. Yumuko lang sya habang muling naiiyak nang maalala ang kanyang lola.
"L-lolaaaa!" Muling sambit nya at nagsimula uli umiyak.
Maraming nagdadaan na nakatingin sa kanya. Tila isa siyang batang nawawala at hinahanap ang lola niya.
Hindi niya napansin na nabalik na pala ang batang lalaki na may dalang tubig. Tumabi ito sa kanya at inalo muli siya.
"Hahanapin natin lola mo. Just stop crying, okay?"
Marahan siyang tumango kahit hindi gaano maintindihan ang iba pang sinasabi nito.
Inabutan siya ng tubig nito na ininom nya agad. Nahihirapan na siya huminga at imulat ang mga mata dahilan ng pag iyak. Sinipat ng batang lalaki ang kanyang ID na nakasabit pa sa kanyang leeg.
"Kairi Beatrice Jones....." Basa nito sa kanyang pangalan. She doesn't understand anything he was saying. Unti unting bumibigat ang kanyang mga talukap. Maya maya pa ay bumagsak siya rito at nandilim ang mga paningin.

Komentar Buku (94)

  • avatar
    Lyn Dequilla

    kind

    5d

      0
  • avatar
    Nathaniel Cordero

    .ndjdjeiheheh

    6d

      0
  • avatar
    Florence Gimang

    ncstory

    18/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru