logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Premonitions

Brents Pov
Matapos kong ibaba ang tawag ni Kurt bahagyang ikinais ko ngayon ang umaga na ito.
Ang lakas ng loob pang tumawag sakin hindi na nahiya. Huwag niyang sabihin porke hinayaan ko siya na mangyari yun ay okay kami, umasana agad.
Napatingin tuloy ako sa picture frame ni Aizen na nakalagay sa kabinet. Hindi ko maiwasan malungkot at haplosin ang larawan niya.
"Miss na miss na kita mahal ko."
Ibang iba talaga si Aizen sa mga nakilala ko at nagdaan sa buhay ko, marangal, mabait at totoong minahal ako hindi niya katulad na pagnanasa lang ang habol.
"Wala na talaga makakapantay sayo Aizen."
Kaya bago pa tuluyan masira ang araw ko ay pinuntahan ko muna ang kambal na mga bagong gising.
"Mga baby ko gising na kayo ah." bungad ko nang dukwangin ko sila sa malaking crib. Hinalikan ko isa-isa ang mga paa ng kambal ko.
"Hindi pumasok si Daddy para makasama niyo ko ngayon araw na ito, maglalaro tayo maghapon."
Isa-isa kong inihiga sa kama sila Baby Brando at Baby Aiken sa kama ko.
"Laro muna mga baby ko, Mamaya ko na kayo paliliguan. Gusto niyo ba makita sumayaw si Daddy, magtitiktok muna ako ah." Wika ko sa kambal na kung kausapin ko ay parang malalaking bata na sila.
Pakiramdam ko ay masiglang masigla sila ngayon na kasama ako. Tulad na ni Brando na parang doble ang kalikutan ngayon. Panay ang kawag ng mga kamay at binti ni Baby Aiken habang sinasayawan ko siya samantalang si Baby Brando ay nag uumpisa ng gumapang sa kama.
"Ang likot mo na pala Baby Brando nakakagapang ka na pala." Sabi ko sabay kuha ko kay Baby Brando dahil papunta na ito sa dulo ng kama.
Napangiti naman ako Baby Aiken na panay pa rin ang pag kawag ng mga braso at hita. Saglit muna akong huminto sa pagsasayaw para tabihan ang kambal.
"Hay ang mga kambal ko pano pa kaya pag narito din kasama natin ang dada Aizen niyo."
"Ma , Pa. Ano kaya kung pabinyagan na kaya natin ang kambal."
Dali-daling pumasok sila Mama at Papa sa loob ng kuwarto.
"Ikaw anak kung gusto mo na agad pabinyagan ang kambal?" Tanong ni Papa.
"Kailan mo ba gusto para mapaghandaan natin may napili ka na bang mga Ninong at Ninang." Tanong naman sakin ni Mama.
"Mama , Papa, May pera po akong ipon kaya kahit anong oras puwede na natin pabinyagan na ang mga bata, kailangan lang masabihan natin yun mga magiging ninong at ninang kung kailan para makadalo lahat." Sagot ko naman.
"O sige sabihan ko na si Aki tiyak mga kaibigan niya at si Cedrick magiging ninong nila, Mamaya tawagan ko si Ives para malaman din nila agad." Volunteer ni Mama.
"Ma huwag na muna ipaalam kay Mommy Ives, Gusto kong solohin ang pag gastos sa binyag ng mga bata ayaw kong umasa sa kanila. Ako ang ama nila kaya dapat ako lang ang mag provide ng pangangailangan nila na hindi umaasa sa iba," pagpapatuloy ko.
"Alam mo anak Brent, ipinagmamalaki talaga kita, pinalaki ka ng Mama mo na responsable at independent kaya malaki ang pasasalamat ko na tinulungan mo ang Mama mo na maitaguyod ang pamilya natin." sabay tapik sa likod ko ni Papa.
"Kaya nga Pa para sa inyo at sa mga kambal ko gagawin ko ang lahat kahit mahirapan pa ako, para sa inyong lahat ang pagpupursige ko."
"Brent gumawa ka na ng listahan ng mga ninong at ninang pagkatapos paliguan mo ang mga bata pasama ka kay Papa mo sa simbahan para makakuha kayo ng schedule ng binyag."
"Opo Mama."
                  ************
Razzo Pov
Narito ako ngayon sa JowaMoko tea at sobrang haba ng pila ng mga aplikante, dapat pala ay maaga akong nagtungo dito para maaga rin akong nakatapos.
Pero okay lang sanay naman ako maghintay sa mga ganitong napakahabang pila. Kung nagagawa ko ngang maghintay ng napakatagal ng para sa taong nararapat sakin, ito pa kaya hindi ko susukuan ang haba ng pila na ito.
Sa tuwing lalabas ang mga aplikante hindi ko mawari ang resulta ng apply nila base sa mukha nila, kaya tinuloy kinabahan ako kung ano mangyayari sa pag aapply ko sa milktea shop na ito. Tiningnan ko ang resume ko na wala pa kong background sa kahit anong trabaho at highschool lang natapos ko.
Medyo nakaramdam ako ng awa para sa sarili ko, ang hirap maging mahirap. Simula pagkabata ay hindi man lang umangat ang buhay namin sa skwater, kailan ko ba maiaahon sa hirap ang pamilya ko. Tinatanong ko si Mama kung nasaan ang Ama namin wala siyang maisagot sakin kaya heto ako na nagsilbing padre de pamilya samin.
Sa tagal ng pagmumuni muni ko hindi ko na namalayan na ako na pala ang susunod na magpapainterview.
Kinalabit pa ko ng babaeng nasa likuran ko para magising ang utak ko na matagal na pala akong nakatulala.
"Kuya pogi ikaw na."
Pagpasok ko sa milktea shop itinuro ako na pumasok sa pinto ng isang crew nila matangkad na moreno at pogi rin katulad ko. Napansin kong halos di nalalayo sa edad ko ang mga nagtatrabaho dito.
Inaasahan kong isang matandang masungit at nakakatakot ang mag iinterview sakin. Ngunit kagaya nga ng napanisin ko sa labas halos kasing edad ko lang din ang tatlong mag iinterview sakin, tatlo silang nagiinterview sa mga nag-aapply.
Halos lahat sila ay napatingin sakin. Napangiti sakin ang isang lalaki na nakapormal attire habang ang dalawa ay mga naka uniporme din.
"Maupo ka."  wika ng lalaking naka formal attire. Igop sa suot niyang pink na longsleeve with matching necktie pa.
"Tell me something about yourself."
Ipinakita ko ang resume ko at saka ako nagsalita.
"Ako po si Razzo Rutherford, 19 years old, ito po ang una kong trabaho kung papalarin po ako makapasok po dito sa milktea shop po."
"Nabasa ko dito na highschool lang ang natapos mo." May pagkaseryoso masyado itong nag iinterview sakin.
"Pero po masipag po ako madaling araw pa lang po ay nagkakagardor na ko sa palengke paminsan-minsan ume-extra po ko sa construction." Muli kong pagpapakilala sa sarili ko.
"I see gusto kita i-hire kasi may personality ka hindi naman nalalayo looks mo sa mga nagtatrabaho dito kasi yun ang concept ng shop namin mga pogi ang crew, kaya nga Jowa moko tea shop ang name ng milktea shop namin, Pero matanong ko lang kaya mo bang mag aral habang nagtratrabaho kasi nanghihinayang kasi ako sa katulad mo." Aniya.
"Huh pero Kiskey lahat na kami dito working student tapos maghire pa tayo ng mag aaral din paano na itong shop kapag nagkasabay sabay kaming magiging busy sa school." wika ng mestisong lalaki mukhang rich.
"Zeke bigyan natin siya ng chance." ani ng kasama nila.
Naku naman pag tinamaan ka nga naman ng lintik, susuwertehin na nga ko kaso itong asungot na mukhang rich kid sumingit pa.
"For me hindi siya qualified magtrabaho dito." Sabi ng nakasimangot na rich kid.
"Ahm Razzo we will call you, please expect our call make sure na active parati ang contact number na ibinigay mo okay, mag uusap lang kami ng mga partners ko, You may go."sabi ng kausap ko.
"Sige po Sir, Salamat po."
Paglabas ko ng pinto ay nabadtrip ako dun sa mestisong nag ngangalang Zeke na yun akala mo kung sino may ari, dinig ko tungkol sa kanya ay nag aaral din lang siya.
Nang makalabas ako ng Milktea shop na ito ay tiningnan ko muna ito mula sa labas. Ka bwisit hinding hindi ako bibili ng milktea niyo.
Nasayang lang lakad ko makauwi na nga, mukhang malabong matatanggap ako sa milktea shop na yun, Matanggap man ako baka hindi rin ako magtagal kasi may magiging kontrabida sa buhay ko.
Pagkalabas ko ng mall ay kaagad akong sumakay ng bus para makauwi na agad. Alas dos na ng hapon at sobrang lamig ng bus na sinakyan ko. Hindi ko tuloy maiwasan antukin kaya nakatulog ako sa bus.
May isang tao ang tumatawag sakin pangalan nagising ako dahil sa tawag niyang iyon. Bumaba siya ng bus ang isang lalaking nakaputi, wala sa isip ko na sundan ko din siyang bumaba ng bus.
Bigla siyang nawala sa paningin ko, hinanap ko ang misteryosong lalaking tumatawag sa pangalan ko, laking gulat ko ng hawakan niya ang kamay ko. Masaya ang kanyang mukha, maaliwalas at nakakagagaan ng kalooban. Hindi ko maintindihan kung bakit ganoon ang nararamdaman ko sa taong ito. Mukha siyang anghel na hulog ng langit.
Tinanong ko kung sino siya ngunit matamis na ngiti lang ang isinagot niya sakin. Patuloy kami sa pagtakbo habang hatak-hatak niya ko. Nagulat ako ng bigla siyang hatakin ng isang taong kamukhang kamukha ko. Tila ako'y nanalamin sa lalaking bigla na lang sumulpot at hinatak ang mala anghel na lalaki.
Humihingi ng saklolo sakin ang mala anghel na lalaki umiiyak ito habang hawak ng taong kamukhang kamukha ko.
Habang pinagmamasdan ko ang lalaking kamukhang kamukha ko, pilit naman sumisigaw ng saklolo ang mala anghel ang mukha.
Isang sapak sana ang aabutin ng mukha ko sa isa pang lalaking lumitaw bigla akong magising sa kinauupuan ko sa bus.
Ano ba iyon napaginipan ko ang sama, ano ibig sabihin ng taong kamukha ko at sino din ang lalaking mala anghel ang mukha na pangalawang beses ko na siyang napapaginipan.
"Oh yun monumento dyan bumaba na kayo habang naka red light pa." sigaw ng konduktor.
Nataranta ako sa pagtayo.
"Teka ho manong may bababa pa po."
Pagkababa ko ay kaagad akong sumabay sa mga taong naglalakad hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga panaginip ko.

Sa May Simbahan
Brent Pov...
"Baby Brent and Aizen Montecillo welcome to the christianity." masayang bati ng pari.
"Welcome mga baby to christian world!" napasigaw sa pagbati si Reyster
"Huy bungenge mo." saway ni Cloyd.
"Welcome to christian world mga apo!" bati ni Mommy Ives sa mga bata na hawak ni Papa Vergel si Brando at si Chairman Mao naman ay karga si Aiken.
Bumati din si Lime kasunod nun si Miles na empleyado ng Shau-chen Corporation, Si Mama Mira at ilan pang mga tropa ni Aki. Lumapit pa ang mga bisitan mga ninong at ninang.
Pagkabati ni Aki sa kambal ay napansin kong biglang tumakabo ito palabas ng simbahan. Iniwan ko muna ang mga bisita dahil busy sila sa pagpapaicture ng mga kambal.
"Aki ano ginagawa mo dito sa labas, bigla kang napatakbo?" Tanong ko.
"K-kasi Kuya parang nakita ko si Aizen kanina nakatayo rito, Ewan ko baka dinadaya lang ako ng paningin ko."
"Aki alam mong imposible yan sinasabi mo, wala na si Aizen matagal na siyang wala." Sabi ko sabay hawak ko sa balikat niya para ayain pabalik ng altar.
"Halika na sa loob at baka magtaka sila kung bakit tayo naririto sa labas."
Pagbalik namin sa loob ay hindi pa rin tapos magpapicture ang mga ninong at ninang, tuwang tuwa sila sa sobrang ka-cutean ng kambal.
"Saan kayo galing Aki, Brent?" tanong ni Mama.
"Wala po Mama may tiningnan lang ako sa labas." paliwanag ni Aki.
"Hmmm oh kayo naman ang magpapicture kasama ng kambal." Sabi samin ni Mama.
Kinuha ko si Aiken habang Kinuha naman ni Aki si Brando. Pagkapuwesto namin sa altar ay dinumog na naman ang kambal ng mga ninong at ninang na nakisama sa picture shot namin.
Manhattan New York
Kurt pov...
Magkausap kami ni Dr. John dito sa lobby ng hospital plano namin magbonding, mag unwind , or magstroll sa mga busy na mga lugar dito sa Manhattan New York. Kailangan kong sulitin ang mga libreng isang linggo ko. Bago ako umuwi ng Pennsylvania at harapin ang naiwan ni Papa na mga hotel casino.
"John, Wala ka ba balak pag isipan ang inaalok ko sayo?"
"Yun proposal mo na magtatayo ka ng hospital para sa akin?"
"Oo yun na nga, Ayaw mo ba talaga, para magkasama na tayo palagi oo nga magkatabi lang ang New York at Pennsylvania kaso napakalayo pa rin natin."
"Kurt think of this kung seseryosohin mo yan proposal mo sakin eh parang pumasok ka na din sa medical field, Siyempre i hahandle mo din ang hospital na ipapatayo mo sakin, kaya mo din ba ibigay ang dedication na ibinibigay ko sa mga pasyente ko?"
I rolled my eyes dahil mukhang gagamitan na naman ako ng mga medical terms ng kaibigan kong duktor at sa huli ako na naman talo sa conversation namin.
"Gusto lang kita kasi makasama, yes magagaling ang mga coordinates ni Papa sa pagpapatakbo ng negosyo namin pero siyempre ako pa rin ang magpapatkbo as CEO."
"Its our destiny Kurt, at hindi sa lahat ng oras ay magkasama tayo, at saka ano ang ginagawa ni Bryce."
"I dont like Bryce." Mabilis kong sabi.
"Mamili pa ba Kurt samantalang kababata mo na yun tao at matagal nang nanunungkulan sa negosyo ayaw mo pa rin sa kanya. Embrace what you have Kurt instead of pushing things beyond the limits."
"Hindi naman ako sa namimili Joh.."
Naputol ang usapan namin ni John nang magring ang kanyang phone, pagkatapos niya ito sagutin ay narining namin ang...
"Paging Dr. John Saavedra please proceed to the ICU."
"Paging Dr. John Saavedra please proceed to the ICU."
Hayys eto na naman call of duty sabi ko sa sarili ko.
"Halika ka Kurt kailangan ako sa ICU."
Mabilis namin tinakbo ang elevator nagmamadali kaming nagtungo sa 2nd Floor kung saan naroon ang ICU.
Kaagad kaming pumasok sa ICU at naabutan namin nagkakandarapa ang nurse na negra sa pag comfort sa nagwawalang pasyente.
"Dr. John at last he's finally awake." sabi niya sa amin.
"Aizen." bulong ni John sabay lapit sa pasyente.
"Nasaan ako, Sino kayo?" Tanong samin ng inalaagang pasyente ni John.
"Calm down, your in a hospital." wika ng nurse.
Kitang-kita ko ang takot, pagkabahala, confusion at traumatic stress ng pasyenteng hinangaan ko ng sobra. Umiiyak ito na hindi alam ang gagawin. Patuloy itong nagwawala kaya minabuti ko ng tumulong sa kanila.
"A.....Babe, just calm I'm just here for you. okay." Wala sa loob kong sabi sa kanya.
Napatingin siya sakin wari'y iniisip kung sino ako.
"Ako si Kurt ang boyfriend mo."
Wala na kong maisip na paraan para mapatigil ko siya sa pagwawala. Inisip kong sa pamamagitan ko ay mapapakalma ko siya.
"Kurt, Anong ginagawa mo!!!" mataas ang boses ni John na tila against siya sa ginawa ko.
Dahan-dahan pa ko lumapit sa mala anghel na pasyente naghihysterical.
"Calm down babe, nandito ka sa hospital at ngayon ka lang nagising." malumanay kong sabi.
"Pero bakit wala akong maalala?" palahaw niyang iyak kaya naawa ako.
Kaya lalo pa kong lumapit at hinawakan ko ng dahan-dahan ang kanyang kamay.
"Ssshhh! Dont cry anymore nandito na ko babe stop crying, dont be afraid." Muli kong sabi para mapatahan siya.
"Sino ka, bakit hindi kita maalala?" Umiiyak siya habang minamasdan kami.
"Its okay, Im your boyfriend huwag ka nang matakot at magbabalik din alaala mo." Muli kong attempt para mapakalma siya.
Pagkalapit ko ng husto ay bigla niya akong niyakap kaya niyakap ko na rin siya ng mahigpit para i comfort.
"Its okay babe, everything will be okay."
Sa wakas ay unti unting nabawasan ang pagwawala nito hanggang sa mahihinang hikbi na lamang ang naririnig ko. Effective ang ginawa kong pagpapapanggap na boyfriend niya para kumalma siya.
Nakita kong kumuha ng injection ang attending nurse. Tumango naman si John para aluin pa ang pasyente.
"Okay babe kapit lang sakin ah tuturukan ka ng gamot para gumaan ang pakiramdam mo."
Lalong yumakap sakin ng mahigpit ang pasyente kaya sinamantala nilang turukan ito ng pampakalma. Maya maya ay parang nanlupaypay ito na parang gulay at nakatulog agad.

Komentar Buku (69)

  • avatar
    Jum Jay A. Rudinas

    I hope there's a book 3 😊😊😊

    03/08/2023

      1
  • avatar
    chalseu

    author angganda, waiting ako sa next part🤭❣️

    21/12/2022

      0
  • avatar
    Periwinkle

    nice

    19/07/2022

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru