logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 4

Napabalikwas ng bangon si Talya. Hindi pamilyar sa kaniya ang kwarto. Masyadong magarbo iyon para sa isang tulad niyang taong kalye lamang.
Mabagal na pumasok sa utak niya ang lahat. Oo nga pala, kinupkop siya ng mag-asawang Vladimir at ngayo'y narito siya sa kwartong ito. Kaya pala masarap ang tulog niya, komportable siyang tulugan ang kama.
Napatingin siya sa bilog na orasang nakasabit. Alas singko na pala ng umaga. Sa mga ganito oras ay nag-uumpisa na siyang maghanap ng pagkain para sa sarili ngunit dahil nakatira na siya sa isang mansyon ay hindi na niya iyon kailangang gawin.
Tumayo siya at nagtungong banyo upang maghilamos. Ginamit na rin niya ang toothbrush na kahapon niya lamang nalaman ang silbi, para sa ngipin pala iyon kasama ang ka-partner nitong toothpaste.
Matapos ay lumabas na siya ng banyo. Humarap siya sa malaking salamin at sinuklayan ang lampas balikat niyang buhok. Inipitan niya lamang iyon ng papuson upang hindi maging sagabal.
Nagpalit din siya ng damit na komportable siya. T-shirt na itim at tokong ang napili niyang suotin matapos ay lumabas na siya ng kaniyang kwarto.
Dahil alas singko pa lamang ay mga katulong lang ang nakakasalubong niya. Bumabati siya sa mga ito kapag nakakita siya ng isa.
Isang sopistikadang babaeng may katandaan na rin ang humarang sa kaniya. Taas-noo siya nitong pinagmasdan mula ulo hanggang paa. "Ikaw na siguro si Talya." Masungit nitong sabi.
"Ako po nga."
"Hindi ko tinatanong." Inirapan siya nito na ikinamaang niya. Taray?
Tumikhim siya. "M-may alam ba po kayong gawain na bakante? Pwede ninyo pong iutos sakin po." Tanong niya.
Taas ang kilay na tumingin ito sa kaniya. "Buti naman naisipan mong tumulong dito. Akala ko pasarap ka lang sa bahay na 'to, hmm?" Binuklat nito ang pamaypay na hawak at pinaypayan ang sarili. "Ako si Clara, ang mayordoma ng bahay na ito. Tawagin mo akong madam."
"Ah... Opo, madam."
"Sumunod ka sakin. Magdidilig ka ng halaman sa hardin." Nauna itong naglakad kaya't sumunod naman siya.
Gusto niya namang magreklamo. Wala pa ngang nakikitang araw ay ipagdidilig na siya. Madilim-dilim pa ang labas na unti-unting nagliliwanag ngunit hindi sapat para maarawan na ang mga halaman.
Narating nila ang malawak na hardin. Sa tulong ng poste ng ilaw ay naaaninag niya ng malinaw ang mga ito. Nakangiti niyang pinagmasdan ang mga bulaklak sa paligid.
"Iyon ang hose. Iyon ang gagamitin mo pandilig ng mga halaman." Ani Clara.
Tumango-tango naman siya dito habang nakatingin sa hose. Nang umalis si Clara ay kinuha niya ang hose at binuksan ang gripo niyon.
"Ay putek!" Bigla siyang nabasa dahil hindi niya namalayang sa sarili niya pala naitutok ang dulo ng hose.
Naiinis na itinutok niya ang hose sa mga halaman. Masyadong malakas ang pagkakabukas niya sa gripo ngunit ano bang alam niya sa pagdidilig? Wala. Wala siyang alam. Pagnanakaw, meron pa.
"What are you doing?"
Napaharap siya sa taong nagsalita. Hindi niya namalayang sa pagharap niya dito'y naisabay niya pati ang hose kaya't nabasa ito.
"Shit!" Napaatras si Oddy habang mabilis niya namang ibinaba ang hose. "Hindi ka kasi nag-iingat!" Naiiritang sigaw nito.
Napamaang siya dito. "Ako pa ha? Sino ba yung biglang lumapit at nagsalita? Minumura mo pa ako, kapal nito!" Inis niya itong tinalikuran at diniligan ang mga halaman.
"Wow, kuya! Naglalaro kayo?" Biglang dumating si Cate at natutuwa sa nakikita. "Sali ako!"
"Damn. I'll take a bath. Tss." Inis na lumisan si Oddy.
Nagtataka namang tinignan ni Cate ang kapatid. "What happened?" Nakaawang ang bibig nitong tanong.
"Minumura mo 'ko?"
Agad na dumapo sa kaniya ang tingin ni Cate at napanguso. "Pwede ba, Talya? Hindi kita minumura, okay?"
Tumango siya. "Mabuti ng nagkakalinawan."
Muli niyang ipinagpatuloy ang pagdidilig ng mga halaman. Naramdaman niyang lumapit sa tabi niya si Cate. "Bakit ikaw ang nagdidilig?"
"Gusto ko eh."
"Gusto mo? Marunong ka ba?"
Tumango siya.
"Really, huh? Kaya pala nalulunod na ang orchids."
Taka niya namang tinignan ang itinuro nito. Hindi na niya pala naigalaw ang hose at nagprente ito sa isang direksyon. Nakalimutan niya eh.
Natapos siya sa pagdidilig at balak pa sanang tumulong pa sa ibang gawain nang hindi siya payagan ni Cate. Dinala siya nito sa kwarto nito dahil marami daw itong ipapakita sa kaniya. Kinikilig pa nga ito at hindi mapakali na ipinagtaka niya.
"Tsaran!" Natutuwang sigaw ni Cate nang mabuksan nito ang pinto.
Inilibot niya ang tingin sa buong kwarto nito. Puro posters ang nakadikit sa pader na mukha ng mga lalaking hindi niya kilala. May nakatayo pa sa gilid na mga standee na tila nakatingin lahat sa kaniya.
"Sino siya?" Taka niyang tanong habang minamata ang lahat ng posters nito.
"Anong siya? Marami kaya sila!"
"Marami?" Taka niyang tanong. Para sa kaniya ay iisa lang ang mga mukha nito, iba-iba nga lang ng hair style.
"Yup!" Nilapitan nito ang isang poster. "Ito si Lee Minho, my babe." Hinalikan nito sa pisngi ang poster na iyon na ikinangiwi niya. "Si Park Hyunsik. Kim Taehyung, my loves. Blah. Blah. Blah." Isa-isa nitong ipinakilala sa kaniya ang mga poster na hindi naman niya nakabisado lahat dahil sa dami.
Pinanood din sa kaniya sa laptop nito ang mga MV's at Dance Practice ng sayaw ng mga bias nito. Hindi man lang ito napagod sa kakukwento samantalang nababagot na siya. Sigurado siyang nakatira ng shabu si Cate kaya ganito ka-hyper.
Tinawag na sila ng isang katulong at sinabing kakain na daw ng agahan. Sa wakas ay nakawala na siya sa lupit ni Cate.
Dumiretso sila ng dining room at doon naghihintay sila Phemie, Primo, Oddy at Pollo.
Naupo siya katabi ni Cate. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin perfect ang pagkain ng maayos ngunit kahit papaano ay nakakasabay na siya dito.
"By the way, Odysseus." Biglang nagsalita si Primo at tumikhim. "We have a business to do in Batangas. Isasama ko ang mommy niyo pero hindi namin pwedeng isama si Pollo."
Ang nakakunot-noong si Oddy ay unti-unti nalinawan at tila naiintindihan na ang patutunguhan ng usapan. "No way! I won't babysit that brat!" Mabilis nitong angal.
Nagtataka naman siyang lumapit kay Cate. "Ano daw? Nagmumurahan ba sila?"
"Ikaw ang panganay, Odysseus. Sayo ko iiwan si Pollo. You know we have trust issues. We can't hire a nanny, again." Seryosong paliwanag ni Primo at nagpunas ng bibig gamit ang panyo.
"Hindi sila nagmumurahan. Kailangan ng babysitter ni Pollo." Sagot sa kaniya ni Cate.
"But I need to study and I'm sure guguluhin lang ako ni Pollo." May iritang maririnig sa boses ni Oddy.
"Anong beybisiter?" Muli niyang tanong kay Cate.
Napahinga ng malalim si Phemie. "Sige na, anak. Tatlong araw lang naman kami doon. Mabilis lang."
"Yaya, nanny, mag-aalaga kay Pollo. Yun." Sagot ni Cate.
Napatango-tango siya at mabilis na nagtaas ng kamay na ikinatingin nilang lahat. "Ako! Marunong ako pong mag-alaga ng bata!"
"Reall---I mean talaga?" Tanong ni Cate.
"Oo, ako lagi nag-aalaga sa mga pinsan ko dati eh."
Tumango si Phemie. "Salamat, Talya. Pag-uwi namin may pasalubong ka sakin." Kinindatan siya ni Phemie na ikinangiti niya.
Napatingin siya kay Oddy na bigla lamang siyang inirapan. Problema nito?

Komentar Buku (210)

  • avatar
    RinquejoRoger

    eujcm... tj, cfgl'trp';bnll]

    29/10

      0
  • avatar
    N. ElarRonald

    Pls diamond

    27/10

      0
  • avatar
    Elizabeth Barbarona

    good

    16/03/2025

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru