logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Stupid Specie

Stupid Specie

BinibiningKyuting


Prologue

Nakasandal si Talya sa isang sirang kotse. Patingin-tingin siya sa paligid ngunit hindi niya pinahatalang natataranta siya. Napakatagal naman kasing dumating ng kasama niya!
Napa-ayos siya ng tayo nang makita si Jude na mabilis na tumatakbo at ngayo'y pinipituhan na ng mga tanod. Bago ito lumiko sa isang eskinita ay mabilis nitong naihagis ang mamahaling bag na nadekwat nito.
'Ayos!'
Ngumisi siya at mabilis ding tumakbo, kampante na sana siya kung hindi lang napansin ng isang tanod ang bitbit niya.
Nasa palengke siya ngayon kaya't malamang na maraming mga kalalakihan ang magtatangkang pigilan siya ngunit sa taglay na bilis niya sa pagtakbo ay hindi naman siya mahuli-huli.
Mabilis niyang tinalunan ang isang kariton na naglalaman ng mga gulay na humarang sa kaniyang daan. Nalaglag ang ibang gulay dahil nasanggi niya iyon.
"Hoy! Mag-ingat ka naman!"
Rinig na rinig niya ang maiingay na pagpito ng mga tanod kaya't hindi naiwasang napakamot siya sa tainga. Binging-bingi na siya sa pito ng mga ito.
Lumiko siya pakanan at sa kamalas-malasan ay dead end na pala. Hindi siya nawalan ng pag-asa, ibinato niya sa bakod ang mamahaling bag saka inakyat iyon.
"Hoy!" Nahawakan ng isang tanod ang paa niya ngunit mabilis niya itong natadyakan sa mukha. Napa-atras naman ang tanod dahil sa ginawa niya.
Tumalon siya sa kabilang parte at mabilis na kinuha ang bag bago niya isinukbit sa balikat. Muli siyang tumakbo ng mabilis at hinihingal na napahinto nang makitang nasa kalsada na pala siya. Tumingin siya sa stop light at nakitang green pa ang ilaw niyon.
'Peste!'
Dumura siya ng laway at napatingin sa likuran. Sigurado siyang maya-maya lamang ay darating na ang mga tanod. Mabilis niyang tinawid ang kalsada, napapahinto pa siya sa gitna dahil sa mga rumaragasang sasakyan.
Malapit na sana siyang makatawid nang isang motorsiklo naman ang malapit ng sumagasa sa kaniya. Nanlaki ang kulay berde niyang mga mata dahil ilang dipa na lang ay mahahagip na siya ng motorsiklong iyon.
"Do you wanna die?!" Sigaw ng driver ng motorsiklo saka hinubad ang helmet at napatingin sa pambisig nitong relo. "Shit, I'm late."
Nag-init ang ulo niya. Ang ayaw niya sa lahat ay kakausapin siya ng mga tao sa lenggwaheng ingles. Feeling niya minumura na siya ng mga ito.
Gusto niya pa sana itong komprontahin ngunit narinig na naman niya ang nakakarinding pito ng mga tanod. Itinaas niya ang kaliwang kamay at ipinakita dito ang gitnang daliri niya.
"Pakyu." Malutong niyang mura saka mabilis na nanakbo paalis.
Kung makikita niya ulit ang lalaking iyon ay sisiguraduhin niyang bugbog sarado ito sa mga kamay niya.
"Ito ang sa 'yo, Talya." Ibinigay ni Jako ang hati niya sa kinitang pera.
Tinignan niya ang perang iyon. "Pinaglololoko mo ba ako?" Nanlisik ang mata niya. Sa dinami-dami ng ninakawan nila, isang daan lang ang makukuha niya?
"Huwag ka ng magreklamo, Talya. Masyado ka pang mahina sa pagnanakaw. Halos takbo lang ang itinulong mo." Iningusan siya ni Kaloy.
"Gago ka pala, eh!" Mabilis niya itong nilapitan at kinuwelyuhan. "Sa ating lahat, ako ang laging muntik ng mahuli. Ako ang pagod na pagod. Pasarap nga lang kayo, eh!"
Imbis na mainis ay ngumisi si Kaloy. "Mahina ka kasing tumakbo. Walang binatbat ang mga hita mo. Para may pakinabang ka naman, ipalasap mo na lang sa 'kin 'yan—" Bago pa nito matapos ang sasabihin ay tumama na ang kamao niya sa mukha nito.
"Ulol! Tangina nito! Ako pa ang kinakanti mo! Maghanap ka ng kakamot sa betlog mo! Ipasubo mo kay aling Pusing nang maluto 'yan!" Sigaw niya at tinignan lahat ng kaniyang mga kasama. "Gan'yan pala ang tingin niyo sa 'kin, magkanya-kanya na lang tayo!" Dugtong niya pa bago nilisan ang bakuran.
Naglakad siya sa madilim na eskinita. Gabi na at sira-sira pa ang ilaw ng poste dahil kinurakot na naman ng gobyerno ang pera pangpaayos ng gusali.
Sanay na ang mata niya sa dilim kaya't hindi siya natatakot. Nakayapak siya dahil wala siyang tsinelas. Ang dati niya namang tsinelas ay ninakaw pa sa kaniya. Hindi niya nga akalaing ang isang magnanakaw na tulad niya ay mananakawan din.
Narating niya ang karton niya at nahiga roon. Sa katabing karton ay naroon natutulog ang matandang si Jombol. Marami ring mga katulad niya na natutulog lang sa isang karton. Wala silang mga tirahan kaya't dito sila bumagsak.
Mabilis siyang nakatulog at sa kaniyang paggising ay basang-basa na siya ng ulan. Napatingin siya sa mga kasama niya at wala na ito sa mga kinahihigaan kun'di naroon na sa kabilang kalsada at mapayapang natutulog sa ilalim ng puno.
Inis siyang napatayo at hindi na dinala ang karton dahil basa na ito. Hindi man lang siya ginising ng matandang Jombol upang lumipat din ng higaan. Ngayon ay wala na siyang hihigaan dahil dito. Sana makapagnakaw ulit siya ng karton.
Walang masyadong nagdaraan na mga sasakyan sa maluwag na kalsadang iyon dahil pinaghihinalaang may white lady raw ang humaharang sa mga sasakyan. Sa kaniyang isip ay napapangisi siya. Hindi siya takot sa mga multo, pakialam niya ba?
Nasa kalagitnaan siya ng kalsada nang isang liwanag ang sumilaw sa kaniyang mga mata. Hindi pa man nanlalaki ang mata niya'y naramdaman na niya ang pagtalsik, kasunod ay ang paghapdi at pagsakit ng kaniyang ulo. Sinubukan niya pang hawakan ang kwintas na suot ngunit nilamon na siya ng dilim.
***
Malakas ang tunog ng kanta ng MIROH ng Straykids sa loob ng sasakyan dahil sa request iyon ng kapatid ni Oddy na si Cate. Kanina pa siya naiirita dahil sa sobrang lakas niyon ay tila mabibingi na siya.
"Himdeulji anh-a geochin jeong-geulsog-e
ttwieodeun geon nanikka I'M OKAY!" Sigaw ni Cate na halos lumabas na ang litid ng ugat sa leeg.
"Dad!" Aniya sa kaniyang ama na natatawa lang sa kabaliwan ng kapatid.
Hindi naman umimik ang kaniyang ina dahil nilalaro nito ang bunsong kapatid na si Pollo.
"Ugh!" Inis siyang napasandal sa bintana ng kotse at tinignan na lamang ang paligid.
"We goin' higher da-eum dosi sog---WAAHH!"
"Shit!" Agad siyang napahawak sa gilid ng pinto dahil bigla na lamang huminto ang kotse nila at may sumalpok na kung ano dito.
"Damn! I hit someting!" Mabilis na lumabas ng sasakyan si Primo, ang kaniyang ama, upang tignan kung ano ang nasagasaan. Sumunod naman siya.
"Hala! Napatay natin siya!" Natatarantang sabi ni Phemie, ang kaniyang ina, nang makita ang isang dalagang naliligo sa sarili nitong dugo.
Mabilis itong binuhat ni Primo at ipinasok sa sasakyan. "We should take her to the hospital!"
Dahil ang sasakyan nila ay van ay nagkasya sila. Inutusan pa siya ng kaniyang ama na siya ang gawing unan sa ulo ng babae habang naupo naman si Cate sa likuran na natataranta na rin.
Mabilis nilang narating ang ospital at inasikaso agad ito ng mga doktor at nurse. Naghintay lamang sila sa waiting area.
Kahit siya ay hindi maiwasang kabahan. Paano kung namatay ang babaeng iyon? Hindi pwedeng makulong ang kaniyang ama.
Ngunit nang kaniyang alalahanin ang mukha ng babae'y tila pamilyar iyon sa kaniya. Saan nga ba niya nakita ang mukhang iyon?
Umabot ng isang oras bago lumabas ang doctor. "She's fine. Mild injury lang ang natamo niya."
Nakahinga siya ng maluwag dahil doon.
"Akala ko talaga napatay mo siya, Primo." Ani Phemie na unti-unting nawawala ang kaba sa dibdib.
"Ako lang? Magkakasama tayo sa sasakyan." Reklamo ni Primo at napanguso.
"Oo, ikaw lang. Sino bang driver, ha? Si Pollo ba?" Sarkastikong sagot ni Phemie.
Hindi na sumagot si Primo at napanguso na lamang.
Napapailing na lang siya. Minsan nandidiri rin siya dahil sa sobrang sweet ng kaniyang mga magulang sa isa't isa. Kulang na lang ay langgamin ang mga ito.
Nagpunta sila ng kwarto kung saan naka-confine ang babae. Pinagmasdan niya ang mukha nito nang bigla itong magmulat ng mata. Nakita niya ang berde nitong mga mata na ikinakunot ng noo niya. Sigurado siyang nakita niya na ang matang iyon.
Lumapit si Pheme rito. "Hi, I'm names Phemie. How dare you? You're hurting, right?"
Gusto niyang mapatampal sa noo dahil sa english ng kaniyang ina. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagbabago. Kailan pa ba ito matututo?
Biglang lumapit si Primo at inakbayan ang asawa. "I'm sorry. She's not good at speaking in english." Bigla itong siniko ni Phemie na hindi naman nito ininda. "How are you? I'm sorry, I—"
"Sino ba kayo?! Anong kailangan niyo sa 'kin?!" Umatras ang babae at ang mababagsik nitong kulay berdeng mga mata ay dinapuan sila ng tingin.
Sabay-sabay silang nagulat dahil doon. Sa pagkakaalam nila'y isa itong foreigner. Sa bagay, ang mga foreigner na bumibisita sa bansang Pilipinas ay marunong ng magtagalog. Hindi na dapat kataka-taka iyon.
"Oh. Marunong ka palang magtagalog, hija." Ngumiti si Phemie sa dalaga.
"Anong kailangan niyo?! Kayo ba ang nanakawan namin?! Pasensya na, ha? Kumalas na ako sa mga tarantadong 'yon! Kaya tigilan niyo 'ko!"
Nangunot ang noo niya at nandilim ang mukha. Anong karapatan nitong sagutin ng ganoon ang kaniyang ina?
Nilapitan niya ito. "Don't be rude. They're my parents."
Tumingin sa kaniya ang berde nitong mata. "Pakyu."
Saglit na natigilan siya. Mukhang naalala na niya kung sino ang babaeng ito. Ito ang muntik na niyang masagasaan kanina sakay ng motorsiklo niya.
"Wag ako, tol. Wag mo 'kong tino-toksyet sa ingles na 'yan. Mumurahin lang kita."
Nagkatinginan ang mag-asawa habang siya ay napakunot-noo na lamang. "What are you saying? You're talking nonsense."
Itinaas ng babae ang kanang kamay nitong may IV at ipinakita sa kaniya ang gitna nitong daliri. "Nakikita mo 'to? Pakyu ulit." Naiirita nitong saad. "Sinabi ng wag mo 'kong inglesin. Hindi porque marunong kayong mag-ingles ay ipamumukha niyo na sakin. Oo na, ako na bobo. Kaya nga ako tinatawag na Bobita." Prente itong bumalik sa pagkakahiga habang ang mata'y hindi inaalis sa kaniya.
Nakipagtitigan din siya pabalik dito. Ito na ata ang pinaka-wirdong babaeng nakita niya.

Komentar Buku (210)

  • avatar
    RinquejoRoger

    eujcm... tj, cfgl'trp';bnll]

    29/10

      0
  • avatar
    N. ElarRonald

    Pls diamond

    27/10

      0
  • avatar
    Elizabeth Barbarona

    good

    16/03/2025

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru