logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Dismaya sa sariling pamilya

MAPAIT na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Nicole pagkarinig sa conversation sa pagitan ng mga magulang at Danica. Kalaunan ay tumawa siya ng pagak na ipinagtaka ni Soledad. Ang akala nito ay nasisiraan na siya ng bait.
"Ganiyan ka rin ba sa sarili mong anak?" nang-uuyam na tanong ni Nicole kay Soledad.
"Wala akong anak kaya huwag mo akong tanongin." Inis na sagot ni Soledad dito.
Muling tumawa si Nicole sa ginang."Kaya pala magkasundo kayo ni Danica. Siguro nagnakaw ka rin ng anak ng iba kaya ka nawalan ng trabaho?" pagpatuloy niyang pang-aasar sa ginang.
Galit ang nararamdaman ngayon ni Nicole at dissapointment para sa mga magulang. Hindi manlang nag-alala ang mga ito sa kaniya kahit para sa maging apo ng mga ito. Hindi manlang ng mga ito pinahahalagaan ang kaniyang damdamin. Mas naawa pa kay Danica kaysa sa kaniya at hindi naisip na maaring kailangan niya rin ang mga ito sa kalagayan niya ngayon.
Sa halip na magalit ay ngumiti ng pang-aasar si Soledad sa babae. Nasaktan siya sa sinabi nito pero hindi niya ito papatulan. Mahigpit ang bilin ni Danica na huwag itong saktan dahil baka maapiktuhan ang bata na nasa sinapupunan nito.
"Bagay lang sa inyo ang hindi biyayaan ng sariling anak dahil maitim ang mga budhi ninyo!" Nanlilisik ang mga mata ni Nicole na nakatutok sa camera ng cctv.
Mabilis na pinatay ni Danica ang screen monitor upang hindi marinig ang iba pang sinasabi ni Nicole. Hindi niya hahayaan itong bumaba ang kaniyang self confident dahil sa katotohanang kulang sa kaniyang pagkatao.
"Ayos ka lang ba?" tanong ni Rita kay Danica nang maabutan ito na mukhang tulala. Binisita niya ito sa opisina nito nang mabalitaan na kinumpronta nito ang kaniyang kapatid kahapon.
Napakurap si Danica at hinamig ang sarili nang makita si Rita. Hindi niya namalayang nakapasok ito roon at mabuti na lang na off na niya ang cellphone.
"Nakausap ko ang secretary ni Kuya. Napansin niyang lumabas ka sa opisina ni Kuya na namumula ang mga mata mo."
Ngumiti si Danica sa kaibigan at pinaupo ito. "Kung ikaw ang nasa kalagayan ko, maatim mo bang alagaan ang anak ng mahal mo mula sa ibang babae na itinuring mong kapamilya?"
Nangunot ang noo ni Rita at nasa mukha na hindi ito natutuwa sa narinig. "Huwag mo sabihin sa akin na buntis ang gold digger na iyon?!"
Malungkot na tumango si Danica sa kaibigan. "Habol lamang ng kuya mo ay bata. Kinausap ko si Nicole at ayaw niyang pumayag. Hindi ko na siya mahagilap ngayon. Ang huling pag-uusap namin ay ipakita niya lamang ang bata kung pakasalan siya ni Steven."
"Hayop siya! Ang kapal ng mukha niya para maisip na gustohin ni kuya na makasal sa kaniya! Pagsisihan niya ang lahat ng ito kapag ipinilit niya ang sarili sa pamilya ko!" Nanginig si Rita dahil sa galit para kay Nicole.
Yumakap si Danica sa kaibigan at ikinubli ang tunay na nadarama ng mga oras na iyon. Ito ang gusto niya, ang mamuhi ng husto ang kaibigan kay Nicole. Para kung darating man ang araw na malaman nito ang katotohanan ay hindi ito maniniwala. Tanging siya lang ang paniniwalaan ng lahat.
"Hindi ko kaya pero hindi ko rin kayang walang tatayong ina sa bata kung sakaling kunin siya ng kuya mo. Alam mong lahat ay kayang gawin ng kapatid mo kaya nag-aalala ako para sa bata. Siya ang lubos na maapiktuhan sa mangyayaring ito."
"Naintindihan kita, maswerte si Kuya dahil ikaw ang babaeng pinili niyang makasama sa kaniyang buhay. Huwag kang mag-alala, alam kong maging maayos din ang lahat. Tutulongan kita upang hindi malaman ng bata na hindi ikaw ang tunay niyang ina."
"Thank you! I owe you a lot!" Nakangiting tugon niya kay Rita kasabay ng pagtulo ng mga luha sa kaniyang mata.
Alam ni Danica na tutuparin ng kaibigan ang pangako nito sa kaniya. Hindi na siya mag-alala ngayon at nakakasiguro siyang mananatili siya sa tabi ni Steven. Wala na rin magagawa ang abuela ng mga ito dahil ang importante dito ay ang tagapagmana ng pamilya ng mga ito.
Nadagdagan ang pagiging mainitin ng ulo ni Steven dahil hindi mahanap si Nicole kahit nag-hired na siya ng detective. Magaling magtago ang babae at hindi ito matagpuan. Lalong nawalan siya ng gana sa pakipagtalik sa babae at naka focus ang isip sa magiging anak niya. May nagpadala sa kaniya ng litrato ng babae nakaraang araw. Sa hitsura nito ay mukhang malapit ng manganak. Kalakip ang sulat sa sobre ang demand nitong kasal upang makita ang anak nila.
Muling kinuha ni Steven ang larawang itinago sa drawer at pinagmasadan ang mukha ng babae. Naka sideview lamang ito at nakayo sa gitna ng silid. Bigla siyang nasabik na makita ang bata nang makita ang umbok ng tiyan nito.
Nahawi ni Steven ang gamit na nasa table niya nang muling nakaramdam ng frustration. Hindi niya alam kung saan mahanap ang babae dahil walang adress ang sulat. Ang tanging nakasaad doon ay magpapakita ito kapag nakaanak na at masunod ang kagustohan nito.
Nanatili lang si Grey na tahimik na nakatayo sa harap ni Steven. Hindi niya alam paano pakalmahin ang binata na ngayon ay nagwawala dahil sa galit. Hinayaan niya lang itong itapon ang gamit na mahawakan nito. Nagkalat na sa sa sahig ang mga papel.
Napabuntonghininga si Grey, maraming trabaho na naman ang secretary ng binata dahil nagulo ang mga papeles. Kung sakaling matagpuan nga nito ang babaeng pinahahanap. Sigurado si Grey na maging kawawa ang babae. Sa nakikita niyang galit sa mukha ngayon ng amo ay gusto nitong sakalin ang babae kung nasa harapan lamang nito iyon.
Lumipas pa ang buwan at lalong nababahala si Nicole sa kalagayan nila ng kaniyang anak. Pakiramdam niya ay hindi normal ang kaniyang pagbubuntis. Hindi pa rin siya nakakaisip kung paano makatakas doon. Rinig niyang napadalas na rin ang pagtawag ni Danica sa katulong. Nagkunwari siyang tulog at lihim na pinakinggan ang pinag-uusapan ng mga ito.
"Malapit na siyang manganak, siguraduhin niyong healthy ang baby at magawa ninyo ang pinagagawa ko sa inyo." Muling paalala ni Danica kay Soledad.
Natandaan ko po, Ma'am. Palalabasin ko po na namatay siya sa panganganak at ikaw ang una kong kokontakin." Sagot ni Soledad sa dalaga habang ang mga mata ang nakatitig sa natutulog na babae.
"Nakahanda na ba ang lahat ng gagamitin mo sa panganganak niya?"
"Yes po, Ma'am." Itinapat ni Soleda ang camera ng cellphone sa mga kagamitan na ginagamit niya sa pagpapaanak noon.
"Very good!" Malapad ang ngiting nakapaskil sa labi ni Danica. Bigla siyang na excite na masilayan na ang bata. Kabuwanan na ni Nicole pero hindi siya pwedeng pumunta doon. Kailangang masunod ang kaniyang plano upang walang maghinala.
Nakagat ni Nicole ang loob ng ibabang labi upang pigilan ang panginginig niyon. Bigla siyang nakaramdam ng panlalamig nang makumpirmang hindi nga siya bubuhayin ni Danica. Gusto niyang umiyak pero pinigilan niya dahil nasa loob pa ng silid niya si Soledad.
Pinakiramdaman ni Nicole ang bawat galaw ng ginang. Narinig niyang bumukas ang pinto at may pumasok.
"Ngayon ko na ba aalisin ang cctv?" tanong ni Gardo kay Soledad habang nakatingala sa kesame.
"Oo, ayaw ni Ma'am Danica na may maiwang ebedinsya." Sagot ni Soledad sa lalaki. Sa nakikita niya kay Nicole ay manganganak na ito ano mang oras. Nilinis na rin niya ang iba pang kalat na kahina-hinala sa paligid. Si Gardo ay magpapanggap bilang asawa niya.
Tuluyang pinakawalan ni Nicole ang luha na kanina pa pinipigilan nang wala na ang mag-asawa. "I'm sorry, anak. Kung sakali mang hindi na kita masilayan pa, sana ay alagaan kang mabuti ng iyong ama. Hindi ka niya pababayaan sa taong dahilan ng paghihiway natin." Hinaplos niya ang kaniyang tiyan habang patuloy sa tahimik na pag-iyak.
Sa loob ng opisina ay hindi mapakali si Steven. Hindi mawaglit sa kaniyang isipan ang buwan na kapanakan ng babae. Pakiramdam niya ay may hindi magandang mangyayari.
Si Danica ay nagkulong din sa kaniyang opisina hindi pa muli tumatawag si Soledad mula nang ibalita sa kaniya kanina na nagle-labor na si Nicole.
Naghalo ang luha at pawis ni Nicole habang umiiri. Hindi matawaran ang sakit na kaniyang nadarama ng mga oras na iyon. Hindi na naampat ang sakit na nasa kaniyang balakang at tiyan.
"Gardo bilisan mo! Akin na ang maligamgan na tubig!" Pasigaw na tawag ni Soledad sa kasama. Maging siya ay pinagpapawisan na rin. Hindi niya akalain na kambal ang bata at mukhang nahihirapan si Nicole na ilabas ang isa pa.
"Ahhhhhh...." Napahiyaw muli si Nicole dahil sa sobrang sakit nang humilab ang tiyan. Gusto na niyang sumuko ngunit nang marinig ang iyak ng unang anak ay nagkaroon muli siya ng ibayong lakas.
"Umiri kang muli at malapit nang lumabas ang ulo ng bata!" galit na utos ni Soledad sa dalaga.
Tinudo ni Nicole ang pag-iri nang muling humilab ang kaniyang tiyan. Hinahapong ibinagsak ang ulo sa unan nang tuloyang mailuwal ang ikalawang anak.
"P*ta, mayroon pang isa!" naibulalas ni Soledad nang makitang may isa pang bata. Narataran na siya dahil nanghihina na ng husto si Nicole.
Mabilis na sinunod ni Gardo ang utos ni Soledad na ipagluto ng noodles si Nicole. Kailangan umano nitong lumakas kahit kaunti upang mailabas ang ikatlo na ayaw pang sumunod sa mga kapatid sa paglabas.
Mabilis na tinawagan ni Seledad si Danica habang hinihintay ang paglabas ng isa pang bata.
"What? Kambal ang anak?" gulat na tanong ni Danica sa ginang.
"Opo, Ma'am at ayaw pang lumabas ng isa."
Nangalit ang ngipin ni Danica at nainis sa kaalaman na kambal pa ang nabuo sa isang gabi lamang na nangyari. Dahil sa inis ay pinatayan na niya ng cellphone si Soledad matapos ibilin na siguraduin na buhay ang mga bata. Hindi na niya inalam ang kasarian at kung ilan iyon.
Nagmamadaling binitawan ni Soledad ang cellphone at kinuha kay Gardo ang isang mangkok na may laman na noodles. "Kainin mo iyan para magkaroon ka ng lakas na iluwa iyang isa mo pang anak." Walang ingat na inabot sa dalaga ang hawak.
Nanginginig ang mga kamay ni Nicole habang sumusubo. Kahit nanghihina na ay pilit niyang nilalabanan ang takot na nadarama. Naglikot ang kaniyang mga mata at napansin ang cellphone na malapit lang sa kaniya.
Si Gardo ay abala sa pagtulong sa ginang na malinis ang dalawa niyang anak. Hindi na muna niya inintindi ang dalawang bata. Mabilis niyang inabot ang cellphone at itinago sa ilalim ng kaniyang unan. Pinatay niya rin iyon upang hindi makalikha ng ingay kung may tatawag man.
Tama lamang na naitago na ni Nicole ang cellphone nang muling humilab ang kaniyang tiyan. Sa pagkakataon na ito ay tumulong na si Gardo sa pagtulak sa kaniyang tiyan upang mailabas ang bata. Tumagal ng ilang minuto bago tuloyang mailuwal ang ikatlong anak.
"Hindi siya humihinga!" Nataranta si Soledad nang hindi umiyak ang bata. Binaliktad niya ito ang tinapik sa puwitan ngunit mukhang nahihirapang huminga ang bata.
"Ano na ang gagawin natin?" Kinakabahan na rin si Gardo. First time niyang makakita ng ganitong senaryo at naawa siya sa bata.
"Hindi siya maaring mamatay at tiyak mananagot tayo kay Danica."
Pilit na iminulat ni Nicole ang mga mata upang masilayan ang anak. Naririnig niya ang bulongan ng dalawa kaya sobra siyang nag-alala sa anak. Ang ganda ng kaniyang anak pero mukha nga itong mahina. Ang dalawa pang anak ay hindi niya gaanong makita ang mukha dahil malayo sa kaniya. Pero alam niyang isa doon ay lalaki.
"Pakiusap, dalhin niyo sa hospital ang anak ko at iligtas ang kaniyang buhay." Nanghihinang pakiusap ni Nicole sa dalawa.
Sabay na lumingon ang dalawa sa dalaga. Sa hitsura nito ngayon ay alam nilang hindi ito magtatagal kapag hindi naasikaso. Pero dahil iyon naman talaga ang plano ay hinayaan lang nila itong maghingalo doon. Ang mahalaga sa kanila ngayon ay ang mga bata.
"Hindi na iyan makakilos kaya huwag mo siyang intindihin." Sita ni Gardo kay Soledad nang pinutol nito ang pusod at inilabas ang inunlan ng bata.
"Gago ka ba? Eh 'di ako naman ang napagbalingan ng sisi ng pamilya niya kapag namatay ito at makita na naiwan sa loob ang bahay-bata." Singhal ni Soledad sa lalaki.
"Ang dami mo pang satsat, kunan mo na iyan ng larawan at ipadala kay Ma'am Danica para madala mo ang bata sa hospital." Aroganteng utos ni Grado sa ginang. Magkasing edad lang sila nito pero hindi sila magkakasundo.
Dali-daling hinanap ni Soledad ang cellphone ngunit hindi niya mahagilap iyon.

Komentar Buku (147)

  • avatar
    Carlota Recamara

    Sana may ending napakaganda ng story nito at napakagaling ng author nito nakaalis ng stress makabasa ng ganitong storya

    11/06/2022

      0
  • avatar
    Rosal Del Castillo

    good job author👍👍👍👍👍👍

    8h

      0
  • avatar
    Ronsailnda Martinez

    salamat

    3d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru