logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

TPC 6

She liked Aiona. Siguro dahil maganda ito at malambing. Pero sa palagay niya ay na-spoil ito nang todo sa kanila ni Marcel. Ngayon lang niya nakita ang ugali nito na makasirili at may pagkamatapobre. O baka may ganoon na itong ugali noon pero di niya napapansin dahil sa palagay niya ay cute naman.
Di niya maintindihan dahil maayos naman itong makisama sa iba. Darling ito sa Bright Future Academy kung saan sila nag-aaral. Ayaw daw nito kay Abby dahil lang iniisip nito na nanghihingi ng pera ang babae. Bakit ganoon agad ang persepsyon nito samantalang wala namang hinihingi na kahit ano si Abby sa kanila?
“Miss, hinahanap ko po si Abegail Azuela,” anang isang babae na nakaduster lang at nakapusod nang basta-basta ang magulong buhok. Pawisan pa ang babae at may nakasampay pa na tuwalyita sa balikat nito. “Yung nasaksak daw po. T-Tiyahin niya ako. Ang batang iyon talaga, lagi na lang nasasali sa gulo.”
“Carol? Carol Azuela, ikaw ba iyan?” anang si Marcel at nilapitan ang bagong dating.
“Sino ka?” naguguluhang tanong ng matandang babae.
“Ako si Marcel. Kaibigan ako ni Selena. Naalala mo ba ako?” tanong ni Marcel na may bahid pa ng excitement sa boses.
“Marcel? Marcel Malvarosa?” Naging matiim ang mukha ni Carol. “Paano naman kita makakalimutan samantalang basta ka na lang nawala matapos buntisin ang kapatid ko.” At kinuyom ng babae ang palad na parang gustong suntukin ang ninong niya pero pinipigilan ang sarili.
“Ano? Nabuntis ko si Selena?” gimbal na usal ni Marcel.
Nagkatinginan sila ni Aiona. Parang di yata nila dapat marinig ang usaping iyon na lubhang maselan. Dapat ay pribadong usapin iyon. Hinawakan niya ang braso ng dalaga para akayin ito palayo pero pumiksi ito. Wala itong balak na umalis.
“Nasaan na siya? Gusto ko siyang makausap,” anang si Marcel.
Umismid si Aling Carol. “Patay na si Selena. Matagal na.”
“Ang anak namin? Nasaan ang anak namin?” may bahid ng panic sa boses na tanong ni Marcel.
“Ginagamot pa raw dahil nasaksak ng snatcher,” anang si Aling Carol at mangiyak-ngiyak. “Bakit kasi hinabol pa niya? Nakialam pa sa problema ng iba.” Sinapo ng babae ang noo. “Di ko alam kung saang kamay kami ng Diyos kukuha ng panggastos sa araw-araw tapos ganito pa ang nangyari.”
“K-Kami po ang tinulungan ng pamangkin ninyo,” sabi ni Roumel.
“You mean that dirty girl is my cousin?” nanlalaki ang matang tanong ni Aiona. “No! It can’t be. Imposibleng anak ni Uncle ang babae na iyon.” Kumapit ito sa braso ni Marcel. “Uncle, don’t believe that woman. Baka gusto lang nila na perahan ka. Of course, she knows you are rich.”
“Hoy! Pinapalabas mo ba na sinungaling ang kapatid kong namatay na? Sino ka naman para sabihin iyon? Ni hindi mo nga kami kilala,” mataray na tanong ni Aling Carol. “Sino ba ang intrimitidang iyan? Napahamak na nga ang pamangkin ko, pati ba naman pagkatao niya kukuwestiyunin pa? Mayaman naman kayo. Ipa-DFA test ninyo ang pamangkin ko kung gusto ninyo.”
“DNA test iyon” paglilinaw ni Marcel.
“Pareho lang iyon. Pero kung kayo ang tinulungan niya, anak mo man si Abby o hindi, siguro naman responsibilidad ninyo na ipagamot siya. Wala naman siya sa ganitong sitwasyon kundi siya tumulong,” katwiran ni Aling Carol.
“Ako ang bahala sa pagpapagamot niya. Gusto kong makita ang anak ko,” matigas ang boses na pahayag ni Marcel.
“Kailangan ba talaga na dito pa ako sa ganito kagandang kuwarto tumuloy? Hindi naman ganoon kalala ang tama ko,” puno ng pagtataka na tanong ni Abegail habang nakaupo sa hospital bed. Katatapos lang tahiin ng doktor ang sugat niya at ngayon ay naka-sling pa para daw di niya magalaw ang braso at balikat niya. Akala niya ay pauuwiin na siya at reresetahan lang ng antibiotics. Pero sinaksakan siya ng tetanus shot at gusto pa daw siyang obserbahan ng doktor.
“Oo nga. Parang prinsesa ka dito. May sarili ka pang TV na may cable, may prutas pa,” excited na sabi ni Maria Judie na kumuha ng ilang pirasong ubas saka humilata sa sofa. “Parang hotel itong kuwarto mo. Parang wala sa ospital. Pwede kaya tayong magpa-deliver ng pagkain? Pizza pie? Cake?”
“Wala tayo sa hotel. Wala rin tayong pambayad dito. Para saan pa ako oobserbahan?” Wala naman daw nerve na tinamaan. Itinanong talaga niya iyon dahil interesado siya sa anatomy ng tao noong may Biology class sila. Alam din niya na mahilig lang mamera ang ibang doktor lalo na sa mamahaling ospital. Di siya pagogoyo basta-basta. Di naman napupunta ng ospital ang mga gaya niya maliban kung malala na ang sakit. Dahil para sa kanilang mahihirap, bawal ang magkasakit. Kapag kayang tiisin ay titiisin. At sapat na sa kanya na matahi ang sugat niya at resetahan ng gamot. “Gusto ko nang umuwi. Walang kasama si Tiya Carol na magbabantay sa lugawan. Aba! Sayang ang kita.”

Komentar Buku (41)

  • avatar
    Angeline Vlog

    nice good ❤️❤️❤️

    3d

      0
  • avatar
    Del AlfredoRey

    viva

    15d

      0
  • avatar
    Rejie Kho Baquiran

    qiqikqshjsjsjhshshsvsvjsksoosksnjsisnsvjsksbsjjsvsjskosoksjsjjsjsjkskskkskisosooso

    17/08

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru