logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

CHAPTER SEVEN: Visiting The Palencia

“Habang tayo ay tumatanda mas naiintindihan natin ang isang bagay. Habang iniintindi ito ay siya namang unti-unting pagkamatay ng ating kaligayahan.”
T R I S T A N
Kasunod na nagpaalam si Ian sa akin. Nagmamadali ito sapagkat, nagsisimula na raw pala ang Entrance Examination sa papasukan niyang paaralan.
Tila napakabilis ng araw at isa-isa na kaming naghihiwa-hiwalay. Alam kong ito ang marapat sapagkat para rin naman ito sa kinabukasan naming tatlo. Hindi naman sa lahat ng oras kami-kami lang ang magsasama-sama.
Naiwan na ako sa lugar namin at hindi na lumayo pa. Ang paaralang pinapasukan ko kasi nang High School ay nag-o-offer ng kursong education. Kaya bakit pa ako gagastos sa malayo, hindi ba?
Sina Ian at Yssay, kung may law at mass communication lang na offers sa school namin ay alam kong mananatili lang din sila rito. Ang kaso, walang gano’n. Limited lang ang kursong mayroon.
Gusto ko sanang kumuha ng kursong Bachelor Of Science And Criminal Justice, ang kaso, sabi ni Mama, kunin ko na lahat ng kurso basta huwag lang related sa military course. Kaya naman sinunod ko na lang ang gusto niya.
Makalipas ang ilang araw ay nag-announce na ang eskwelahang papasukan ko ng araw ng Entrance Examination para sa collage.
Wala naman akong inaksayang oras at inasekaso ko na ang mga kakailanganin ko para sa Entrance Examination.
Matapos ang Entrance ay sumunod naman ang enrollment. Hindi ako sanay na hindi kasama sina Yssay at Ian.
Mas napapaaga na rin ang gising ko hindi tulad nang ako ay High School pa lang. Umaga pa lang ay nasa pilahan na ako upang makakuha ng ticket number para sa enrollment.
Dahil sa Education ang kukunin kong kurso ay ni-re-require kaming interview-hin. Hindi ko makita ang sarili kong excited o lukso man lamang ng puso. Lagi akong nakatanaw sa kabilang department. Sa BS Criminology department.
Halos madurog ako habang nakikita ang mga estudyante roon na masaya habang ako nagsa-suffer sa kursong kinuha ko. Pero hindi ko dapat biguin si Mama.
Nag-take ako ng interview at natanggap naman ako bilang official at pweding mag-enroll sa kursong education.
Kaya umuwi ako agad upang ibalita kay Lola Maria ang mga kaganapan. Nakayuko lang ako at bagsak ang mga balikat.
Bukod kasi sa ayaw ko ang kursong kinuha ko ay pagod na pagod pa ako sa haba ng pila sa interview at pagkuha ng certificate of registration.
Nasa gate pa lang ako ay rinig ko na ang mga halakhak ni Mama at Lola Maria. Napangiti ako nang malapad sapagkat umuwi na ulit si Mama. Ilang buwan na rin kasi itong hindi na nakabibisita sa amin ni lola.
“Oh, nandito na pala si Tristan,” sambit ni Lola nang makita ako sa pintuan.
Napangiti lang ako sa kanila at pinilit iwaglit ang nararamdamang panghihina.
“Ma!” usal ko. “Umuwi ka na ulit, sakto po may ibabalita ako sa iyo.”
Nagningning ang mga mata ni Mama maging si Lola ay gayon na rin. Tila naging excited sila sa mga sasabihin ko sa kanila.
“Ako rin, Anak,” sagot ni Mama.
Napalaki ako ng aking mga mata at pumagitna na kina Lola at Mama. Tinanggal ko na rin ang bag ko at bago harapin si Mama.
“Kumusta enrollment?” tanong ni Lola Maria.
“Iyon nga ang ibabalita ko sa inyo La, Ma. Pasado po akong kumuha ng kursong education.” Pumiki ako ng ngiti sa kanilang dalawa.
“Wow! Nakakaproud naman ang anak ko!” Bigla akong niyakap ni Mama pero kumalas din agad.
Si Lola naman ay biglang hinawakan ang aking mga pisngi at pinisil iyon kaya napapikit ako sapagkat malakas ang mga iyon. Parang mapupunit yata ang balak ko.
“La!? Aray!”
Natawa si Mama sa naging reaksyon ko. Habang si Lola ay pinagpatuloy ang pagkurot. Gusto ko ng maluha hanggang sa bitawan na nga ni lola ang pisngi ko.
“Brutal niyo sa pisngi ko La.” Hinaplos ko ang pisngi ko. Humarap ako kay Mama  “Ma, pagsabihin niyo nga Mama niyo,” biro ko.
Nanlaki at pinandilatan ako ng mata ni Lola. Pero niyakap ko naman siya agad. “I love you, La,” usal ko bago pa niya ulitin ang pagkurot sa pisngi ko.
“Nagseselos na ako, bakit siya lang may ganiyan tapos ako wala,” sabi ni Mama.
“Ma? Huwag na kayo, kaya niyo na sarili niyo.” Bigla akong kinurot ni Mama sa tagiliran kaya napahalakhak ako. May kiliti kasi ako sa parting iyon.
“Oh siya ipagluluto ko kayo ng masarap na tanghalian,” sambit ni Lola bago tumayo sa kinauupuan.
“Sige, Ma. Salamat!” usal ni Mama.
“Ah Ma, ano po bang sasabihin niyo sa akin?” tanong ko. “Saka, Ma, wala pa kayong ginagawa ngayon sa WESCOMHE?” dagdag ko pa.
“Nag-fill ako ng leave... Ayon, pinayagan naman so far,” sagot nito. “Gusto ko kasing maka-bonding ka, anak. Naisip ko kasi parang these past few months hindi na tayo nakapag-uusap eh. Masyado na akong naging abala sa trabaho ko. Pakiramdam ko ang layo-layo ko na sa inyo... sa iyo, kaya kahit busy ako hahanap ako ng paraan para makita at makasama ka.”
“Okay lang po iyon, Ma. Naiintindihan po kita,” sagot ko.
Sinapo nito ang aking pisngi at tumitig sa mga mata ko. “Kamukhang-kamukha mo ang Papa mo, Tristan. I miss him.” Kita ko ang pamumuo ng mga luha sa mata ni Mama. Kaya biglang parang kinurot ang aking dibdib. “I will take you there. Sa lugar kung saan nakilala ko ang Papa mo,” paliwanag ni Mama kasabay ang paglandas ng mga luha na agad niya namang pinunasan gamit ang kaniyang mga kamay.
Nanlaki ang mga mata ko at biglang umalon ang aking dibdib sa mga narinig. Bigla akong nabuhayan ng loob.
“Talaga po, Ma? Tika, may mga kamag-anak pa po ba si Papa roon, Ma? May mga pinsan po ba ako?” mahinahon at sunod-sunod kong tanong.
Umiling siya sa akin. “He didn't tell me, maikli lang ang araw na nakasama ko siya. Pero ang pagkakaalam ko. Wala na siyang kamag-anak liban sa sinasabi niyang Kuya Samuel niya. May mga lupain sila roon sa Bario Palencia. Doon na rin ngayon nakatayo ang Kampo ng 42th Infantry Division na noon ay pinamumunuan ni Sargeant Hipuldo. Ngayon ay si Master Sargeant Gregorio Cabitana na.” Napangiti siya na tila ba may naalala.
“Excited na akong pumunta roon, Ma, gusto kong makita ang lugar kung saan lumaki si Papa.”
“Dadalhin kita roon. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit naisipan kong mag-file ng leave. Pangako ko kasi sa aking sarili bago ka tumungtong sa kolehiyo ay dadalhin kita sa lugar kung saan una kong nakilala ang Papa mo.”
Napangiti ako sa mga narinig ko sa kaniya. Hindi niya talaga ako binibitin sa pagmamahal. Kahit na isang sundalo si Mama ay hindi niya pa rin nakakalimutang bumawi sa akin. Naglalaan pa rin siya ng oras at sulit na sulit ang araw na nakakasama namin siya ni Lola. Lagi niya rin kasing sinasabi na, baka ito na raw ang huli kaya nilulubos niya na.
Naiintindihan ko naman siya sapagkat, delikado ang trabaho niya. Mahirap pagsabayin ang obligasyon mo sa pamilya at ang trabaho lalo pa at isang sundalo si Mama.
Pagkaraan ng ilang araw ay naisipan na nga naming pumunta sa Bario Palencia. Umaga pa lang ay nasa terminal na kami ng bus. Halos mag-umapaw ang tuwa sa aking dibdib. Hindi nga ako halos makatulog nang gabi bago kami naparito.
Lumulan kami ni Mama sa Bus. Siya sa parting bintana habang ako ang nasa gitna. Malayo ang tingin ni Mama, hindi ko alam kung bakit tila mabigat ang dala-dala niya habang paalis na kami.
“Ma? Ayos ka lang po ba?” tanong ko.
“Yeah, I am good. Medyo, may iniisip lang. Ikaw? Ayos ka lang ba?”
Tumango na lang ako bilang tugon sa kaniya. Pagkatapos ay bumalik na kami sa walang kibuan. Hinayaan ko na lang si Mama.
Habang tumatakbo ang bus ay napansin kong unti-unti ng sumusukal. Magkakalayo na rin ang mga bahay na nadadaanan namin.
Ilang oras din ang byahe hanggang sa makarating kami sa Bario Palencia. Nasa talipapa kami kung saan nagbababa ng sakay ang bus. Ibang-ibang ang vibe ng lugar dahil na rin sa walang masyadong bahay at presko ang hangin. Mararamdaman din ang pagbalot ng malamig na simoy ng hangin sa balat.
Nang ilibot ko ang aking mga mata ay napansin kong marami namang tao sa paligid. Kung ano-ano ang mga tinitinda, prutas at gulay. Subalit, hindi iyon ganoon ka unlad tulad sa bayan na pinangalingan namin ni Mama. Gawa sa mga light materials ang mga bahay-bahay na nilalagyan nila ng kanilang mga paninda. Makaluma rin ang kanilang mga suot. Mga long sleeve na polo t-shirt sa lalaki habang sa mga babae naman ay saya at simpling damit lang.
“Sandali, bibili lang akong ng gulay,” usal ni Mama. Pumasok kami sa karamihan ng tao at pansin ko ang pagtitig nila sa amin. Siguro ay dahil na rin sa kakaiba ang suot namin hindi tulad sa kanila.
May mga narinig pa akong bulong-bulungan pero hindi ko na iyon pinansin at saka hindi ko naman naiintindihan. Sariling linguwahe yata nila ang kanilang binibigkas.
Ngumiting aso na lang ako sa kanilang lahat kahit hindi ko naman sila kakilala. Gayon na rin ang ginawa nilang tugon sa akin, ngumiti rin sila sa akin na para bang magkakilala lang kami. Ngunit isang bata babae na ka-edaran ko ang nakatawag ng pansin sa akin.
Nakatirintas ang buhok niya kaya napatitig ako sa kaniya nang matagal. Matangos ang ilong, balengkinitan, at pointed ang baba. Kissable lips at maayos na nakakurba ang mga pilik mata. Ang lakas ng dating nito sa akin kaya hindi ko napansing nakangiti na pala ako habang nakatitig sa kaniya. Ang kaso busy siya sa paninda nila kaya hindi niya ako napansing nakatitig sa kaniya.
“Huy, Tristan, tara na,” usal ni Mama na nagpabakik ng ulirat ko.
Sumunod na lang ako kay Mama. Bago iyon ay sumulyap pa ako sa babae at doon lang nagtama ang mga mata naming dalawa. Bigla akong nakaramdam ng kung ano sa aking dibdib at umalon bigla ang aking puso. Napatingin na lang ako sa malayo saka naman ako kumalma. Napahawak pa ako sa aking dibdib at umiling. Hindi ko maintindihan? Anong nangyayari?
Gayunpaman, hindi ko na lang pinansin at sumunod na lang kay Mama. Pansin ko na parang napupunta na kami sa kasukalan. Hindi ko alam kung saan na kami patungo kaya lumapit na ako kay Mama. Baka kasi maligaw ako kapag lumayo ako sa kaniya. Wala pa namang bahay sa paligid.
Makalipas lang ang ilang minuto ay natanaw na namin ang isang kampo ng mga sundalo. “Dapat kanina ko pa ito sinabi eh. Welcome sa Bario Palencia!” sambit ni Mama.
Natawa na lang ako sa kaniya.  “Saan tayo tutuloy, Ma? Diyan? Hindi po ba delikado rito, Ma? Paano kung may mga rebelde pala rito,” usal ko habang inililibot ang mga mata sa paligid.
Itinuro ni Mama ang kampo na nakatirik malapit sa mga niyugan. “Diyan tayo tutuloy sa Kampo.” Ngumiti ito sa akin. “Secured na ang lugar sa bahaging ito Tristan. Napasuko na ng ama mo ang mga rebelde rito noon. At alam mo ba na pagmamay-ari ng Papa mo ang niyugang na iyan? Saka hindi kita dadalhin dito kung alam kong delikado. Iyong bahay na nandiyan ay ang dating bahay ng iyong Ama. Hiniling ni Heneral Hilbert Fernandez na rito na lang itayo ang Kampo, malayo ito noon dito. Dito rin kasi noon ang daanan ng mga rebelde noon patungo doon.” Itinuro ni Mama ang bundok. “Sa Bundok Payaw. Kaya rito na lang itinayo ang kampo.”
Napalaki ang mga mata ko. Ang lapad pala ng niyugan na pagmamay-ari ni Papa. Napanganga na lang ako sa aking mga narinig.
“Talaga, Ma? Sayang hindi ko po naabutan si Papa.” Napayuko na lang ako.
“Tara na?” usal ni Mama.
Napatango na lang ako sa kaniya bilang tugon.
“Kung ganoon po, sino po ang namamahala na rito sa niyugan ni Papa, Ma?” tanong ko pa habang patungo kami sa gate ng kampo na gawa sa kawayan.
“Si Gregor, iniwan sa kaniya ni Heneral ang lupain upang siya muna ang magbantay at mangalaga, si Gregor ang matalik na kaibigan ng Kuya ni Bayle na si Samuel,” paliwanag nito.
“Parang gusto ko pong makilala ang taong iyon, Mama.”
Ngumiti lang sa akin si Mama bago kami tuluyang matapat sa gate. Nakita kong may tower sa loob kaya doon kumaway si Mama. Tila alam naman ng sundalong naka-duty sa taas ang gagawin niya.
Sumenyas ito sa baba. Hindi rin kasi namin makita ni Mama ang nasa loob sapagkat mataas ang mga bakod at dikit-dikit ang pagkakalagay ng kawayan.
Pagkatapos ay unti-unting bumukas ang gate. Siya namang agad na pagsaludo ng mga sundalo kay Mama.
Sumaludo pabalik si Mama bilang tugon sa kanila. Mas nag-alab ang pagnanasa kong maging sundalo sa tuwing may nakikita akong tagpo tulad nito.
Agad namang ibinigay ni Mama ang hawak niyang gulay sa kaharap niya.
“Sargeant niyo?” tanong agad ni Mama.
Ako na ang nagkusang isarado ang gate. Hinayaan naman ako ni Mama at ng kaharap nitong sundalo.
“Nagpapahinga po, Captain,” magalang na tugon nito.
“Sarap buhay ah, patulog-tulog lang,” birong tugon ni Mama.
Napangiti at kamot naman ang sundalong kaharap ni Mama.
“Tuloy po kayo, gusto niyo po ba ng Kape, Juice ano po?” sabi pa ng sundalo.
Lumapit akong muli kay Mama nang maisara ko ang gate. Napatingin naman agad ako sa uniporme niya. Salazar ang kaniyang apelyedo.
“Nak, anong gusto mo?”
“Kape, Ma,” tugon ko.
Napatingin si Sir Salazar sa akin. Bigla na lang nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin sa akin. Doon ko napagmasdan ang hitsura niya, palagay ko ay nasa trentahin na ang edad nito.
“B-Bayle?”
Napangiti si Mama nang marinig ang mga iyon kay Sir Salazar. Hinarap na ako ni Sir Salazar at hinawakan sa balikat. Tila kinakabisado ang aking katawan.
“Anak ko iyan, Salazar, hindi iyan si Bayle. Lagi ng pisngi niyan samantalang si Bayle hindi. Kamukha ni Bayle ano?” pagmamayabang ni Mama.
Mas lalo pang lumaki ang mata ni Sir Salazar sa kaniyang mga narinig habang ako ay nanatiling blanko at walang kibo. Kilala pala si Papa sa lugar na ito.
“A-a-anak niyo po? Kayo ni Bayle, Captain?”
Tumango si Mama. Napabuka na lang ito ng kaniyang bibig at tila hindi makapaniwala.
“Ako po si Tristan, Sir,” tugon ko at ngumiti.
“Kaboses rin!” sambit pa ni Sir Salazar.
“Napakabait ng Ama mo, Tristan. Isa siyang inspirasyon sa batalyong ito. Noon kung hindi dahil sa kaniya baka maaga kaming nawalan ng pinuno. Siya ang nagligtas noon kay Sargeant Hipuldo. Ako at ang ka-buddy ko ang gumamot noon sa kaniya.”
Pati si Mama ay napahinto na rin sa kaniyang nalaman. Maging ako ay ganoon na rin. Hindi ko alam na may ganitong kwento pala si Papa sa mga sundalong naririto. Kilalang-kilala nga nila si Papa.
“Tara, Captain, dito na po tayo sa kusina para makapagpahinga kayo kahit paano. Tatawagin ko lang po si Sargeant,” paliwanag nito.
Sumunod naman kaming dalawa ni Mama hanggang sa makarating kami sa kusina. Bago iyon ay nadaanan pa namin ang isang barong-barong. Iyon daw ang dating bahay na tinitirhan ni Papa. Luma na ito pero maayos pa rin.
Naupo na lang kami ni Mama sa kusina kaharap ang isang parihabang mesa na gawa sa tinistis na niyog.
Ilinabas na rin ni Sir Salazar ang termos nila, kape at asukal. Maging ang juices at ilang biscuits.
Napatingin na lang ako sa kabuoan ng lugar. Malawak at tahimik. May mga ilang sundalo pa sa paligid at mangilan-ngilang maliliit na barracks.
Napangiti ako habang nakamasid sa buong paligid at inisip ang magiging buhay ko kapag nasa kampo na rin ako bilang sundalo.
Itutuloy...

Komentar Buku (37)

  • avatar
    ThoofCuptean

    It is really interesting lalo na it talks about the real friendship. I can wait to see more chapters to be uploaded and read it again. Make it more exciting I really love how the story is going in conflict. 👍🏿

    24/01/2022

      0
  • avatar
    GordilloRodolfo

    es muy bien👍

    13h

      0
  • avatar
    AV

    i need cp in call of duty

    2d

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru