logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Bab 7 The Mystique Truth

«Flashback
/Itaga mo sa isipan mo ang pakiramdam na ito, Senichi/
/Ito ang magtutulak sa iyo para makausad/
/Tupukin mo sila ng apoy hanggang sa maging abo ang lahat sa paligid mo, tulad ng ginawa nila sa iyo at sa iyong ina/
"AAAAAH!"
"AYOKO PA MAMATAY!"
"TULONG!"
Nakaramdam ako ng init sa dibdib ko.
Tila pinupuno ng saya ang puso ko sa bawat pag-iyak nila.
Hindi ko mapigilan ang sarili na magpalamon sa liwanag na binibulag ang mga mata ko.
"S-Senichi! AAAAAH!"
Senichi...
Pangalan ko iyun, hindi ba?
"Senichi!"
May dumapong malamig sa mga braso ko.
Nabahiran ng puti ang nagliliyab na pulang apoy sa paningin ko.
Unti-unting lumamlam ang nakasisilaw na liwanag hanggang sa ang matira na lang ay ang usok na umaakyat sa malamig na hangin.
Ilang beses akong napapikit at dumilat dahil sa tila nanlalabong paningin ko. Bakit parang ang kipot ng nakikita ko?
Bumibigat na rin ang pakiramdam ko sa ulo ko.
Hahawakan ko sana ang noo ko ngunit napagtanto ko na may nakataban sa akin.
Napayuko at nakita na nakaluhod sa harap ko ang walang malay na si Fumiko at hawak-hawak ko ang dalawang pulsuhan niya.
Naroon pa ang usok ng apoy na kakapatay lamang.
"Fumiko..."bulong ko atsaka binitawan siya. Bumulagta ang katawan niya sa lupa na ngayon ay pinupuno ng nyebe.
Nalapnos ang balat niya sa pulso kung saan ko siya tinabanan.
Kung hindi dahil sa pagbagsak ng unang nyebe sa taglamig ngayong taon ay malamang patay na siya.
Inilibot ko ang paningin ko at nakita ang kaguluhang naganap.
Nagliliyab pa rin ang bahay namin ngunit unti-unti na itong napapatay ng nyebe.
Wala na rin akong saplot dahil sa malakas na apoy pero himalang wala akong galos o paso sa katawan.
"Kung ganoon, hindi pala panaginip ang mga nangyare," bulong ko sa sarili ko at napatingala sa langit na lumuluha.
/Ano na ang balak mong gawin sa babaeng iyan?/
Nagpalinga-linga ako sa paligid.
Iyun ang kaparehang boses na narinig ko noong nasa madilim na lugar ako.
"Sino ka?" Sigaw ko sa kawalan dahil wala namang ibang tao sa paligid.
/Huminahon ka, Senichi. Ako ito./ Sagot niya.
Sinubukan kong hanapin kung saan banda nanggagaling ang boses pero bigo ako dahil tila direkta itong pumapasok sa isipan ko.
/Tumingin ka sa harapan mo/
Ginawa ko ang sinabi niya at tumingin sa harapan ko.
"Hisa...?" Naguguluhang sambit ko nang ang matagpuan ay si Hisa na nakadapo sa isang puno sa harap ko at nakatingin sa akin.
Tila umiikot ang paningin ko at bumibigat lalo ang ulo ko.
"Ayos ka lang ba?" Tanong ko sa kaniya at naglakad papalapit sa kaniya.
Napahinto ako ng may maramdamang kakaiba.
Bakit...bakit nailalakad ko nang tuwid ang kanang paa ko?
/Ayos lang ako, Senichi. Hindi ako mamatay kahit anong gawin nila. Napagdesisyonan ko na ibahagi ang kapangyarihan ko sa iyo. Kaya kasama na roon ang paggaling ng kahit anong sakit na may roon ka/
Napatingin ulit ako kay Hisa.
Nagsalita ba siya? Nababaliw na ba ako?
/Hindi mo pa maintindihan ang lahat-lahat sa ngayon, pero huwag kang mag-alala, hindi ka pa nababaliw, Senichi/ sagot niya.
Teka...nabasa ba niya ang iniisip ko?
/Tama ka, simula ngayon iisa na ang ispirito nating dalawa. Kaya ko na mabasa ang mga nasa isip mo at mababasa mo din ang akin dahil nagbahagi ako sa iyo ng parte ko. Nagkasundo tayo hindi ba?/ Paliwanag niya.
Tinitigan ko siya at may napansin.
"Ang mga mata mo..." Bulong ko at akmang aabutin siya pero malayo siya para maabot ko.
/Akin na ang kaliwang mata mo at iyo ang akin/ sagot niya.
Napahawak ako sa kaliwang bahagi ng mukha ko.
Ganun pala ang nangyari. Kaya pala parang makipot ang paningin ko. Napunta sa akin ang nabulag niyang mata.
/Tama ka. Mabilis kang maka-intindi, Senichi. Matulog ka muna at magpahinga sa ngayon, pagkagising mo tyaka tayo mag-uusap tungkol sa mga plano nating dalawa/
Hindi na niya kailangan pang sahihin sa akin iyun dahil kusa nang pumikit ang mga mata ko at bumulagta ang hapo kong katawan sa malamig na lupa.

"Senichi! Bilisan mo na at pumasok ka na dito!" Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko.
Inay?
Teka, akala ko ay...
"Anak! Tara na dito, bilis!" Kumakaway si inay sa may harapan ng bahay namin.
Nagpalinga-linga ako at pinagmasdan ang paligid.
Nasa bundok pa rin ako, tagsibol, walang ibang tao, walang mga knights, walang hunters.
Panaginip lang ba ang lahat?
Namuo ang luha ko at kumaripas ng takbo papunta kay inay.
"Andiyan na ako, inay!" Tawag ko sa kaniya.
Subalit, tila hindi ako umuusad.
Kahit anong takbo ko ay nakapako ako sa lugar na iyun.
"Inay! Saglit!" Sigaw ko.
Pinagmasdan ko na maglaho ang ngiti sa mukha ni inay at saka siya tumalikod sa akin.
"Huli na ang lahat, Senichi. Hindi ka na makakabalik pa dito," sambit niya.
Nagliyab ang bahay namin na ikinagulat ko.
"Inay, saglit lang! Hintayin mo ako! Ililigtas kita!" Tawag ko sa kaniya.
"Kung sana ay naging malakas ka, sana ay buhay pa ako," bulong niya, pero tila nakabibingi ito.
Binuksan niya ang nagaapoy na pintuan at pumasok sa bahay.
"Inay! Huwag! Huwag kang papasok diyan!" Desperadong sigaw ko at napaluhod.
Pero hindi niya ako pinakinggan at tuluyang isinara ang pintuan.
"HINDIIIII!!!"
/Senichi, huminahon ka/
Natagpuan ko ang sarili ko na bumalik sa realidad.
Napabalikwas pala ako matapos magising sa bangungot na iyun...
Para harapin ang katotohanang mas malala pa sa bangungot.
Makapal na ang nyebe na nakakumot sa lupa.
Gaano ako katagal nakatulog ng ganito?
Nagtataka kong tanong sa sarili.
/Nasa limang oras na rin/ sagot sa akin ni Hisa na nakadapo pa rin sa pwesto niya.
Nakapagtatakang hindi ako nanigas sa lamig gayung wala akong saplot.
/Hindi mo na ba naalala ang kapangyarihan mo?/ Sagot niya.
Kapangyarihan?
Napatingin ako sa palad ko na hindi nararandam ng lamig.
Tama...apoy.
/Maaaring makatagal ka sa ganiyang sitwasyon ng walang masamang mangyayari sa iyo, pero ang babaeng iyan?/
Napalingon ako nang gumiya ang tingin niya sa tabi ko.
Nakita kong nangangatog na sa lamig si Fumiko.
Puno siya ng sugat, pasa at galos. Kung idadagdag pa ang tindi ng lamig, nasa panganib na talaga ang buhay niya.
/Tama ka, kaya kung gusto mong idispatsya na siya, iminumungkahi kong hayaan na lang siya diyan hanggang sa mapatid ang hininga niya/
Tinitigan ko ng maigi ang mukha ni Fumiko.
Kung tutuusin siya ang naging daan para mangyari sa amin ni inay ito. Isa siyang malaking dahilan nang pagkamatay namin, sinasadya man niya o hindi.
Napahawak ako sa dibdib ko at pinakiramdaman ito.
May kakaiba sa akin...
Nagbago ba ako? Noon, nang makita ko siyang bumulagta sa harapan ko hindi ako nagdalawang isip na iligtas siya. Pero ngayon, iniisip ko kung dapat ko ba siyang iligtas o hayaang mamatay. Sa kabila noon, wala akong nararamdamang awa o konsensya.
"Ano sa tingin mo, Hisa?" Tanong ko sa kaniya.
/Kung tinatanong mo ako kung anong nangyari sa iyo, simple lang - ipinanganak ka muli. Sa wakas, magiging tutoo ka na sa sarili mo, Senichi. Tandaan mo, may dalawang bagay lang na kalalagyan ang tao - ang mga karapatdapat mabuhay at mga karapatdapat mamatay. Tanga ang mga taong naniniwala na ang pagliligtas ng buhay ay palaging kabayanihan. Mayroong mga taong mas mainam kung wala na sa mundo. At ang mga may kapangyarihan lamang ang makakapagdikta kung sino sila/
Napatulala ako at hindi makapagsalita.
/Sinabi ko na sa iyo, magkakonekta na ang buhay natin simula ngayon, Senichi. Naalala mo ang araw na bumaba kayo sa nayon hindi ba? Nakita ko sa mga ala-ala mo ang inisip mo habang pinapanood na tinataga ang binti iyong ina - "kung may lakas lang sana ako, papatayin ko silang lahat. Hindi sila karapatdapat sa buhay na meron sila. Isang pabor sa mundo kung mapapatay ko sila. Iyun ang ibig sabihin ng tunay na bayani."/
Napayuko ako at kahit na ako ay nagulat nang matagpuan ko na nakangisi akong mag-isa.
"HAHAHAHAHA! Tama ka, Hisa. Simula pa noon may mga ganoon na akong ideya sa isipan ko. Itinago ko sila sa likod ng utak ko dahil gusto kong sundin ang mga turo sa akin ni inay. Sinabi niya sa akin na likas na mabuti ang tao. Sinabi niya sa akin na kung magtitimpi ako ay maiintindihan natin ang isa't-isa. Pero...pero mali si inay...ang mga tao na iyun ang pumatay sa amin," sambit ko sa sarili habang nakadilat ang mga matang nakatanaw sa langit at nga labi'y nanginginig.
Tama nga, nagbago na ako. Hindi - nagising na ako.
"Ililigtas ko siya," sagot ko kay Hisa.
/Bakit? Ano ang dahilan mo, Senichi?/ Tanong niya
"Mahina pa rin ako. Kahit na nasa akin na ang kapangyarihan mo ay hindi ko pa rin magagawa ang nais ko. Kailangan ko humanap ng mga taong tutulong sa akin para maisagawa ang plano ko," paliwanag ko sa kaniya.
/Kung ganoon, sinasabi mo ba pagkakatiwalaan mo ulit siya?/ Dagdag na tanong niya.
"Huh? Anong kalokohan ang sinasabi mo diyan, Hisa? Hindi ko na magagawang magtiwala pa sa kahit na sino. Maghahanap ako mg mga taong walang magagawa kung hindi ang sundin ako."
End of Flashback»
———
"Malinaw na ba sa iyo ang lahat?" Tanong ko kay Fumiko na nakayuko habang nakikinig.
Nakaupo kami sa kama niya dahil halos mahimatay na siya sa pagkabigla sa mga nalaman niya.
"Ibig mo bang sabihin ay...hindi na ikaw ang Senichi na kilala ko?" Mahinang tanong niya.
"Tama ka, hindi na nga ako iyun-" naputol ang sagot ko nang bigla niya akong yakapin.
"Wala akong pakielam kung tingin mo nagbago ka na, para sa akin...para sa akin ikaw parin 'yung Senichi na nagligtas sa buhay ko," iyak niya.
Napabuntong hininga naman ako.
"Bahala ka kung anong gusto mong paniwalaan. Pero, binabalaan kita..." Sabi ko sa kaniya at tinulak ng bahagya ang balikat niya para kumalas siya nang pagkakayakap sa akin.
"...masasaktan ka lang sa ginagawa mo. Mas mainam kung tanggapin ko mo na lang ang tutoo. Patay na ang Senichi na kilala mo. Namatay siya sa sunog na iyun. Tapos," paglilinaw ko sa kaniya.
"Kahit ano pang sabihin mo, naniniwala ako na nadiyan pa rin si Senichi sa iyo. Susuportahan kita sa mga plano mo. Itataya ko ang buhay ko para sa iyo. Dahil umaasa akong balang-araw babalik ka," sagot niya.
Napatigil naman ako at napailing.
"Mauuna kang mamatay kaysa makita mong mangyari iyun," sabi ko sa kaniya at tumayo para lumakad sa bintana kung nasaan si Hisa.
"Hisa!" Gulat na sabi niya nang mapansin na nandoon pala si Hisa.
"Simula ngayon dito muna kami titira ni Hisa kasama mo," anunsyo ko sa kaniya.
Napatingin siya sa akin na may gulat na ekspresyon at nakanganga na tila hindi makapaniwala.
"Ta-ta-tayong dalawa lang? Dito? Sa bahay? Tayong dalawa lang?" Nauutal at natatarantang tanong niya.
Napagtanto ko naman kung bakit siya nagkakaganun.
"Huwag kang mag-alala Fumiko. Nagbago ako pero hindi ibig sabihin noon ay pagsasamantalahan na kita," paninigurado ko sa kaniya.
Namula naman ang pisngi niya sa hiya.
"Atsaka isa pa, kung tutuusin, mas malakas ka pa rin sa akin kaya hindi kita magagalaw ng walang pahintulot," dagdag ko at napatingin sa palad ko.
"Huh? Pero Senichi, ang kapangyarihan mo...wala pa akong nakikitang ganoon dati, pakiramdam ko mas malakas ka sa akin o sa karamihan pa," sagot niya.
Napatingin ako sa kaniya at ngumisi.
"Nagkakamali ka. Ang daan para maging malakas ay ang kaalaman, at wala pa ako alam," sabi ko.
Kumunot naman ang noo niya na tila nagtataka.
"Kaalaman?" Tanong niya.
Tumango ako at tumingin sa labas ng bintana.
Patuloy pa rin ang pagbagsak ng nyebe at ang malakas na ihip ng hangin.
"Kung sakaling makarating ka sa tuktok ng bundok Tori at madatnan mo ang napakaraming klase ng halamang gamot, walang makakapigil sa'yo na pitasin ang mga iyun. Mayroon kang kapangyarihan para gawin ang nais mo sa kanila,"
Lumingon ako kay Fumiko.
"Pero walang halaga lahat nang iyun kung hindi ka marunong sa pag gawa ng gamot. Hindi mo alam kung paano sila magagamit sa paraang gusto mo,"
Nanlaki ang mata niya.
"Kung ganoon magiging walang silbi din ang kapangyarihan kung hindi mo alam kung paano ito gamitin," sagot niya.
"Tama. Iyun ang nagagawa ng kaalaman. Kahit na may kakayahan ako, hindi iyun sasapat, kailangan kong pag-aralan ang mga mabisang paraan para hulmahin ang kapangyarihan ko na magiging kapaki-pakinabang sa mga plano ko," paliwang ko.
/Hmmm...magaling, Senichi. Akala ko ay basta-basta ka na lang susugod nang walang plano/ rinig kong puri sa akin ni Hisa.
"Hindi naman ako tanga para gumalaw ng walang kasiguraduhan," tinignan ko siya at sumagot.
"Tama ka, Senichi. Tingin ko tama ang sinabi mo," napalingon ako kay Fumiko na siyang tumugon sa akin.
"Ah, hindi ikaw ang kinakausap ko, si Hisa ang kausap ko," paglilinaw ko sa kaniya.
"Huh?" Naguguluhang sambit niya.
"Kausap ko siya gamit ang koneksyon namin sa loob ng isipan. Ganun ang spirit pact hindi ba? Makakausap mo ang spirit animal mo?" Tanong ko.
Napakunot ang noo niya sa akin at tinignan si Hisa.
"Hindi...may koneksyon kayo tulad ng maaari mong makita, marinig, maamoy, maramdaman ang nararamdaman ng spirit anim mo, pero hindi mo sila maaaring kausapin," sagot niya sa akin.
Napalingon ako kay Hisa na tila natigilan din.
"Tama ba ang sinabi niya? Kung ganoon, bakit naririnig ko ang boses mo?" Tanong ko sa kaniya habang umaatras ako.
/Kumalma ka, Senichi. Hindi mo ba napagtanto na may kakaiba sa akin? Simula una pa lang ay dapat napansin mo na ito/
Kakaiba?
Ngayon na sinabi niya ito, nakakapagtaka din kung bakit may kakayanan ako gumamit ng apoy gayung wala namang hayop na may kapangyarihang maglabas ng apoy.
"Teka, kung si Hisa ang spirit animal mo at bumuo kayo ng spirit pact, saan ka nakakuha ng spirit crest? Iyung talisman?"
Napatingin ako sa kaniya na may nagtatakang reaksyon.
"Talisman? Spirit crest?" Tanong ko
"Iyun ay isang uri ng papel na may nakaguhit na spell, ginagamit iyun para mabuo ang spirit pact. Kaya nga karaniwan ay mayayaman lang ang nakakakuha ng spirit animal, dahil mahal ang spirit crest," paliwanag niya.
/Siguro nga ay dapat mo muna pag-aralan ang kapangyarihan na mayroon ka/ sabi ni Hisa.
"Ano ka ba talaga, Hisa?" Bulong ko.
/Malalaman mo rin ang sagot sa tanong na iyan, Senichi. Hindi ka pangkaraniwan lamang, at ganun din ako/

"Sinabi ko sa iyo na ayos lang ako mag-isa," sabi ko kay Fumiko na nakahawak sa kamay ko.
Napahinto siya at hinarap ako na may seryosong ekspresyon.
"Hindi ba sinabi mo na simula ngayon sa'yo na ako? Kaya hindi ako hihiwalay sa'yo," sabi niya atsaka ako hinatak kung saan ang sinasabi niyang makatutulong sa akin na malaman ang katotohanan tungkol sa spirit animal ko.
"Hindi normal ang kapangyarihan na meron ka, Senichi. Pasensya ka na pero hindi rin ako maalam sa mga spirit animal kahit na meron akong sarili," sambit niya.
Nakarating kami sa kapatagan na malayo-layo na kung nasaan ang nayon.
Mahirap lumakad sa makapal na nyebe.
"Saan ba tayo papunta talaga? Sino bang hinahanap natin?" Nagtatakang tanong ko.
Hindi siya sumagot at nagtuloy-tuloy kami sa paglalakad nang sa 'di kalayuan ay natanaw ko ang isang malaking bahay.
Sa kalawakan nang paligid nito ay may mga abandonado at sira-sirang bahay.
Tila ba isang nayon na iniwan ng mga nakatira doon.
"Nandito na tayo," sabi ni Fumiko atsaka hinatak ako papunta doon.
Pinagmasdan ko ang kabuuan ng istraktura nito - gawa ito sa konkreto pero balot ng lumot at tibag ang ilang parte ng haligi.
Makapal din ang talahib sa paligid na tila wala nang nakakapaglinis pa.
"Sigurado ka bang may taong nakatira dito?" Tanong ko.
Huminto siya at pumikit.
"Nandoon siya," sabi niya matapos dumilat at igiya ako sa likod ng mansyon na iyun.
"Te-Teka lang!" Tawag ko sa kaniya na nagmamadali.
"Sir Hiroshi!" Tawag ni Fumiko at kumay sa isang matandang lalaki na nakatalikod at hinihimas ang isang isang puting-puting kabayo na tila hinulma mula sa nyebe.
"Siya ba? Paano mo nalaman na nandito siya?" Takang tanong ko kay Fumiko.
"Tulad nang sabi ko sa iyo, may kakayahan ang ang tao na makita ang nakikita ng spirit animal niya. Nakita ko na kasama ni Shun si Sir Hiroshi dito sa likod ng bahay," paliwanag niya.
Ah...kaya pala siya pumikit kanina.
Iyun pala ang spirit animal niya, si Shun.
Kaya ko rin kayang gawin 'yun kay Hisa?
/Maaari mong subukan/
Nagulat ako nang marinig ang boses niya.
Nagpalinga-linga ako ngunit hindi ko siya makita.
/Subukan mong alamin kung nasaan ako, tignan mo kung anong nakikita ko/ sabi niya.
Huminga ako nang malalim at pumikit.
/Isiipin mo ang mga mata ko upang magkaroon tayo nang koneksyon/ paliwanag niya.
Mga mata ni Hisa...
At sa sandaling iyun nakita ko ang sarili ko at si Fumiko ngunit mula sa itaas.
Napadilat ako at tumingala sa bubungan ng bahay at nakita siya na nakayuko at tinitanaw kami.
Nagawa ko...
"Oh, Fumiko, bakit nadalaw ka ata? Kailangan mo ba si Shun?" Napalingon ako sa harapan nang lapitan kami nang matanda na tinawag ni Fumiko na Hiroshi.
"Hindi po, nandito ako para kausapin kayo. Isinama ko po ang maste- ang kaibigan ko para magtanong sa inyo," paliwanag ni Fumiko.
Napalingon sa akin ang matanda at isiningkit ang mga mata para maaninag ako.
Napanganga ito at nanlaki ang mata.
"Ryu...Ryugo?" Nauutal na sambit niya.
Ryugo? Saan ko nga ba narinig ang pangalan na iyun?
"Sir Hiroshi? Ayos lang po ba kayo?" Nag-aalalang tanong ni Fumiko sa kaniya.
"Ah...wa-wala ito iha. Pasensya ka na," sagot niya at inayos ang sarili.
"Imposibleng siya si Ryugo," narinig kong bulong niya bago kami harapin ulit.
"Ano iyung tanong mo iho? Sana nga lang ay alam ko ang sagot," nakangiting tanong niya sa akin.
"May alam po ba kayo tungkol sa spirit animal na may kakayahang gumamit ng apoy?" Diretsyang tanong ko.
Natigilan siya at kumunot ang noo.
Nagiba ang timpla niya at parang may naalalang hindi na dapat.
"Mga bata, mas mainam na huwag ninyo na pakialamanan pa ang tungkol sa kanila," maikling sagot niya at dahan-dahang tumalikod.
"Sa-saglit lang Sir Hiroshi! Pakinggan ninyo muna kami," pakiusap ni Fumiko sa kaniya.
May alam siya...kung ano man iyun ay kailangan kong malaman.
"Patawad Fumiko iha, pero mapanganib kapag nalaman ninyo, at isa pa alamat lamang ang mga iyun at hindi tutoo" sagot niya.
"Kung ganoon, bakit meron ako nito?" Sambit ko.
Napalingon siya sa akin.
Lumipad si Hisa sa ere. Sa pagpitik ng daliri ko ay may kumislap na apoy.
Nanlaki ang mga mata niya at napa-atras.
"Anong ginawa mo, iho?" May takot sa mga mata niya habang nakatingin sa mukha ko na may nakaguhit na ngiti.
"Sabihin mo ang lahat ng nalalaman mo."

Dumating ang mga hayop sa mundong ito upang pagyamanin ang kalikasan at panatilihin ang balanse sa mundo kasama ang mga tao. Ito ang katotohanan ng mundo simula pa lang sa pagkalikha nito.
Subalit, puno ng kasakiman ang tao. Tila hindi pa sapat ang pagmamalabis nila sa biyaya ng inang kalikasan. Pinangarap nilang magkaroon ng higit na kapangyarihan. Nais nilang maging diyos ng mundong hindi naman sa kanila.
Doon, napagdisisyunan ng mga dyos na lumikha ng tigapangalaga - isang tigapamagitan sa mga hayop at tao. Ang katauhan niya ay katulad ng sa dalawa - tinawag siyang "arbiter" o ang tigapamagitan. May wangis na tulad ng sa tao ngunit may ispirito na tulad ng sa hayop.
May kakayahan ang arbiter na parusahan ang mga taong umaabuso sa mga hayop at mga hayop na kumikitil ng tao.
Ayon sa mga alamat may roong katuwang ang arbiter sa pamamahala niya sa balanse ng mundo at iyun ang "9 guardians" na pawang nga mitolohikong nilalang: Pegasus, Centaur, Cerberus, Chimera, Siren, Kraken, Tsuchigumo, Medusa, at ang Phoenix.
Sinasabi na ang mga ito ay ispirito na maaaring umusbong sa loob ng kahit na anong hayop na malapit sa wangis nila. Subalit, kailangan ng dugo ng arbiter bago sila masugo sa mundong ibabaw.
Nang malaman ng mga tao ang kakayahan na meron ang arbiter na magsugo at makontrol ang mga hayop at magamit ang kakayahan nila, nagsimula silang bumuo ng masamang plano. May sabi-sabi na dinukot siya at ipiniit. Ginagamit ang dugo niya upang gumawa ng spirit pact crest. Ito ay isang uri ng talisman na makapagpapahintulot sa pagbuo ng spirit pact. Walang nakakaalam kung saan nakapiit ang arbiter pero hanggang ngayon patuloy parin ang paggawa ng spirit crest. Ito ang tanging ebidensiya na buhay siya.
Doon nagsimula ang pagsibol ng bagong panahon kung saan kayang kontrolin at gamitin ng mga tao ang kapangyarihan ng mga hayop. Isang malagim at masalimuot na nakaraan. Ibinibenta ang spirit crest sa mga may katungkulan at kayamanan, mga may impluwensya at may kakayahang magbayad ng malaking halaga.
Sa kabila noon, hindi nagawang mahanap ang 9 guardians ng arbiter. May mga nagsasabing nagtago sila sa takot o natulog ng mahimbing sa dilim. Sabi ng ilan ay nasa paligid lamang sila at nagmamasid - nagbabantay. Pero ang kinatatakot ng mga tao ay ang propesiya na sila ay nagbabalak maghimagsik at parusahan ang lahat ng tao sa mundo isang araw, at walang may alam kung kailan darating ang araw na iyun.
.
.
.
"Ayos ka lang ba Senichi?" Nagising ako sa realidad ng tanungin ako ni Fumiko.
Nasa gitna kami ng kapatagan at malayo na sa tanaw ang masyon na pinanggalingan namin.
Nakuha ko na ang impormasyon na nais ko mula sa matanda pero naaalala ko kung paano siya matakot habang nagkukwento.
Tinitigan ko ang mga palad ko na may init bunsod ng kapangyarihan ko.
Nagawa ko na humakbang ng isa papalapit sa katotohanan - papalapit sa katuparan ng paghihiganti ko.
Ang nag-iisang guardian sa siyam na may kakayahang gumamit ng apoy - the immortal bird Phoenix.

Komentar Buku (30)

  • avatar
    Chariz Pantinople

    I like it 😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😊😊😊😊😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄😄

    18/06

      0
  • avatar
    PintangAeron juls

    eieueuevfvjhygtrrttsfmtitttyufdugdfitjreuehrhrhhrjrjriri4i4ieirirjrrjrjrheu2iro2shsb29 736bzuu3t8wyeieteieeieroeyiedhisoeyerrreruwiwrwieyieteiwyeueyeuehfjrrfeiirurueyro3hrteururieurririrruei3ieieueueieu3eeeeee3kehgriegrieheoehiehrieueuejejuejejeueeeuhehegeoegejeheh gdiftrdyxyfyfbb j4vrj3hrurhru4u3638ef38 yzvei3ye83y2ihr 7272yieuruevr92y38e48ehriri3u39eyeugeieryieye84ye0eyeueuuehe8ueueurheiegeuehrururururhrururfrurhrheiehrheugeheiegehieuehegeigeieyeueieueyioougiugufuguuyufututugyfutytyii33rrrerer

    05/06

      0
  • avatar
    sosoOussama

    good 🏅🥇

    05/02

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru