logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kabanata 4

“It's been a long time," walang buhay na bungad ko  sa kanya at dire-diretsong naupo sa sofa kahit hindi naman niya ako inimbitahang maupo.
Nakatayo ito sa gitna ng malawak na opisina at nakatingin lang ito sa bawat galaw ko na tila hindi pa rin makapaniwala na nasa harapan na niya ako.
Nakakagulat naman talaga ngunit wala na siyang magagawa. Isa pa, tumawag na ako sa kanya kagabi upang ipaalam ang pagdating ko lahit na alam kong ayaw na ayaw niyang pupunta ako dito.
“You should not be here,” may diin ang bawat katagang sabi nito, marahas pa itong napabuntong hininga bago lumakad palapit sa akin at naupo sa katapat ko. He looks stress base sa kunot ng noo niya pero wala akong pakialam.
“Why? Are you afraid that they found out about your secret?” may panunuyang tanong ko sa kanya bago pinagkrus ang aking mga binti.
I need to show him na hindi niya ako basta-basta masisindak hindi na ako ang mahinang Veronica na kilala ng lahat. Natuto na ako.
Inilibot ko ang mga mata ko sa buong paligid. Malawak ang opisina niya.  Halatang mamahalin ang bawat bagay na nahahagip ng mga mata ko. May malaking lamesa sa may bandang  glass wall meron ding cabinet na sa kanang bahagi na puno ng iba’t ibang klase ng libre. Pero ang mas nakatawag ng pansin ko ay ang malaking family picture nila na nakasabit sa dingding. Isang masaya at buong pamilya ang makikita sa larawan. Mapait akong napangiti. He is unfair, ayaw niyang masaktan ang pamilya niya kaya ako ang sinasaktan niya. Pinabayaan niya ako para lang manatili silang buo.
“Why are you here?” he asked again. I rolled my eyes.
Parang walang nagbago sa hitsura niya mula ng huli kaming nagkita mahigit dalawang taon na ang nakakaraan. Halatang walang iniisip sa buhay kundi ang magpayaman. Ano pa ba ang aasahan ko?
“Like what I've told you last night on the phone, I need a work," saad ko ngunit tila hindi nito nagustuhan ang sinabi ko.
“I already arranged you to work in a textile company, what happened?” kunot noong tanong nito habang matiim na nakatingin sa akin.
“He fired me, no. I resigned.”
Akala ko noong una, swerte kami sa trabahong pinasukan namin dahil hindi ito humingi ng gaanong requirements, na sa unanng araw pa lang ng interview nakapasa na agad kami. Iyon pala dahil sa kanya. Minsan napakapakialamero niya sa mga bagay na hindi dapat.
Saka kung nais pala niyang magkatrabaho agad ako bakit kailangan sa ibang kompanya pa? Bakit hindi dito sa napakataas na building na pagmamay-aari niya. Oo nga pala, ayaw niyang may makaalam ng sekreto niya.
Pero bibigyan na nga lang niya ako ng trabaho doon pa sa hindi matino ang amo. Sana hindi na lang niya ginamit ang koneksyon niya para makapasok kami sa textile company na iyon. Wala rin namang kwenta.
Kung hindi siya nakialam baka mas maayos ang nahanap kong trabaho at wala ako sa harapan niya ngayon. Kung inaakala niyang nakatulong siya, mali siya.
“You resigned and now you demanded me to give you a work?” tila hindi makapaniwalang saad nito. He gave me tight-lipped smile.
”Not just a work but a position here in your company.” I am just trying to know what will be his reaction, kahit alam ko naman na impossible ang gusto ko. Gusto ko lang subukan, isa pa anak rin naman niya ako. Masama bang hangarin ko na maging parte ng kompanyang pagmamay-ari niya? Anak din niya ako kaya siguro naman may karapatan akong humiling sa kanya. Ang kaso hindi ko alam kung anak ba talaga ang turing niya sa akin. Malamang hindi.
Bahagya itong natawa sa sinabi ko, “You are kidding me, young woman.” Umiling-iling pa ito na tila napaka-impossible ng gusto kong mangyari.
“Why Patricia can get everything she want and I can’t? I am your daughter too. It just happened that no one knows," may hinanakit na saad ko. He is too unfair. Hindi na nga niya kayang maging mabuting ama, ipinagdadamot pa niya sa akin ang mga bagay-bagay.
“Stop it. You can’t use that tone with me. Patricia worked hard before she reached her position, she never demand anything unlike you.” Medyo tumataas na ang boses nito ngunit hindi ko naman iyon ikinabahala.
Ako naman ang bahagyang  natawa sa sinabi niya. Nagawa pa talaga silang ipagkumpara ng magaling niyang ama.
“Because she has everything since day one unlike me. I grew up without you then you suddenly appeared in my life telling me that you are my father. But what you did after that? You suddenly appeared and suddenly disappeared too. What do you think of me? A joke? You never been a father too me and you can’t even give me an ounce of something you can give to her. Oh, I get it. Because I am just a mistake? An illegitimate?”  panunumbat ko sa kanya. Hindi niya ako masisi kung may galit ako sa kanya, nagkulang siya at kahit kailan tila wala siyang balak punan ang mga pagkukulang niya bagkos itinataboy pa niya ako palayo. Kailangan ko pa ba talagang mamalimos sa kanya? Anong klase siyang ama?
Kung hindi pala niya kayang maging ama ko, bakit sumulpot pa siya sa buhay ko? Sana hinayaan na lang niya   na hindi ko siya kilala noon para hindi ako umasa. Galit na galit ako sa kanya pero anak pa rin ako na umaasang balang araw ituring niya akong anak gaya ng turing niya kay Patricia.
“She worked for it," ulit nito na ikinainit  lalo ng ulo ko.
Hindi niya sinagot ang mga tanong ko pero idiniin niya na pinaghirapan ni Patricia kung ano mang meron ito ngayon.  Ako ba alam niya ang mga paghihirap ko? Alam ba niya na kailangan kong magtrabaho ng maaga para may makain at may ipantustos sa pag-aaral ko? Syempre wala siyang alam dahil wala naman siyang pakialam.
I worked harder than Patricia.
“So I hope you do the same. Prove me that you are deserving, stop demanding something you can’t handle. You are my daughter too, but you are different from her. Stop comparing yourself with her, you are still nothing compared to her.” Tila kutsilyo na tumarak sa puso ko ang bawat katagang binitiwan nito. Parang wala itong pakialam sa nararamdaman ko, wala naman talaga.
Bakit ba ito ang naging ama ko?
Hindi ko mapigilang kagating ang pisngi sa loob ng aking bibig upang pigilan ang mga luhang tila nais umalpas sa aking mga mata. Harap-harapang ipinamuka niya sa akin kung gaano siya kasamang ama pagdating sa akin.
Isang pagkakamali ang lumapit dito. Ano pa ba ang aasahan ko?
"I am your daughter too, a hidden one,” giit ko. Hindi ko ipapakita dito na nasasaktan ako sa mga sinasabi nito. Matatag ako, kailangan kong tatagan ang sarili dahil wala naman akong ibang maasahan. Hindi ko siya bibigyab ng pagkakataon na makitang mahina ako.
“I can give you a work sa kompanya ng —”
“No thanks.” Putol ko sa sasabihin pa niya. Ayoko nang marinig pa kung ano pa man ang mga dahilan niya.
“You came here for works but you are rejecting my offer now,” napapantastikuhang saad nito habang  na nakatingin pa rin sa akin na naguguluhan.
“Hindi mo maintindihan ang nais ko. I want to work here in your company. Kung ayaw mo akong bigyan ng posisyon okay lang sa’kin kaya ko namang magtrabaho hanggang umangat ako. Pero itinataboy mo ako sa kompanya ng kakilala mo? Bakit ba ayaw na ayaw mong magtrabaho ako dito? Dahil natatakot kang may makaalam sa sekreto mo?”
Inaasahan ko  naman na hindi talaga ako bibigyan ng posisyon sa kompanya niya. Una pa lang alam ko na pero sinusubukan ko dahil nais kong malaman ang magiging reaksyon nito. Pero mas nadagdagan ang hinanakit ko dahil sa naging sagot nito. Pinamukha talaga nito sa akin na ayaw niya akong makita. Dahil ba kapag nanatili ako dito ay maaring malaman ng iba ang matagal na niyang lihim?
Bakit ba hindi pa ako natuto noong una? Bakit umasa pa akong maaring magbago ang lahat sa pagitan naming dalawa makalipas ang dalawang taong hindi pagkikita.
Sumubok lang naman ako sa isang bagay na alam kong imposible. Nagbakasali pero nabigo ako dahil walang puso ang kausap ko ngayon.
“I already made it clear to you, you can’t work here. Iniiwas lang kita sa gulo kung sakaling malaman nila ang totoo,” tila nahihirapang saad nito. Mapait akong napangiti dahil sa sinabi niya.
Reasons, unacceptable reasons.
“Iniiwas mo ako sa gulo o ayaw mong may makaalam ng totoo?” nakataas ang kilay na tanong ko. Hindi na niya ako mapapa-ikot pa. Hindi naman sako tanga para hindi malaman ang totoong gusto nitong mangyari.
Marahas na napahilamos ito ng mga palad sa mukha. Tila ba frustrated na frustrated na ito. Na lihim naman niyang ikinatuwa. 
“Walang patutunguhan ang usapan nating ito, mas mabuting umalis kana,” lantarang pagtataboy nito sa akin hindi ko mapigilang mapanngiti ng mapait.
”Yeah, you are right, I'd better go, mukha namang wala akong mapapala sa inyo,” saad ko at marahas na tumayo.
“I can give you a money if you want but just don’t come here again,” biglang saad nito ng magsimula na akong humakbang paalis.
Marahas akong napatingin dito. Oo, mukha akong pera pero kapag galing dito parang hindi ko kayang tanggapin. Para bang binabayaran ako nito para manahimik at walang makaalam ng tungko sa sekreto at pagkatao ko.
Hindi ko tatanggapin ang pera nito dahil hindi ako makakapangako na hindi na ako muling magpapakita sa kanya. Hindi ko siya titigilan, hindi pa ito ang huli naming pagkikita.
Babalik pa ako at sa pagbabalik ko hindi na siya makakatanggi pa sa mga gusto ko.

Komentar Buku (23)

  • avatar
    concepcionmichael

    I love this story

    28d

      0
  • avatar
    Jima Handumon

    koooo

    19/01

      0
  • avatar
    Jerwell Zamora

    Thankyou

    29/08/2023

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru