logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kabanata 2

CHAPTER 2
“Paano ka na ngayon niyan?” iyan agad ang bungad na tanong sa akin ni Marie pagkadating niya kinahapunan galing sa trabaho at naabutan niya akong prenteng nakaupo sa sala habang nanonood ng tv. Tila ba mas nababahala pa siya kaysa sa akin.
Siguro dahil para bang hndi ako nasesante kaninang umaga kung makaasta ako ngayon. Pakiramdam ko nga nakalaya ako kaya mas maayos ang pakiramdam ko. Hindi na ako makakarinig ng mga sermon tuwing umaga mula sa panot na boss namin.
“Anong paano?” balik tanong ko sa kanya at itinaas ang dalawa kong paa sa sofa. Mas mukha pa siyang problemado sa'kin gayong ako ang nawalan ng trabaho hindi siya.
“Natanggal ka na sa trabaho pero sitting pretty ka lang diyan,” puna nito at umupo sa tabi ko. Hinubad nito ang sapatos at ipinatong ang mga paa sa center table bago pabalang na sumandal tila ba pagod na pagod ito.
Sa dami ng gawain sa opisina talagang haggard ka uuwi tapos ma-late lang ng ilang minuto parang ang laki na  agad ng kasalanan mo sa mundo kung sigawan ni Mr. Cua. Minsan talaga magre-resign ka hindi dahil sa trabaho kundi dahil sa amo. Mga among walang konsiderasyon sa kanilang empleyado. Minsan kasi kahit mahirap ang trabaho basta mabait ang boss, ayos lang.
“Balak ko naman talagang mag-resign
na, naunahan lang ako ng panot na iyo, ” pag-amin ko sa kanya ng totoo.
Kaya nga napuyat ako dahil sa paghahanap ng bagong trabaho sa internet.
“May balak kang mag-resign pero wala kang nabanggit sa’kin?” anito at tumingin sa akin ng matalim na para bang sinasabing bakit hindi ko agad nabanggit ang plano ko sa kanya. Pero pinagkibit-balikat ko lamang ang reaksyon niya.
“Ikaw ba walang balak mag-resign sa kompanyang 'yon? Hanggang kailan ka magtyatyaga?” balik tanong ko sa kanya na ikinasimagot niya.
Ayaw ko naman na lagi rin siyang nasisigawan sa trabaho, sayang ang pinag-aralanan namin kung magpapa-alila lang kami sa mga negosyanteng gaya ni Mr. Cua.
Pagka-graduate kasi namin humanap agad kami ng trabaho ang pagkakamali lang namin hindi na kami nag-isip basta grinab na lang namin ang kauna-unahang offer na dumating at iyon ay  ang magtrabaho sa isang textile company na pagmamay-ari ni Mr. Cua. At ang naging resulta, para sa akin ay hindi maganda.
Mababa ang sweldo at hindi ko pa kasundo ang boss ko. Sa taas ng pangarap ko hindi talaga ako makukuntento sa trabahong pinasok ko,  kaya maghahanap ako ng bago. ’Yung maayos hindi lang ang sweldo pati ang amo.
“Nauna akong magtanong. Hindi rin naman ako magtatagal doon pero dapat may bago na akong papasukan bago ako mag-resign. Hindi mo naman ako gaya na palaging padalus-dalos kung magdesisyon sa buhay, ano ba talaga ang plano mo o may plano ka ba talaga?”
Plano? Madami akong plano pero hindi ko pwedeng sabihin sa kanya dahil alam kung tutol siya. Mga planong gagawin ko ang lahat upang maisakatuparan kahit na meron pa akong maapakan.
Babawiin ko lang naman ang mga bagay na dapat ay sa akin pero sa kanya lahat napunta. Mga bagay na dapat hindi lang siya ang tumatamasa, na dapat ay ako rin. Mga bagay na may karapatan rin ako pero ipinagkakait sa akin ng duwag kong ama. Sapat na ang more tha twenty years kong pagpapaubaya. Panahon na para kunin ko ang dapat ay sa’kin.
“Hindi ko pa alam,” pagsisinungaling ko, ayaw ko siyang madamay pa sa mga gagawin ko.
Tama nang ma-stress siya sa akin dito sa bahay pero ‘wag na sa gulo ng buhay ko. Masyadong magulo ang aking papasukin sigurado ako doon at ayokong madamay siya kung sakali mang pumalpak ang mga plano ko na alam ko namang impossibleng mangyari. Hindi ako papayag na uuwing luhaan dahil kukunin ko lang naman ang nararapat na para sa’kin.
“P’wes alamin mo, mahirap nang humanap ng trabaho sa panahon ngayon ‘no, maliban na lang kung hihingi ka ng tulong sa milyonaryo mong ama. ’Di ba sabi mo may-ari siya ng isang giant company? Noong una hindi talaga ako nainiwala sayo dahil akala ko nag-aambisyon ka lang noon pero dahil kay Manong Carding na tila ninja na bigla na lang sumusulpot with bmw, mukhang totoo nga," mahabang lintaya nito, tila kumikinang pa ang mga mata niya ng mabanggit ang mamahaling kotse.
“Mayaman siya pero wala siyang kwenta,” matabang na saad ko. Kapag ang duwag na ama ko ang usapan wala talaga akong amor kahit kaunti.
“Meron siyang kwenta kasi nasa kanya ang ninanais mong kwarta,” nakangising sagot nito na ikinangiti ko rin. May punto siya sa sinabi niya. Pero hanggang ngayon naman wala pa ring nakakaalam na anak niya ako dahil duwag siya. Isang duwag na nilalang ang aking kinamumuhian.
“ H’wag kang mag-alala sinisiguro ko sa’yo lahat ng pera niya sa’kin mapupunta,”nakangiting tugon ko sa kanya. Na-iimagine ko na ang magiging buhay ko kapag napunta na sa akin ang lahat ng mga kayamanan niya. Hindi ako papayag na may kahati dahil ako lang ang may karapatan sa lahat. Sapat na ang ilang taong pananahimik ko, naiinip na akong manood lang.
“Kinikilabutan ako sa ngiti mo parang may masama kang balak,” sabi nito at umaktong nanginginig sa takot na ikinatawa ko. “Basta sinasabi ko sayo kung ano man ang plano mo nandito ako lagi kung kailangan mo ng suporta ko. Basta huwag kang gagawa ng mga bagay na ikapapahamak mo. Ikaw na lang ang pamilyang meron ako kaya ingatan mo lagi ang sarili mo, paano kung biglang mawala ako?” biglang pagseseryoso nito.
“Iiwan mo ba ako?”
“Hindi, mananatili ako sa tabi mo hangga’t kaya ko. Kailangan kitang bantayan ng husto dahil napakatigas ng ulo mo at mahilig kang pumasok sa gulo. Bago mamatay si Ate, inihabilin ka niya sa akin, alam mo ‘yan,” malumanay na saad nito. Kapag ganito ang tuno niya lumalabas ang pagiging tita niya sa sakin. “Kaya kahit na araw-araw akong stress sayo, okay lang. Ikaw kaya ang pinakamamahal kong pamangkin,” anito at niyakap ako.
Hindi ko alam pero naluluha ako sa sinabi niya. Hindi kami sweet sa isa’t isa pero alam ko naman na lagi siyang nand’yan para sa akin. Kahit na pasaway ang tingin niya sa akin, hindi niya ako iniwan kahit kailan. Kung meron mang isang bagay na ipinagpapasalamat ko sa Diyos, iyon ay ang naging tita ko siya.
Actually we are not blood related, she’s my mom step-sister pero mula ng mamatay si mama siya na ang nakasama ko.  Hindi niya ako iniwan kahit na kinukuha na siya ng kamag-anak niya noon dahil sabi niya ako na ang pamilya niya.
One year old pa lang kasi siya ng mapangasawa ni lolo ang nanay niya, habang twenty-three lang  si mama at pinagbububuntis pa lang daw niya ako. Pero hindi ko na sila nabutan dahil namantay sina lolo at lola, ang nanay ni Marie,  nang sabay silang mamatay dahil sa isang car accident, mula noon si mama na ang siyang nagpalaki kay Marie pero noong seventeen ako,  namatay naman sa sakit sa baga si mama. At tanging  kaming dalawa na lamang ni Marie ang naiwan.
Naging mahirap para sa amin ang lahat ng mawala si mama. Kinailangan naming magtrabaho sa murang edad. Gamit ang naipon ni mama ay nag-aral kami habang nagtatrabaho sa gabi. Hindi rin naman kasi malaki ang perang naiwan ni mama kaya kailangan pa rin namin kumayod ng husto para sa pang-araw araw na gastusin at mga bayarin sa bahay.
Sinubukan nga rin niyang tumigil noon para makapagpatuloy ako sa pag-aaaral ng hindi nagtatrabaho sa gabi ngunit hindi ako pumayag. Sabay kaming nangarap kaya dapat sabay din  namin iyong tutuparin.
Nagtiis kami hanggang sa sabay na makapagtapos ng kursong business administration apat. Hindi naging madali ang lahat pero kinaya naming dahil wala naman kaming ibang aasahan kundi ang isa’t sa.
Si Marie ang nag-iisang tao na hindi ako iniwan, ‘yung taong laging nand’yan para sa akin. ‘Yung taong hindi ako hinuhusgahan sa kabila ng mga kamalian kong nagawa. Siya lang. Hindi gaya ng ama ko na bigla na lang susulpot sa buhay ko pero hindi naman ako kayang ipakilala sa publiko. Ano pa ang silbi niya sa pagdating sa buhay ko kung patuloy lang rin naman pala niya akong itatago?
Third year college ako noon ng bigla siyang sumulpot at ipinakilala ang sarili sa akin. Nagtatrabaho ako noon bilang waitress sa isang bar ng bigla akong ipatawag. Noong una akala ko may nagawa pa akong mali kaya pinatawag ako ng manager ng bar pero hindi pala dahil ang duwag kong ama ang nagpatawag sa akin upang magpakilala. Pamangkin niya ang may-ari ng pinagtatrabahuhan ko kaya pala natanggap agad ako at kahit na illang beses na akong nakasapok ng bastos na costumer hindi ako natatanggal ay dahil sa kanya. Pero nang malaman ko iyon ako na mismo ang nag-resign.
Noong una natuwa pa ako dahil sa wakas natupad na ang matagal kong hiling na makilala ang tunay kong ama pero sakit lang rin pala ang idudulot niya sa akin. Inamin niya na ako ang ama niya pero hindi pa siya handang ipakilala ako sa kanyang pamilya. Nakakatawa, gusto niyang bumawi pero hindi sa paraang gusto ko.  Gusto niyang bumawi pero ayaw niyang may makaalam ng pagkatao ko.
“Ano ba? Bakit ba nagdadrama tayo dito? Hindi bagay sa atin,” saad nito makalipas ang ilang minutong pagkakayakap sa akin.
“Ikaw lang naman ang nagdadrama, hindi naman ako gaya mo,”tanggi ko at umiwas ng tingin sa kanya. Ayokong makita niya ang nagmimist na mga mata ko.
“Akin na nga iyang remote, ililipat ko ang chanel ang tanda-tanda mo oggy and the cockcroaches pa rin pinapanood mo,” pagbabago nito ng usapan at inagaw ang remote na kanina ko pa hawak
“Paki mo ba? Ang cute cute nga e,” depensa ko, mahilig talaga akong manoon ng cartoons kaysa mga love story na palabas. Hindi naman ako fan ng love story dahil isa lamang kalokohan ang mga iyon. Mga handang magpakatanga sa ngalan ng pag-ibig, ang babaw ng kaligayahan nila. Tapos sa huli maiiwang luhaan kasi niloko o pinagpalit sa iba. Nagsayang sila ng oras para sa mga bagay na hindi naman nila ikayayaman.
Ilang beses pang pinalipat lipat ni Marie ang channel ng tv, tila ginawa niyang calculator ang remote sa kakatulpok nito. Kaya tumayo na ako para iwan siya
“Saan ka pupunta?” tanong nito ng mapansin ang pag-alis ko sa kalapit niya.
“Magluluto na ng hapunan natin, pagabi na anong gusto mo tunganga tayo pareho dito tapos wala tayong makakain mamaya?” sagot ko sa kanya habang nakatayo na. Sa aming dalawa ako lagi ang nakatuka sa pagluluto habang siya naman sa paglilinis ng bahay.
“Magpadeliver na lang tayo,” anito.
“Wala na akong trabaho, nagtitipid ako,” sagot ko.
“Libre ko, celebration sa pagiging jobless mo,” natatawang saad nito bago binitiwan ang hawak na remote control at kinuha ang kanyang selpon sa bag na nakapatong sa center table. Kaya bumalik ako sa pagkakaupo sa sofa sa kalapit niya. Libre daw, sino ba ako para tumanggi?
Siya lang ang baliw na magce-celebrate dahil jobless na ako.
Kimuha ko ang remote para ilipat ang channel ng tv dahil sa isang showbiz news ito nakalagay pero isang balita ang nagpahinto sa sa’kin.
“Ito na nga ang chika. According to my sources this is the latest sina Patricia at ang crush ng bayan na si Mateo Arkanghel na raw umano. Naku bagay na bagay naman talaga sila, isang anak ng mayamang negosyante at isang artistang sikat at dekalibre kung umarte. Perfect couple talaga sila kaya sinuportahan ng mga fans. Abangan na lang natin ang kanilang official statement. Manatiling nakatutok at huwag magpapahuli sa mga tsismis na patok. Ito po si Virginia ang beke na laging may dalang mainit na chika." 'Yan ang laman ng baluta habang pinakita ang larawan ng dalawa na masayang magkasama, nakahawak pa si Matteo sa beywang ni Patricia habang nakangiting tila may ibinubulong sa babae.
“OMG!” biglang sigaw ni Marie na ikinagulat ko. Pinalo pa niya ang braso ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.
“Napapaano ka? Bakit bigla bigla ka na lang sumisigaw diyan tapos nanakit ka pa?” tanong ko habang nakakunot ang noo sa kan'ya.
“Mababawasan na naman ang crush ko. Ikakasal na si fafa Matteo.” Hindi ko alam kung nalulungkot ba o masaya siya sa balita. Parang baliw.
“Dating pa lang sila, hindi pa ikakasal.”
“Gaga, saan ba tutungo ang lahat? Hindi ba sa kasalan din? Palibhasa bitter ka, crush mo rin ‘yan dati ’di ba? Kaso sa sobrang sama ng ugali mo binasted ka,” may halong pang-aasar na saad nito na ikinasimangot ko.
“Hindi masama ang ugali ko, pangit lang ang taste niya,” pagtatanggol ko sa sarili ko. Saka hindi ako binasted, anong basted ba pinagsasabi niya? Hindi naman ako umamin na crush ko ang herodes na iyan noon. Noong mga panahong hindi pa ako namumulat sa realidad ng mundo.
“Maganda naman si Patricia, bagay talaga sila kaya sure ako sa kasalan talaga ang ending nilang dalawa.”
Bagay sila, bagay maghiwalay at upang magkatotoo iyon ako ang magiging tulay, ang wawasak sa anumang meron sila. Lihim akong napapangiti sa takbo ng utak ko, bigla akong na-eexcite sa mga mangyayari.
“ Marami pang pwedeng mangyari, hindi ka nakakasigurado,” saad ko habang nakatingin sa tv na ngayon ay ibang artista na ang pinapakita.
“What do you mean?” nakataas ang kilay na tanong nito habang katingin sa aking ng may pagdududa.
Hindi ako umimik sa tanong niya, tanging kibit balikat lang ang naging sagot ko.
Matteo Arkanghel, he’s handsome pero wala na siyang appeal sa akin. Hindi naman ako gaya ng iba na lumilingon kapag nakakakita ng gwapo.  Aanhin ko ang gwapo, kung hindi naman ako mapapayaman ng mga ito.
Nagustuhan ko siya noon dahil sa galing niyang tumugtog ng gitara hindi dahil sa hitsura niya. Saka mababaw pa kaligayahan ko noon dahil bata pa ako, hindi gaya ngayon. Pero kahit sino pa man siya, sisiguruhin kong magiging akin siya ngayon.
Sa kanya magsisimula ang lahat ng plano ko. Ang makuha siya ang magiging isa sa unang hakbang ko, kung noon hinayaan kong makuha siya ng iba, hindi na ngayon.
He’ll be mine. I’ll make sure of that. Isa siya sa magiging alas ko upang magtagumpay ako sa plano ko.

Komentar Buku (23)

  • avatar
    concepcionmichael

    I love this story

    28d

      0
  • avatar
    Jima Handumon

    koooo

    19/01

      0
  • avatar
    Jerwell Zamora

    Thankyou

    29/08/2023

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru