logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 5: Leaving

RONA’S POINT OF VIEW
Hindi ko na napigilan ang pagkuyom ng aking mga kamay. Yumuko ako upang itago ang aking nararamdamang galit. “B-bakit? Hindi po ba kayo . . . n-natatakot para sa sarili ninyong anak?”
“Wala siyang ginagawang masama sa kapatid mo, Rona,” wika ng reyna.
Bumalik ang tingin ko sa kanila. Kung kanina ay galit ako, ngayon naman ay naguguluhan. “Ano po ang ibig ninyong sabihin? Rhein was hurt! ‘Di ba’t siya ang nagdulot ng pananakit ng ulo niya?”
“Nagkakamali ka,” sagot ng hari, “Natural lang na mangyari ang ganoon sa kanya. Matutuloy pa rin ang pagsubok. Hindi ito maaaring itigil hangga’t wala akong ipinag-uutos.”
Nakadama ulit ako ng inis dahil sa sinambit niyang iyon. “Wala pong natural doon. Hindi po natural na bigla na lang mangingirot ang ulo niya nang walang dahi—” Napatigil ako nang may mapagtanto. “—ibig po ninyo bang sabihin . . . ”
Tumango silang dalawa. Lumapit sa akin ang hari at tinapik ang aking kanang balikat. “Tama. Ang pananakit ng ulo ng kapatid mo ay dulot ng paglapit ng deore mnarillaza sa kanya. Alam mo namang nagkakaroon ng reaksyon ang seal sa deore mnarill, ‘di ba?”
Hinawakan naman ng reyna ang aking mga kamay. “Huwag kang masyadong mag-alala sa kapatid mo. Hindi namin siya hahayaang mapahamak,” aniya. Nginitian niya ako at niyakap.
Napangiti na lang din ako. Rhein, kaunting hintay na lang, makukumpleto na tayo.
Kahit ano ang pilit ko, tumanggi pa rin silang ihinto na ang pagsubok. Wala na akong ibang pamimilian kundi ang magpatuloy.
Pagkalabas ko ng postah, nakita kong nakaabang pala ang goseth-postah. Sigurado akong alam niya na ang iniisip ko dahil hinayaan kong bukas ang aking isipan.
“Lolo Lembo, kayo na po ang bahala.”
Ngumiti siya at bahagyang yumuko. “Masusunod ang inyong nais, Prinsesa. Makakaasa kayo.”
RHEIN’S POINT OF VIEW
Hindi ko alam kung paano ako napunta sa loob ng kuwarto ko. Basta, nagising na lamang akong nakahiga na ako sa ibabaw ng aking kama.
Kulay-kahel na ang sinag ng araw na tumatagos sa bintana nang tignan ko ang direksyon nito. Hapon na pala.
“Tama nga ang hinala ko. Maaasahan ang mga kaibigan mo para bitagin ka.”
“Aaaaaaaaaaaaaaaaaaahh!” Matapos kong marinig ang mga salitang iyon, napasigaw ako dahil sa muling pananakit ng ulo ko. Kumpara sa nangyari kahapon, mas malubhang kirot ang nararamdaman ko ngayon. “Aaaaaaaaaaaaaaaahh!” Sigaw lang ako nang sigaw hanggang sa mapaupo ako. Ramdam kong umaagos na rin ang mga luha ko sa aking mga pisngi. “Aaaaaaaaahh!”
Kahit na napakapikit ako at hindi ko siya nakikita, alam kong nakatitig lamang siya sa akin at pinapanood ako. Hindi ko maintindihan. Bakit niya ba ako sinasaktan? Ano ba ang nagawa kong kasalanan sa kanya? Dahil ba sa nalaman kong nakita siya nina Xyrille? Subalit, bakit ako? Hindi ko naman siya nakita nang harapan ngunit, bakit ako ang sinasaktan niya imbes na ang mga kaibigan ko?
Nang pumasok muli sa isipan ko ang ibinulong niya kanina, doon ko lamang napagtagpi-tagpi ang lahat. Siya ang may pakana ng mga kababalaghang nangyari sa akin magmula kahapon. At simula noong una pa lang, ako na talaga ang balak niyang puntiryahin. Ginamit niya lamang sina Xyrille upang malaman ko ang tungkol sa kanya.
Sa katunayan, hindi ako sigurado kung totoo nga ang mga pumasok sa isip ko. Hindi ko talaga alam kung paano ko ito naisip. Abnormal na ba ako? Baliw na ba? Hindi ko masisi ang aking sarili dahil kahapon pa ako naguguluhan.
Nahihirapan man, pinilit kong indahin ang sakit at tumayo. Kahit kaunti, iminulat ko ang aking mga mata upang tignan siya. Sapat na iyon para makita siya. Tulad nga ng sinabi ng mga kaibigan ko, nakasuot siya ng itim na cloak. Hindi ko masilayan ang kanyang hitsura dahil nakayuko siya.
“Alam mo ba kung sino ka? Kilala mo ba talaga ang tunay mong sarili?” tanong niya kasabay ng kanyang paghakbang palapit. “Naniniwala ka bang totoo lahat ng pinaniniwalaan mo?”
“B-bakit . . . ”
“Hanapin mo ang mga kasagutan.” Nasa harapan ko na siya ngunit hindi ko pa rin makita ang kanyang mukha. Itim . . . itim ang nasa loob ng hood ng cloak. “Rhein, heto na ang simula.”
“B-bakit po ba ninyo ito g-ginagawa sa . . . a-akin?”
Tuluyan na akong natumba at napahiga sa malamig na sahig. Damang-dama ko pa rin ang matinding pananakit. Nanlalabo na rin ang aking paningin at ganoon din ang aking pandinig. Bago pa man ako mawalan ng malay, narinig ko pa ang kanyang huling sinabi bago siya naglaho.
“Malalaman mo rin sa itinakdang araw, Hija.”
Napahawak ako sa noo ko nang maalala ko lahat ang nangyari sa akin bago ako mawalan ng malay, parang panaginip lang ang lahat.
“Bakit niya ba ginawa iyon sa akin? Ano ba ang habol niya?” bulong ko sa aking sarili. Humiga ako ulit at napailing-iling. This is bad. Pati sarili ko, kinakausap ko na.
Yaman ba? Hindi naman kami mayaman. Lamang-loob ko para ibenta niya? Hindi rin dahil alam kong hindi siya normal na tao. Eh, paano kung buhay ko ang gusto niyang kunin? Posible ba? Base sa pagbabantang ginawa niya kanina, posible . . . ngunit, bakit hindi niya pa ako pinatay? Hindi kaya balak niyang paglaruan muna ako bago kitilin ang buhay ko?
Awtomatikong napabangon ako. “Kung buhay ko nga ang pakay niya—”
“Okay na ba ang pakiramdam mo?”
Gulat man sa biglaang pagpasok ng kapatid ko, tumango na lang ako. Lumapit siya at umupo sa aking tabi. Akala ko ay yayakapin niya ako. Sa halip ay binatukan niya ako nang malakas kaya napadaing ako. Idinaan ko na lang iyon sa tawa ngunit sa kaloob-looban ko, gusto ko nang umiyak. Grabe, parang mamamatay na nga ako sa sakit ng ulo ko kanina tapos pagkauwi ko, makakatanggap pa ako ng ganitong pananakit. “Aray!”
“What happened to you? Ayos ka pa naman kaninang umalis ka pero noong dumating ka na, bigla ka na lang naging lutang tapos nawalan ka ng malay sa harap ng pintuan pagkabukas ko.”
Sigurado akong kagagawan ng mangkukulam na iyon kung paano ako nakarating dito. Ito lang naman ang pinakaposibleng paliwanag para roon.
“Sorry kung pinag-alala na naman po kita.” Pinilit kong ngumiti at niyakap siya nang mahigpit.
Narinig ko siyang bahagyang natawa sa inasal ko. “Ikaw talaga. You are hard-headed as always.”
Pumikit ako at dinama ang init ng yakap ni Ate. Paniguradong matatagalan pa bago ko siya mayayakap ulit nang ganito.
Masakit man, kailangan ko pa ring gawin kung ano ang mas nakakabuti. Kung ako talaga ang pakay niya, hindi ko hahayaang mapahamak pa ang natitirang mahal ko sa buhay.
“Sige. Magpahinga ka muna. Magluluto muna ako.”
Noong lumabas na si Ate, kaagad akong nag-impake. Tinanggal ko lahat ng laman ng backpack ko at doon ko inilagay ang mga gamit ko. Hindi na ako ng nagpalit ng damit. Isinuot ko na lang ang puting sapatos ko kanina. Kinuha ko rin pati ang ipon kong perang nasa loob ng drawer ko at isinuksok iyon sa bulsa ng dala kong bag.
Huminga ako nang malalim bago lumabas ng kuwarto.
Dahil tapat lang ng kusina ang aking silid, napansin ako ni Ate Rona. Kasalukuyan siyang nagpririto ng isda.
Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dala kong bag at sa akin. “Where are you going? Maggagabi na,” pag-usisa niya.
Ngumiti ako at ipinakita sa kanya ang hawak-hawak kong phone. “Tumawag po sina Xyrille, Ate. May group assignment daw kaming gagawin. Tutulong na ako sa kanila para hindi na ako mahirapang maghabol bukas ng mga na-miss kong activities. Mangongopya na rin po ako ng mga notes.”
“Ayos na ba talaga ang pakiramdam mo? Baka mamaya, bigla ka na lang himatayin diyan sa daan.”
Tumawa ako para pagaanin ang loob niya. “Ate, huwag mo naman akong masyadong alalahanin. You better worry in finding my future brother-in-law.” At iniwan ko na siyang nanlalaki ang mga mata at namumula ang mga pisngi.
“H-hoy!”
Kumaripas ako ng takbo palabas nang mahimasmasan siya at naisipan akong habulin. Masuwerte ako, nakalayo na ako.
Huminto ako at lumingon sa direksyon ng bahay namin. Pilit akong ngumiti at napabulong sa hangin. “Sorry, Ate. I just want you to be safe.”
Dahan-dahan lamang akong naglakad sa gilid ng daan. Wala pa akong ideya kung saan muna ako tutuloy. Hindi pumasok iyon sa isip ko kanina dahil sa kagustuhan kong makalayo na.
Madilim na ang paligid kaya isa-isang nagbukas ang mga streetlights. Mangilan-ngilan ang mga taong nakakasalubong ko. Hindi naman nakakapagtaka iyon dahil sa isang liblib na kalye ako dumaan.
“Hala! Ganda naman n’on.”
“Oo nga. Uso ba ang gano’n ngayon?”
“Taray, naka-contact-lens.”
“Hindi ko alam iyon, ah. May glow-in-the-dark palang contact lens. Try ko ngang bumili bukas.”
Unti-unting nagsalubong ang mga kilay ko dahil sa pagtataka. Halos lahat ng mga nakakasalubong ko ay napapatitig sa akin at nagbubulungan.
Yumuko ako at pasimpleng nagsalamin sa screen ng phone ko. Awtomatikong napatigil ako dahil sa nakita – isang pares ng mga berdeng mata. Pumikit-pikit ako at muling tinitigan nang maigi ang mga mata ko. Hindi pa rin bumabalik sa dati ang kulay ng mga ito.
Sumagi sa isip ko ang mangkukulam. Paniguradong siya ang may kagagawan nito.
Heto na nga ang simula, gaya ng sinabi niya. Kailangan kong tibayan ang loob ko imbes na pairalin ang kaba at takot.
Mabilisan kong ibinaba ang bangs ko at isinuot ang hood ng suot kong hoodie upang itago ang aking mga mata. Binilisan ko na rin ang paglalakad hanggang sa makarating ako sa bus station.
Maraming sasakyan ang nagsidaraanan sa malawak na kalsada ngunit kahit isa man lang na bus, walang tumigil sa harap ko. Halos isang oras na rin akong naghihintay kaso hindi pa rin ako nakakasakay. Medyo paos na rin ang boses ko sa kakasigaw at pagpapara. Nangangalay na nga rin ako sa kakatayo.
“Where did my luck go? Kaasar,” inis kong sabi sa aking sarili.
Lumingon ako sa matandang lalaki na kakarating lang. Base sa suot niya, hindi na maitatangging isa siyang probinsyano. Maliban na lang sa suot niyang malaking sunglasses. Tatanungin ko sana kung bakit siya nakasalamin ng ganoon pero, huwag na lang. Baka mamaya, sungitan niya pa ako.
Iginala ko ulit ang paningin ko sa kalsada at naghintay. Hindi na sana ako titingin sa kasama kong pasahero ngunit bigla siyang nagsalita. “Napakaganda ng mga berde mong mata, Hija,” pagpuri niya sa paos na boses.
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat ngunit agad din akong nakabawi. Tumawa ako. “Ganda ng contact lens ko, ‘no, Tatang? Bagong bili ko lang po ito kanina sa mall, eh,” palusot ko.
Ngumiti siya. “Hija, alam ko kung ano ka talaga.”
Kasabay ng pagtanggal niya sa kanyang salamin at sa sinabing niyang iyon, nakadama ako ng takot. Ngayon lang ako nakakita ng mga ganoong mata nang harapan. Kagaya rin ito ng mga mata kong nagliliwanag sa dilim. Subalit, violet ang mga sa kanya.
Sa tagal ng pagtitig ko sa kanya, saka ko lang siya nakilala. Kung kanina ay gulat na gulat ako, ngayon ay mas lumala pa ang naramdaman kong pagkagulat. “P-paanong . . . ”
Bahagya siyang tumawa sa naging hitsura ko. “Naiintindihan ko ang iyong pagtataka ngunit, ito ang itatak mo sa isip mo – hindi tayo mga ordinaryong tao.”

Komentar Buku (12)

  • avatar
    Johnwil Reyes

    thanks

    30/01

      0
  • avatar
    Jie Jie

    ang ganda naman nang estorya nato s

    18/08/2023

      0
  • avatar
    San ahanRico

    nice story hehehehe lab u hahahahahhahhahha may comedy sana dito para nice at masayabasahin diva guys

    19/03/2023

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru