logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Chapter 4: Mnarillaza

RONA’S POINT OF VIEW
Hindi lingid sa kaalaman kong anumang oras mula ngayon ay puwede siyang umatake. Nang magpaalam si Rhein na lumabas, hindi ko mapigilan ang sarili ko mula sa pag-aalala kaya kaagad ko siyang sinundan nang patago. Siyempre, kasama ko si Dylan. Nakisali rin sa pagsunod ang mga pracien namin ngunit nanatili lamang sila sa labas ng mall at nagmasid sa paligid.
Kapansin-pansin na lutang si Rhein habang namamasyal sa loob. Napunta pa nga siya sa parte ng department store kung saan naroon ang mga underwear ng mga lalaki.
Napahilamos na lang ako sa aking mukha. “Nakakahiya ka, Rhein,” pabulong kong sabi kasabay ng pagpipigil ako.
“Cute,” bulong naman ng kasama ko.
Dahil sa malayo naman kami sa kanyang kinaroroonan, sumabog na kami sa kakatawa nang asarin na siya ng saleslady. Sobra ngang namumula ang hitsura niya pagkaalis niya roon.
Namasyal siya ulit pagkatapos n’on hanggang sa napagdesisyunan niyang pumasok sa isang kainan.
“Wow, napakasarap naman ng kinakain niya. Princess, gusto ko rin ng gano’n. Let’s take a break muna.”
Dali-dali kong siniko ang tagiliran ng kasama ko. “Stop. Mahuhuli niya tayo.”
“Sabihin na lang nating nagde-date tayo. Simple solution.”
Siniko ko siya ulit ngunit ngayon, malakas na kaya napadaing siya. “This is not the time for messing around, Dylan.”
“Okay. Fine.” Napalabi siya, akala naman kung bata. Hindi naman gagana ang ganoong pagpapaawa sa akin kaya binalewala ko na lang. “You’re heartless,” parinig pa niya.
Sinamaan ko siya ng tingin. “Shut up. Bilhin mo na lang mamaya lahat ng mga gusto mong kainin. We must prioritize Rhein’s safety first.”
Lumabas na ng restaurant si Rhein kaya lumabas na rin kami sa aming pinagtataguang pader. Naglakad-lakad siya muli. Sunod naman siyang napadpad sa arcade.
Kumunot ang noo ko nang makitang lumuluha siya.
“Ba’t siya umiiyak?” tanong ni Dylan.
Pumasok sa isipan kong basahin ang kanyang iniisip kaya ginawa ko na. Malungkot akong napangiti. Inaalala niya pala ang mga pinapaniwalaan niyang bonding moments naming magkakapamilya.
“Memories,” sagot ko, “Memories in that place.”
Kaagad namin siyang sinundan sa loob noong pumasok na siya. Ngunit noong nakapasok na kami, hindi na siya mahagilap ng aming mga mata. Nilibot namin ang buong lugar ngunit hindi pa rin namin siya mahanap.
Ginamit ko ang mnarill ko para pakiramdaman siya. Tuluyan na akong kinabahan nang hindi ko na madama ang kanyang presensya.
“Hindi ko na siya maramdaman. Wala na siya rito,” wika ko. Tinignan ko si Dylan na hinihingal din gaya ko. “Meithi mnarillaza ka, ‘di ba? I-rewind mo nga ang oras. Tignan natin kung ano ba talaga ang nangyari sa kanya kanina.” Hindi ko alam kung namamalik-mata lang ako ngunit, kitang-kita ko kung gaano nandilim ang kanyang mukha. “B-ba’t ganiyan iyang reaksyon mo?”
“Yes, we—meithi mnarillazas—we can control time pero, ang ibalik ang nakaraan at pabilisin ang oras ay hindi namin kayang gawin. We can only freeze time,” seryosong aniya. “Pasensya na. Hindi ko kayang gawin ang gusto mong mangyari.”
Kaya pala ganoon ang naging reakson niya. “I understand.” Bumuntong-hininga na lang ako. “Umatake na siya.” Mariin akong pumikit at tumingala sa puting kisame. “Wala na tayong ibang pamimilian. Kailangan ko nang makiusap sa kanila para ihinto na ang pagsubok na ito.”
RHEIN’S POINT OF VIEW
“B-bakit . . . paano . . . ” Literal na nanlaki ang mga mata ko sa nangyari sa paligid.
Ang buong arcade ay napalitan ng mga nagtataasang itim na pader. Naging itim rin at naging sementado ang sahig. Nawala rin ang kisame at tanging madilim na kalangitan lamang ang makikita sa itaas.
Dahil sa takot, tumakbo ako nang tumakbo. Subalit, kahit saan man ako mapadpad, hindi ko mahanap ang labasan. Ilang minuto rin akong ganoon hanggang sa napatigil ako. Saka ko lang napagtanto na nasa loob ako ng isang malawak na maze.
Sinampal ko ng limang beses ang aking mga pisngi. Kinurot-kurot ko rin ang aking mga braso para tuluyan na akong magising sa kalokohang ito ngunit wala pa rin. Nasa loob pa rin ako.
“Tulong! May nakakarinig ba sa akin?! Sumagot naman kayo kung may tao riyan! Please! Tulungan ninyo akong makalabas!” Kahit ano ang gawin kong pagsisigaw, wala ring sumasagot. Mukhang nag-iisa lang ako rito.
Mariin akong napapikit at nag-isip. Huminga ako nang malalim para magpakalma. Hindi dapat ako mataranta sa ganitong situwasyon. Kailangan kong mag-isip ng paraan para makatakas imbes na matakot.
Kung ano mang kababalaghan itong nangyayari sa akin ngayon, wala akong kaide-ideya kung paano at kung ano ba talaga ito. Kung may kinalaman man ito sa mangkukulam na iyon, sana lang, hindi ko na sana nalaman pa ang tungkol sa kanya.
Subalit, kung talagang may kinalaman ito sa nakita nina Xyrille, bakit walang nangyari sa kanila na gaya nito? Bakit wala silang sinabi sa akin? Bakit parang . . . pakiramdam ko ay ako ang pinupuntirya niya?
Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko. “Pambihira. Ano ba ‘tong iniisip ko?” Ba’t naman magkaka-interest sa akin ang isang mangkukulam? Akala ko lang siguro iyon.
Awtomatikong lumingon ako sa aking likuran nang maramdaman ko ang malakas na hangin galing doon. Nagkaroon ng makapal na itim na usok at unti-unting naging mga aninong may pigura ng tao. Hindi ko mabilang sa aking mga kamay ang dami nila. Akmang tatakbo na ako palayo noong magsimula na silang maglakad palapit. Sa kasamaang palad, mayroon din palang mga nakaabang na mga anino sa kabilang daanan.
“Crap.” Palapit na sila nang palapit sa akin kaya hindi ko na alam kung ano ang tamang gawin. Imposibleng maiwasan ko ang ganitong dami nila. Wala na akong ibang pagpipilian kung hindi ang lumaban.
Natatakot man at kinakabahan, inihanda ko ang sarili ko. Dali-dali kong itinaas ang aking mga kamao.
Napangiti ako sa kaloob-looban ko. Hindi ko akalaing magagamit ko ang mga natutunan ko sa pinapa-take na mga special lessons sa akin ni Ate Rona sa ganitong situwasyon.
Inis kong sinipa sa pagmumukha ‘yung unang aktong susuntok sa akin. Halos sabay-sabay na silang sumugod pagkatapos n’on kaya kinalimutan ko muna ang takot at kaba ko.
Gamit ang aking buong lakas, ibinalibag ko ang huling anino. Sinipa ko rin ang tagiliran niya.
Hindi ko maiwasang hindi magtaka. Alam ko namang hindi talaga nagsasalita ang anino kaya may sense namang wala akong marinig na kahit daing mula sa kanila. Subalit, ang nakapagdududa, kahit na mga anino lang sila, kasinlakas pa rin nila ang mga tao.
Ewan ko ba? Hindi na ako nasorpresa nang bigla silang maglaho. Nasanay na yata ako sa mga kababalaghang unang naranasan ko.
Naging alerto ako noong magbago na naman ang paligid. Ngayon naman ay napunta ako sa loob ng isang malaking silid. Walang ibang nagbibigay-liwanag sa loob ng kuwarto maliban sa mga bintana. Kahit naman papaano, nakita ko ang kabuoan nito. Medyo weird nga lang ang disenyo nito dahil itim ang ang mga gamit . . . mula sa mga kama hanggang sa mga kurtina . . . maging ang kisame, sahig, at pader.
Bigla kong naalala ang kinuwento ng mga kaibigan ko. Ganitong-ganito ang sinabi nila sa akin kung saan nila nakita ang mangkukulam.
Nanigas ako sa aking kinatatayuan nang may madamang presensya sa likod ko. Pinasok ng magkahalong takot at panlalamig ang aking buong katawan nang pumasok sa isip ko kung sino ang posibleng nandoon.
“Tama nga ang hinala ko. Maaasahan ang mga kaibigan mo para bitagin ka.”
“Aaaaaaaaaaaaaaaaaaahh!” Matapos kong marinig ang mga salitang iyon, napasigaw ako dahil sa muling pananakit ng ulo ko. Kumpara sa nangyari kahapon, mas malubhang kirot ang nararamdaman ko ngayon. “Aaaaaaaaaaaaaaaahh!” Sigaw lang ako nang sigaw hanggang sa mapaupo ako. Ramdam kong umaagos na rin ang mga luha ko sa aking mga pisngi. “Aaaaaaaaahh!”
Kahit na napakapikit ako at hindi ko siya nakikita, alam kong nakatitig lamang siya sa akin at pinapanood ako. Hindi ko maintindihan. Bakit niya ba ako sinasaktan? Ano ba ang nagawa kong kasalanan sa kanya? Dahil ba sa nalaman kong nakita siya nina Xyrille? Subalit, bakit ako? Hindi ko naman siya nakita nang harapan ngunit, bakit ako ang sinasaktan niya imbes na ang mga kaibigan ko?
“Tama nga ang hinala ko. Maaasahan ang mga kaibigan mo para bitagin ka.”
Nang pumasok muli sa isipan ko ang ibinulong niya kanina, doon ko lamang napagtagpi-tagpi ang lahat. Siya ang may pakana ng mga kababalaghang nangyari sa akin magmula kahapon. At simula noong una pa lang, ako na talaga ang balak niyang puntiryahin. Ginamit niya lamang sina Xyrille upang malaman ko ang tungkol sa kanya.
Sa katunayan, hindi ako sigurado kung totoo nga ang mga pumasok sa isip ko. Hindi ko talaga alam kung paano ko ito naisip. Abnormal na ba ako? Baliw na ba? Hindi ko masisi ang aking sarili dahil kahapon pa ako naguguluhan.
Nahihirapan man, pinilit kong indahin ang sakit at tumayo. Kahit kaunti, iminulat ko ang aking mga mata upang tignan siya. Sapat na iyon para makita siya. Tulad nga ng sinabi ng mga kaibigan ko, nakasuot siya ng itim na cloak. Hindi ko masilayan ang kanyang hitsura dahil nakayuko siya.
“Alam mo ba kung sino ka? Kilala mo ba talaga ang tunay mong sarili?” tanong niya kasabay ng kanyang paghakbang palapit. “Naniniwala ka bang totoo lahat ng pinaniniwalaan mo?”
“B-bakit . . . ”
“Hanapin mo ang mga kasagutan.” Nasa harapan ko na siya ngunit hindi ko pa rin makita ang kanyang mukha. Itim . . . itim ang nasa loob ng hood ng cloak. “Rhein, heto na ang simula.”
“B-bakit po ba ninyo ito g-ginagawa sa . . . a-akin?”
Tuluyan na akong natumba at napahiga sa malamig na sahig. Damang-dama ko pa rin ang matinding pananakit. Nanlalabo na rin ang aking paningin at ganoon din ang aking pandinig. Bago pa man ako mawalan ng malay, narinig ko pa ang kanyang huling sinabi bago siya naglaho.
“Malalaman mo rin sa itinakdang araw, Hija.”
RONA’S POINT OF VIEW
Pagkalabas ko ng portal kasama si Natre, kaagad kaming nag-teleport patungo sa silid ng hari at reyna. As usual, nadatnan ko sila sa balkonahe. Tumigil sila sa pag-uusap at tumingin sa akin nang madama nila ang aking presensya.
“Please! Itigil na po ninyo ang pagsubok. Mapapahamak po si Rhein kung ipapagpatuloy pa natin ito. Nangingialam na siya. Sinasaktan niya na po ang kapatid ko!”
Sa halip na mabahala, nagawa pa nilang ngumiti.

Komentar Buku (12)

  • avatar
    Johnwil Reyes

    thanks

    30/01

      0
  • avatar
    Jie Jie

    ang ganda naman nang estorya nato s

    18/08/2023

      0
  • avatar
    San ahanRico

    nice story hehehehe lab u hahahahahhahhahha may comedy sana dito para nice at masayabasahin diva guys

    19/03/2023

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru