logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

The Girl with Magic Hair

The Girl with Magic Hair

senyora_athena


Prologue

“Ariyah! Let down your hair.”
Agad akong napabangon at dali-dali kong hinilamos ang kamay ko sa aking mukha. Sumakit ang aking ulo dahil sa biglaang paggising. Hindi ko na nagawang ayusin ang aking damit at dumiretso na sa bintana kung saan naghihintay ang tao na gustong umakyat sa tore. Nagmamadali kong isinabit ang aking buhok upang maibaba iyon kaagad.
Ito ang naging tirahan ko. Ito ang naging mundo ko.
Ganito palagi ang eksena sa bawat araw na dumadaan sa buhay ko. Matutulog, kakain, at maghihintay kung kailan ako dadalawin ng nag-iisang tao na naging bahagi ng buhay ko. Titingin sa binata, pagmamasdan ang bawat pagsayaw ng mga dahon na sinasabayan ang pag-ihip ng malamig na hangin. At kung maaari pa, bibilangin na rin ang mga patak ng ulan.
Binuksan ko ang bintana at isinabit sa ginawang bakal ng lalaki upang maibaba ang aking buhok. Mabigat pero nasasanay na rin akong gawin ito.
"Ariyah! I said, let down your hair!"
Paulit-ulit kong itinatanong sa sarili kung ano kaya ang ibig sabihin ng mga katagang iyon, ngunit wala akong makuhang sagot. Halos kung maaari pa, ginagawa ko na lamang iyong isang musika sa aking pandinig pero iyon nga lang, hindi ko naman magawa. Hindi ko kayang gawing musika ang kataga na hindi ko naman alam kung ano ang ibig sabihin. Hindi ko naman kayang tanungin ang lalaki dahil natatakot akong magalit siya.
Natatakot akong may lumabas na apoy sa kaniyang bibig at ibuga iyon sa akin.
“Ariyah! Let down your hair,” ulit na naman niya sa naiinip na boses.
Para bang kung umasta iyon ay parang kay dali lang gawin nitong pinapagawa niya sa'kin. Pero hindi ako nagalit, sinunod ko na lamang siya gaya no'ng palagi kong ginagawa.
“Heto na po, saglit lang,” sagot ko at tuluyan nang ibinaba ang mahaba kong buhok.
Ganito naman palagi. Ganito ang buhay ko mula nang namulat ako sa mundong ginagalawan ko. Pero mundo nga bang matatawag ito? Apat na sulok na hindi ko kayang labasan. Apat na sulok na hindi ko alam kung nasaan ang pintuan. Apat na sulok na nais kong sirain upang makatakas sa lugar na ayaw kong gawing tirahan. Pero paano?
Isang tanong na hindi ko alam kung paano at ano ang tamang sagot. Tanong na gusto kong makuha ang kasagutan at matagpuan ang isang paraiso na gusto kong puntahan. Gusto kong matamasa ang salitang kalayaan. Pero hindi ko lang talaga alam kung saan ko iyon hahanapin.
Bakit medyo mabigat? Tila mas bumigat yata kumpara sa inaasahan ko. Ang bilis naman niyang magdagdag ng timbang.
Ilang saglit pa ay hinihila ko na ang lalaki pataas hanggang sa nakita ko kung sino ang lalaking nakasakay sa buhok ko.
Napaatras ako nang makita ko ang kaniyang mukha. Hindi siya ang taong inaasahan kong makita. Hindi siya ang taong tanging nakaaalam kung saan ako nakatira. Pero paano niya nalaman na nandito ako? Sino siya?
“Ikaw pala si Ariyah!”
Biglang nag-iba ang ritmo ng puso ko at hindi ko nagawang ibuka ang aking bibig at maglabas kahit isang salita.
Napaatras ako habang binabalot ako ng matinding takot at kaba. Bumilis ang pagkabog ng puso ko at hindi ko maintindihan ang tindi ng takot na nararamdaman ko ngayon. Sa lalaki lang nakatuon ang aking paningin habang tumatakbo sa utak ko ang mga katanungan.
“Sino ka? Anong ginagawa mo rito?” gulat kong tanong at hindi pinahalata na natatakot ako sa presensiya niya. Ito ang unang beses na may nakapasok sa lungga ko. “Bakit mo alam ang pangalan ko?” nauutal kong tanong.
Tumawa ang lalaki na siyang dahilan na mas bumilis ang pagpintig ng dibdib ko.
Bakit siya tumatawa? Bakit hindi na lang niya sagutin ang tanong ko? Bakit ganito ang lalaking ito? Bakit kakaiba? Muli akong napaatras nang lumapit sa akin ang lalaki.
“Huwag kang matakot, Ariyah. Hindi ako masamang tao.” Tumawa na naman siya.
Marami siyang pinagsasabi at halos hindi ko naman maintindihan. Tila ba may gamit siyang ibang wika na hindi ko alam kung ano ang tawag doon. Hawak ko ang kawali habang tinitingnan lang siya at pilit inintindi ang mga sinasabi niya. Subukan lang niyang lumapit sa akin, hindi ako magdadalawang-isip na ipatikim sa kaniya ang maitim na kawaling 'to.
Halos hindi ko nasundan ang pinagsasabi ng lalaki dahil nakatuon lamang ang atensiyon ko sa mukha niya. Tinitigan ko ang bawat pagbukas at pagsara ng labi niya, ang bawat paggalaw ng mga kilay niya na minsan ay nagsasalubong pa, at ang bawat pagpikit at pagdilat ng mga mata niya.
Bakit ang ganda niyang tingnan? Bakit nakakaakit ang maiitim niyang mga mata? Bakit ang gandang tingnan kahit makakapal ang mga kilay niya? Bakit kasing pula ng mga mansanas ang mga labi niya?
Ang mas lalong nagpagulat saʼkin ay ang biglaang pagkaroon ng nakasisilaw na liwanag at tila nagkaroon ng sariling utak ang aking buhok. Hindi ko na nasundan ang sumunod na pangyayari dahil nawalan ako ng malay.

Komentar Buku (44)

  • avatar
    Nguyễn TuấnVũ

    nhsjfcehhdcf

    21d

      0
  • avatar
    martinezMatt andrie

    ayus sya maganda gamitin

    23/07

      0
  • avatar
    Lucas Mallari Satparam

    good

    20/07

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru