logo text
Tambahkan
logo
logo-text

Unduh buku ini di dalam aplikasi

Kabanata 7: “Ang Hindi Inaasahang Pagbalik”

Sa taong 2016:
May-akda:
“Iyun ang sabi ko, eh! Hindi kasi kayo nakinig sa akin! Ayun tuloy, nagkadeletse-letse na ang lahat, magsimula na naman tayo ulit sa ating tesis!”
Masamang tiningnan ni Carmen si Jaime at knurot ang tagiliran nito. Napatawa naman sina Nyla at Adam sa inakto ng dalawa.
“Aray! Ang sakit! Bakit, kasalanan ko ba?!” reklamo ng binate sabay pag-irap nito sa dalaga.
“Sige, gusto mo isa pa?! Ha?” akmang kurutin n asana ni Carmen si Jaime nang pumagitna si Adam sa dalawa niyang kaibigan at umakbay. Napatawa naman si Nyla at tumabi kay Carmen sabay hawak sa mga kamay nito.
“Tama na nga iyan. Maliit lamang an gating baguhin kaya ayos lang. Matapus rin atin ito.”
ngumiti si Nyla sa tatlo at tumingin sa kanilang dinaanan.
“Kaya tara na sa ating mga klase at baka tayo ay mahuli pa!” pagsang-ayon naman ni Adam sabay takbo habang tumatawa. Sumunod naman ang dalawang kaibigan ng binata na sina Carmen at Jaime. Sa hindi kalayuan, napansin nila na hindi sumnod si Nyla sa kanila. Huminto ang tatlong magkaibigan at napalingon sa kinaroroonan ng dalaga.
“Nyla, halika na!” pasigaw na tawag ni Carmen.
Napatingin ang dalaga sa taong tumatawag sa kanya. Nang nakita niya na si Carmen kasama ang dalawang binata na sina Jaime at Adam, ngumiti si Nyla at kumaway.
“Mauna na kayo! May aasikasuhn pa pala ako sa librerya!” pabalik na sigaw ni Nyla sabay takbo sa kabilang direksyon.
Nagkibit-balikat na lamang si Adam nang napatingin sa kanya si Carmen.
“Susunod iyun Tara na, baka mahuli talaga tayo.” Umuo si Adam at Carmen sabay lakad patungo sa mga klase nila.
Eve:
“Paminsan-minsan na nga lang kami magkita, iyun pa ang pagtrato niya sa akin?! Iba talaga mama ko.”
padabog akong lumakad at sinipa ang malit na bato sa aking harapan. Makairita kasi, eh!
Nang bumungad na sa akin ang paaralan, mas binilisan ko ang aking paglakad.
‘At iyung Adam na mukhang unggoy, kahit ano lang ang pinagsasabi. Mag handa siya sa’kin mamaya!’
Pagpasok ko sa gate, agad akong nakita at tinawag ni manong bantay. Siguro, magtanong ung may I.D ba akong dala. Bawal kasi kami pakapasok dito tuwing Sabado o Linggo dahil walang pasok. Kaya kung may kailangang matapos o gagawin sa loob ng eskwelahan, dapat may I.D kaming dala upang makapasok.
“Manong, heto po, o. May dala akong I.D.” kinuha ko ang I.D na nasa aking bulsa at pinakita kay manong. Tumango naman siya sa akin.
Nang maglakad n asana ako, napatigil ako at lumingon kay manong gwardya. Tinawag niya ulit kasi ak.
“Kolehiyo k aba, hija?” bakit niya ako tinatanong ng ganoon? Mag librerya lang man ako. Bahala na si batman. Tumango ako kay manong at ngumiti.
‘Hindi ibig sabihin na kahit pandak ako, hindi ako kolehiyo! Si manong kasi, eh!’
“Sige, mauna ka na at baka mahuli ka sa iyong klase.” kumaway si manong sa akin at hindi na ako pinansin. Mahina akong napatawa.
“Hay nako, manong gwarya. Mukhang dali ka na makalimot ngayon, ah. Baka nakalimutan mo, walang pasok ngayon.”
napangiti ako sa aking sarili at tumakbo habang tumatawa. Naibsan naman ang galit na aking nararamdaman nang dahil kay manong. Nakakatawa kasi, eh.
Nang malapit na ako sa loob, napansin ko na may ibang estudyante dito at ang iba sa kanila ay naka uniporme. Nako ho!
‘May kaganapan?’ sa pagakaalam ko kasi, walang kaganapan ngayon, at wala naman akong iskedyul.
Mabilis akong pumasok sa loob at tumakbo patungong librerya. At habang tumatakbo, namalayan ko na ang iba ay nakatingin sa akin na para bang ngayon lang nila ako nakita.
Sa hindi kalayuan, nakita ko si Jab, kaibigan at kaklase ko. Sinigaw ko ang kanyang pangalan at tumabko palapit sa kanya, tawag-tawag ang kanyang pangalan. Napalingon naman siya sa akin, tinitigan ako na para bang nakakita ng multo. Ba’t parang gulat na gulat siya? Pareho din sa mga kasamahan niya.
Huminto ako sa kanyang harapan at hinabol saglit ang aking hininga. Napagod ako sa aking pagtakbo,
“E-eve! A-ayos ka lang ba? Kailan ka nakabalik? Asan ka galing? Waaah, mabuti at nahanap ka!”
nag-aalala at masaya niyang bati sa akin.
Ano ang nakain ng mukong na ito at parang nabaliw? Tumawa ako.
“Kung anon a iyang pinagsasabi mo. Oh, Jab, may kaganapan ban a mangyayari ngayon?”
Inosente kong tanong sabay titig sa kanyang mga mata.
Tinitigan naman ako sa iba niyang kasamahan na para bang nawawala ako at wala sa sarili.
“O-oy, pare, ayos ka lang ba, sigurado ka?!” nabigla ako nang hinawakan niya ako sa magkabila kong bara at pinaikot.
Binatukan ko siya sa ulo bilang ganti. Napahawak naman siya sa ulo niya, tumingin sa akin habang nakasimangot.
“Sakit nun, ah!” reklamo niya sa aking sabay tingin sa aking ng masama.
“Sagutin mo nga kasi ako!” reklamo ko naman sa kanya. Tumingin ako sa mga kaibigan niya, umaasa na baga sagutin nila ako.
“A-ah, w-wala naman, ho.” Ngumiti ako sa babae bilang pasasalamat. Sinagot niya kasi ako.
“Kung ganoon, bakit kayo nandito?” baka may aasikasuhin silang proyekto? Pwede rin, pero bakit naka-uniporme ang iba? Tumingin ako kay Jab.
“Eh, ano pa ba. Syempre, may pasok kaya kami nandito. Hindiba’t nandito rin dahil may klase ka ngayon?”
sarkastikong sagot niya sa akin. Tinitigan ko siya ng masama. Napagtanto naman ako sa sinabi niya.
“A-ano, may pasok ngayon? Eh, Sabado ngayon, ah!” pabulong kong sigaw. Ayun, tinitigan niya ako na mukhang baliw at wala sa katinuan.
“Ulol! Anong Sabado, eh, lunes ngayon, pandak!” a-ano raw? Lunes ngayon? Eh, sa pagkakaalam ko, Sabado ngayon. Hindi ako sumagot.
“Gumising ka na nga! Mukhang tulog ka pa yata. Sige na, p’re, mauna na kami. Mag-usap nalang tayp mamaya tungkol sa nangyari sa’yo, ha? Mabuti at ligtas ka!”
nginitian niya ako ng malapad at lumakad na paalis sa akin habang kumaway. Ako naman ay hindi pa din gumalaw.
‘Ibig sabihin, kung lunes ngayon, mahuhuli ako sa klase!’ tumakbo ako agad patungo sa aking lase nang naalala ko na iniwan ko pala ang mga libro ko sa bahay. Patay! Lagot ako nito.
‘Librerya nalang muna ako. Manghiram ako doon ng libro.’
Nyla:
“Manang Lorry, natapos ko na ho ang pag-aayos sa mga aklat doon sa kabilang banda.”
Bulong k okay manang. Nandito kasi ako ngayon sa librerya, tinutulungan si manang Lorry sa pag-aayos ng mga aklat. Si manang kasi ang biblyotekaryo dito, matanda na kaya tinutulungan ko minsan.
“Salamat hija, ha? Kung may aklat kang gusto na hiraman, punta ka lang sa akin.” ngumiti si manang sa akin at pinunasan ang aking noo, napuno kasi ng pawis.
Nagmano ako kay manang at naglakad na paalis. Sa aking paglabas, lumingon ako saglit sa aking likuran, parang narinig ko kasi ang boses ni Eve. Nilibot ko ang aking paningin, pero wala eh.
‘Bahala na nga. Mali yata ang narinig ko.’
Binilisan ko ang aking paglakad atungo sa aking klase. Mag alas nwebe na kasi, sampung minute nalang. Ako lang ang naba sa talo kong kaibigan, hindi kami magkapareho ng iskedyul. Naiba kasi ang propesor ko sa kanila. Si Eve naman, iba din ang iskedyul niya sa aming apat.
May-akda:
Lumpas ang dalawang oras nang natapos ang klase nina Adam, Jaime, at Carmen. Nagtungo ang tatlong magkaibigan sa kantina. Don kasi nila napagplanohan na magkita. Antayin pa kasi nila si Nyla, sapagkat may tatlumpung minute pa bago matapos ang klase ng dalaga.
“Kailangan na natin matapos mamaya an gating tesis.” Napabuntong hininga si Carmen sa sinabi ni Adam. Ang problema lang siguro ng binate ay tungkol sa eskwela at mga proyekto.
“Mamay agad? ‘wag muna, gusto ko pa magpahinga, eh.” Reklamo naman ng dalaga. Gusto pa kasing maggala.
“Car, mas mabuti na matapus na natin mamaya. Swerte nga tayo ngayong araw na ito dahil wala tayong ibang gagawin. Wala rin akong klase sa hapon.”
suway naman ni Jaime sa kaibigan niyang dalaga.
“Ta—aray!” napasinghap si Carmen sa sakit nang may nabangga siya at bumagsak sa sahig. ‘Ang sakit ng aking puwit!’ reklamo ng dalaga sa sarili.
“Oy! Ayos ka lang?” nag-aalalang tanong ni Adam.
Si Jaime naman ay hindi gumagalaw at nanatiling nakatulala habag nakatingin sa taong nakabangga kay Carmen.
“Ano ba! Tingin ka nga sa daan!” pasigaw na sabi ni Carmen. Nang tumingin ang dalaga sa taong umangga sa kanya, nanlaki ang kanyang mga mata.
“E-eve?!” hindi sigurado si Adam sa kanyang nakita. Tatlong araw na ang lumipas at nakita niya uit ang kanyang kaibigan.
“Nahanap ko na kayo, sa wakas! Asan ba kayo nanggaling, oy?” tumayo si Eve at hinampas-hampas ang kanyang puwit tsaka tinulungan si Carmen upang makatayo.
“Eve!” nabigla ang dalaga sa pagsigaw ni Carmen sa kanyang pangalan at yumakap ito sa kanya.
“Mabuti at ligtas ka! Paano ka nahanap ng mga pulis? Bakit hindi nila kami sinabihan?”
bumitaw ang dalawang magkaibigan sa kanilang yakapan. Malapad namang ngumit si Carmen kay Eve.
“Ano ang nangyari sa inyo at ganyan ang inyong mga tanong sa akin?” tumawa si Eve sabay hampas sa balikat ni Jaime.
“Halika, doon tayo sa bahay ni Jaime!” hinawakan ni Adam ang kamay ng dalaga at bilang hinatak paalis.
“O-oy, a-ano ang nangyari sa’yo?” nang bawiin sana ni Eve ang kanyang kamay, biglang huminto ang binata sa paglakad at humarap sa dalaga. Bumitaw si Adam sa paghawak sa kamay ni Eve at hinawakan ang dalaga sa balikat, at tumitig sa mga mata nito.
“Kailangan nating mag-usap!” seryosong wika ng binata. At bigla-bigla na lang niyang hinatak ulit si Eve paalis.
Sumunod naman agad sina Carmen at Jaime sa dalawa.
“Adam! Teka lang muna. Kailangan pa nating antayin si Nyla, at tsaka hindi pa naman tayo makalabas!”
sigaw ni Carmen. Napahinto naman si Adam at napakagat sa kanyang pang-ibabang labi.
“Doon nalang muna tayo sa kantina, p’re.” tumango si Adam at bumitaw sa pagkahawak kay Eve.
“Para kayong mga baliw! Kung ano nalang iyang iniisip ninyo!” napasimangot si Eve at masamang tiningnam isa-isa ang kanyang mga kaibigan.
Lahat sila ay tahimik na naglakad patungong kantina. Nang nakaupo sila sa pang-araw-araw nilang pwesto, walang kahit ni isa sa kanila ang nagsalita. Sampung minuto na ang lumipas, at hanggang ngayon ay wala pa ring umumik ni kahit isa. Ang apat na magkaibigan ay nagtitigan lamang sa isa’t isa nang naputol ito.
“Carmen! Oy!” sigaw ni Nyla sa hindi kalayuan habang tumatakbo. ‘Sino iyung babaeng kasama nila?’ tanong ng dalaga sa sarili.
Nang nasa harap na siya nina Adam, hinahabol niya ang kanyang hininga at pinakalma ang sarili.
“Pasensya na ha, kung pinag—“ napatitig si Nyla sa babae na kasama nina Carmen at napanganga.
“E-eve?!” pabulong na sigaw ng dalaga. Yumakap siya sa kanyang kaibigan at napaluha. Hindi siya makapaniwala! ‘Sa walas at bumalik na rin sa amin, Eve’, isip ng dalaga.
“Ano ang nangyari sa’yo? Hindi k aba nasaktan? Ayos ka lang ba?” hindi pinansin ni Eve ang tanong ng kanyang kaibigan. Sumasakit na ang kanyang ulo kakaisip ng mga dahilan kung bakit ganito ang kanyang mga kaibigan.
“Adam. Bakit mo sinabihan si mama na nawala ako? At tatlong araw pa talaga?! Bakit, ha? Bakit ka nagsinungaling kay mama?”
mariin na sabi ni Eve at klarong-klaro na galit nag alit na ang dalaga.
“Kung ano man ang sinabi ni tita sa iyo, wala akong masabi. Dahil iyun rin naman talaga ang totoo.”
nagtitigan ang dalawa at walang umimik ni kahit isa sa kanila. Halatang-halata na pinipigilan lang nila ang magsigawan.
“Na ano? Na wala akong kwentang anak dahil hindi ako nagpaalam sa kanya?! Iyan din ba ang turing mo sa akin, Adam? Na wala akong kwentang kaibigan?”
tumulo na ang mga luha na pinipigilan ng dalaga at napahagulhol.
Agad namang tumabi si Nyla sa kaibigan at niyakap ito. Hindi rin naman inaasahan ng binata na iyun pala ang sinabi ng nanay ni Eve sa kanya.
“Tahan na. Tahan na, Eve. Huwag ka nang umiyak.” dahan-dahang pinakalma ng dalaga ang kaibigan. Iyak kasi nang iyak.
“Oo! Wala kang kwentang kaibigan, Everene! Nawala ka lang bigla at lahat kami dito ay nag-aalala para sa iyo. At babalik ka lang bigla nang hindi naming alam?! Ni hindi nga namin alam kung maayos ba ang lagay mo o napano ka!”
hinampas ni Carmen ang lamesa gamit ang dalawa niyang kamay at tumayo. Tsaka tumulo ang kanyang mga luha. Nabigla ang lahat na nasa kantina nang dahil sa biglang pagsigaw ng dalaga.
Hinawakan ni Jaime ang kamay ni Carmen, sa kadahilanang kumalma ang dalaga. Umupo si Carmen at pinunasan ang kanyang mga luha tsaka umiwas sa mga titig ni Eve.
“Iyan nga ang sinasabi ko sa inyo, eh! Kung ano-ano nalang ang pinagbintang ninyo sa akin! Bakit ba lahat kayo tinatanong ako kung asan ako galing, kamusta ako o bakit ako nawala?!”
sigaw pabalik ni Eve sa kanyang mga kaibigan tska tumako palayo sa barkada. Susundan sana ni Nyla ang dalaga nang pinigilan siya ni Adam. Ngunit hindi pinansin ni Nyla si ang binata at umalis, sinundan si Eve.
“Wala siyang naaalala, Adam. Paano na’to?” tumingin si Adam kay Jaime at malungkot na napailing.
“Hindi ko alam. Mabuti siguro kung sundan natin siya upang makapag-usap tayo ng mabuti.”
Tumango silang lahat sa isa’t isa at umalis nang kantina, sinundan sina Eve at Nyla.

Komentar Buku (25)

  • avatar
    Atti Itta

    nice

    22d

      0
  • avatar
    Jordan Mones

    jiju

    26/06

      0
  • avatar
    g Niks

    good

    05/04

      0
  • Lihat Semua

Bab-bab Terkait

Bab Terbaru